You are on page 1of 14

Module 10

Oral na paglalahad ng pag-aaral

Sa katapusan ng modyul na ito, ang bawat mag-aaral ay inaasahang


1. Naiisa-isa ang oral na paglalahad ng pag-aaral.
2. Napahahalagahan ang mga napapanahong isyu sa tulong ng oral na
paglalahad ng pag-aaral.
3. Nakabibigkas ng isang talumpati gamit ang rubric sa oral na
paglalahad ng pag-aaral.

Panimula

Isa sa mga patunay na ang isang pananaliksik o pag-aaral ay napagtagumpayan ay kung ito ay
mailalahad sa harap ng partikular na audience o tagamasid, at magpapatibay sa pagkamakatotoo
nito.

Ang paglalahad na oral ay nangangailangan ng paghahanda upang maipaliwanang nang


maayos, tama at may paninindigan ang isinagawang pag-aaral. Ang katagumpayan nito ay
nakasalalay sa kaalaman at kahandaan ng mananaliksik. Ang nilalaman at pinaghanguan, lalo na ang
layunin at kaligiran ng pag aaral ay dapat na nauunawaan at maipapabatid sa paraan na madaling
maunawaan ng audience o panel.

Ang pagsasagawa ng maayos at mabuting oral na paglalahad ay kinapapalooban rin ng


atensyon sa pangangailangan ng audience, masusing paghahanda, at pagkonsidera sa delivery nito.
Kasangkot rin sa mga paghahanda ay ang mga tala, visual aids, teknolohiya gaya ng computer,
projector at iba pa.

Inaasahan na sa matapos ang modyul na ito, lohikal na maipipresenta ang isinagawang pag-
aaral mula sa mga naunang modyul at pagtalakay.
Sistemang Berbal, Di Berbal at Ekstra-Berbal na Komunikasyong Pilipino

Tayo ay gumagamit ng iba’t ibang sistema upang maitawid ang mensaheng nais ipaabot sa
tatanggap. Sa pagkakataong nangyayari ang komunikasyon, mababakas ang pag-iral ng maka-
Pilipinong gawi. Lumutang ang ating pagka-Pilipino.

Mula sa inilahad nina Evasco at Ortiz (2008) na nanggaling sa tala ng Jeepney Gang at ni Cruz,
tayahin ang iyong sarili sa mga piling gawing Pilipino na mababanggit sa ibaba. Lagyan lamang ng
tseka ng hanya ng kahon sa AKO IYAN ! at HINDI AKO IYAN!

AKO IYAN! GAWING PILIPINO HINDI AKO IYAN!


Nagkakamot ng ulo kapag hindi alam ang sagot o nalilito.
Gumuguhit ng parisukat sa hangin para kunin ang bill sa
restawran.
Itinatala ang tangkad ng mga bata sa dingding.
Spaghetti ang tawag sa lahat ng mga pagkaing pasta.
Nggpipilit na ilibre ang kakilalang nakasakay sa jeep o
bus.
Mahilig magpadala ng quotes at dasal sa cellphone
Hindi marunong humindi. Laging sinasabing “susubukan
ko”.
Iniiwan ang sapatos o tsinelasbago pumasok ng tahanan.
Inaakalang lahat ng doctor ay nanggagamot.
May estatwa ni Buddha para dumating ang suwerte.
Ginagamit ang daliri para sukatin ang tubig sa
pagsasaing.
Nahihiya kapag pinupuri at nagsasabing “hindi naman”.
Nagsusuot ng retainers kahit nakapustiso.
Handa nang mag-aral ang bata kapag naaabot na ng kang
kamay ang kaliwang tainga.
Pinipilit na makalikha ng ugnayan sa mga taong
nakikilala tulad ng malalayong kamag-anak, dating
kaklase, kababayan, o kababata.

Matapos ang sariling pagtataya, mapatutunayang may naiibang paraan tayong mga Pilipino sa
pakikipag-ugnayan at pagpapakilala ng ating mga sarili bilang isa ring natatanging lahi.
Mula sa mga nakatalang gitnang hanay, mahihinuha ang iba-ibang sistemang ginagamit ng
mga Pilipino na magpapalutang ng kanyang paniniwala, kilos at praktika sa buhay-Pilipino. Balikan
ang mga ito at suriin ang mga itinatampok na sistemang pangkomunikasyon.

