You are on page 1of 12

9

Filipino 9
Ikaapat na Markahan – Modyul 2

DAPAT O DI DAPAT GINAMIT NI


JOSE RIZAL ANG PANULAT PARA SA
KAPAKANAN NG BANSA

NegOr_Q4_Filipino9_Module2_v2
1 NegOr_Q4_Filipino9_Module2_v2
Filipino – Ikasiyam Na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat Na Markahan – Modyul 2: Dapat O Di Dapat Ginamit Ni Jose Rizal Ang Panulat
Para Sa Kapakanan Ng Bansa
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Evalyn M. Kitane


Editor: Venicar P. Eltanal , Crispina P. David
Tagasuri: Roshelle G. Abella, Lucille T. Folio, Janeth A. Celin,
Vincent Gee R. Abrasado, Crispina P. David
Tagalapat: Wendell Calingacion
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera
Joelyza M. Arcilla EdD Maricel S. Rasid
Marcelo K. Palispis JD, EdD Elmar L. Cabrera
Nilita L. Ragay EdD
Renante A. Juanillo EdD

Inilimbag sa Pilipinas ng
Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental


Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph

2 NegOr_Q4_Filipino9_Module2_v2
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-
aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay
sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang
itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng


mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung
sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-
aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan
niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit
sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng
pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at
pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit
pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang
bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung
sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM
na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa


kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

i NegOr_Q4_Filipino9_Module2_v2
ALAMIN

Hindi sa lahat ng pagkakataon ay pareho ng ideya ang lahat ng tao. Kung


minsan, ang pagkakaiba ng opinyon ng mga tao ang nagiging sanhi ng di
pagkakasundo-sundo at pagtatalo.
Ngayon, tuklasin natin ang paraan ng pagpapahayag ng opinyon na di
reresulta sa gulo. Gusto mo bang malaman? Halika ka na’t ihanda ang iyong sarili
sa bago na namang mga gawain.
Sa katapusan ng modyul na ito, inaasahan na ikaw ay:

• Nailalahad ang sariling pananaw, kongklusyon, at bisa ng akda sa sarili at


sa nakararami.
(F9PS-IVa-b-58)

MGA TIYAK NA LAYUNIN

Sa araling ito, inaasahang ikaw ay:


1. Nakapaglalahad ng mga patunay at nakagagamit ng mga angkop na
salita sa pagpapahayag ng opinyon;
2. Nakapagbabahagi ng sariling opinyon, reaksyon, at pananaw sa
paksang pagtatalunan; at
3. Nakapagpapahayag nang malaya ng sariling opinyon ukol sa isang
paksa.

1 NegOr_Q4_Filipino9_Module2_v2
SUBUKIN

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong sa bawat aytem at isulat ang
iyong sagot sa iyong sagutang papel.

1. Naglalayon itong manghikayat ng iba na paniwalaan ang sinasabi sa


pamamagitan ng pangangatwiran.
A. salitaan C. tulaan
B. debate D. dula

Para sa bilang 2-4. Piliin ang titik ng tamang sagot sa ibaba.


A. Necessity C. Practicability
B. Beneficiality D. Compatibility

2. Ang ibinibigay na talumpati ng tagapagsalita ay kung anong mga benepisyong


makukuha sa proposisyong pinagtatalunan.

3. Ang ibinibigay na talumpati ng tagapagsalita kung bakit posible o praktikal na


maisakatuparan ang hinihingi.

4. Ang ibinibigay na talumpati ng tagapagsalita ay hinihingi ng sitwasyon bilang


kailangan at tunay na solusyon.

5. Alin sa mga sumusunod ang dapat tandaan kung nagtatanong sa pagtatalo?


A. Ang tanong ay dapat hindi nasasagot ng oo o hindi.
B. Ang mga tanong ay nauukol sa iba’t ibang mga paksa.
C. Huwag hayaang magamit ng kalaban ang oras ng iyong pagtatanong.
D. Ibigay ang sariling opinyon sa hinihingi ng tanong.

Para sa bilang 6-9. Piliin ang titik ng tamang sagot sa ibaba.


A. Debateng Oregon C. Debateng Oregon-Oxford
B. Debateng Oxford D. Debateng Orford

6. Ito ay madalas na paraang ginagamit sa pagtatalo.

7. Binubuo ng dalawang koponan na may 2-3 kasapi ang debateng ito.

8. May tatlong tagapagsalita bawat pangkat ang debateng ito kung saan ang
bawat unang tagapagsalita ay maghaharap ng pagmamatwid ng kanikanilang
panig.

9. Ang debateng ito ay naglalahad ng proposisyon.

2 NegOr_Q4_Filipino9_Module2_v2
10. Ang mga sumusunod ay mga dapat tandaan sa talumpating pagtuligsa maliban
sa .
A. Ipaalam ang kakulangan sa mga katibayan ng kalaban
B. Ipaliwanag ang kakulangan sa mga katibayan ng kalaban.
C. Mahinahon at maliwanag na ilahad ang mga kamalian sa katuwiran ng
kalaban.
D. Ipaalam sa kalaban at mga tagapakinig kung may paglabag sa mga
alituntunin sa pagtuligsa

11. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahiwatig ng kahalagahan ng pagtatalo?


