At NG: NG Anim Na Beses at Sisigaw NG "Oh Yeah."

You might also like

You are on page 1of 3

I.

Layunin
Pagkatapos ng talakayan, ang mag-aaral ay inaasahang matatamo ang
sumusunod nang 75% tagumpay:
A. Nakikilala ang mga hudyat ng sanhi at bunga na ginamit sa pangungusap
B. Nagagamit ang mga hudyat ng sanhi at bunga ng mga pangyayari
II. Paksang Aralin
A. Paksa: Mga Hudyat ng Sanhi at Bunga
B. Mga Kagamitan: Telebisyon, mga Larawan, Powerpoint Presentation, ispiker
maliit na kahon at envelope
C. Sanggunian: Pinagyamang Pluma 8
III.Pamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin;
2. Pagtala ng lumiban sa klase;
3. Balik-Aral
 Ano ang kahulugan ng pang-uri?
 Magbigay ng mga halimbawa ng pang-uri.

4. Pagganyak
Papangkatin ng guro ang klase sa tatlo at bawat grupo ay bibigyan ng
dalawang larawan. Kung ang dalawang larawan ay magkaugnay tatayo’t
sisigaw ang pangkat ng “ fli fla flo, hey! ” at kung hindi naman ay papadyak
ng anim na beses at sisigaw ng “oh yeah.”

B. Paunlarin
1. Paglalahad
Guess What?!
Base sa mga larawan na ipakikita ng guro sa monitor ay huhulaan ng mga
mag-aaral kung ano ang paksang tatalakayin.

H D Y T ng S N I
at B N A

2. Pagtatalakay
 Pagtalakay sa konsepto ng sanhi at bunga.
 Ilalahad ng guro ang mga salitang ginagamit bilang hudyat ng paglalahad
ng sanhi at bunga.
Gawain 1: Tulungan mo ako baby!
Magpapaikot ng isang kahon ang guro na naglalaman ng mga pahayag
kasabay ng saliw ng musika. Kung sino man ang may hawak ng mahiwagang
kahon sa pagkakataong tumigil ang musika ang siyang bubunot at gagawa ng
isang makabuluhang pangungusap gamit ang mga hudyat ng sanhi at bunga.

3. Paglalapat
Pangkatang Gawain
Sa loob ng envelope ay may nakasulat na mga gawain. Gawin nang tahimik
kasama ang mga kasapi ng bawat grupo. Bibigyan lamang ang bawat pangkat
ng limang minuto upang magbagyuhang-utak.
Unang Pangkat: News Alert!
Ang pangkat na ito ay bubuo ng isang news flash sa loob ng limang minuto
tungkol sa pangyayaring naganap sa PAGPUTOK NG BULKANG TAAL
pagkatapos ay itatanghal ito ng mga kinatawan ng grupo. Kinakailangang
isaalang-alang ang mga hudyat ng sanhi at bunga sa pagbuo ng iskrip ng
balitang itatanghal.

Ikalawang Pangkat: Teatro Carleño


Ang pangkat na ito ay gagawa ng mga linyang pang-artista tungkol sa pagkabigo
sa pangarap at pag-ibig na kinapapalooban ng mga hudyat ng sanhi at bunga
pagkatapos ay itatanghal ito sa klase.

Ikatlong Pangkat: InfoMersiyal


Ang pangkat na ito ay bibigyan ng mga produktong pampaganda at sa tulong
komersiyal ay ihahatid nila ang resultang nagawa ng produkto sa kanilang
katawan. Isaalang-alang ang mga hudyat ng sanhi at bunga.

4. Paglalahat
Bakit mahalaga ang mga hudyat o salitang ginagamit sa pagpapahayag ng sanhi
at bunga?

IV. Ebalwasyon
A. Bilugan ang mga hudyat ng sanhi at bunga na ginamit sa pangungusap.
1. Maglulunsad ng kilos-protesta ang mga drayber ng dyip dahil sa sunud-
sunod na pagtaas ng gasoline.
2. Nag-ipon ng pera ang pamilyang Santos kaya nakapagpalista ang mga
bata sa pribadong paaralan.
3. Palibhasa’y gutom na gutom na si Gabriel, nakalimutan niyang alukin ng
pagkain si Carlo.
4. Manonood ako ng laro ng basketbol pagka’t isa sa mga manlalaro ang anak
ko.
5. Naghihigpit ang mga magulang sa mga anak na babae. Bunga nito,
natutong magrebelde ang ilan sa kanila.

B. Kumpletuhin ang pangungusap sa pamamagitan ng pagdurugtong ng


maaaring maging bunga o sanhi ng mga sitwasyon na ibinigay sa bawat
bilang.
1. Nakakuha ng mataas na marka si Jennie sa kanilang unang markahang
pagsusulit kaya naman _________________________________________.
2. Puro pagbubulakbol sa eskuwela ang kaniyang ginawa tuloy____________.
3. Nagsumikap si Kim para makapagtapos ng pag-aaral kaya _____________.
4. Hindi pumasok sa opisina si Manuel pagkat _________________________.
5. Masikip na ang lumang sapatos ni Mabel kaya_______________________.

V. Kasunduan
Sumulat ng talatang nagpapahayag ng iyong sariling palagay tungkol sa
ipnagbabawal na gamot. Banggitin ang posibleng epekto nito sa buhay ng isang
tao. Gumamit ng mga hudyat ng sanhi at bunga sa pagsulat nito.
ARCHDIOCESE OF LINGAYEN – DAGUPAN CATHOLIC SCHOOL
SAINT CHARLES ACADEMY
Malong Street, Lungsod ng San Carlos, Pangasinan (2420)
P.T. 2019-2020

Mala-Masusing Banghay-Aralin
sa Filipino 8
(Mga Hudyat ng Sanhi at
Bunga)

Inihanda ni:
MAYBELEN B. CALUGAY
Guro sa Filipino 8

You might also like