You are on page 1of 28

Kabanata II

DR. JOSE RIZAL, ANG PAMBANSANG BAYANI


Aralin 1: Pagsilang
Aralin 2: Pamilya
Aralin 3: Kamusmusan

Introduksyon

Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa kapanganakan ng pambansang bayani, ang kaniyang


mga magulang at kapatid maging ang kanyang mga ninuno at ang kamusmusan ni Rizal.

Layunin ng kabanatang ito ang sumusunod:

1. Makilala ang katauhan ng bayani ayon sa kasaysayan ng kanyang buhay.


2. Magkaroon ng malawak na kabatiran ukol sa buhay na pinagdaanan ng bayani
3. Mapulot ang magagandang halimbawa ng ginawa ng bayani bilang anak, kapatid at
mamamayan.

Aralin 1
Pagsilang
Kapanganakan at Pagsilang

Araw ng Miyerkules, malapit maghating gabi isinilang si Rizal ng ika-19 ng Hunyo 1861.
Kapanahunan iyon ng pamamahala ng kapangalan niyang gobernador-heneral na si Jose Lemery.
Ipinanganak si Rizal sa bayan ng Calamba sa Laguna na isa sa mga lalawigang may katutubong wikang
Tagalog.

Sinasabing nakuha ng bayan ng Calamba ang pangalan nito nang minsang may naligaw na
dalawang kawal na Espanyol at nagtanong sa dalawang babae kung ano ang pangalan ng lugar na
kanilang kinaroroonan. Dahil hindi naunawaan ang tanong sa wikang Espanyol, inakala ng mga babae
na sinisita ang kanilang mga dalahin na kalan at banga kaya iyon ang isinagot nila. Ang “Kalan-banga”
na narinig mga sundalo ay naging Calamba kalaunan.

Naipangako ng ina ni Rizal sa Birheng Maria na dadalhin ang anak sa pilgrimage sa Nuestra
Seῆora de la Paz y Buen Viaje (Ina ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay) sa Simbahan ng Antipolo
bilang pasasalamat sa ligtas na panganganak na muntik na niyang ikasawi. Ginawa ang pilgrimage
pitong taon makatapos ang pagsilang ni Rizal.

Sinasabing malaki ang ulo ng sanggol na si Rizal na nagpahirap sa ina sa pagluwal sa kanya.
Ang malaking ulo ay napuna rin ng paring si Rufino Collantes na nagbinyag sa kanya sa Iglesia San
Juan de Bautista tatlong araw matapos ang pagkasilang. Ang isa pang pari na si P. Pedro Casaῆas
ang tumayong ninong sa binyang.

Bininyagan si Rizal bilang Jose Protacio. Ang Jose ay hanga sa araw ng pista ng ama ni Hesus
na si San Jose na ika-19 din ang araw ng kaarawan tulad ng kay Rizal, bagamat sa buwan iyon ng
Marso.

Naging kasawian na kasi noon ng mga magulang na ipangalan ang mga anak sa santo, lalo
na kung ang kapanganakan ay tumapat sa pista ng santo sa kalendaryo. Dahil ang ika-19 ng Hunyo sa
kalendaryo ay tumapat sa pista ni San Protacio, ang naging ikalawang pangalan ni Rizal ay Protacio.

1|P age
Si Rizal ay kilala rin sa palayaw na Moy, Ute, at Pepe. Ayon sa mananaliksik na si Felice P.
Santa Maria, Pepe ang isa sa palayaw niya dahil ang Jose, na batay kay San Jose, ay laging
sinusundan ng abbreviation na P.P. o pater putativus (commonly accepted father) sa Latin. At dahil sa
letrang “P” sa Espanyol ay binibigkas na “peh”, ang P.P. ay naging Pepe.

Ang buong pangalan ng pinakadakilang bayaning Pilipino ay DR. JOSE PROTACIO


MERCADO RIZAL Y ALONZO REALONDA. Ang katulong na hilot ay si Celedonia.

Dr. – sapagkat pinag-aralan at naipasa niya ang lahat ng asignatura sa pagka-manggagamot


sa Universidad Central de Madrid noong Hunyo 21, 1884, Ngunit hindi niya naibigay ang kinakailangang
tesis at kabayaran kaya’t hindi siya nabigyan ng diploma bilang manggagamot sa medisina.

Jose – ipinangalan sa kanya ng kanyang ina bilang pagbibigay-karangalan kay San Jose na
isinilang noong ika-19 ng Marso.

Protacio – ay buhat sa kalendaryo, sapagkat lahat ng isinilang sa ika-10 ng Hunyo ay may


katumbas na pangalan sa kalendaryong katoliko na Gervaco y Protacio at Sta. Juliana Falconeri at
noong panahon ng kastila ang pangalan ng bata ay kinukuha sa kalendaryo.

Mercado – ginamit ng nuno na si Domingo Lam-ko noong 1731. Ang apelyidong ito ay ayon
sa kanyang panlasa sapagkat ang kanyang hanapbuhay ay pagtitinda. Ang Mercado ay
nangangahulugan na pamilihan o palengke.

Rizal – ay napili ni Don Francisco bilang pagtubad sa utos ni Gob. Heneral Narciso Claveria
noong Nobyembre 11, 1849, na ang mga Pilipino ay magbago ng apelyido. Ang mga Kastila raw ay
nahihirapang bumigkas ng mga apelyidong Pilipino at marami raw mga apelyidong magkakatulad kahit
hindi magkakamag-anak. Ngunit walang naibigang apelyido si Don Francisco sa listahang ipinadala
sa Calamba, kaya’t napagpasiyahan niyang gamitin ang Rizal. Ito ay nagbuhat sa kastilang “Ricial” na
ang kahulugan ay luntiang bukiran”. Napili niya ito sapagkat ang kanyang hanapbuhay ay pagsasaka.
Ngunit ayon sa liham ni Jose Rizal kay Ferdinand Blumentritt ang apelyidong Rizal ay idinagdag ng
isang alkalde na kaibigan ng kanilang pamilya.

Realonda – buhat sa apelyidong ginagamit ng kanyang ina na kinuha naman sa ninang nito.

Alonzo – ay matandang apelyido ng pamilya ng kanyang ina

2|P age
Aralin 2
Pamilya
Mga Ninuno sa Panig ng Ama

Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang napili ng maraming Tsino upang takasan ang kahirapan
at kaguluhang pulitikal sa China. Ang unang ninuno sa panig ng ama ni Rizal na mula China na
nangibang-bansa sa Pilipinas noong 1690 ay si Domingo Lam-co (1662-1752) na may pangalang Tsino
na Cua Yi Lam na kilala rin sa pangalang Mandarin na Ke Yinan.

Ayon kay Dr. Isidro Panlasigui, pinaniniwalaan na ang mga magulang ni Domingo Lam-co na
sina Siong-co at Jun-nio, ay mula sa mayamang angkan sapagkat ang “co” at “nio” sa dulo ng pangalan
ay katumbas ng don at doňa sa Espanyol, na tanda ng mataas na kalagayang panlipunan. Nagmula si
Domingo Lam-co sa nayon ng Shangguo (Mandarin: Zhang Guo) sa lalawigan ng Fujian sa China.

Si Lam-co ay nabinyagang Katoliko sa Pilipinas noong 1697 na tumapat naman sa araw ng


Linggo; kaya’t Domingo ang bigay na pangalan sa kanya, na galing sa salitang Espanyol. Domingo rin
ang pangalan ng nagtatag Dominican order na nagbinyag sa kanya.

Sa kalaunan, ipinalit ang apelyidong Mercado sa Lam-co noong 1731 sa kapanganakan ng


unang anak na pinangalanang Francisco Mercado. Ito ay upang makaiwas sa pansin sapagkat ang
mga Tsino ay pinag-iinitan ng mga Espanyol. Napili ang apelyidong Mercado, na may kahulugan sa
Espanyol na palengke, dahil nababagay ito sa kabuhayan ng pamilya bilang mga negosyante.

Nakaibigan ni Lam-co ang ilang prominenteng dominikano at naging katuwang ng orden sa


paggawa ng mga kanal na pang-irigasyon sa mga lupaing pag-aari ng orden sa Laguna. Dahil dito, sa
bayan ng Biῆan na rin, sa lupain ng orden sa San Isidro Labrador, nanirahan ang pamilya ng ninuno ni
Rizal. Nakapangasawa si Lam-co ng isang Chinang mestiza mula Binondo, Manila, na ang pangalan
ay Ines de la Rosa (1680-1729). Sinasabing Francisco Mercado ang ipinangalan sa naging anak nila
bilang pagkilala ng utang na loob sa kaibigang mestizong prayle na Francisco rin ang pangalan at kilala
sa pag-aaral na botanika.

Si Francisco Mercado (1731-1801), na lolo sa tuhod ni Rizal, ang ama ng lolo ni Rizal na si
Juan Mercado (1770-1826). Pareho silang naging gobernadorcillo sa Biῆan; ang huli ay nahalal ng
tatlong beses. Isinunod ni Juan Mercado sa pangalan ng kanyang ama ang anak na siya naming ama
ni Rizal. Labing-tatlong magkakapatid ang ama ni Rizal; at dahil sa hindi sapat ang mga sakahang lupa
sa Biῆan, minabuti ng mga magkakapatid na maghanap ng sarili nilang mauumpisahang sakahan.

Ang ama ni Rizal na si Francisco Mercado (1818-


1898), na kilala rin sa tawag na Don Kikoy, ay nagtapos ng
pag-aaral sa Colegio de San Jose sa Maynila. Nakakuha
siya ng mauupahang sakahan ng asukal, mais, at palay sa
Calamba, na pag-aari ng mga Dominikano.

Kinasiyahan ng mga Dominikano ang


pagpapaunlad ni Don Francisco sa ilang mga lupain sa
pagsasaka. Kaya’t nang lumaon ay sa kanya na pinaupa ng
karagdagang mga lupain at hindi pinabayaran sa kanya ang
unang limang taon. Malaking bagay ito sa pagyaman ng
ama ni Rizal. Napangasaw ni Francisco Mercado noong
1848 ang 20-taong gulang na si Teodora Alonso, na taga
Santa Cruz Maynila at siyam na taong mas bata.

Pinagkunan: https://bayaningbayan.weebly.com

3|P age
Mga Ninuno sa Panig ng Ina

Si Teodora Alonso (1827-1911), kilala rin sa tawag na Doῆa


Lolay, ay ipinanganak at biniyagan sa Maynila. Nagtapos siya ng
pag-aaral sa Colegio de Santa Rosa sa parehong lunsod. Ang
kanunu-nunuan ni Doῆa Teodora, si Eugenio Ursua, ay nagmula sa
lahing Hapon at nakapangasawa ng katutubo sa Pilipinas.

Ang lola sa tuhod ni Rizal na si Regina Ursua ay


nakapangasawa ng mestizong Tsino na nagngangalang Manuel de
Quintos na taga-Lingayen, Pangasinan at kilalang abugado na
nagtapos sa Unibersidad de Santo Tomas. Ang lola naman ni Rizal
na si Brigida de Quintos ay nakapangasawa ng mestizong Espanyol
na nagngangalang Lorenzo Alberto Alonso (1790-1854) na naging gobernadorcillo rin ng Biῆan. Maging
ang ama ni Don Lorenzo na si Cipriano Alonso ay nanungkulan sa parehong puwesto at lugar.

Ayon sa pagpapakilala ni Rizal sa lolo niya sa pamamagitan ng liham kay Blumentritt, sinasabi
na si Don Lorenzo ay naging kinatawan sa Cortes subalit sa pagsasaliksik ni Leon Ma. Guerrero sa
Espanya, wala siyang natagpuan na may ganoong pangalan na naging kinatawan sa Cortes. Si Don
Lorenzo ay pinagkalooban ng mga titulong Caballero de la Orden de Carios III (Knight of the Order of
Isabel the Catholic) ng hari ng Espanyang si Amadeo.

Sinabi ni Austin Craig, manunulat at mananalaysay, at Asuncion Lopez Bantug, pamangkin sa


tuhod ni Rizal – na kapatid sa ama ni Jose Alberto si Teodora Alonso. Unang ikinasal si Don Lorenzo
Alberto Y Alonso, 24 taong gulang kay Paula Florentino, 12 anyos at tubong Vigan, Ilocos Sur noon
1814. Pangalawang asawa niya si Brigida de Quintos, ina ni Teodora Alonso.

Sa kabilang banda, sinasabi naman na ang tiyo ni Rizal na si Jose Alberto ay ang lehitimong
anak ni Don Lorenzo; nga-aral sa Europa at bihasa sa Espanyol, Pranses, Aleman at Ingles. Subalit
ayon sa Ingles na gobernador ng Hongkong na si John Bowring na minsang nanuluyan sa bahay ni
Jose Alberto, ay nag-aral siya hindi sa Europa, kundi sa Calcutta India.