Maituturing na berbal at di berbal ang komunikasyon ayon sa medyom na ginagamit sa


paghahatid ng kaalaman, mensahe o damdamin. Ang sistema ng paggamit ng wika sa
pakikipagtalastasan ay maituturing na berbal (linguistics), ekstra-berbal at di-berbal.

Intensyonal itong isinasakatuparan kung pili ang mensaheng nais na ihatid. Hindi naman ito
sinasadya kung mula sa pagbulalas ng damdamin at pagpapahayag.

1. Berbal ang komunikasyon kapag ginagamitan ng wika. Ito’y maaaring pasalita o pasulat.
Naisasakatuparan ito sa iba’t ibang kasanayang pangwika.

Reseptibo pakikinig, panonood at pagbabasa


pagsasalita at pagsulat
Produktibo

2. Ekstra-berbal ang sistema ng paggamit ng wika sa komunikasyon kung ang bahaging berbal ay
napakikinggan tulad ng mga ponemang suprasegmental. Tinatawag din itong
paralinguistic/paralanguage o vocalic. Maiuuri ito sa pandamdamin, panlarawan, panghiwalay.

Pandamdamin pag-iyak,pagtawa, pagsigaw, panaghoy, paghikab


tono, intonasyon, diin, haba at hinto
Panlarawan
aaaah, pssst, hmmm
Panghiwalay

3. Di berbal naman ang komunikasyon kung ang paghahatid ng mensahe ay walang paggamit ng
wika. Tunay nga, mas maraming sinasabi kapag walang sinasabi.Ito ay nabubuo mula sa panig ng
pinanggalingan ng mensahe at ang paggamit ng kanyang kapaligiran at may taglay na kahulugan na
pinagsasaluhan kapuwa ng naglahad at tumanggap.

Ginagamit ang mga ito sa layunin ng pag-uulit, pagpuri, pamalit at pagkontrol.

Pag-uulit  Pagpapahinto gamit ang palad na nakalahad sa kausap at makailang ulit


na ginagalaw
 Pagpapahindi gamit ang daliri
 Pag-uulit ng mensahe ng pagturo ng tiyak na lugar bilang suplemento sa
oral na pagsasabi

Pagpuri  Pagtapik sa balikat ng kausap, pagpalakpak

Pamalit  Paglagay ng daliri pantapat-pantakip sa bibig bilang kapalit ng


pagpapatahimik
 Pagtaas nang sabay ng mga kilay bilang pagkilala sa kaibigang
nakasalubong sa daan

Pagkontrol ng  Pagtango bilang pagsang-ayon


sitwasyon  Pananahimik na kumakatawan ng maaaring pagsang-ayon o hudyat ng
pagsisimula

Ito ay makikilala sa panahon, espasyo, mosyon, biswal at gamit ng mge senso.

Panahon  paggamit ng oras


(chronemics)  ang tagal ng pagsasagawa ng isang gawain
 ikli o haba ng pagtatakda ng isang sitwasyon
 pagtupad sa itinakdang oras ng pagkikita
 pagkilala sa oras na napakahalaga at tiyak na sinusunod (kulturang M-
time/ monochromic)
 pagkilala sa oras bilang hindi gaanong konkretong elemento, nagbabago
at nagtatagal (kulturang P-time/polychronic)
 kaisipang kahapon, ngayon at bukas sa mga sitwasyong cultural

Espasyo  may kahulugan ang distansya(lapit o layo) ng tao o mga bagay sa isa’t
(proxemics) isa
_lubhang malapit na ugnayan tulad ng proteksyon sa minamahal (3-6
pulgada)
_malapit na ugnayan para sa usaping confidential (8-20pulgada)
_may pantay na ugnayan para sa mga transaksyon at panlipunang
diskurso (21-36 pulgada 41/2-5ft)
_pampublikong distansya sa mga pormal na diskurso (5 ½-8ft)
_pansilid na komunikasyon sa klase at pampublikong pagtitipon (8ft-
20ft.)
_malayong distansya sa pampublikong pagtatalumpati (21 ft. at higit
pa)
 ang panlipunang agwat ng tao

Pangkalahatang  paggamit ng mga bagay o mga parating hawak o nakasanayang


anyo dalhin(objectics)
 ang pagpili at paraan ng pananamit at ayos ng tao
 kasuotan bilang pagkatawan sa propesyon o trabaho
 kasuotan sa mga yugto ng buhay-gawaing panrelihiyon, pag-aaral,
pagtatapos, kasal hanggang kamatayan
 kasuotan bilang pagkatawan sa oryentasyonsa pagpapahalaga sa
kultura
 kasuotan bilang pagkilala sa oryentasyon ng kasarian