A. Malinang ang kasanayan sa wasto at mabilis na pag-iisip.
B. Malinang ang kasanayan sa lohikal na pangangatwiran.
C. Malinaw na naipapakita ng tagapagsalita ang kanyang emosyon.
D. Malinaw na naipapakita ang maling pagmamatuwid.

12. Ang mga sumusunod na pahayag ay mga dapat tandaan ng tagapagsalita sa


pagtatanong MALIBAN sa .
A. Huwag hayaang magamit ng iyong kalaban ang oras ng iyong pagtatanong.
B. Ang tanong ay dapat hindi lamang nasasagot ng Oo o Hindi.
C. Ibigay lamang ang sagot sa hinihingi ng tanong.
D. Ang mga tanong ay nauukol lamang sa paksang pinagkasunduan.

13. Ang mga sumusunod na pahayag ay mga kahulugan ng pagtatalo MALIBAN


sa .
A. Ang pagtatalo ay isang tagisan ng dalawang grupo ukol sa kanilang
pananaw o opinyon sa isang paksa.
B. Ang pagtatalo ay isang uri ng pahigitan sa bawat grupo.
C. Ang pagtatalo ay pagtatalo ng maraming paksa.
D. Ang pagtatalo ay isang sining ng gantihan ng katwiran ng magkasalungat
na panig.

14-15. Magbigay ng dalawang kahalagahan ng pagtatalo.

A.
B.

3 NegOr_Q4_Filipino9_Module2_v2
TUKLASIN

Panuto: Tingnan ang mga larawan sa ibaba at sagutin ang mga sumusunod na
tanong.

David, 2022 David, 2022

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang kalimitang sanhi ng pagsisigawan at kaguluhan?

2. Mayroon kayang paraan para maiwasan ito? Paano?

SURIIN

Ang debate o pagtatalo ay isang tagisan ng dalawang grupo ukol sa kanilang


pananaw o opinyon sa isang paksa. Masasabi rin natin na ito ay isang uri ng pahigitan
sa bawat kampo.

Naglalayon itong makapanghikayat ng iba na paniwalaan ang sinasabi sa


pamamagitan ng pangangatuwiran. Maaari itong nakasulat o binibigkas. Ayon kay
Arrogante, ang pagtatalo ay isang sining ng gantihan ng katwiran o matuwid ng dalawa
o higit pang magkasalungat na panig tungkol sa isang kontrobersyal na paksa.

Kahalagahan ng Pagtatalo

• Malinang ang kasanayan sa wasto at mabilis na pag-iisip.


• Malinang ang kasanayan sa lohikal na pangangatwiran.
• Malinang ang kasanayan sa pag-uuri ng tama at maling pagmamatuwid.

4 NegOr_Q4_Filipino9_Module2_v2
• Nabibigyang kahalagahan ang magandang asal tulad ng paggalang, pagtitimpi,
pagpipigil ng sarili.
• Magkakaroon ng pag-uunawa sa mga katwirang inilahad ng iba at pagtanggap •
sa nararapat na kapasyahan.

Dapat Tandaan sa Pagtatalo

• Kailangang magkaroon ng isang kapasyahan o proposisyon na nakasaad sa isang


positibong pahayag.
• Isaalang-alang ang antas ng pang-unawa ng mga nakikinig.
• Kailangan may katumbas na katibayan ang lahat ng katwiran at ito ay nakahalad
sa isang maayos na pagpapahayag.
• Ilahad nang maayos at mahinahon ang mga mali sa katwiran ng kalaban.
• Ipaliwanag ang mga kahinaan ng mga ebidensya o patunay na inilahad ng kalaban.

Dapat Tandaan sa Pagtatanong

• Huwag hayaang magamit ng iyong kalaban ang oras ng iyong pagtatanong.


• Ang tanong ay dapat nasasagot lamang sa OO o HINDI.
• Ibigay lamang ang sagot sa hinihingi ng tanong.
• Ipaalam sa tagapamahala ng pagtatalo kung lumabag sa itinakdang pamantayan
ng pagtatanong ang isa sa kanila.
• Ang mga tanong ay nauukol lamang sa paksang pinagkasunduan.

Dapat Tandaan sa Talumpating Pagtuligsa (Rebuttal)

• Mahinahon at maliwanag na ilahad ang mga kamalian sa katuwiran ng kalaban.


• Ipaalam ang kakulangan sa mga katibayan ng kalaban.
• Ipaliwanag ang kahinaan at kamalian ng mga argumento ng kalaban.
• Ipaalam sa kalaban na walang kaugnayan ang mga binanggit na katwiran sa
paksang pinagtatalunan.
• Ipaalam sa kalaban at mga tagapamahala kung may paglabag sa mga alituntunin
sa pagtuligsa.
• Tapusin ang talumpati sa pamamagitan ng paglalagom sa mga inilahad na
katuwiran at katibayan.