May haka-haka ang pangulo ng United Artists for Cultural Conservation and Development
(UACCD) na si Dr. Rosauro Santa Maria kung paano sa mga magkakapatid ni Teodora Alonso, na ang
lehitimong anak sa kanila ay ay si Jose Alberto. Maaaring napagkasunduan sa usapan ng mga
magkakapatid na si Jose Alberto ang kilalaning lehitimo para lehitimo rin na maisalin ang titulo ng
pagiging caballero (knight) ng ama nilang si Lorenzo Alberto Alonso at nanag sa gayon, mapanatili ang
kapit ng pamilya sa pamahalaan sa Espanya. Sinasabing itinakwil ni Jose Alberto ang ina nilang si
Brigida de Quintos upang palabasin na siya ang lehitiong anak sa unang kasal ni Lorenzo Alonso kay
Paula Florentino.

Maaaring si Teodora Alonso ay itinakwil din billang lehitimong kapatid dahil sa kontrobersyang
alitang bumabalot sa pamilya. Ang unang kontrobersya ay tungkol sa paratang na tinangka ni Teodora
Alonso na lasunin ang asawa ni Jose Alberto na si Teodora Formoso. Nag-ugat ang pangyayari nang
si Jose Alberto ay umuwi sa Biῆan galing Europa at natuklasan ang kataksilan ng kanyang asawa si
Teodora Formoso na may kinakasamang alferez (hepe) ng guardia civil.

Ikinulong ni Jose Alberto ang kanyang asawa sa isang silid ng bahay nila, habang si Teodora
Alonso at panganay na kapatid ni Rizal na si Saturnina ay minsan naghatid ng merienda, sa silid para
kay Teodora Formoso. Ipinakain ni Teodora Formoso ang hatid na merienda sa alagang aso na siyang
ikinamatay naman ng aso. Kasabwat ng alferez ng guardia civil, pinalabas na pinangtangkaan ni
Teodora Alonso ang buhya ni Teodora Formoso.

Paliwanag ni Rizal, ang tinutukoy na alferez ng guardia civil ay naging kaibigan at panauhin ng
pamilya na nagkaroon ng sama ng loob nang minsan ay tanggihan ng ama ni Rizal na bigyan ng
kumpay (fodder) ang kabayo ng alferez at nagkaroon ng pagkakataong maghiganti sa

4|P age
pakikipagsabwatan sa kinakasama niyang si Teodora Formoso. Samantala, mayroon ding sama ng
loob sa pamilyang Rizal ang gobernadorcillo na siyang hukom din sa pueblo. Minsan umano,
tinanggihan ng pamilya ang hinihiling na libreng manok at pabo. Hindi rin siya nabigyan ng kaukulang
parangal na nararapat para sa isang mahalagang panauhin sa salu-salo sa bahay ng pamilya Rizal.

Kapalit ng pangakong kaluwagan ng parusa sa kaso, nahikayat ng Gobernadorcillo Antonio


Vivencio del Rosario na paamin ang ina ni Rizal sa paratang. Hindi tinupad ng gobernadorcillo ang
pangako, bagkus pinahiya pa si Doῆa Lolay na sapilitang pinalakad nang higit 50 kilometro mula
Calamba hanggang sa bilangguan sa Santa Cruz, Laguna at doon ay ikinulong ng dalawa at kalahating
taon.

Ang isa pang kontrobersya ay ibinahgi ni Barbara Gonzales, apo sa tuhod ng kapatid ni Rizal
na si Maria sa dokumentaryong “Mga Lihim ng Pmilya ni Rizal”. Ang kontrobersya ay tungkol sa sabi-
sabing pagkakaroon ng anak ng tiyo ni Rizal na si Jose Alberto sa panganay na kapatid ni Rizal na si
Saturnina, at ang anak na iyon ay sinasabing bunsong kapatid ni Rizal na si Soledad. Ito rin ang
paniniwala ng Ingles na historyador na si Austin Coates.

Ayon sa sabi-sabi, si Saturnina ay pinagbakasyon ni Doῆa Lolay sa isang lugar nang malamang
buntis ito. Sumunod si Doῆa Lolay at matapos ang matagal na panahon ay sabay sila ni Saturnina na
bumalik sa Calamba na may dalang sanggol. Pinalabas ni Doῆa Lolay na buntis na siya nang umalis
ng Calamba kaya nang magbalik ang dalawa mulas sa mahabang bakasyon, ipinakilala ni Doῆa Lolay
ang sangggol na kanyang isinilang.

Ano pa man ang totoo, si Solidad ang isa sa mga dahilan na ang ina ng magkakapatid na Rizal
ay napalaya mula sa pagkakabilanggo. Sa isang pistang dinaluhan ng gobernador-heneral na si Rafael
de Izquierdo, napahanga ito sa pagtatanghal ni Soledad. Nang itanong ng gobernador-heneral kung
ano ang kahilingan ng batang si Solidad, sinabi nitong ang kalayaan ng ina. Ipinag-utos ng gobernador-
heneral na muling buksan ang kaso ni Doῆa Lolay, at sa tulong ng dalawang abugado na sina Don
Francisco Marciada at Don Manuel Manzano, mga propesor ng batas sa Universidad ng Santo Tomas,
ay napalaya si Doῆa Lolay.

Gaya ng maraming pamilyang nagnanais na itago ang kahihiyan, ito rin ang hangad ng pamilya
ni Rizal. Subalit dahil kilala ang kanilang pamilya, nauungkat ang lihim at gulo nilang mag-anak.

Pamilyang Mercado y Rizal

Ang pamilya Rizal ay kabilang sa tinatawag na principalia. Ilan sa mga nasa angkan ni Rizal
sa panig ng ama at ina ay naupong gobernadorcillo, isang puwesto sa pamahalaan na laan lamang sa
mga kasapi ng principalia. Ang pamilyang Rizal ay isa sa pinakamayaman sa bayan ng Calamba.

Bagamat hindi pag-aari ng pamilya Rizal ang lupang kinatatayuan ng kanilang bahay, sila
naman ang natatanging pamilyang unang nakapagtayo ng bahay na bato sa Calamba at nakapagtayo
ng isa pa. ang bahay ng pamilya Rizal ay halos katabi ng simbahan sa bayan na noo’y magagawa
lamang ng mayayaman sa lipunan. May mahigit 1,000 aklat na bumubuo sa silid aklatan ng bahay. Ang
pamilya ay nagmamay-ari ng mga kabayo at kalesa. Maliban sa mga alagang kabayo, mayroon ding
alagang aso, si Usman, na kasa-kasama ni Rizal sa paglalakad sa mga sakahan.

Sa kabila ng yaman ng pamilya, hindi sila naging mapagmataas. Ang kanilang bahay ay bukas
sa sinumang bisita mula sa lahat ng antas-pangkabuhayan at panlipunan. Maliban sa pagiging tanyag
na mayaman sa lugar, maisalalarawan din ang pamliyang tradisyunal at debotong Katoliko, mahigpit
ang samahan at ugnayan, at pinalaking magalang at disiplinado.

Isinalarawan ni Rizal ang ama na sa pangkalahatan ay tahimik at maramdamin. Maituturing din


itong huwaran ng mga ama sa pagiging maprinsipyo, tapat at masipag. Isinalarawan naman niya ang
ina na may pambihirang talino, mahusay sa wikang Espanyol at matematika at mahilig sa panitikan at
pagbabasa. Tila higit na namana ni Rizal ang angking talino mula sa ina at karamihan ng mga ugali sa
ama.

5|P age
Tatlong taon matapos ikasal ang mga magulang ni Rizal, 32 taong gulang noon ang ama ta 23
ang ina, isinilang si Saturnina. Ang ina ay 34 na taong gulang habang ang ama ay 41 nang isinilang si
Rizal. Huling nagsilang ang ina ni Rizal sa gulang na 43 habang ang ama ay 52. Isa hanggang tatlong
taon ang agwat ng magkakapatid na Rizal.

Ang mga anak nina Don Kikoy at Doῆa Lolay mula sa pinakamatanda ay ang mga sumusunod:

1. Saturnina (1850-1913). Kilala rin sa palayaw na Neneng. Ang


panganay sa mga magkakapatid na Rizal at ikinasal kay Manuel Hidalgo
ng Tanauan, Batangas. Nagkaroon ng limang anak na sina Alfredo, Adela,
Abelardo, Amelia at Augusto. Tinulungan niya kasama ang kanyang ina
makaaral si Rizal at siya ang tumayong pangalawang ina ni Rizal noong
nakulong ang kanilang ina.

2. Paciano (1851-1939). Ang nag-iisang nakatatandang lalaki sa kapatid


ni Rizal at naging heneral sa himagsikan. Siya at ang common law wife
na si Severina Decena ay nagkaroon ng dalawang anak. Inalagaan niya
si Rizal at tinulungan niyang makarating sa Europa. Habang nasa Europa
si Rizal, pinadalhan niya ng pensiyon at sinulatan niya para mabalitaan si
Jose tungkol sa mga nangyayari sa Pilipinas at sa kanilang pamilya. Nag-
aral sa Colegio de San Jose sa Maynila. Naging guro at kaibigan niya si
Fr. Jose Burgos. Sumali at sinuportahan ni Paciano ang Propaganda
Movement for social reforms at ang diyaryo ng kilusan, Diariong Tagalog.
Sinuportahan din niya ang Katipunan sa pagkuha ng mga miyembro galing sa Laguna. Pagkamatay
ni Jose Rizal, naging heneral si Paciano ng Revolutionary Army at naging military commander din ng
revolutionary forces sa Laguna noong Philippine-American War. Dahil dito, hinuli siya ng mga
Amerikano. Namatay ng dahil sa tuberculosis.

3. Narcisa (1852-1939). Kilala rin sa palayaw na Sisa. Napangasawa


si Antonio Lopez ng Morong at nagkaroon ng siyam na anak. Ang
pinakamatulunging kapatid na babae ni Rizal. Tulad ni Saturnina,
tumulong si Sisa sap ag-aaral ni Rizal sa Europa, isinangla niya ang
kanyang mga alahas at ibinenta niya ang kanyang mga damit para
lang matustusan ang pag-aaral ni Rizal. Lahat halos ng mga tula at
isinulat ni Rizal ay kanyang naisaulo.

4. Olympia (1855-1887). Kilala sa palayaw ni Ipia. Napangasawa si


Silvestre Ubaldo ng Maynila at nagkaroon ng dalawang anak; ang isa
ay pumanaw pagkasilang.

5. Lucia (1857-1919). Napangasawa si Mariano Herbosa ng


Calamaba, Laguna ta nagkaroon ng walong anak. Naging kahati sa
mga paghihirap ni Rizal. Siya ay pinagbintangan na nagsulsol sa
kanyang mag kababayan na huwag magbayad ng upa sa kanilang
mga lupa na nagdulot ng kaguluhan at silang mag-asawa ay minsan
nang nahatulan na itapon sa ibang bansa kasama ang ibang
miyembro ng pamilya Rizal.
Si Mariano ay namatay sa sakit na cholera noong Mayo, 1889.
Hindi siya binigyan ng isang burol Katoliko sa dahilang hindi siya
nangumpisal mula nang ikasal kay Lucia. Sa artikulo na isinulat na “La Solidaridad Una Profanacion”
ay binatikos niya ang mga pari na tumangging ilibing sa maayos na libingan ang isang mabuting

6|P age
Kristiyano dahil lamang sa siya ay bayaw ni Jose Rizal. Ang mga anak nila Lucia at Mariano ay sina
Delfina, Concepcion, Patrocinio, Esranislao, Paz, Victoria, at Jose. Si Delfina na ipinanganak noong
1979 at namatay noong 1900 ay naging sikat bilang isa sa tatlong babae na kinabibilangan nina Marcela
Agoncillo at anak na si Lorenza na tumahi ng ating watawat. Si Delfina ang unang asawa ni Heneral
Salvador Natividad ng Rebolusyon ng Pilipinas. Sina Teodosio (Osio) at Estanislao Tan ay naging mga
estudyante ng kanilang amain na si Jose Rizal sa eskuwelahan na kanyang itinatag sa Dapitan.

6. Maria (1859-1945). Kilala rin sa palayaw na Biang. Ikinasal


kay Daniel Fautino Cruz ng Biῆan, Laguna at nagkaroon ng
limang anak. Sinabi na si Maria daw ang kinausap ni Jose noong
panahon na gusto ni Jose na pakasalan si Josephine Bracken.

7. Jose (1861-1896). Kilala rin sa mga palayaw na Moy, Ute, at Pepe. Tinanggap na asawa si
Josephine Bracken, isang Irish, at nagkaroon ng isang anak na pumanaw pagkasilang.

8. Concepcion (1862-1865). Kilala rin sa palayaw na Concha. Maagang pumanaw dulot ng isang
sakit sa gulang na tatlo. Kung saan nakadama ng unang pagdadalamhati si Rizal. Sinasabing sa lahat
ng kapatid na babae, si Concha ang pinakapaborito ni Jose o “Pepe’ Rizal na mas bata nang isang
taon sa kanya. Magkalaro sila at laging kinukuwentuhan ni Jose Rizal ang nakababatang kapatid at sa
kanya naramdaman ni Jose Rizal ang kagandahan ng pagmamahal ng isang kapatid na babae.

