You are on page 1of 6

LEARNING AREA: MATHEMATICS

GRADE LEVEL: GRADE 9


QUARTER: FIRST
LESSON: ILLUSTRATIONS OF QUADRATIC EQUATIONS
LEARNING COMPETENCY: Illustrates quadratic equations. (M9ALIa-1)

MUSIC UP, SUSTAIN FOR 3 SECS THEN FADE UNDER


NARR (SMILE): Magandang araw sa inyo mga kasipnayan! Ito ang ARANGKADA CFPJNHS
TV na naglalayong magbahagi ng dunong.
NARR: Ako nga pala si G. Mark Anthony Ragudo, ang inyong guro para sa makabuluhang
talakayan ngayong araw na ito. Pero bago natin simulan, siguraduhing nakahanda na ang sarili.
Kaya naman bibigyan ko kayong ng limang segundo para sa inyong preparasyon. Aba! Mukhang
handa na ang lahat.
MUSIC UP, SUSTAIN FOR 3 SECS, THEN FADE UNDER
NARR: Pagkatapos ng ating talakayan ay inaasahan kong makikilatis ninyo ang Quadratic
Equation.
(PAUSE FOR 3 SECS)
MUSIC UP, SUSTAIN FOR 3 SECS, THEN FADE UNDER
NARR: Tatalakayin natin ang depinisyon at mga halimbawa ng quadratic equation. Sisimulan
natin sa tanong na, “what is a quadratic equation”?
(PAUSE FOR 3 SECS)
NARR: Ang salitang quadratic ay nagmula sa Latin Word na “quadratus” na ang ibig sabihan ay
“square”.
Base sa depinisyon nito, ang quadratic equation in one variable ay isang mathematical sentence
na nasa ikalawang degree na maaaring isulat sa standard form ax 2+ bx + c = 0 na kung saan ang
a, b at c ay real numbers ibig sabihin maaaring ang maging value ng a, b, or c ay positive
number, negative number, pwede ring fraction, pwedeng decimal at iba pa basta real number at
laging tandaan na sa quadratic equation ang value ng a ay hindi dapat equal sa zero. Bakit hindi
pwedeng zero ang value ng a sa quadratic equation?
(PAUSE FOR 3 SECS)
NARR: Tama! Kapag zero ang value ng a hindi na ito quadratic equation.