Galaw ng  pagsandal sa kaibigan bilang pagkatawan n gating pagiging relax


katawan at kasama ang kapuwa
kaayuasan  paulit-ulit na paglalakad upang katawanin ang kaba
(kinesics)  pagpapalapit ng nais kausapin gamit ang mga kamay
 pagtungo bilang paggalang
 kaayusan ng pag-upo
 pamumulsa
 ekspresyon ng mukha

Biswal  mensaheng dala ng mga bagay, sagisag,s imbolo o larawan


(semiotics)
Pampaningin  pagtitig o eye contact
(oculesics0  pagtingin bilang pagkatawan sa damdamin

Amoy  pagkatawan sa ala-ala ng lumayo o pumanaw na minamahal


 mekanismo sa komersyalisasyon ( sa pagkain bilang pang-akit sa
mamimili)

Paggamit ng  ginagamit ang paghaplos, paghawak o pagsalat sa paghahatid ng


Kamay(haptics) mensahe
at pagkumpas  pagkumpas bilang pagpapaigting ng mensahe at damdamin sa
pagtatalumpati at diskurso
Ang komunikasyon ay maiuuri din batay sa mga antas ng pagsasagawa at kabilang sa gawaing ito.
Narito ang pag-uuri.

Intrapersonal na Pansarili
Komunikasyon Ang tao’y may personal na paraan ng pakikipag-ugnayan sa sarili. Siya
ang tapaghatid at tagatanggap ng mensahe.
 pagdarasal
 pagpapasya
 pagtitimbang ng mga konsepto sa isip
 mahina/maunawang pagbasa
Dyad
Ito ay kinasasangkutan ng dalawang tao. May isang tagapaghatid at isang
tagatanggap ng mensahe.
 pangungumpisal
 panayam para sa trabaho
 counseling
 pagsasarbey/pagsagot sa talatanungan
Komunikasyon sa Pangkat o pangkatan
Nagkakaroon ng pakikipagtalastasan sa pagitan ng tatlo o higit pang
bilang ng mga taong may interaksyon sa isa’t isa.
 diskusyong round table
Interpersonal na  pagpupulong
Komunikasyon
Pampublikong Komunikasyon
Ito ay ugnayang isa o higit pa sa maraming tao.Ang isa o higit pa ay
naghahatid at ang tumatanggap ay ang pangkat ng taong nakikinig.
 pagtatalumpati
 pagkukuwento
 deklamasyon
 malakas na pagbasa
 panel discussion
 porum’
 simposyum
Pangmasang/Pangmadlang Komunikasyon
Marami ang kasangkot. Ang daluyan ng komunikasyon ay mga
elektronikong kagamitan.
Makikita ang antas na ito gamit ang iba’t ibang medium tulad ng
telebisyon, radio, cellphone at computer.
Ekspresyong Lokal sa Komunikasyong Pilipino

Layon ng mga Ekspresyong Lokal

Binanggit ni Maggay (2002) na ang pagkakaroon ng mga Pilipino ng isang komunidad na ang
lahat ay nakikihalubilo sa isa’t isa at namumuhay madalas nang sama-sama ay nagsisilbing
pagkakataon upang ang linyang humahati sa mga pribadong bagay at impormasyong pampubliko ay
lumabo at minsan ay tuluyan nang maglaho.

Sinabi pa niya, nananatili ang lipunang pabigkas sa kabuoan, umiiral pa rin ang matulaing
estilo ng pananalita; mga kasangkapang panretorika gaya ng mnemonics, o iba pang pamamaraan
paggugunita; mga diskurso na nagpapahiwatig ng madiing pagpapakahulugan sa matulain at
mabulaklak na pagsasalaysay kaysa sa tahasan at hubad na paglalahad.
Sa konteksto ng ating kultura ipinahahayag ang ugnayan sa komunikasyon sa pamamagitan
ng mga sumusunod na nakagawiang pagpapahayag ng mga Pilipino. Narito ang tala ng mga salita o
ekspresyong local na inihanda ni Maggay (2002).