9. Josefa (1865-1945). Kilala sa palayaw na Pangoy.


Tumandang dalaga at kabilang sa 29 na unang mga kababaihan
na tinanggap sa Katipunan, kung saan siya ay naging pangulo sa
pangkat ng mga kababaihan. Noong si Rizal ay nasa Europa,
siya ay nagsusulat para kay Josefa na ang laman ay pagpupuri
niya sa kanyang kapatid dahil sa kanyang kaalaman sa Ingles. Si
Rizal ay nagsulat din ng mensahe tungkol sa bente pesos ngunit
ang 10 doon ay para dapat sa lotto. Siya ay nagkaroon ng sakit na epilepsy ngunit sa kabila ng
kanyang sakit, nagawa niya pa ring sumali sa Katipunan at maging isang Katipunera. Si Josefa ay
nahalal bilang pangulo ng mga babae sa Katipunan. Isa siya sa mga orihinal na miyembro ng
Katipunan kasama sila Gregoria de Jesus.

10. Trinidad (1868-1951). Kilala rin sa palayaw na Trining.


Tumandang dalaga at pinakahuling pumanaw sa mga
magkakapatid na Rizal. Naging kaanib din ng Katipunan. Ang
tagapagtago at tagapamahala ng pinakahuli at pinakatanyag na
tula ni Rizal.
Noong Marso 1886 ay sumulat si Jose Rizal kay Trining at
isinasalaysay niya na ang mga babae sa Alemanya ay
masisipag mag-aral. Pinayuhan niya si Trining na habang bata
pa ito ay dapat magbasa nang magbasa ng buong puso.
Pinangaralan niya ito na huwag hayaang ang katamaran ang
mamayani dahil napuna ni Jose Rizal na wala sa loob nito ang pag-aaral. Sinabi niya na kaunting tiyaga
lamang at siya ay magtatagumpay. Makaraan ang apat na taon ay nagulat na lamang si Jose Rizal
nang makatanggap siya ng liham mula kay Trining. Ipinaalam nito na nakapagtapos ito ng Kolehiyo,
dalawang taon at isa’t –kalahating buwan na ang nakakaraan.

Si Trinidad at ang kapatid na Josefa ay namuhay nang magkasama hanggang sila’y namayapa at
parehong hindi nag-asawa. Noong 1883, si Trinidad ay naratay sa banig ng karamdaman, limang
buwan mula Abril hanggang Agosto. Pabalik-balik ang kanyang lagnat at dinapuan pala siya ng sakit
na malaria. Siya ang pinakahuling namatay sa pamilya Rizal.

7|P age
11. Soledad (1870-1929). Kilala sa palayaw na Choleng. Ang
bunso sa magkakapatid ay ikinasal kay Pantaleon Quintero ng
Calamba, Laguna at lima ang naging anak na sina Trinitario,
Amelia, Luisa, Serafin at Felix. Si Rizal ay saludo sa kanya dahil
siya ay isang guro at siya ang pinakaedukado sa kanilang
magkakapatid.

Si Choleng din ang pinakakontrobersyal na anak sa kanilang


pamilya. Isang dahilan kung bakiy siya ay tinawag na
kontrobersyal dahil da kumakalat na balita na hindi raw totoong
anak ni Teodora at Francisco si Choleng kung ‘di kela Saturnina at Jose Alberto na kapatid ni Teodora.

Bagamat anim ang nakakatandang kapatid ni Rizal na maaari sanang salitan, mag-alaga at
magturo sa kanya noong bata pa, mayroon siyang sariling yaya at iba pang pribadong guro.

Kung hindi kabilang sa principalia, mahihirapan ang mag-asawang Don Francisco at Doῆa
Teodora na itaguyod ang mga pangangailangan at magandang buhay ng mga anak. Kahit na marami
silang magkakapatid, nagawa ng mag-asawang pag-aralin ang mga anak sa mga kilalang paaralan sa
Maynila. Sila ang mga unang magulang sa Calamba na nakapagpadala ng mga anak sa Maynila upang
makapag-aral sa kolehiyo.

Ang mga kapatid ni Rizal na sina Josefa at Trinidad ay napabilang sa lupon ng kababaihan ng
Katipunan. Si Paciano naman ay nagsilbing heenral sa himagsikan noong 1896 at sa Filipino-American
War noong 1899 sa ilalim ni Pangulong Emilio Aguinaldo. Bagamat natalo ang mga rebolusyonaryong
Pilipino, hindi siya nanumpa sa watawat ng Estados Unidos. Wika ni Paciano “Hindi ko kayang
sumumpa sa anumang watawat dahil ang aking katapatan ay pagmamay-ari ng watawat ng Pilipino…”

Sa mga kapatid ni Rizal, tila si Paciano ang pinakamalapit sa kanya. Si Paciano ang nagmulat
kay Rizal sa mga kasamaan at kawalang katarungan sa lipunan at umalalay kay Rizal sa pagpapatala
sa mga paaralan. Si Paciano rin ang nag-asikaso ng mga pangangailangan ni Rizal pag-alis ng Pilipinas
at tumulong sa pagtaguyod ng pag-aaral at mga gastusin sa Europa. Bilang nakakatanda at pangalawa
sa panganay, nagparaya si Paciano at ibinigay kay Rizal ang karaniwang mga pribilehiyong nakalaan
sana sa isang nakakatandang kapatid.

8|P age
Aralin 3
Kamusmusan

Kabataan ni Rizal

Ginugol ni Rizal ang malaking bahagi ng kaniyang kabataan sa bayan ng Calamba at Biῆan.
Ang kaniyang kabataan ay puspos ng magagandang alaala sapagkat ang kanilang tahanan sa
Calamba ay malapit sa paanan ng Bundok ng Makiling at sa baybayin ng Lawa ng Laguna kung kaya’t
naging makulay at kaibig-ibig ang kaniyang mga karanasan sa panahon ng kaniyang kamusmusan.
May kaliitan at masasakitin si Jose kung kaya’t tatlong taon pa lamang siya ay ikinuha na siya ng isang
yaya upang higit siyang mapangalagaan. Ipinagpatayo pa siya ng kaniyang ama ng isang kubo na yari
sa nipa sa loob ng kanilang bakuran upang doon makapaglaro nang Malaya sa loob ng kanilang hardin.
Kadalasan ay doon siya naililibing na pakinggan at pagmasdan ang Culinaunan, Maya, Maria-Capra,
Pipit at iba pang uri ng ibon.
Unang narinig ni Jose sa kaniyang yaya ang mga kuwentong tungkol sa mga aswang, nuno sa
punso, mga maligno, tikbalang at iba pang kuwentong pambata.

Sa kaniyang paglaki ay nakalagay niya ang pamamasyal sa luntiang bukirin at dalampasigan


kasama ang kaniyang asong si Usman. Kung minsan naman ay sakay siya ng kaniyang kabayo at kung
minsan ay naglalakad siya kasama ang isa pa niyang asong itim na si Berganza.

Nakagawian din niya ang pamamasyal sa bahay ng ilang magsasaka na malalapit din sa kanila
upang makarinig lamang ng mga kuwentong bayan at alamat tungkol sa iba’t ibang lugar sa Laguna.

Simula pa sa kamusmusan ni Jose ay nabakas na sa kaniya ang likas na katalinuhan.


Mapagtanong siya tungkol sa mga bagay-bagay na nakikita at napapansin niya sa kaniyang paligid.
Minsan ay napagtutuunan niya ng pansin ang isla Talim na nasa kabilang bahagi ng lawa ng Laguna.
Itinanong niya sa kaniyang ama kung may mga nnakatira din daw bang mga tao roon ay hindi rin
masaya katulad ng mga nasa Calamba. Sa kaniyang mga kilos at pagsasalita ay madalas mahiwatigan
na daman a rin niya, bagamat isang bata ang kahirapan at kalungkutang nararanasan ng mga Pilipino
sa ilalim ng pamamalakad ng mga Kastila. Naiuugnay na niya at nabibigyan ng mga kahulugan ang
kaniyang mga naririnig at nakikitang mga pangyayari sa kaniyang bayan. Sa kaniyang murang gulang
ay nalalaman na niya na ang mga Pilipino ay hindi malya sa kanilang pamumuhay sa sariling bansa.
Nakikita niya na hindi niya naiibigan na ang mga Pilipino ay sunod-sunuran sa kung ano ang nais ng
mga namumunong Kastila. Ang ganitong sitwasyon ay labis na ikinabagabag ng kaniyang kalooban.

Mahal na mahal si Jose ng kaniyang mga kapatid lalo ng ng kanyang kuya Paciano na siyang
higit na malapit at nagpakita ng ibayong pag-aalala kay Ute (ito ang pabirong tawag sa kanya ng
kaniyang kapatid). Si Paciano ang itinuturing ni Jose na pangalawang ama. Siya ang nagbigay ng higit
na atensyon upang matgunan ang mga pangangailangan ni Jose sa kaniyang pag-aaral.

Apat na taon si Jose nang maranasan niya ang dalamhati dahil sa pagkamatay ng kaniyang
nakababatang kapatid na sumunod sa kaniya – si Concha. Mabait at mapagmahal ang ina ni Jose
subalit kung dapat na paluin si Jose, ito ay pinapalo niya ng tsinelas. Ang pagdidisiplina ng ina ni Jose
ay nauunawaan niya kaya’t nang siya ay may hustong gulang na ay lagi niyang nasasabi sa kaniyang
sarili na anuman mayroon at anuman ang mabuting kinahinatnan ng isang anak ay utang niya sa
kaniyang ina.

Mahal na mahal ni Rizal ang bayan ng Calamba. Sa katunayan, siya ay sumulat ng isang tula
para dito. Pinamagatan niya itong “Un Recuerdo A Mi Pueblo” (Sa Alaala ng Aking Bayan). Siya ay
mahina, sakitin, at maliit noong siya ay tatlong taong gulang. Dahil dito, siya ay labis na inalagaan ng
kaniyang mga magulang at kapatid.

Isa sa pinakamasasayang alaala ni Rizal noong siya ay bata pa ay ang paglalakbay nila ng
kaniyang Ama patungong Antipolo upang tuparin ang pangako ng kaniyang ina noong siya ay
ipinanganak nito. Sila ay sumakay sa isang kasko na naglayag sa Ilog Pasig. Kinagiliwan niya ang
kanyang kauna-unahang paglalakbay, sa panonood ng tubig-ilog, sa katahimikan ng gabi, at ang

9|P age
maningning na silahis na tumatagos sa banayad na tubig ng malawak na lawa sa sumunod na araw.
Pagkatapos magdasal sa dambana ng Birhen ng Antipolo, nagtungo sina Jose at ang kaniyang ama
sa Maynila upang dalawin ang kaniyang kapatid na si Saturnina na nag-aaral noon sa Kolehiyo ng La
Concordia sa Santa Ana. Yaon ang kaniyang unang pagtungo sa Maynila.

Sa murang gulang, si Rizal ay biniyayaan na ng kakaibang mga talento. Ibinubuhos niya ang
kaniyang panahon sa pagmamasid sa kaniyang kapaligiran. Labis na tuwa ang kaniyang nadarama sa
pagmamasid sa kagandahan ng kalikasan. Tuwang-tuwa siya sa mga bagong bukad na mga talutot ng
bulaklak sa ilalim ng matingkad na sikat ng araw, at tila sumasayaw sa mabining ihip ng hangin. Bilang
isang alagad ng sining sa murang gulang, sinubukan niyang gumuhit ng mga bagay gamit ang kaniyang
lapis. Nagmomolde rin siya ng mga debuho na nakahuli ng kaniyang pantasya’t kawilihan.

Hindi lang isang potensyal na manunulat at alagad ng sining si Rizal. Isa rin siyang madyikero.
Malikhain ang kanyang mga kamay at daliri sapagkat nagagalaw niya ito at pinag-aanyong tila
mumunting tao o hayop kapag itinatapat sa harap ng ilaw at puting tela. Nakapagsasagawa rin siya ng
mga mahika gamit lamang ang kaniyang kamay. Sa bilis ng kaniyang kamay ay nakakaya niyang
paglahuin ang isang panyo nang hindi nahuhuli ng mga matang manonood kung saan ito napunta.

Ang magagandang karanasan ni Rizal sa bayan ng Calamba ay nahaluan ng di masasayang


pangyayari dahil sa kalupitan ng mga guwardiys sibil na paroo’t parito sa kanilang bayan. Habang
naglalakad siya, isang bukang liwayway sa isang tag-init, si Rizal kasama ang aso niyang si Berganza
ay nakitang pinagmamalupitan at sinasaktan ng mga guwardiya sibil ang mga walang labang
mamamayan ng kanilang lugar.

Sampung taong gulang naman si Rizal nang marinig niya sa kuyang si Paciano ang tungkol sa
kaibigan at kabakas na si P. Jose Burgos na nangampanya para sa liberal na pagbabago. Si Burgos
ay isa sa tatlong martir na pari na ibinitay noong ika-17 ng Pebrero 1872 sa Bagumbayan, kung saan
din ibinitay si Rizal sa katulad na paratang na pagtataksil makalipas ang 24 na taon. Nasabi ni Rizal na
kung hindi ang salitang filibustero na ang kahulugan ay rebelde o kalaban ng estado, na pinagbawal
ng ama ni Rizal na mabanggit ng pamilya kailanman.