Mga Tagapagsalita o Speaker

1. Beneficiallity – ang ibinibigay na talumpati ng tagapagsalita ay kung anong


mga benipisyong makukuha sa proposisyong pinagtatalunan.
2. Practicability – ang ibinibigay na talumpati ng tagapagsalita kung bakit
posible o praktikal na maisakatuparan ang hinihingi.
3. Necessity – ang ibinibigay na talumpati ng tagapagsalita ay hinihingi ng
sitwasyon bilang kailangan at tunay na solusyon.

5 NegOr_Q4_Filipino9_Module2_v2
Uri ng mga Pagtatalo

➢ Debateng Oregon-Oxford
• Madalas gamiting paraan ng pagtatalo
• Binubuo ng dalawang koponan na May 2-3 kasapi
• May mga huradong susuri sa mga argumento na may sapat na kaalaman sa
paksa

➢ Debateng Oxford (Rufino Alejandro)


• Pagpapakilala ng bawat koponan (pagtukoy sa mga tuntunin) o Paglalahad ng
proposisyon o Pagbibigay ng katuturan
• Paglilinaw sa mga isyu o buod ng pangangatwiran
• Pagtatalo

➢ Debateng Oregon
• Unang Tagapagsalita ng dalawang panig - maghaharap ng pagmamatuwid ng
kani-kanilang panig
• Pangalawang Tagapagsalita - magtatanong upang maipakilala ang karupukan
ng mga matuwid na panig ng katalo.
• Pangatlong Tagapagsalita - maghaharap ng pagpapabulaan bago lalagumin
ang mga matuwid ng kani-kanilang panig.

PAGYAMANIN

Panuto: Ibigay ang iyong panig (Sang-ayon o Tutol) sa sumusunod na isyu.

1. Pagbibigay ng kongreso sa pangulo ng special powers para


matugunan ang CoVid 19 Pandemic.

2. Pagpapalawig ng termino sa mga opisyal ng barangay.

3. Pagsasabatas ng Anti-terror Bill.

4. Pagsuspende ng face-to-face learning sa lahat ng paaralan


hangga’t wala pang bakuna.

5. Pag-okupa ng puwersang militar ng Tsina sa mga islang


sakop ng Pilipinas.

6 NegOr_Q4_Filipino9_Module2_v2
ISAISIP

Laging isaisip na ang debate o pagtatalo


ay hindi lamang pagpapahayag ng sariling
opinyon o ideya ukol sa isang paksa, kundi ito rin
ay nagbibigay lakas ng loob sa mga mag-aaral
na ipahayag ang makatwiran nilang opinyon.

ISAGAWA

Ipahayag ang sariling saloobin o opinyon ukol sa paksang nasa kahon. Isulat ang
iyong opinyon sa sagutang papel.

“Dapat o di dapat ginamit ni Jose Rizal ang panulat para sa


kapakanan ng bansa”

RUBRIKS SA PAGSULAT NG OPINYON


Nilalaman 5 4 3 2 1
• Pagsunod sa uri ng anyong hinihingi
• Lawak at lalim ng pagtalakay

Balarila
• Wastong gamit ng wika
• Paglimita sa paggamit ng mga
salitang hiram
Hikayat
• Paraan ng pagtalakay sa paksa
• Pagsunod sa tiyak na panutong
ibinigay ng guro kaugnay sa gawain

7 NegOr_Q4_Filipino9_Module2_v2
TAYAHIN

I. Hanapin sa loob ng kahon ang sagot sa bawat aytem. Titik lamang ang isulat sa
iyong sagutang papel.

A. Debate E. Compatibility
B. Beneficiality F. Debateng Oregon-Oxford
C. Practicability G. Debateng Oregon
D. Necessity H. Debateng Oxford

1. Naglalayon itong manghikayat ng iba na paniwalaan ang sinasabi sa


pamamagitan ng pangangatwiran.
2. May tatlong tagapagsalita bawat pangkat ang debateng ito kung saan ang
bawat unang tagapagsalita ay maghaharap ng pagmamatwid ng
kanikanilang panig.
3. Ito ay madalas na paraang ginagamit sa pagtatalo.

4. Binubuo ng dalawang koponan na may 2-3 kasapi ang debateng ito.

5. Ang ibinibigay na talumpati ng tagapagsalita kung bakit posible o praktikal


na maisakatuparan ang hinihingi.
6. Ang ibinibigay na talumpati ng tagapagsalita ay kung anong mga benepisyong
makukuha sa proposisyong pinagtatalunan.

7. Ang ibinibigay na talumpati ng tagapagsalita ay hinihingi ng sitwasyon bilang


kailangan at tunay na solusyon.

8. Ang debateng ito ay naglalahad ng proposisyon.

II. Punan ng tamang impormasyon ang bawat aytem. Isulat lamang ang sagot sa
sagutang papel.

9-10. Magbigay ng dalawang dapat tandaan ng tagapagsalita sa pagtatalo.


11-13. Ibigay ang tatlong uri ng pagtatalo.
14-15. Magbigay ng dalawang dapat tandaan sa talumpating pagtuligsa.

8 NegOr_Q4_Filipino9_Module2_v2

You might also like