Layunin Halimbawa

Paggamit ng tagapamagitan pakiabot, pakisabi, pagbilin

Pagbubunyag ng tinatagong ipagtapat,ihinga,isiwalat,isambulat


kalooban

Pagpapakita ng kagiliwan pakitang- tao, pabalat-bunga

Pagtatampok ng sarili bidahan, pabida, bida-bida, pabonggahan

Pagtugon ng tuwiran talastasan, batuhan,pagtalunan

Pagsisiwalat ilantad, ipagwagwagan, isiwalat, itsismis

Pagtitipon kumustahan, beso-beso, tsikahan

Paghahayag ng balita ipagbigay-alam, ibalita, ipabatid

Paghahayag sa panitikan bugtungan, pagtalunan, ba;agtasan, batutian


Pagpapahiwatig sa mga Ekspresyong Lokal

Pinatunayan din ito ng mga pahayag nina Fortunato at Valdez (2003) na marami ang
nagsasabi na hindi isang direktang wika ang Filipino, dahil ang mga Pilipino ay isang lahi na hindi
diretsong magsalita, na hindi prangka. Kaya dahil hindi maprangka ang kinakausap, mas nakabatay
ang validity o katotohanan ng mensahe sa mga ekstra-berbal na mga pananda.

Isinasagawa ng mga Pilipino ang paggamit ng pahiwatig. Sa pagtalakay ni Maggay (2002),


narito ang klasipikasyon ng komunikasyong Pilipino sa pamamagitan ng pahiwatig.

Berbal Parinig, pahaging, oadaplis, paramdam, papansin

‘di berbal Pananahimik at paggamit ng iba pang bahagi ng katawan.

Kombinasyon Ligoy, tampo, biro, lambing, dabog, maktol, paglalangis

Sa pagpapalawak pa ng karanasang Pilipino sa berbal at di-berbal na komunikasyon, narito


ang tala ng paggamit ng mga bahagi ng katawan na tiyak na nagpapalutang ng katangiang Pilipino
(Mula sa piling tala ng saliksik ni Maggay noong 2002 sa mga batis na mula kina Covarr, Peralta at
Racelis, Hernandez at Agcaoli at Medina).

Bahagi ng Pahayag na Kargado ng Pahiwatig


Katawan at
Paggalaw nito

Buhok maputi na ang buhok, humahaba na ang huhok, tatlong puyo, kalbo

Noo malapad ang noo, paliparan, taas-noo, kunot ang noo

Kilay tinaasan ng kilay, salubong na kilay

Mata tumirik ang mata, namalikmata,pinandilatan, kinindatan, pinaningkitan,


titigan, irapan, tinging palihim, tinging pailalim, malayo ang tingin, mababa ang
tingin, mataas ang tingin sa sarili, pikit-mata
Tainga humahaba ang tainga, maliit ang tainga

Ilong humahabang ilong, pango, pawising ilong

Bibig makating bibig, matalas ang bibig, bibig ng bayan, maduming bibig, itikom ang
bibig

Labi kagat-labi, naglalaway, inginunguso

Dila nadulas ang dila, maikli ang dila, umatras ang dila

Ngipin nagtitiim ang bagang at ngipin

Ngiti ngiting aso, ngiting pilit, ngiting abot-tainga

Tawa bungisngis, hagikgik, hagalpak, halakhak

Mukha mukhang maasim, maamong mukha, mukhang kontra-bida, matigas ang


mukha

Ulo pag-iling, pagtungo, taas-noo, paulit-ulit na pagtango, paglagay ng hintuturo sa


sentido

Balikat pagkibit-balikat, pagdantay sa balikat, pagtapik sa balikat

Kamay paninisi, pagtawag, paglaban, pagpapasya, pagsang-ayon, pagtanggi,


pagpapahinto, paghingim pagpapaubaya, paglalahad ng kawalan, paglalahad
ng pagkamayroon, dami at bilang, pagsusumamo, pag-asam, pamamaalam,
paghuhudyat ng simula at pagtatapos, paghiling, pagharang, pagkapanalo,
pagkuha ng atensyon, pamamaywang, pagkamot sa ulo, pagkakaunawaan,
pagsasama at pakikiisa, pag-akbay, pagpapalakas ng loob at pagpuri.

Baywang upong otso, upong de- kuwatro, upong pambahay, pagkembot


hanggang hita

Binti hanggang Pagkuyakoy, pagpadyak, pagdabog, pasuray-suray ng lakad, lakad-prusisyon,


paa lakad-pagong, hinahabol ng kabayo

Dagdag pa, masasabi na tumataas ang antas ng pagkaalanganin, o di-pagkatiyak kapag


umiigting ang distansyang panlipunan (ang layo at lawak ng pagkakaiba ng katayuan at
kapangyarihan ng mga kalahok).
Ipinaliwang din ni Fortunato (1993) na ang sosyal na agwat, ang estado at pangingibabaw ng
isang interpersonal na interaksyon ay maaaring ipaabot sa pamamagitan ng distansya sa pagitan ng
mga tao habang nagsasalita.