Konklusyon

Ang buong pangalan ng pinakadakilang bayaning Pilipino ay DR. JOSE PROTACIO


MERCADO RIZAL Y ALONZO REALONDA. Siya ay isinilang ng araw ng Miyerkules, Hunyo 19, 1861
sa pagitan ng ika-11 at hantinggabi, (Ika 3:00 ng umaga) ilang araw bago ang kabilugan ng buwan sa
baybaying bayan ng Calamba, Laguna. Ang gobernador heneral noon ay si Tinyente Heneral Jose
Lemery, dating senador ng España (kasapi ng mataas na Kapulungan ng Cortes ng España).

Ang malaking bahagi ng maagang kabataan ni Rizal ay ginugol niya sa Calamba at Binan na
puno ng magagandang alaala. Dahil ang bayan ng Calamba ay lubos niyang hinangaan at minahal,
noong 1878 sa gulang na 15 taon habang nag-aaral sa Ateneo Municipal de Manila sumulat siya ng
isang tula na ang pamagat ay “Un Recuerdo A Mi Pueblo” (Isang Alaala sa Aking Bayan).

Ang panahong kinamulatan ni Rizal.Sa taong 1870-1880 ay unti-unting namulat ang mga
mata ng Pilipino. Ang kanilang pinuno ay unti-unting nagising at nakadama ang kanilang kaapihan sa
kamay ng mga dayuhan. Ang mga Kastila ay hindi nabubuhay na kasalamuha ng mga Pilipino. Ang
mga Pilipino ay patuloy na nagbabayad ng mga buwis at hindi nila natatamo ang mga karapatang
ipinagkaloob sa mga Kastila. Ang kabuhayan sa kapuluan ay umunlad dahil sa pagbukas ng bagong
pamilihan para sa mga produkto sa Silangang Asya at ang Maynila ang naging sentro ng kalakal sa
Pilipinas. Ang pagbubukas ng Kanal Suez, na pinamahalaan ni Ferdinand de Lessep ay isang bagay
na nakatulong upang makapasok sa Pilipinas ang mga bagay at diwang dayuhan. Ang mga Pilipino
ay nakamalas ng bagong anyo ng buhay, nadama nila ang pagiging Malaya. Nagkaroon ng
himagsikan sa Mehiko laban sa Pamahalaang kastila at ang paghihimagsik na iyon ay nadama sa
Pilipinas at dahil ditto ang kapangyarihang pandaigdig ng Espanya ay unti-unting nabawasan at
nabuwag.

10 | P a g e
Kabanata III
PAG-AARAL AT PINAG-ARALAN
Aralin 1: Calamba
Aralin 2: Binyang (Biῆan)
Aralin 3: Ateneo de Manila
Aralin 4: Unibersidad ng Santo Tomas

Introduksyon

Ang kabanatang ito, sumasaklaw sa edukasyon ni Rizal mula sa mga unang guro hanggang
sa pag-aaral sa pamantasan sa Pilipinas. Nawa’y maunawaang mabuti at mailapat sa buhay ng mga
mag-aaral ang naging karanasan ni Rizal sa panahon ng kanyang pag-aaral upang mapagyaman ang
mga kaisipan at simulain ni Rizal sa kanyang kabayanihan tungo sa makabagong mundo.

Layunin ng kabanatang ito ang sumusunod:

1. Mababatid ang mga naging edukasyon ni Rizal, maging ang mga nagawa nito
habang nag-aaral pa.
2. Maiugnay sa kasalukuyan ang paraan ng pagtuturo noon.
3. Maisabuhay ang mga pinagdaan ng bayani sa panahon ng kanyang pag-aaral.

Aralin 1
Calamba
Impormal na Edukasyon

Sinasabi na noong bata pa si Rizal, nagpamalas na siya ng likas na talino at talento. Ang mga
unang pag-aaral ni Jose ay naganap sa bayan ng Calamba. Ang mga aralin doon ay nakatuon sa
pagsulat, pagbilang, pagbasa, at pagsamba. Si Donya Teodora ang unang naging guro ni Rizal. Sa
kaniyang ina una niyang natutunan ang alpabeto. Sa edad na tatlo pa lamang marunong na siyang
bumasa at sumulat. Sa pamamatnubay ng kaniyang relihiyosang ina ay natutunan na rin niya ang mga
unang dasal na dapat matutunan ng isang bata. Ang kanyang ina ang unang humikayat sa kanya na
magsulat ng tula. Kaya naman sa gulang na walo ay nasulat niya ang kauna-unahang tula na may
pamagat na “Sa Aking Kabata”.

Malaki ang naging impluwensiya sa batang Jose ng kaniyang mga tiyuhin lalong lalo ang
tatlong tiyuhin ni Rizal. Maraming kalinangang natamo si Rizal dahil sa mga ito. Ang mga natutunan
niya sa kaniyang tatlong mga tiyuhin ay kinabibilangan ng sumusunod:

1. Tiyo Jose Alberto – siya ang nag-impluwensiya kay Jose sa pagpapahalaga sa sining. Kagaya
ng palarawang sining, iskultura at panitikan. Sa kaniya nagpapaturo ang batang Pepe kung
paano magpinta o kaya umunawa ng mga tula.
2. Tiyo Manuel – palakasan naman ang naging impluwensiya nito. Bata pa man ay naturuan na
siya nito ng mga paraan sa pagtatanggol sa sarili.
3. Tiyo Gregorio – ang nagpamulat kay Rizal sa kahalagahan ng pagbabasa ng mga aklat.

Maliban sa kanyang ina at tatlong tiyuhin, kabilang din ang mga sumusunod sa mga naging
unang guro ni Rizal:

11 | P a g e
1. Maestro Lucas Padua – nagturo sa kaniya ng kagandahang asal at wastong pag-
uugali.
2. Maestro Leon Monroy – nagturo kay Rizal ng Aritmetika o pagbilang. Siya ay tumira
sa bahay ng mga Mercado upang maging tutor ni Jose. Tinuruan niya rin ito ng
Espanyol at Latin. Namatay ito pagkalipas ng limang buwan.
3. Maestro Celestino – isang pribadong guro o tutor ni Rizal na nagturo sa kaniyang
sumulat.

12 | P a g e
Aralin 2
Binyang (Biῆan)
Pormal na Edukasyon sa Biῆan

Sa gulang na siyam na taon, noong Hunyo 1870 ay pinag- aral si Rizal ng kanyang ama sa
Binyang. Dito ay naging guro niya si Justiniano Aquino Cruz. “Yao’y isang lalaking matangkad, payat,
mahaba ang liig, matangos ang ilong, hukot nang bahagya ang katawan sa dakong harap at karaniwang
nakabarong sinamay na habi ng mga babaing taga-Batangas; nasaulo niya ang mga balarila nina
Nebrija at Gainza, ang Gramatica Latina at Gramatica Castellana at isusog ninyo rito ang
kabagsikangsa palagay ko’y labis naman”.

Sa unang araw ay pinagtawanan si Rizal ng kanyang kamag-aaral. Ito ay pinagsimulan ng anak


ng gurong si Pedro.

Kaya’t habang natutulog nang tanghali ang kanyang guro ay hinamon niya si Pedro. Tinanggap
nitong huli ang hamon sapagka’t maliit sa kanya si Rizal. Dahil sa mga pamamaraan sa pagtatanggol
sa sarili na natutunan niya sa kanyang Tiyo Manuel ay nagawa niyang matalo si Pedro.

Si Rizal, kasam ang kanyang kamag-aaral na si Jose Guevara ay nag-aaral ng pagpipinta sa


matandang pintor na si Juancho Carrera. Si Juancho ay biyenan ni Justiniano Aquino Cruz.

Ang kanyang buhay sa Binyang ang mapamaraan at maayos.

Pagkaraan ng ilang buwan ay pinagpayuhan ng kanyang guro na umuwi na sapagka’t


natutuhan na niya ang lahat ng mga dapat ituro sa kanya. Ipinayo rin ni Don Curz na ipagpatuloy niya
sa Maynila ang pag-aaral.

Nilisan ni Rizal ang Binyang noong ika-17 ng Disyembre, 1871 matapos na tumigil doon ng isa
at kalahating taon. Sakay siya ng bapor na Talim, kasama ng Pranses na si Arturo Camps, isang
kaibigan ng kanyang ama na tumingin sa kanya sa paglalakbay.

Pinag-aral si Rizal ng kanyang ama sa paaralang bayan ng Calamba sa ilalim ng gurong si


Lucas Padua upang mag-aral ng aritmetika at maihanda sya sa isang pagsusulit na kukunin niya sa
Maynila.

Dalawang malungkot na pangyayari ang dumating sa buhay ng pamilyang Rizal: Si Donya


Teodora ay pinaratangang tumulong sa kanyang kapatid na si Jose Alberto sa balak na paglason ng
asawa nito. Hindi na nakabangon sa kalungkutan ang kanilang pamilya dahil sa pagkakabilanggo ni
Donya Teodora nang magkaroon ng himsgsikan sa Cavite noong Enero 20, 1872 at ito ay sinundan ng
pagkakagarote noong Pebrero 17, 1872 sa tatlong paring martir, Gomez, Burgos, at Zamora.

Ang kawalang katarungang pagkakapatay sa tatlong pari ay bagay na dumilig sa binhi ng


hangarin ng batang si Rizal na kabakahin ang kasamaan ng kanyang panahon.

13 | P a g e
Aralin 3
Ateneo de Manila
Edukasyong Sekundarya – Kasaysayan ng Ateneo

Tatlong paaralan lamang ang


maaaring pagdalhan sa Maynila ng isang
batang angat sa talino at galing sa
pamilyang angat sa kabuhayan. Ang mga
paaralang ito ay ang Seminario de San
Jose na pinasukan ni Paciano, ang
Colegio de San Juan de Letran, at ang
Ateneo Municipal de Manila.
Napagpasiyahan ni Don Francisco nap ag-
aralin si Rizal sa huli.

Ang Ateneo ay pinatatakbo ng orden


sa Latin na Societas Jesus (Society of
Jesus) na mas kilala sa tawag na Heswita.
Itinatag ni San Ignacio Lopez ng Loyola,
Espanyaang orden noong 1534. Unang
dumating ang mga Heswita sa Pilipinas
noong 1581.

Ika-10 ng Disyembre 1859 nang simulang pangasiwaan ng mga Heswita ang isinalin sa kanila
ng pamahalaang ayuntamiento na pampublikong Escuela Municipal de Manila. Ang Escuela Municipal
de Manila ay nag-umpisa bilang Escuela Pia de Manila na itinatag noong 1812 ni Don Pedro Vivanco.
Noong una ay pribadong primaryang paaralan ito ng mga batang lalaking Espanyol hanggang
pangasiwaan ito ng lokal na pamahalaan noong 1831 bilang Escuela Municipal de Manila.

Nang nasa pangangasiwa na ng mga Heswita ang Escuela Municipal, nabigyan ito ng
pahintulot bilang paaralang sekundarya noong 1865 at nakilala bilang Ateneo Municipal de Manila. Ito
na ang naabutan ni Rizal na pangalan ng paaralan. Ang Ateneo ay anyong Espanyol ng salitang
Griyego na athenaeum na halos na halos katumbas ng academy o institusyon ng karunungan, sapagkat
ang athenaeum ay mula sa diyosang Griyego ng karunungan na si Athena.

Naging isang pribadong kolehiyo ang Ateneo Municipal de Manila noong 1901 at nakilala na
lamang sa pangalang Ateneo de Manila. Isandaang taon makalipas pangasiwaan ng mga Heswita ang
paaralan sa Maynila, nakamit nito ang katayuang pamantasan noong 1959 at kilala na ito ngayon na
Ateneo de Manila University. Mayroon itong 100 ektaryang campus sa Loyola Heghts, Quezon City na
nilipatan nito noong 1952 mula sa orihinal nitong campus sa Intramuros, Manila.

Ratio Studiorum

Ang sistema ng edukasyon sa Ateneo na sinusundan ng mga Heswita ay tinatawag na Ratio


Studiorum (Plan of Studies) na binalangkas ng orden noong 1599 para magkaroon ng pamantayan,
alituntunin, at gabay ng edukasyong Heswita sa mga paaralan nila na laganap sa mundo. Kabilang sa
binibigyang halaga ang mga kurso sa classical humanities, gaya ng pilosopiya, teolohiya, Latin at
Griyego. Karagdagang itinuturo ang kasaysayan, heograpiya, matematika, at mga likas na agham.
Nakatuon naman ang pagkatuto ng mga mag-aaral sa tatlong diskarte ng pagtuturo sa Ateneo:

1. Disiplina – ang mga mag-aaral ay kailangang sumunod sa mahigpit na schedule ng mga


gawain ayon sa alituntunin ng mga Heswita.
2. Paligsahan – ang kagalingan ng mga mag-aaral ay nailalabas sa loob ng isang competitive
environment na pantay ang pagkakataon ng bawat isang magpakitang-gilas.
3. Insentibo – hinihikayat ang mga mag-aaral na paghusayan ang mga gawa at kusang paunlarin
pa ang kakayahang kinikilala at pinararangalan sa pamamagitan ng mga premyo at gantimpala.