NARR: Gaya nang nabanggit kanina, ang ax2 + bx + c = 0 ay ang standard form ng ating
quadratic equation. Ito ang magsisilbing pattern natin para sa ating standard form.
(PAUSE FOR 3 SECS)
NARR: Let’s have an example. Ang equation 5x2 + 7x +2 = 0 ay nasa second degree at ito ay
halimbawa ng quadratic equation in standard form. Alamin natin kung ano ang tawag sa bawat
term na bumubuo sa ating quadratic equation. Umpisahan natin sa 5x 2. Ang tawag kay 5x2 ay
quadratic term. Dahil ang term na ito ay may exponent na 2 o nasa 2nd degree. Ang 7x naman ay
ang tinatawag nating linear term na kung saan ay nasa first degree o may exponent na 1 na hindi
nakikita. Ang pangatlong term naman ay tinatawag nating constant term kung saan nandito ang
ating contant number o ang tinatawag nating fixed value. Wala tayong makikitang variable o x sa
constant term. Sa kabilang side naman ng equation nandito ang zero. Pagmasdang muli ang ating
pattern para sa standard form, kailangang may quadratic term, linear term at contant at
kailangang equate sa zero.
(PAUSE FOR 3 SECS)
NARR: Kapag nasa standard form ang quadratic equation, ano tawag sa unang term na may
exponent na 2?
(PAUSE FOR 3 SECS)
NARR: Tumpak! Tinatawag itong quadratic term. Ano naman ang tawag sa pangalawang term
na mayroong exponent na 1
(PAUSE FOR 3 SECS)
NARR: NARR: Magaling! Ang tawag dito ay linear term. Ano nman ang tawag sa numero na
walang kasamang variable at makikita ito sa last term?
(PAUSE FOR 3 SECS)
NARR: Napakahusay! Ang tawag sa numerong ito ay constant term.
MUSIC UP, SUSTAIN FOR 3 SECS, THEN FADE UNDER
NARR: Kung ang equation ay nasa standard form na ito, pwede na nating kunin ang value ng a,
b and c. Tandaan sa pag determine ng value ng a, b at c kailangang ilagay muna natin sa standard
form ang ating quadratic equation.
Narr: Let us determine the value of a. Ang a ay makikita sa ating quadratic term or sa madaling
salita ito ay ang numerical coefficient ng x2. So, ano ang ating a?
(PAUSE FOR 3 SECS)
NARR: Mahusay! Ang value ng a ay 5. Ano naman ang value ng b? Ang b ay makikita natin sa
linear term, at ito ang numerical coefficient x. Ngayon, ano ang value ng b?
(PAUSE FOR 3 SECS)
NARR: Magaling! Ang value ng b ay 7. Para naman sa value ng c, ang c ay ang numero o fixed
value na walang kasamang variable. Ano ang sagot?
(PAUSE FOR 3 SECS)
NARR: Tama! Mukhang alam na alam na ninyo?
MUSIC UP, SUSTAIN FOR 3 SECS, THEN FADE UNDER
NARR: Narito ang ilang pang halimbawa ng quadratic equations in standard form. Let’s have
x2- 9 = 0. Yes ito ay nasa standard form pero mayroong nawawalng term. Tingnan natin ang
expanded form ng ating given. Ito ay x2+ 0x – 9 = 0. Mapapansin natin na ang ating linear term
pala ay 0x. Ang value ng b natin ay zero. Kapag minultiply natin ang 0 sa x. Ano ang magiging
sagot?
(PAUSE FOR 3 SECS)
NARR: Tama! Zero. Kaya doon tayo sa original equation na x 2 - 9 = 0. Hindi na kailangang
isulat ang ating linear term. Kaya naman, kukunin na natin ang value ng a, b at c. Sa given natin,
ano ang value ng a? Ang value ng a ay 1. Mayroong numerical coefficient si x na invisible 1.
Understood yan na kapag wala kang nakikitang numerical value ng variable ang sagot ay 1. How
about b? Sa b, hindi porket wala tayong nakikitang linear term sa equation ay wala na tayong
isasagot sa b. Ang value ng b ay zero. Automatic na zero ang value ng b kapag wala tayong
linear term. And, ang value ng c natin or constant ay -9 . Ulitin natin, ang value ng a=1, b=0 at
c=-9.
(PAUSE FOR 3 SECS)
NARR: Dumako naman tayo sa susunod na example. Mayroon tayong 3x 2 – x = 0. Anong term
naman ang nawawala sa ating equation?
(PAUSE FOR 3 SECS)
NARR: Magaling! Ang nawawalang term ay ang constant term. Dahil ang value nito ay zero
kaya hindi na kailangang isulat pa sa equation. Ano ang value ng a?
(PAUSE FOR 3 SECS)
NARR: Correct! Ang value ng a ay 3. How about ang value ng b?
(PAUSE FOR 3 SECS)
NARR: Napakahusay! Ang value ng b natin ay -1. Sabi natin kanina na kapag wala tayong
nakikitang numerical coefficient ng variable automatic na ang sagot ay 1. Since negative ang
sign ang sagot ay -1. Ano naman ang value ng c?
(PAUSE FOR 3 SECS)
NARR: Magaling! Ang value ng c ay 0.
MUSIC UP, SUSTAIN FOR 3 SECS, THEN FADE UNDER
NARR: Para sa last example. We have 4x2 = 0. Ilang terms ang nawawala?
(PAUSE FOR 3 SECS)
NARR: Very good! Dalawa. Ang linear term at constant term. Sabi natin na kapag zero ang term
natin hindi na kailangang isulat pa sa equation. Ano ang magiging value ng a?
(PAUSE FOR 3 SECS)
NARR: Tama! Ang sagot ay 4. Ano naman ang value ng b?
(PAUSE FOR 3 SECS)
NARR: Tamang muli. Ang value ng b natin ay zero dahil wala tayong makikitang linear term.
How about the value of c?
(PAUSE FOR 3 SECS)
NARR: Tumpak na tumpak! Ang value ng c ay zero dahil wala tayong nakikitang constant term
sa equation.
MUSIC UP, SUSTAIN FOR 3 SECS, THEN FADE UNDER
NARR: Ngayon naman, alamin natin kung quadratic or hindi ang sumusunod na equations.
FLASH PPT ON QUADRATIC OR NOT?
NARR: Qudratic or not?
(PAUSE FOR 3 SECS)
NARR: Mahusay! Ito ay quadratic sapagkat ito ay nasa degree 2. Ang x 2- 4x + 4 = 0 is in
standard form.
FLASH PPT ON QUADRATIC OR NOT?
NARR: Quadratic or not?
(PAUSE FOR 3 SECS)

