You are on page 1of 2

Ang Filipino Bilang Wika sa Matematika

Matematika ang isa sa pinakamahirap ngunit pinakakailangang asignatura na nagbibigay kasagutan sa mga

tanong at problemang mayroon kinalaman sa numero, sukat, kapasidad, istraktura at pagbabago.

Ang komunikasyon at pagkatuto ay nararapat na magkaroon ng matatag na ugnayan upang ang kahirapan sa

pag-aaral sa anumang larangan o asignatura ay mapagtatagumpayan sa pamamagitan nang maayos at

epektibong paraan ng pagbabanggit ng mga ideya at suliranin (Daniel at Housley-Gaffney, 2009).

• Isa sa malaking hamon ay kung aling wika ang gagamiting midyum sa pagpapahayag. Alinsunod sa mga

pananaliksik at mungkahi ng UNESCO 2003 at Summer Institute of Linguistics (SIL) (2007), praktikal

na gamitin ang alinmang wikang higit na gamay ng mga mag-aaral, kung saan sila higit na bihasa,

• Ilan sa hamon at suliraning kinakaharap ng mga mag-aaral sa asignaturang matematika ay kung paano

sila magpapahayag ng kanilang sagot. Sa katunayan, sanhi ng katotohanang napakahirap na asignatura

ang matematika para sa maraming mag-aaral, binibigyang-turing ni Moschkovich (2013) na higit itong

naging hamon lalo pa at kung dumaragdag na balakid ang mga suliraning pangwika.

• Acelajado (1996) na walang anumang naging pag-aaral na makapagsasabi at makapagpapatunay na

dapat ay ingles ang gamiting midyum sa matematika at wala pang matibay na magpapatunay na ang

ingles, bilang midyum, ay magpapabago sa antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral.

• Pinatunayan din sa kaniyang artikulo na sa mga pagkakataong nahihirapan ang mga mag-aaral na
maunawaan ang aralin sa matematika na itinuturo sa wikang ingles, nagiging mas kawili-wili at madali
ito gamit ang wikang Filipino.
• Binanggit naman ni Aldaba (1996) na may ilang pananaliksik na naisagawa na masigasig na

nagtataguyod sa Filipino bilang wika sa pagpapadali sa pag-aaral, lalo na sa agham at matematika,

kailangan lang pag-ibayuhin. Sa kaniyang karanasan napatunayan niyang mas nakapagpapadali ng

pagkatuto ang paggamit ng Filipino sa pagtalakay.

Malaki ang maiaambag sa pagkatuto at sa pagpapadali at pagtuturo ang paggamit ng wikang Filipino, maging sa

mga asignaturang teknikal tulad ng matematika. Maaaring kulang lang sa kasanayan ang ibang mga guro at

mag-aaral sa paggamit ng sariling wika subalit malalasap ang sarap na bunga ng pagtuturo at pagkatuto kung

mahahasa sa paggamit sa wikang Filipino na malapit sa ating puso.

• Addition- Lakta o Talulod • Algebra-Panandaan • Angle-Siha/talulo


• Arithmetic-Bilnuran • Cube-Talurami • Formula-sanyo
• Binomial-Dahukay • Cube root- Taluugat • Fraction-bagahimbilang
• Calculator-Pantaya • Decagon-Pulsiha • Heptagon-Pitsiha
• Calculus-Tayanan • Decimal- Sampuan • Potential Functions-
• Carry over-Lakta • Denominator-Pamahagi Pangunahing Kabisa
• Circumference-Tikop • Elements-Mulhagi • Graph-Talangguhit
• Coefficient-Katuwang • Equals-Tumbas • Hypotenuse-Gilis
• Cone-Talulo/Tagilog • Equation-Tumbas • Infinity-Awanggan
• Congruent-Kalapat • Exponential-paulitin • Integer-Buumbilang
• Constant-Lagian • Factor-kabuo • Linear Equation-Tuwiring
• Coordinate-Katayuwat • Factorial-Bunin Tumbasan
• Logarithm-Logpaulit • Trinomial-Talukay
• Mathematician-Sipnayanon • Trigonometry-Tatsihaan
• Multiplier-parami • Trinomial-Talukay
• Nonagon-Samsiha • Variable-Aligin
• Numerator-Panakda • Vertex-Bagtasan
• Operation-Sakilos
• Pentagon-limsiha
• Plane Figures-Lapyang Laraw
• Polynomial-Damikay
• Power-Lambal
• Probability-Kalagmitan
• Protractor-Paniha
• Pyramid-Tagilo
• Quadrant-Kapatan
• Quadratic Equation-Dawaking Tumbasan
• Quotient-Kahatian
• Radical-Pangugat
• Ratio-Tagway
• Remainder-Labi
• Sequence-datig
• Slope-Hilig
• Square-Parirami
• Square root –Pariugat
• Statistics-Palautatan
• Solve-Lutasin
• Subtrahend-Pabawas
• Subset-Kubtangkas
• Table-Talahanayan
• Tangent-Dikit

You might also like