14 | P a g e
Pagpapatala sa Ateneo

Unang pagkakataon makaluwas si Rizal sa Maynila nang kumuha siya ng pagsusulit sa


pangsekundarya noong ika-10 ng Hunyo 1872 sa Colegio de San Juan de Letran sa Maynila. Isa ito sa
mga lugar na pinagkukunan ng pagsusulit para sa iba’t ibang paaralang sekundarya sa Pilipinas na
itinakda ng secretary-general noon ng Unibersidad de Santo Tomas na si Don Antonio Estrada. Ang
segunda enseῆanza (secondary education) sa Pilipinas noon ay isinailalim ng reyna ng Espanya na si
Isabel II sa superbisyon ng mga Dominikano sa pangunguna ng Rektor ng Universidad de Santo
Tomas. Kabilang sa pagsusulit ang pagbasa, aritmetika, at Doktirna Kristiyana na lahat ay ipinasa ni
Rizal.

Bagamat pasado sa lahat ng asignatura sa pagsusulit, sa palagay ni Rizal ay tinanggihan siya


ng head registrar ng Ateneo na si P. Magin Fernando. Nagkataong huli na ang aplikasyon ni Rizal sa
Ateneo at tila nag-alinlangan ang pari sa kakayahan ng batang Rizal na mukhang sakitan at mahina
ang pangangatawan. Kapansin-pansin na maliit ang pangangatawan nito kung ihahambing sa ibang
mga mag-aaral na kasing edad niya.

Tinanggihan man ng Ateneo, maaaring subukan ni Rizal na humabol makapasok sa ibang


paaralan gaya ng Letran. Ngunit gumawa ng paraan ang kanyang kuya Paciano at hiningi ang tulong
ng pamangkin ng isa sa mga martir na pari na si P. Jose Burgos. Ang pamangkin nay un ay si Manuel
Jerez, isang manggagamot at kaibigan ng pamilya Rizal, ang siyang naglakad na makapasok si Rizal
sa Ateneo.

Minabuti na rin ni Paciano na ang ipinatalang apelyido ni Jose sa Ateneo ay Rizal sa halip na
Mercado upang wala ng tanong o problema pa ang maaaring idulot ng paggamit ng apelyidong
Mercado. Naging matunog at kahina-hinala sa mga prayle at kinauukulan ang apelyidong Mercado na
gamit ni Paciano nang maugnay siya sa martir na si P. Burgos.

Unang Taon

Nagsimulang pumasok sa klase si Rizal sa Ateneo noong ika-26 ng Hunyo 1872 sa gulang na
11. Nanunuluyan siya nang libre sa bahay ng isang nagngangalang Titay sa Santa Cruz, Maynila bilang
kabayaran sa utang na ₱300 ng matandang dalgang may ari ng bahay sa mga magulang ni Rizal. Mag
25 minuto ang nilalakad ni Rizal papasok sa Ateneo mula sa tinirhang bahay.

Bilang externo at huli nang dumagdag sa klase, ibinilang siya ng kanyang unang guro na si P.
Jose Bech sa pangkat ng Imperyo ng Carthage at inilagay sa pinakahulihan ng kanyang pangkat. Sa
loob ng isang buwan, napalitan niya sa pagka-emperadort ang kamag-aral na Espanyol na may ngalang
Gonzalo Marzano.

Ang wika ng pagtuturo ng unang taon sa klase ay Kastila at dahil hirap si Rizal, minabuti niyang
kumuha ng mga tutorial lessons sa Kastila sa halagang ₱3 bawat aralin sa Colegio de Santa Isabel na
malapit sa Ateneo at nasa loob din ng Intramuros.

Sa pagtatapos ng unang taon ni Rizal sa Ateneo, wala siyang nakuhang medalya ngunit ang
nakuha niyang grado sa lahat ng kurso sa lahat ng kurso ay sobresaliente. Sa Sistema ng grado sa
Ateneo, ang sobresaliente (excellent) ang pinakamataas, sumunod ang notable (very good), bueno
(good), aprobado (passed), at suspend (failed).

Nakatanggap lamang ng medalya ang isang mag-aaral kapag siya ay nakakuha ng primer
premio (1st place/prize) o seguda premio (2nd place/prize) sa alinmang academic subject o
comportamiento (conduct) at aplicacion (effort). May medalya rin para sa mga natatanging parangal.

Kasunod ng primer at segunda pemio ang accesit (honable mention) na walang medalya.
Ngunit maaari pa ring mabigyan ng medalya ang nakakuha ng puro accesit sa lahat ng asignatura kung
kasama ang comportamiento at aplicacion. Bagamat puro accesit ang nakuha ni Rizal sa lahat ng
asignatura, hindi naman siya nakakuha ng comportamiento at aplicacion kaya wala siyang natanggap
na anumang medalya.

Dapat tingnan na ang unang taon ni Rizal ay panahon ng pag-angkop sa buhay Maynila para
sa isang probinsiyano. Gayon din ang pag-aangkop sa sekundaryong edukasyon lalo pa at siya ay

15 | P a g e
hirap pa sa Kastila. Ipinagdamdam din niya ang minsang sinabi ng guro na nagpabawas ng kanyang
gana na gumaling pa lalo sa klase. Nakadagdag sa kanyang pagkalumbay ang mawalay muli sa
pamilya at matatandaan ding nasa bilangguan pa ang ina na kanyang dinalaw noong bakasyon ng tag-
init.

Ikalawang Taon

Nang sumunod na akademikong taon ng 1873, lumipat si Rizal ng tirahan sa mas malapit sa
Ateneo na isang boarding house na pinangangasiwaan ng isang Donya Pepay de Ampuero sa Calle
Magallanes ng Intramuros.

Muling naging emperador si Rizal sa pangkat at sa katapusan ng akademikong taon, nakabawi


rin siya nang tanggapin ang unang medalya sa Ateneo nang makakuha siya ng puro accesit sa lahat
ng asignatura maging sa comportamiento at aplicacion.

Sa panahong iyon sa Ateneo naging palabasa si Rizal ng maraming aklat. Nagawa pa nga
niyang linlangin ang ama na bilhan siya ng mamahaling mga tomo ng Historia Universal ni Cesare
Cantu sa pagsasabing kailangan ito sa pag-aaral ng kurso.

Binasa rin niya ang aklat na Reisen in den Philippine (Mga Paglalakbay sa Pilipinas) ni Feodor
Jagor na nasa salin na Viages por Filipinas de F. Jagor. Sa hinaharap, si Jagor ay nakilala at naging
kaibigan ni Rizal nang maglakbay sa Alemanya. Nakaimpluwensiya rin siya sa pagsusuri ni Rizal sa
sanaysay na Filipinas Dentro de Cien Aῆos (Ang Pilipinas sa Isang Daang Taon) tungkol sa
kakaharapin ng Pilipinas. Sa kanyang nabasa, namulat si Rizal sa mga depekto ng Imperuo ng Espanya
sa mga kolonya nito sa Amerika at kabiguang mapanatili ang mga ito.

Una siyang nagkahilig sa pagbabasa ng mga nobela nang mabasa niya ang Le Comte de
Monte Cristo (The Count of Monte Cristo) ni Alexander Dumas. Maliban sa pagbabasa ng libro sa
libreng mga oras, minabuti rin ni Rizal na hasain ang kanyang kakayahan sa pagpipinta sa ilalim ng
tanyag na Espanyol na pintor na si Agustin Saez, maging ang kakayahan sa paglililok sa ilalim naman
ng kilalang Pilipinong manlililok na si Romualdo Teodoro de Jesus.

Ayon kay Dr. Augusto de Viana sa aklat na Jose Rizal in Our Times, ang manlililok na si de
Jesus, na nagkintal kay Rizal ng pangangailangang mapanatili at mapangalagaan ang pagkakakilanlan
ng bayang Pilipino, ang mas malamang na pinagkunan ni Rizal ng tauhan na si Filosofo Tasio sa
kanyang nobelang Noli Me Tangere.

Napansin ng mga Heswitang guro ang kagalingan ni Rizal sa paglililok nang makita ang gawa
niyang larawan ng Blessed Virgin Mary mula sa kahoy na batikuling gamit lamang ang isang maliit na
panghiwa. Isa sa mga paring humanga sa gawa ni Rizal ay si P. Lleonart na nakiusap na ililok siya ng
karawan ng Corazon Santisimo de Jesus na tinapos ni Rizal ng ilang araw.

Ang larawan na pinagawa ni P. Lleonart ay dapat sanang dala niya pabalik ng Espanya ngunit
naiwan at nanatili sa Ateneo, na magpahanggang sa ngayon ay nasa pag-iingat ng mga Heswita ng
pamantasan.

Natapos ni Rizal ang ikalawang taon sa Ateneo na panlima sa klase. Nahigitan siya ng dating
kamag-aral sa Biῆan na si Justiniano Jao-Jocco at Moises Santiago na tinawag ni Rizal na matematiko
at magaling na manunulat, isang Gonzalo Marzano na isang Espanyol, at Joaquin Garrido na isang
mestizong Espanyol.

Bakasyon muli ng tag-init nang dinalaw ni Rizal ang ina sa bilanggunan at sa pagkakataong
iyon naikuwento ng ina ang napanaginipan na ipinakahuluigan ni Rizal na paglaya ng ina matapos ang
tatlong buwan. At nangyari nga ito nang halos kauumpisa pa lamang ng akademikong taon sa Ateneo
noong 1874.

Ikatlong Taon

Nakapasok si Rizal sa panibagong akademikong taon noong 1874 nang palayain na rin ang
kanyang ina mula sa pagkakabilanggo ng dalawa at kalahating taon. Sakto sa paglaya ng ina, na sa
unang pagkakataon ay nagdiwang ng araw ng kapanganakan sa labas ng bilangguan, nang isulat ni
Rizal ang unang tula sa Ateneo. Sinasabing may pamagat itong Mi Primera Inspiracion (My First

16 | P a g e
Inspiration) at handog sa kaarawan ng ina. Sinasabi naman ng pamangkin ni Rizal kay Narcisa na si
Leoncio Lopez na ang tula ay sulat ng nakatatanda niyang kapatid na si Antonio Lopez. Taliwas sa
sinasabi ni Jamie C. de Veyra, dating mananaliksik ng kasaysayan sa National Library at director ng
dating Institute of National Laguage, na si Rizal ang may akda ng tula.

Sa katapusan ng akademikong taon, nag-uwi si Rizal ng medalya sa pangunguna niya sa Latin.


Sa pagkakataong ito, si Rizal ay ikalawa na sa pangkalahatan sa klase. Ang dating nanguna noong
nkaraan na taon, na si Justiniano Jao-Jocco, ay pang-walo na. Ang nanguna sa pagkakataong ito ay
ang dating pangalawa na si Moises Santiago.

Ikaapat na Taon

Napagpasiyahan ng mga magulang ni Rizal na gawin siyang interno sa Ateneo upang


suportahan ang masidhi nitong pagnanais na gumaling pa lao at malagpasan ang mga katunggali sa
klase. Nang sumunod na akademikong taong 1875 si Rizal ay kabilang na sa Imperyo ng Roma at
tumira sa loob ng Ateneo sa ilalim ng disiplina at malapit na pangangasiwa ng mga Heswita.

Ayon pa kay Rizal, walang mga mapang-api mula sa mga mag-aaral sa Ateneo sapagkat ang
pagmamataas ay dinadaan sa tagisan ng katalinuhan sa klase sa halip na pananakot o panunudyo.
Maliban sa iilan, ang mga kasamahan ni Rizal na interno ay mabuti, payak, relihiyoso, magiliw, at
mapagkaibigan.

Sa panahong ito umigting ang pagkahilig ni Rizal sa panitikan dahil sa paghihimok, paglinang,
at gabay na rin ng kinalulugdan niyang guro na si P. Francisco Paula de Sanchez. Dahil sa pari,
humusay nang husto si Rizal sa paggawa ng mga tula. Ang kahusayang ito ay minsang pinagdudahan
ng kura paroko ng Calamba na si P. Leoncio Lopez na malapit kay Rizal at sa kanyang pamilya.

Nang maglaon, sinadya ng 70 gulang na si P. Lopez si Rizal sa Ateneo, nagbigay ng


paumanhin at sinabing wala nang pagdududang kanya nga ang mga tula. Ang ipinakitang ito ni P.
Lopez ang lalong ikinapuri ni Rizal sa pari at itinuring niya itong matalik na kaibigan. Mula pagkabata,
ang pari ang isa sa itinuturing ni Rizal na malapit niyang kaibigan at katalastasan kaya ikinalungkot niya
ang pagpanaw nito.

Hindi lang ang kanyang talino ang nalinang sa Ateneo, maging ang kanyang pangkaluluwang
pag-unlad ay lumalim at umigting sa loob ng paaralan. Naging kalihim at naglaon ay pangulo si Rizal
ng Cofradia de Nuestra Seῆora at madalas nilalapitan ang director nito na si P. Pablo Pastells para sa
spiritual guidance. Naging tagapagtaguyod din si Rizal ng Apostolado de la Oracion sa Ateneo.