Sa pag-aaral ng diskurso, sinasabi sa speech act theory ang mga paraan ng pagbibigay-
kahulugan sa mga pahayag. Lokusyonaryo ang akto kung direkta ang kahulugang nais tiyakin.
Ilokusyonaryo ito kung hindi direkta at perlokusyonaryo ang tutukoy sa epekto o bias ng pahayag.
Binanggit ni Zeus Salazar, ama ng Bagong Kasaysayan sa Maggay (2002), na ang distansyang
sosyal ay nakakaimpluwensya sa paraan ng pakikipagtalastasan sa mga pangkat ng tao na tinawag
niyang ibang tao (others) at di-ibang tao (acquaintance).

Ang pakikipagtalastasan sa ibang tao ay di-tuwiran samantalang tuwiran naman sa mga di-
ibang tao.

IBANG TAO DI-TUWIRAN


(others) (indirect)
TUWIRAN
DI-IBANG TAO
(direct)
(acquaintance)

Samantala, sa banyagang pag-aaral no Wolfson sa kanyang tinatawag na bulge theory, sinabi niyang
may magkaibang paraan sa pakikipag-usap sa mga malapit at di malapit sa kanila ang mga
Amerikanong nasa middle class. Kung malapit o di ibang tao para sa kanila ang kausap, hindi
kailangang kapantay ang estado. Samantala, kung malayo o ibang tao para sa kanila ang kausap,
kailangang kapantay ang estado o katrabaho ( Wolfson, nakuha sa
http://ericed.gov/?id=ED340203, 2015).
Mga Pililing Ekspresyon

Piling Ekspresyong Lokal

Tagalog Kapampan Waray Ilocan Ibanag Bicola Sirigaon Ilongg Cebuan


gan o no on o o

Maganda Mayap a Maumpa Naimb Makasta Dios Marajao Maayo Maayon


ng abak y na aga ag na nga Aggaw marha na ng aga g
umaga bigat y na buntag buntag
aga

Maganda Mayap a Maumpa Naimb Makasa nga Dios Marajao Maayo Maayon
ng aldo y na ag na marha na ng g udto
Taugngana
tanghali udto aldaw yn hapon udto
gaw
na
aldaw

Maganda Mayap a Maumpa Naimb Makasta Dios Marajao Maayo Maayon


ng gabi bengi y na gab- ag na nga Gabi marha na ng g gab-i
i rabi-i y na duyom gab-i
banggi

Bakit Bakit Kay-ano Apay Ngatta Kay Kay uno Ngaa Nganom
nano, man an
nyata

Saan Nukarin Diin Idiay Sitaw Diin, Haman Diin Asa


Saen dapit

Hindi Ali Dire Haan Ariri Dae Dili Indi Didi ko

Ano Nano Nano/A Inya Anni Nano Uno Ano Unsa na


nya

Oo Wa Oo Wen Wan Nano Oo Huo Naa


Samantala, kung susuyurin naman ang mga tiyak na ekspresyong local sa iba’t ibang panig ng
Pilipinas, maitatampok ang pagkakahawig o pagkakaugnay ng mga ito. Dagdag pa, ang angking
paraan ng komunikasyon ng mga Pilipino.

Alalahanin na ang mga nakatala ay kumikilala sa mga variety ng mga wikang local. Maaari
pang isagawa ang pagtuklas sa pamamagitan ng iyong pakikipanayam saka pagtatala sa mga
informant na nagsasalita ng iba-iba ring diyalekto sa Pilipinas. Maaari itong isagawa nang
papangkat.

Ekspresyong Lokal sa mga Pahayagan

Dagdag pa, mailalarawan ang namamayaning ekspresyong local sa gamit ng mga ito sa tulong
ng mass media. Ang produksyon nito ay nakaaabot sa iba-ibang panig ng Pilipinas at mundo. Sa
tiyak na halimbawa, ang pahayagan ay daluyan ng publiksayon ng mga ekspresyong local.

