You are on page 1of 2

Answer Key

A. Pagsasalin

*** Ito ay isa lamang sa gabay sa pagtingin sa kawastuhan ng salin ngunit maaring may iba-ibang bersyon
ng salin.Walang iisang tamang sagot sa pagsasalin. Laging tatandaan na dapat lamang ay manatili ang
ideya ng teksto.

1. Nagbanta sila na papatayin ang mga bihag na karamihan ay kababaihan.

2. Isinilang siya sa probinsya kung saan nanirahan siya hanggang sampung taong gulang.

3. Napakalaki ng ginastos niya sa mga librong wala naman siyang panahong basahin.

4. Sa paglilibing kay Ninoy dinakila siya ng buong bansa.

5. Kinabahan siya nang makita niya ang magulong awdyens.

6. Nanlalamig ang aking paa tuwing umaga ng taglamig.

7. Huwag kang makinig sa kanya, hindi siya nagsasabi nang totoo.

8. Ang taong dalubhasa sa agham ay tinatawag na siyentista.

9. Gumagamit tayo ng enerhiya/lakas kapag nagbubuhat ng bagay.

10. Ang malawak na lupain sa Pampanga ay dating taniman ng palay at tubo.

B. Talata

*** Ito ay isa lamang sa gabay sa pagtingin sa kawastuhan ng salin ngunit maaring may iba-ibang bersyon
ng salin.Walang iisang tamang sagot sa pagsasalin. Laging tatandaan na dapat lamang ay manatili ang
ideya ng teksto.

Itinuturing bilang pinakakaraniwang alaga sa buong mundo ang mga aso. Sa kasaysayan ng tao,
napakarami nang aso ang nagsilbing kasama sa bahay o di kaya naman ay katulong sa iba’t ibang bagay.
Kinalulugdan sila di lamang dahil sa kanilang di mapapantayang talino kundi dahil din sa kakayanan nilang
bumuo ng pangmatagalang relasyon sa tao. Tunay na madalas makakikita ang pagkalugod ng mga tao sa
aso. Kapag naglalakad-lakad sa parke o nananakbo sa tabing-dagat, tiyak na makakikita rin ng taong
naglalakad kasama ang kanyang alagang aso.

C. Pagtatala:
Sa kasalukuyang, wala pa ring natutuklasang gamot na panlaban sa kasong red tide. Gayunpaman, waring
mabisa ang ilang pangkagipitang panggagamot. Maaring mapalabas ang lason ng red tide mula sa sikmura
ng pasyente kung siya ay pasusukahin. Ang paglilinis ng sikmura sa pamamagitan ng pagpapapasok sa
bibig ng isang tubo patungo sa sikmura ay ginagawa rin upang mapalabas ang lason. Sa Pilipinas,
ipinapalagay ng ilan na ang pag-inom ng gata ng niyog na may pulang asukal ay nakatutulong sa mga
biktima upang gumaling nang mas mabilis.

Sinopsis

Wala pa ring natutuklasang gamot laban sa red tide ngunit kapag nalason dulot ng red tide ay maaring
mapalabas ito gamit ang isang tubo na ipapasok sa sikmura o kaya naman ay sa pamamagitan ng natural
na paraan ng pag-inom ng gata ng niyog na may pulang asukal.

Presi

Kahit wala pang natutuklasang gamut laban sa red tide, may mga paraang medikal at natural na paraan
naman upang gumaling ang isang taong nalason dulot ng red tide.

Hawig

Ang lason ng red tide ay nakukuha mula sa pagkain ng mga apektadong tahong, talaba, tulya, halaan, at
iba pang laman dagat na nasa kabibe o shell. Ang pagkakalasong ito ay nagdudulot ng panganib sa buhay
ng tao mula sa pagkakakain ng kontaminadong lamang-dagat. Ang pagkakalason ng red tide ay
nangangailangan ng agarang atensyong medikal kung saan maaring isuka ng pasyente ang lason sa
pamamagitan ng pagpapasok ng isang tubo sa kaniyang sikmura. Sa ibang Pilipino na walang panggastos
sa ospital, pinaniniwalaan nilang ang natural na paraang kanilang ginagamit ay epektibo sa pamamagitan
lamang ng pag-inom ng gata ng niyog na may asukal na pula.

You might also like