Naging aktibo rin si Rizal sa mga extracurricular na mga gawain sa Ateneo nang siya ay umanib
sa Academia de Letiratura Espaῆola at sa Academia de Ciencias Naturales.

Nakatulong nang husto ang pagiging interno ni Rizal kaya sa katapusan ng akademikong taon
ay nakapag-uwi siya na apat na medalya at nanguna na sa pangkalahatan sa klase. Pumangalawa
naman ang dating una na si Marzano, pumangatlo si Jao-Jocco at puman-apat si Garrido.

Huling Taon at Pagtatapos

Nagsimula ang panibagong akademikong taon sa Ateneo noong 1876. Si Rizal ay isa pa ring
interno na nasa kanyang ikalima at huling taon sa sekundarya.

Ang segunda enseῆanza (seconadary education) sa Pilipinas sa kapanahunan ni Rizal ay may


limang taong binubuno batay sa ika-20 ng Mayo 1865 na dekreto ng pamahalaan. Gayon din ang bilang
ng taon na binuno ni Rizal sa Ateneo, bagamat may mga akda na nagsasabing anim na taon ang
kurikulo na pangsekundarya tungo sa bachiler en artes (bachelor of arts) sa Ateneo. Sa panahon kasi
ng pagkarektor ni P. Pablo Ramon noong mga kalagitnaang 1880s inudyukan at hinikayat ng mga
Heswita ng Ateneo ang mga magulang ng mga mag-aaral na magdagdag ng taon bilang ampliacion
(enrichment) na hindi na naabutan ni Rizal nang siya ay nagtapos sa Ateneo noong 1877.

17 | P a g e
Anim na taon din ang lumalabas sa tala ng mga grado (transcript of grades) ni Rizal na inilathala
noong 1907 ni Wenceslao E. Retana sa kanyang Vida y Escritos del Dr. Jose Rizal;

1871-1872 Aritmetica Sobresaliente


1872-1873 Latin, primer curso Sobresaliente
Castellano Sobresaliente
Griego Sobresaliente
1873-1874 Latin, Segundo curso Sobresaliente
Castellano Sobresaliente
Griego Sobresaliente
Geografia Universal Sobresaliente
1874-1875 Latin, tercer curso Sobresaliente
Castellano Sobresaliente
Griego Historia Universal Sobresaliente
Historia de Espaῆa y Sobresaliente
Filipinas Sobresaliente
Aritmetica y Algebra Sobresaliente
1875-1876 Retorica y Poetica Sobresaliente
Frances Sobresaliente
Geometria y Trigonometria Sobresaliente
1876-1877 Filosofia, primer curso Sobresaliente
Mineralogia y Quimica Sobresaliente
Filosofia, segunda curso Sobresaliente
Fisica Sobresaliente
Botanica y Zoologia Sobresaliente
Bachiller en Artes el 14 de Marzo de 1877 Sobresaliente

Ang talaan ng mga grado (transcript of records) na may petsang ika-20 ng Agosto 1905 na
nakakabit ang selyo ng Ateneo at lagda ng rector ng panahon na iyon na si P. Jose Clos ay nakuha ni
Retana mula kay P. Pablo Pastells, dating Superior ng mga Heswita sa Pilipinas. Mapapnsing ang
unang tala ay 1871 bagamat 1872 nang pumasok si Rizal sa Ateneo.

Sa pagsasaliksik at paliwanag ni P. Ramon Bonoan, tila nagkaroon ng pagkakamali ang sino


mang naghanda ng talaan ng mga grado ni Rizal noong 1905 na nakuha ni Retana. Ito ay dulot ng
kalituhan sa kursong aritmetika na dapat sana ay nasa sekundarya batay sa iniatas na kurikulo ng
pamahalaan, ngunit nakalaan sa huling taon na primera enseῆenza (primary education) sa kurikulo ng
Ateneo.

Ang mga katulad ni Rizal na nagtapos ng primarya sa ibang paaralan ay kinakailangang kunin
ang kurso bilang pagtugon sa kurikulo ng pamahalaan. Ngunit dahil sa ang kursong ito ay karaniwang
kinukuha isang taon bago makapagsekundarya ang mga nagtapos ng primarya sa Ateneo, naitala ito
sa taon na 1871 bago ang 1872 na pagpasok ni Rizal sa Ateneo.

Gayon pa man, hindi maikakaila ang talinong ipinamalas ni Rizal nang magtapos siya na may
pangkalahatang grading sobresaliente.

Bagamat sobresaliente ang grading nakuha ni Rizal sa lahat ng kurso, hindi naman ito
nangangahulugang siya ang pinakamagaling sa lahat ng pagkakataon.

Natapos ang huling araw ng klase ng akademikong taon sa Ateneo noong ika-14 ng Marso
1877. Naganap ang seremonya ng pagtatapos ng mga mag-aaral noong ika-23 ng Marso 1877 kung
saan walang duda na si Rizal ang nanguna sa mga nagtapos. Ang diploma na may titulong Bachiller
en Artes ay ipinagkaloob ng Universidad de Santo Tomas na may pangalang Universidad de Filipinas
kalakip ang lagda ng rekto na si Fr. Jose Cueto.

Limang medalya sa pagka-primer premio ang natanggap ni Rizal kumpara sa isang primer
premio lamang at dalawang Segundo premio ng pumangalawang si Antonio Moises na katumbas
lamang ng tatlong medalya. Matutukoy ang mga sumusunod na salik sa kagalingan na ipinamalas ni
Rizal habang nasa Ateneo:

18 | P a g e
1. Race Jealousy – ang pagnanais ni Rizal na maabot ang karangalang tinatamasa ng
mga Espanyol na karaninwang itinuturing na nakahihigit sa mga Indio. Dahil dito,
nagkaroon si Rizal ng masidhing mithiin na talunin at malagpasan ang mga kamag-
aral na Espanyol upang pasubalian ang paniniwalang ang mga Indio ay hindi kayang
pumantay sa mga Espanyol.
2. Competitive Environment – naenganyo si Rizal sa sistema ng pagtuturo ng mga
Heswitang guro sa Ateneo dulot ng ratio studiorum na humihimok sa mga mag-aaral
na makipagtagisan ng talino at magpamalas ng kahusayan sa klase. Dahil dito, ang
isang mag-aaral ay hindi lamang pumapasok sa kanyang klase para sa tungkulin kundi
sa pagnanais ding makuha ang layon.
3. Pagmamalasakit ng mga Guro – tutok ang mga Heswitang guro sa paggabay at
pagpatnubay kay Rizal na kanilang hinihimok upang lalong magpunyagi, at ang
pagpupunyaging ito ay kinikilala at pinupuri ng mga guro. Marunong ang mga
Heswitang tumuklas ng angking kagalingan ng isang mag-aaral. Dahil dito, nalilinang
sa mag-aaral ang pagmamahal, pagpapahalaga, at pagmamamalaki sa sariling gawa.
4. Disiplina sa Pag-aaral – ginawa ni Rizal na makabuluhan ang mga oras niya na
matuto at hasain ang sarili. Malaking bagay ang pagiging interno niya sa pag-iwas sa
mga gambala at pagpapabaya. Dahil dito, mahigpit siyang nasusubaybayan ng mga
Heswitang guro at mas naging ramdam ni Rizal ang impluwensiya ng mga Heswita sa
kanyang pagkatao at pag-iisip.
5. Compensate for Weakness – ang kahinaan ni Rizal sa pangangatawan ay
tinumbasan niya ng katalinuhang naging kalakasan. Karaniwang naghahanap ang
isang tao ng maaaring ipagmalaki at ito ay kung saan siya magaling. Ang intelektwal
na kagalingan ni Rizal ang pinagtuunan niya ng pansin.

Para sa mga magiging guro, maaaring ituring na huwaran ang mga Heswitang guro ni Rizal sa
tunay na pagmamalasakit na higit pa sa pamamahagi ng kaalaman sa pagtuturo. Malaking bagay na
mabigyan ng pagkakataon ang lahat ng mga mag-aaral hindi lamang ng mga magagaling sa klase na
magpamalas ng husay at talino. At sa halip na pananakot ay dapat panghihimok sa mga mag-aaral
ang pairalin.

Bagay na kapupulutan ng aral sa karanasan ni Rizal sa Ateneo ang paalala na ang pagsasanay
na hindi sinasamahan ng disipilna ay hindi mapaghuhusay. Ang pag-aaral ay hindi ginagawa na isang
tungkulin lamang kundi para sa isang layunin. At kailangang matutunang mahalin ang ginagawa higit
sa mga natututunan mula sa mga binabasa.

Pagpuri sa Edukasyon

Por la Educacion

Binigyan diin ni Rizal ang kahalagahan ng edukasyong mababasa sa tula na Por la Educacion
Recibe Lustre la Patria (Through Education the Motherland Receives Luster) na kanyang isinulat noong
katatapos ng kanyang ika-apat na taon sa Ateneo sa bakasyon ng tag-init sa ika-1 noong Abril 1876.

Para kay Rizal, ang edukasyon ay parang ningas ng liwanag na pumupukaw sa isipan at
nagmumulat sa katotohanan. Ang bayan na naiilawan ng edukasyon ay isang bayan na naliliwanagan
sa kanyang kinasasadlakan at nasisilayan na makilala. Ang edukasyon ay may sindi na mithi na
makapagdulot ng pagbabago sa kaisipan at kinikilos ng tao at pagsulong ng mga ikabubuti at ikauunlad
ng bayan.

Naabot ng mga dakila ay nangungunang bansa ang kanilang katayuan sa mundo dahil sa
kanilang mga edukado at matatalinong mamamayan. Hindi naman pahuhuli ang Pilipinas sa dunong
ng mga nagsisipagtapos sa kolehiyo at pamantasan. Sublait imbis na iukol sa pagtugon sa mga
suliranin at kabutihan ng bansa ang katalinuhan., nagsisilbi lamang ito para tuparin ang sariling
pangarap at makatapos sa trabaho.

19 | P a g e
Alianza Intima

Pinahalagahan din ni Rizal ang gampanin at kaugnayan ng relihiyon sa edukasyon na


mababasa sa tulang Alianza Intima Entre la Religion y la Educacion (Matalik na Pagtutulungan ng
Relihiyon at Edukasyon) na isinulat kasabay ng Por la Educacion Recibe Lustre la Patria.

Para kay Rizal, ang edukasyong hindi kinabibilangan ng Diyos ay ligaw sa karunungan
sapagkat ang eduksyon ay instrument lamang, isang kagamitan na kailangan ng wastong paggamit at
pag-uukulan. Kailangan nito ang gabay ng Diyos sapagkat ang kabutihan at katotohanan ay galing sa
Diyos na higit na nakaaalam sa karunungan ng tao.

Edukasyong Bokasyonal

Unang nagustuhan ni Rizal na maging isang pari, ngunit nagbago ang kagustuhang ito dahil
sa mga pangyayari ng 1872 na nagmulat sa panlipunang kamalayan ni Rizal na nagpapabago ng
kanyang mga pananaw sa buhay. Ang mga pangyayaring iyon ng 1872 ay ang pag-aalsa sa Kabite at
ang pagbitay sa tatlong martir na pari.

Nang matapos ni Rizal ang sekundarya, pinagpilian niya ang alinman sat along nais niyang
kunin na programa sa pamantasan. Ang una ay ang panitikan dahil hilig niya ito at kagalingan niya.
Pinag-iisipan din niya ang abugasya para ipagtanggol ang mga kababayang inaapi at pinagkaitan ng
katarungan, lalo na’t may personal na kirot ang pagkakabilanggo ng kanyang ina, at impluwensiya rin
ng mga ninunong abugado. At ang nakapanghahalinang medisina lalo pa at ito ay inalok sa Pilipinas
sa unang pagkakataon nang buksan ito ng Universidad de Santo Tomas noong 1871.

Habang wala pang kasiguruhan sa kukuning programa, kumuha si Rizal ng kursong


bokasyonal na land surveying sa Ateneo noong 1877 sa mungkahi ng mga Heswita. Makatutulong
umano ito sa hanapbuhay ng pamilya ni Rizal sa pagsasaka at negosyong pang-agrikultura. Sa taon
ding ito nakilala ni Rizal ang dalawang babaeng kinahumalingan niya.

Unang nagpahumaling kay Rizal ang isang dalagang 14-taong gulang, isang taong mas bata
sa kanya, na may pangalang Julia. Nagkakilala ang dalawa noong Abril 1877 nang mapadaan si Rizal
sa dalampasigan ng Ilog Dampalit sa Los Baῆos, Laguna at tinulungan ang hirap na dalaga sa paghuli
ng apru-paro, si Julia ang tinutukoy ni Rizal na Minang na nabanggit niya sa kanyang talambuhay.

