You are on page 1of 1

Audrey Alexis Manzano

Sleep Paralysis
Ang pagtulog ang isa sa mga halimbawa ng pagpapahinga na kung saan nasa pahinga ang
ating mga katawan at walang ginagawa. Ang tao ay kinakailangan na magkaroon ng sapat na
tulog gabi-gabi, na kung saan dapat magkaroon tayo ng walo hangang sampung oras ng pagtulog
na kinakailangan ng ating katawan. Ang pagtulog ay labis nating kailangan dahil kung wala ito
ay talagang ikakamatay natin.

Huwag nating hayaan ang sarili nating makulangan o masobrahan sa pagtulog dahil ito ay
magandan sa ating kalusugan. Ngunit kahit pala sa oras ng pahinga gaya ng pagtulog ay may
nakukuha at nararamdaman tayong mga komplikasyon sa ating katawan isa n ditto ang tinatawag
nating Sleep Paralysis. Ang Sleep Paralysis ay ang hindi kakayahang gumalaw o magsalita ang
isang tao pagka gising nito. Ito ay kalimitang nararanasan kapag ang isang tao ay gumising bago
matapo ang kanyang panaginip na tinatawag ding REM ( Rapid Eye Movement ). Ito ay
nagtatagal ng isa hanngang dalawang minuto ayon sa Mayo Clinic. Ang mga nakakaranas nito ay
nakakaramdam ng kabigatan sa kanilang dibdib at para bang may sumasakal sa kanila.

Noong una ay pinaniniwalaan nilang mayroong parang demonyo and nagiging dahilan ng
sleep paralysis sa pamamagitan ng pag sakal o pag upo sa kanilang dibdib. Ngunit napatunayang
ito ay dahil sa halusinasyon na isang simptomas ng sakit na ito dahil ang isip natin ay
nananaginip pa lamang.

Ang karanasang ito ay talagang nakakatakot at napakaka pangamba para sa mga taong
nakakaranas ng ganitong hindi pangkariwang pangyayari ngunit masasabing ang sitwasyong ito
ay hindi dulot o hindi dahil sa gawaing super natural o kababalaghan. Ang sleep paralysis ang
maaraing magsimula sa gaya ng Sleep Depriviation o ang kakulangan sa pagtulog, mga ini inom
gamot, hindi eksaktong pagtulog na ang tawag din ay Sleep Apnea.

Sabi ni Dr. Shelby Harris isang director ng Behavioral Sleep Medicine sa Sleep-Wake
Disorders Center sa New York, ang Sleep Paralysis din daw ay maaring isang simptomas ng
isang pasyenteng may Narcolepsy. Ang mga taong may gulang na 10 hanngang 25 daw ang
kalimitang nangyayari ang sakit na ito ayon sa Mayo Clinic. Ang Sleep Paralysis din daw ay mas
makikita sa mga taong may Post-Traumatic stress at panic disorder na kung saan maaring
nakaranasan nang trauma noon. Napag aralan din ni Daniel Dennis isang Psychologist sa Univ.
of Sheffield sa England na ang Sleep Paralysis ay maaring namamana o Genetic.

Sa pangkalahatan walang lunas ang sakit na ito. Ngunit may maaraing prebensyon dito,
ang sabi ng mga doctor ang mga taong nakakaranas ditto ay dapat siguraduhing magkaroon ng
regular at sapat na pagtulog, pag iwas sa alak, nicotine at droga sa gabi bago matulog pati narin
ang pag inom ng kape dalawang oras bago matulog.

You might also like