Sa pag-aaral ni Sayas na inilahad nina Fortunato at Valdez (2003), na Ganyan ang Wika sa
Pahayagan Noon: Paano siya Ngayon?, ipinaliwanag ang estili ng wika sa mga pahayagan noon, ang
kalikasan ng pagbabagong naganap sa wika noon at ang prosesong pinagdaanan. Natuklasan na ang
pagbabago ng wika noon sa pahayagan ay katulad ng sa kasalukuyan. May tuwirang panghihiram sa
wikang banyaga at may pagbabagong asimilasyon sa pamamagitan ng pagkaltas, pagpapalit at
pagdaragdag. Pinatunayan din na ang panghihiram ay natural na phenomena.

Ganito rin ang tinungo ng papel ni Mariano sa Peregrino et. al (2005) na Ang Varayti ng
Filipino sa mga Balitang Isports sa Diyaryo. Nagagamit ang panghihiram sa Ingles sa pagbuo ng mga
pahayag. Bukod sa hinihiram ang kumbensyon ng pagsulat ng balitang isports, lumulutang naman
ang pagkakaiba ng gamit ng salitang hiniram batay sa uri ng laro o isports na itinatampok. Ang
panghihiram ay maaaring mula sa orihinal at maaari ding binaybay sa ating wika.
Ibinigay na halimbawa ang mga sumusunod:
 Sa Boston, umiskor ang 10th draft pick na si…(Pilipino Star Ngayon, Pebrero 8)
 …pinulot ng Shell si Rhum player…habang ang ikalawa nitong pick sa first round na
si…(Kabayan, Enero 170
 RP netters nasapawan ang Chinese- Taipei, 3-2 (Abante, Pebrero 15)
 Si Agassi, seeded No. 5, ay tila wala sa loob ang paglalaro sa court sa isang Grand Slam
Tournament…(Kabayan, Enero 26)

Nakita rin na may iba-ibang paraan din ng paggamit ng maaksyong salita para katawanin ang
pagkapanalo at pagkatalo.

Narito naman ang tala ng mga halimbawa.

 Sa pagkapanalo: pinaluhod, namayani, hinampas, nanaig, lumusot, pinadapa, na-


sweep, sinunog, pinanis, umuusok, binasag, dinagit, lilipad, pinasabog, hinampas,
sunog
 Sa pagkatalo: bagsak, taob, tuhog, basag, bugbog, napatalsik
Natuklasan din na may mga salitang ginagamit sa pare-parehong isports
 hataw, walis/sweep-ginagamit sa basketbol at sabong
 palo-makikita sa balita tungkol sa sabong at tennis

Nakaaaliw naman ang paglalarawan sa makulay na paraan ng paggamit ng wika sa


mga pagpapahayag sa mga balitang showbiz. Sa pag-uuri ni Abello sa Perehrino et. al (2005), may
apat na kategorya ang mga nabubuong salita upang magamit sa pagpapahayag sa mga balitang
showbiz. Ito ay kinabibilangan ng artificial coinage tulad ng shortening at acronym (buking, bading,
lukring, dyeling, etching), importations (erase, boldie, sey, na-award, mag-on),pagtatangka na
magpatawa (kalukadidang, tsugi, baklesh, hubadera, papa) at novel assignments of meaning (tuhog
ang linya, bagets, walang tienes, walang kiyeme, tumabo sa takilya).

Narito ang mga inilahad na halimbawa.


 Parang wala akong sinabi, erase.
 Erase, erase, erase!
 Anong sey mo Ining!
 Naombag sib oldie ng kaniyang dyowa.
 Naku, pa-epek lang ang luhang iyon.
 Ining, chaka ano?
 Plangak!
Sanggunian:
 Mortera, Melvin O. (2019). Pantulong sa Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino.
Mandaluyong City: Books Atbp. Publishing Corp.
 Mortera, Melvin O. & Sioson Imelda D. (2017).Tulay sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino. Mandaluyong City: Books Atbp. Publishing Corp.
 Mortera, Melvin O. (2017). Tulay sa Pagbasa At Pagsusuri ng Iba’t Ibang Tektso Tungo sa
Pananaliksik. Mandaluyong City:Books Atbp. Publishing Corp.
 Mortera, Melvin O. at Conti, Baby Lyn J. (2016) Komunikasyon sa Akademikong
Filipino.Mandaluyong City:Books Atbp. Publishing Corp.
 San Juan, Gloria P., et al. (2014). Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik.Pateros, Metro
Manila. Grandbooks Publishing.

You might also like