Noong Hunyo 1877, nakilala ng 16 na taong si Rizal ang 14 na taong gulang na Batangeῆa na
si Segunda Katigbak sa tahanan ng lola ni Rizal sa Maynila. Pag-ibig sa unang pagkikita ang agad na
naramdaman ni Rizal. Nagkataon na ang lola ni Rizal ay kaibigan ng ama ni Segunda atmang huli ay
kapatid ng kaibigan ni Rizal na si Mariano Katigbak.

Ang kapatid ni Rizal na si Olimpia at si Segunda ay magkaibigan at parehong pumapasok sa


Colegio de la Inmaculada Concepcion de la Concordia sa Paco, Maynila. Sabay silang dinadalaw nina
Rizal at Mariano. Ang mga dalaw na iyon ang naglapit kina Rizal at Segunda. Sinasabi ni Rizal sa
kanyang talambuhay na ang nadama niya para kay Segunda ay totoong pag-ibig at unang karanasan
na mahulog sa pag-ibig. Nang magsilang ng sanggol na lalaki ang ina ni Segunda, nautusan siya na
iwan ang pag-aaral sa Maynila at magbalik sa Lipa, Batnagas upang alagaan ang kasisilang na kapatid.

Bagamat nagpagiwatig ng pagtingin at mga hudyat si Segunda upang himukin si Rizal na


magtapat ng pag-ibig, hindi nagkaroon ng lakas ng loob si Rizal. Marahil ay nakuntento na lamang ito
sa mutual understanding sapagkat si Segunda ay ipinagkasundo nang ikasal sa isang kababayan at
kamag-anak na taga Lipan a nagngangalang Manuel Luz. Ikinasal sila makalipas ang isa at kalahating
taon.

Paliwanag ng manunulat ng talambuhay ni Rizal na si Leon Ma. Guerrero, ang mga kababaihan
sa Pilipinas sa panahon ni Rizal ay ikinakasal sa murang gulang sapagkat nais ng kanilang mga
magulang nas a lalo’t madaling panahon na maligtas sa mapaggambalang tungkuling pangangalaga
at pagtiyak sa pagka-birhen ng kanilang anak na babae inaasahan ng lalaki sa mapapangasawa.
Palagay rin ni Guerrero na ang mga kababaihan noon ay masaya na ganito bilang obligasyon ng
masunurin at mabuting anak na sumunod sa kagustuhan ng mga magulang.

20 | P a g e
Sinasabi na pagkatapos kay Segunda ay nahulog si Rizal sa isang dalagang hindi
pinangalanan maliban sa nabanggit niya sa seῆorita “L” at sinasabi na mas matanda sa kanya. May
mga palagay naman ang ilang mga historyador kung sino ang nabanggit na babae. Sinasabi rin na kay
seῆorita “L” ibinaling ni Rizal ang oras upang makalimot kay Segunda.

Sa gulang na 16, natapos ni Rizal ang kurso na may tig-isang medalya sa topograpiya at
agrikultura. Naipasa ni Rizal ang pagsusulit sa pagkalisensya bilang agrimensor y perito tasador de
tierras (expert surveyor and land appraiser) noong ika-21 ng Mayo 1878, ngunit dahil saw ala pa sa
wastong gulang, ang lisensya niya ay ipinagkaloob lamang makalipias ang tatlong taon sa gulang na
21.

Aralin 4

Unibersidad ng Santo Tomas


Edukasyong Pamantasan – Kasaysayan ng Pamantasan ng Santo Tomas

Kasabay ng pagkuha ni Rizal ng


agrimensor sa Ateneo ay ang pagpapatala
niya sa Universidad de Santo Tomas na
noon ay nasa Intramuros pa. sa
pamantasang din iyon noong 1866
hanggang 1872 nag-aral ang kanyang
kuya Paciano ng abugasya, bagamat hindi
tinapos. Dahil sa mga pangyayari noong
1872, napagpasiyahang iwan ni Paciano
ang programa at pamantasan. Marami ring
mga pambansang bayani at lider na
kapanahunan ni Rizal ang nagtapos o kaya
ay nag-aral sa pamantasang ito;
halimbawa nito sina Marcelo del Pilar,
Apolinario Mabini, Emilio Jacinto, Juan
Luna at iba pa.

Kinikilala sa Pilipinas at sa Asya na pinakamatandang pamantasan ang Santo Tomas na


mahigit 400 na taon nang nakatayo. Ang kasaysayan ng pamantasan ay mauugat sa pagkakatatag ng
seminary para sa mga magpapari na tinawag na Colegio de Nuestra Seῆora del Santisimo Rosario
noong ika-24 ng Hulyo 1605. Ito ay sa pangunguna ng ikatlong Arsobispo ng Maynila, isang
Dominikano, na si Fr. Miguel de Benavides. Naglaan siya ng ₱1,500 at ambag na koleksiyon ng mga
aklat na pinagsimulan ng silid-aklatan ng naging Colegio de Santo Tomas.

Nabanggit ni Rizal sa ika-12 kabanata ng kanyang nobelang El Felibusterismo na may pamagat


na “Placido Penitente” ang tungkol sa paglikom ng pondo para sa bantayog ni Fr. Baltasar. Ayon sa
manunulat ng kasaysayan na si Propesor Augusto de Viana, ang nabanggit na Fr. Baltasar mula sa
nobela ay si Fr. Baltasar Font, sa totoong buhay na siyang nagpatupad ng habilin ni Ar. Miguel de
Benavides, tungo sa pagkakatatag ng Colegio de Santo Tomas noong 1611.

Noong 1878 nang si Rizal ay nag-aaral na ng medisina, nagkaroon ng pangangalap ng pondo


para sa pagsasagawa ng bantayog ni Ar. Migeul de Benavides, na nangangailangan noon ng ₱30,000
para maitayo sa bansang Pransya. Subalit natagalan ng 13 taon ang pagtatayo ng bantayog. Noon
lamang 1891 ito natapos dahil ₱4,000 lamang ang unang nalikom. Ang bantayog ay nakatayo ngayon
sa loob ng kasalukuyang campus ng Pamantasan ng Santo Tomas. Samakatuwid, ang nabanggit na
bantayog para kay Fr. Baltasar mula sa nobela ay tumutukoy sa bantayog ni Ar. Miguel de Benavides,
ang pinagsimulan ng pamantasan.

Ang dating Colegio de Nuestra Seῆora del Santisimo Rosario sa Intramuros, Maynila ay naging
Colegio de Santo Tomas noong ika-28 ng Abril 1611 at itinaas na pamantasan ng Santo Papa na si
Innocent X noong ika-20 ng Nobyembre 1645. Ginawaran ang pamantasan ng mga pagkilala na

21 | P a g e
“Universidad Real” (Royal University) ni Haring Carlos III noong 1785, Pontifica Universidad ni Santo
Papa Leo XIII noong 1902, at Universidad Catolica de Filipinas ni Santo Papa Pius XII noong 1947.

May isang yugto sa kasaysayan ng Pamantasan na ang pangalan nito noong panahon ng
Espanyol na Universidad de Santo Tomas ay nabago at naging Unibersidad de Filipinas noong 1870.
Bunga ito ng mga kautusan ng Ministro ng mga Kolonya noon na si Segismundo Moret sa hangaring
gawing secular ang mga mataas na paaralan sa Pilipinas. Ang pagkasekularisa ay nangangahulugan
ng pag-alis ng impluwensiya ng relihiyon sa edukasyon. Ang kautusan ng Ministro na kilala bilang Moret
Decree ay binawi sa bias ng isang royal decree noong 1875.

Noong taong 1927, lumipat ang pamantasan sa kasalukuyang 21.5 hektaryang campus sa
Sampaloc, Maynila habang nagpatuloy pa rin ang mga klase sa unang campus sa Intramuros,
hanggang sa ang gusali ng pamantasan ay tuluyang nawasak noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Ang pamantasan ay pinangangasiwaan ng Ordo Praedecatorum (Order of Preachers) na mas


kilala bilang mga Dominikano. Ang orden ay binuo ni Santo Domingo de Guzman ng Caleruega,
Espanya noong 1216. Dumating ang mga unang Dominikano sa Pilipinas noong 1587.

Filosofia y Letras

Kung ang ina lang ni Rizal ang nasunod, hindi na siya nakapagpatuloy sa mataas na
edukasyon. Nanghinayang ang ama ni Rizal sa kanyang talino kaya’t pinag-aral pa rin si Rizal sa
Maynila. Hinimok ni Paciano si Rizal na huwag kumuha ng abugasya sapagkat ayon sa kanya,
maraming abugado sa panahon na iyon sa Pilipinas ang hindi ganap na nakapagtatrabaho bilang
abugado. Isa pa, ang tungkulin ng abugado na ipagtanggol maging ang mga mali, sa palagay ni
Paciano ay taliwas sa tuntunin ni Rizal.

Sa Universida de Santo Tomas kumuha si Rizal ng programang filosofia y letras (philosophy


and letters) sapagkat iyon ang programa na napili ng ama. Muling nagpamalas ng kagalingan si Rizal
sa unang taon sa pamantasan sa mga asignatura na ang lahat ng grado ay sobresaliente.

Medisina

Matatandaang isa sa mga pinagpipilian ni Rizal ang medisina bagamat hindi pa siya sigurado
noong una. Sinulatan niya ang rector ng Ateneo na si P. Pablo Ramon, upang konsultahin, subalit
nagkataong nasa Mindanao ito kaya’t hindi agad nakasagot. Sa liham na tugon, pinayuhan si Rizal ng
rektor na kumuha ng medisina. At sa pagnanais ni Rizal na maoperahan ang ina na nabubulag sanhi
ng dobleng katarata, nabuo ang kanyang pasya na kumuha ng medisina.

Nang sumunod na taon ng 1878, si Rizal ay lumipat ng programa at nagpatala sa preparatory


medicine at medicine proper, na pinayagan siyang kunin nang sabay sa Universidad de Santo Tomas.
Sa taon din na iyon sinimulan ni Rizal ang pagsulat ng Memorias de un Estudiante de Manila na
nakumpleto sa loob ng tatlong taon.

Sa panahon na ito na si Rizal ay nasa ikalawang taon ng medisina, nagpalabas ng encyclical


o panawagan ng Santo Papa sa mga simbahan. Ang encyclical na ito, na kilala bilang Aeterni Patris,
ay pinalaganap ng noo’y Santo Papa na si Leo XIII. Kinukondena noon ng Papa ang rasyonalismo at
Thomism o pilosopiya ni Santo Tomas Aquinas bilang ideal na pilosopiya ng Simbahan.

Mahalagang mabatid na ang ginawang pagkatig ng Universidad de Santo Tomas sa


pilosopiyang pinalalaganap at pinaiiral ng Simbahan ay naging dahilan ng pag-atake at pagbatikos sa
Pamantasan ng mga katig sa pilosopiya ng katuwiran.

Diskriminasyon o Eksaherasyon

Mapapansin na mas mababa ang mga nakuhang grado ni Rizal sa Universidad de Santo
Tomas kumpara sa mga nakuhang grado na sobresaliente sa Ateneo. Madalas iniuugnay ito ng
karamihan ng mga manunulat sa laganap na diskriminasyon sa mga Indio na gaya ni Rizal sa loob ng
pamantasan. Ang totoo ay kabaliktaran ito at walang batayan ang palagay ng mga manunulat.

Ayon sa historyador at dating direktor ng archives ng Silid Aklatan ng UST mula 1959-1991 at
1995-2006 na si Fr. Fidel Villaroel, pinaboran pa nga nga UST si Rizal. Kung laganap sa loob ng

22 | P a g e
pamantasan ang diskiriminasyon sa mga Indio, hindi sana siya nakakuha ng gradong sobresaliente,
lalo pa at anima ng nakuha niya. Patunay lamang ito na ang ibinibigay na grado ay batay sa kakayahan
ng mag-aaral at hindi dahil may kinikilingan o pinag-iinitan.

Wala ring anumang reklamo ukol sa natanggap na mga grado na 6 na Sobresaliente


(Excellent/1.00), 6 na Notable o Aprovechado (Very Good/1.50), 8 na Bueno (Good/2.00) at isang
Aprobado (Passed/3.00).

Iyon na lamang pahintulutan si Rizal, kabilang ang tatlo pang mag-aaral na pagsabayin ang
preparatory medicine at medicine proper ay patunay na siya ay pinaboran.

Sa 24 na mag-aaral sa unang taon sa medisina, anima ng Espanyol at isa lang sa kanila ang
natira sa ikaapat na taon sa medisina. Anim naman sina Rizal na Indio na natira. Sa ikalimang taon,
ang nag-iisang Espanyol na natira sa klase, si Jose Resurreccion y Padilla, ay bumagsak pa. kung
pinag-iinitan ang mga Indio, hindi sana umabot si Rizal at lima pa sa ikaapat na taon at hindi isa lamang
sa anim na Espanyol ang umabot.

Ang karaniwang pinagmulan ng paniniwala na hindi magandang karanasan sap ag-aaral sa


Universidad de Santo Tomas at pangit na pamamalakad at pagtuturo ng mga Dominikano sa
pamantasan ay ang kabanatang “Klase sa Pisika” ng nobelang El ilibusterismo ni Rizal. Dito, ang
tauhang si Placido Penitente, mag-aaral sa pamantasan, ay pinag-iinitan ng tauhan na si Fr. Millon,
propesor sa pisika. Nabanggit din ang hindi pagpapagamit ng mga kasangkapang pang-agham na
naroon bilang display lamang.