NARR: Magaling! Ang given natin na x2+ 5x = 6 is a quadratic equation ngunit hindi ito naka
standard form.
FLASH PPT ON QUADRATIC OR NOT?
NARR: Para sa susunod na example. Quadratic or Not?
(PAUSE FOR 3 SECS)
NARR: Tama! Not a quadratic equation. Bakit? 12 – 5x = 0 ay tinatawag na linear equation
dahil itong equation na ito ay nasa degree 1.
FLASH PPT ON QUADRATIC OR NOT?
NARR: Mayroon tayong 2x(x + 3) = 0. Ang tanong, quadratic or not?
(PAUSE FOR 3 SECS)
NARR: Napakahusay! Ang 2x(x +3) = 0 ay quadratic equation. Sa unang tingin ito ay parang
hindi quadratic pero kapag ginawa nating standard form applying the distributive property.
Multiply lang natin ang 2x sa bawat term sa loob ng parenthesis. Ang 2x ay imumultiply kay x
ang sagot ay 2x2. Ang 2x2 ay ang quadratic term. Pagkatapos si 2x naman imulitply kay 3, ang
sagot ay 6x. Ang 6x naman ang linear term. So, mayroon tayong 2x2 + 6x = 0.
FLASH PPT ON QUADRATIC OR NOT?
NARR: Para last example. (x-5)(x+2)=5. Is it a quadratic equation or not?
(PAUSE FOR 3 SECS)
NARR: Quadratic Equation. Tama! Sa unang tingin parang hind ito QUADRATIC
EQUATION. Kailangan munang transform sa standard form para mas madali nating malaman
kung quadratic equation o hindi. Kailangan lang nating gamitin ang foil method para maexpand
natin ang equation.
Multiply lang natin ang first terms. Ang sagot ay x 2. Multiply din natin ang outer terms, ang
sagot ay 2x. Ganun din ang inner terms ang sagot ay -5x. Huli nating imumultiply ang last terms.
Ang sagot ay -10.
Pagkatapos, iadd lang natin ang products na nakuha natin. So mayroon tayong x2 + 2x - 5x – 10 =
5. Combine natin ang 2x at -5x so magiging -3x. Kaya mayroon tayong x2 - 3x – 10 = 5. Pero
hindi pa ito naka standard kailangang zero ang nasa right side ng ating equation. Gagamitan lang
natin ng addition property of Equality. Mag-aadd tayo ng -5 both sides of the equation. Bakit?
Kailangang maeliminate or maging zero yung nasa right side ng equal sign. Kaya nagging
FLASH PPT ON Quiz A
NARR: Mukhang handa na ang lahat para sa pagsusulit. Maglabas ng papel at panulat. Para sa
letter A, ibigay lamang ang value ng a, b at c. Bibigyan ko kayo ng 5 minuto para sagutin ang
activity.
(PAUSE FOR 5 minutes)
NARR: Itsek muna natin ang letter A bago tayo dumako sa Letter B. Tingnan kung nakuha
ninyo ang tamang sagot.
(PAUSE FOR 1 minute)
FLASH PPT ON QUADRATIC OR NOT?
NARR: Para naman sa letter B, tukuyin lamang kung ang sumusunod na equation ay quadratic
or hindi. Isulat ang Q kung quadratic at N kung hindi. Handa na ba kayo? Bibigyan ko kayo ng
limang minuto.
(PAUSE FOR 5 minutes)
NARR: Tignan kung nakuha ninyo ang tamang sagot.
(PAUSE FOR 1 minute)
NARR: Magaling mga bata! Napakahusay ng ating paglahok sa talakayang ito! Tandaan natin
na ang Quadratic equation in one variable is a mathematical sentence of degree 2 that can be
written in standard form ax2 + bx + c = 0, where a, b and c are real numbers and a≠0.
NARR: Mukhang naging makabuluhan ang ating talakayan ngayon. Nawa’y marami kayong
natutunan sa araw na ito. Ibahagi rin sa iba kun ano ang natutunan ninyo sa araw na ito.
Hanggang sa susuonod na epidsode. Muli, ito si Teacher Mark, ang inyong guro sa Mathematics.
Paalam!

You might also like