Pinabubulaanan ng Tagapangulo ng Kasaysasyan sa Pamantasan ng Santo Tomas, na si Dr.


Augusto de Viana, ang sinasaning di pagpapagamit ng mga kasangkapang pang-agham at ang
sinaunang pagtuturo sa panahon ni Rizal. Sa katunayan, ang pamantasan noon ay patuloy sa
modernisasyon at pagkuha ng mga makabagong kagamitan at pagkuha ng mga dalubhasang propesor.

Ayon kay Dr.de Viana, maaaring ang tauhang si Fr. Millon sa nobela ay isang lay person na
nag pangalan ay Joser Franco na inilarawan ni Rizal na kilala na nangbabagsak ng mga mag-aaral at
minsan ay binantaan ang buong klase na ibabagsak. Sa pagtatapos ng ikalawang taon ni Rizal sa
medisina, 11 kabilang si Rizal, ang pumasa sa asignatura ni Propesor Jose Franco, samantalang pito
ang bumagsak.

Ilan sa mga makabagong kagamitan sa pisika na mayroon ang Pamantasan ng Santo Tomas
sa panahon ni Rizal, ayon sa saliksik ni Dr. de Viana, ay ang 1831 electromagnet ni Michael Faraday,
1836 continual indication apparatus ni Arthur Morin, 1871 electrodynamic machine ni Zenobe Gramme,
1876 telephone ni Alexander Bell, 1877 phonograph ni Thomas Edison, at 300 pang-agham na
kasangkapan. Ang museyo ng pamantasan ay may 5,747 specimens at ang silid-aklatan ay may
koleksiyong 12,000 na aklat.

Kung babalikan ang mga grado ni Rizal, nakakuha siya ng aprovechado (Very Good) sa
asignaturang pisika, kaya’t malabo na sariling karanasan ni Rizal ang eksena sa nasabing kabanata sa
nobela. Maaaring nasaksihan lamang ni Rizal ang isang hawig na eksena ngunit hindi niya ito
pinagdaanan ayon sa konklusyon na manunulat na si Leon Ma. Guerrero.

Ayon kay Fr. Villaroel, dapat malamang ang mga nobela ni Rizal ay propaganda na may
exagerrations at halfs-truths. At bagamat gaya ng ibang mga manunulat ng nobela na karaniwang
inilalagay ang tagpo ng kuwento sa isang panahon sa kasaysayan, ang nobelang gaya ng kay Rizal ay
hindi sumasalamin sa katotohanang pangkasaysayan.

Mga Libangan sa Pamantasan

Pinagpatuloy ni Rizal ang pagsasanay sa pagpipinta sa ilalim ng gabay ng dati niyang maestro
sa Ateneo na si Agustin Saez. Sinubukan din ni Rizal ang mag-aral ng musika, pagtugtog ng plawta at
piyano at pagkanta. Ngunit napagtanto niyang wala siyang talent sa larangang ito. Nasabi pa nga ni
Rizal na kung marinig daw siyang kumanta ay aakalaing nag-iingay ang mga buriko. Patunay ito na
anuman ang talino o galing ng isang tao, hindi nangangahulugang magaling din siya sa lahat ng bagay.

Kabilang sa mga pinagbalingan ni Rizal ang pagiging aktibo sa mga samahan na sinalihan niya
noong sekundarya sa Ateneo. Habang sa pamantasan, bumuo si Rizal ng lihim na grupo ng mga mag-

23 | P a g e
aaral na Pilipino na tinawag na El Compaῆerismo (The Comradeship). Pinamunuan niya maging ang
mga away-gulo na kinasangkutan ng grupo laban sa mga nanghahamak sa kanila na mga mag-aaral
na Espanyol. Tinawag ng mga kasapi sa grupo ang sarili na Compaῆeros de Jehu halaw sa nobela ni
Alexander Dumas na Les Comnpagnos de Jehu (Ang Mga Kasama ni Jehu).

Pagkakahumaling sa Kababaihan

Noong ikalawang taon ni Rizal sa medisina noong 1879, nagsimulang tumanggap ang
Universidad de Santo Tomas ng kababaihan kasabay ng pagkakatatag ng Escuela de Matronas
(College of Midwifery) na isinailalim sa Colegio de Medicina y Farmacia (College of Medicine and
Pharmacy). Ang mga nakahuhumaling na mga kadalagahan sa pamantasan, na wala sa ekslusibong
panlalaking paaralan ng Ateneo, ang pumukaw kay Rizal.

Sa mga panahong ito, nakilala at niligawan ng sabay ni Rizal ang dalawang dalagang parehong
Leonor ang pangalan. Ang unang Leonor ay may apelyidong Valenzuela na kilala rin sa palayaw na
Orang. Si Orang ay kalapit-bahay niya sa tinuluyang boarding house na pangaserahang tinutuluyan ni
Rizal na pinangangasiwaan ng isang nagngangalang Donya Concepcion “Concha” Leyva.

Madalas kumbidado si Rizal sa mga pagtitipon sa bahay ng pamilya Valenzuela.


Pinadadalahan niya ito ng mga liham ng pag-ibig na sulat sa tintang hinaluan ng asin at tubig upang
hindi mabasa maliban sa paiinitan sa apoy ng kandila o lampara. Ito ay para hindi mabasa ng ibang tao
sakaling maligaw ang liham at mapunta sa ibang kamay.

Ang isa pang Leonor na niligawan ni Rizal ay may apelyidong Rivera at malapit na pinsan ni
Rizal. Si Leonor Rivera, taga-Camiling, Tarlac ay anak ng pinsan ng ama ni Rizal na siAntonio Rivera.
Ngunit sa pahayag ng nangungunang historyador ng Pangasinan na si Restituto Basa, ang asawa ni
Antonio Rivera na si Silvestra Bauzon at ina ni Rizal na si Teodora Alonso ang magpinsan. Ang lolo ni
Teodora Alonso na si Manuel de Quintos ang naging unang Sangley na goberdanorcillo sa Lingayen,
Pangsinan habang ang mga Bauzon ay mga Tsino na taga-Lingayen. Ang mga Rivera ang
nangangasiwa ng pangaserahang Casa Tomasina, tinuluyan ni Rizal sa Intramuros noong ikalawang
taon niya sa medisina.

Labing-tatlong taong gulang si Leonor Rivera noon habang si Rizal ay 16 nang magkakilala sila
sa Casa Tomasina. Ang kapatid ni Rizal na si Soledad ay kaeskwela ni Leonor Rivera sa Colegio de la
Concordia na pinasukan din noon ng magkaeskwelang Segunda Katigbak at kapatid ni Rizal na si
Olimpia.

Katulad sa panliligaw niya kay Orang, pinadadalahan din ni Rizal ng mga liham ng pag-ibig si
Leonor Rivera. Pero sa pagkakataong ito, gamit naman ang ginawa niyang code upang ikubli ang mga
liham mula sa mga hindi dapat makabasa at makaalam. Idinaan ni Rizal sa tagapaghatid na kaibigan
niya, si Jose “Chenggoy” Cecilio, ang mga liham sa dalawang Leonor.

Ang code na ginawa ni Rizal ay ang pagpapalitan ng mga patinig na “a” kapalit ng titik “e”,” e”
kapalit ang titik “a”, “I” kapalit ng titik “o”, at “o” kapalit ng titik “i”, kabilang pa ang mga pinagpalit na mga
katanig kaya’t ang Leonor ay naikubli sa code name na Taimis. Labing-apat na taon si Leonor at 20 si
Rizal nan gang kanilang pagkakaibigan ay sumibol sap ag-iibigan. Bagamat ayon kay Leon Ma.
Guerrero, naging magkasintahan lamang sila makalipas ang apat na taon simula noon na sila ay nag-
ibigan.

May isa pang babae na nakahumalingan si Rizal sa mga panahong iyon. Tag-init ng 1881,
kasama ni Rizal ang mga kapatid na si Saturnina, Maria, Trinidad at ilang mga kaibigang babae na
nagtungo sa bayan ng Pakil sa lalawigan ng Laguna. Doon naaliw si Rizal sa ginanap na fiesta ng
turmba habang pinoprosesyon ang Birhen Maria de los Dolores. Habang nasa Pakil, naaliw din si Rizal
sa galing ng pagtuotuog ng harp ng isang kolehiyalang nagngangalang Vicenta Ybardaloza na
nakahumalingan niya.

Dumadalo rin siya sa mg apgtitipon kung saan naroon din ang kababaihan na inaaliw niya ng
magic tricks at magiliw na pakikipag-usap. Si Rizal ay katulad ng mga karaniwang mag-aaral sa
kolehiyo na bukod sa pag-aaral ay mayroon ring social life at love life.

Musketerong Indio

24 | P a g e
Sa isa sa mga sagupaang kinasangkutan ng El Compaῆerismo, dinala ng mga kasamahan ang
duguang si Rizal sa Casa Tomasina at doon nilapatan ng lunas ni Leonor Rivera. Hindi isang palaaway
na grupo ang El Compaῆerismo. Kasama ang tatlong malapit na kaibigan, si Rizal ang tumatayong isa
sa mga pangunahing personalidad ng grupo. Katulad ng mga bida sa nobela ni Dumas na Les Trois
Mousquetaris (The Three Musketeers) kinilala silang tagapagtanggol ng mga kabataang Indio na
inaaapi at inaalipusta, at kababaihan na binabastos ng mga kabataang Espanyol.

Sa iba pang mga sagupaan, si Rizal ay hinabol ng mga kinauukulan at nagtago sa bahay ng
mga kaibigan. Pati ang pangaserahang tinutuluyan ay ilang beses na pinuntahan ng mga kinauukulan
para hanapin siya, dahil siya ang pinuno at kabilang din sa sagupaan. Sa mga ganitong insidente,
sumikat ang pangalan ni Rizal sa hanay ng mga mag-aaral na Indio at nakilalang kampeon nila.
Hinangaan si Rizal sa kanyang matapang na pagtatanggol at pagharap sa mga kaaway at pagbibigay
ng pahayag na kinapupulutan ng aral ng mga kasamahan.

Nasyonalismo ng Tomasinong Indio

Hindi lamang pakikipagsagupa sa kalye ang sinalihan ni Rizal sa kanyang mga taon Sa UST.
Lumahok din siya sa patimpalak na inilunsad ng Liceo Artistico Literario de Manila na isang samahan
ng mga mahihilig sa sining sa lunsod ng Maynila.

Ang pakay ng mga patimpalak na ito ay pasiglahin ang paggawa ng panitikang


mapaglilibangan, habang ang pakay ng mga paglahok ni Rizal ay mapatunayang kayang talunin ng
isang Indio ang mga Espanyol. Ikalawang taon ni Rizal sa medisina nang sumali siya sa patimpalak na
inilunsad ng nasabing samahan noong 1879 at nanalo siya ng unang gantimpala sa kategorya ng mga
hindi Espanyol. Isang pilak na pluma (silver quill) ang tinanaggap ni Rizal na gantimpala sa tulang A la
Juventud Filipina (Sa Kabataang Filipino) na may temang nasyonalismo. Tatlong punto ang nilalaman
ng tula:

1. Pagbuo ng Pagkakakilanlan – sa hikayat ng tula, tinatawagan ni Rizal ang mga kabataang


Pilipino na linangin at pagtuunan ang kanilang kahusayan sa mga sining at agham upang
magkamit ng karangalan at gumawa ng pangalan sa kanilang larangan.
2. Kabataan ang Pag-asa ng Bayan – sinasabi ni Rizal na ang kabataan ang pag-asa at
inaasahan ng Inang Bayan naghihintay sa kanila upang gisingin ang kanilang katalinuhan at
kagalingan.
3. Pilipinas ang Sariling Bayan – noon pa man, kinikilala na ang mga Indio na ang Espanya ang
kanilang Inang Bayan. Ngunit sa pagkakataong ito, tahasang tinukoy ni Rizal na ang Inang
Bayan niya at ng mga Pilipino ay ang Pilipinas. Si Rizal ang unang nakilalang Indio na
nagpahayag nito.

Tagumpay ng Tomasinong Indio

Matapos ang unang tagumpay mula sa sinalihang patimpalak sa panitikan, sumali uli si Rizal
nang sumunod na taon sa patimpalak ng Liceo Artistico Literario de Manila sa kanyang ikatlong taon
sa medisina noong 1880. Natatangi ang patimpalak sa pagkakataong ito sapagkat ito ay isinagawa
para sa karangalan ng ika-264 na anibersaryo ng kamatayan ng pinakadakilang manunulat na Espanya
na si Maguel de Cervantes na may akda rin ng nobelang El Ingenioso Hidalgo Don Quijote de la Mancha
(The Ingenious Gentleman Don Quixote of La Mancha) na mas kilala sa pinaikling Don Quixote.

Dahil malaki at natatangi ang pagdiriwang, marami ang lumahok kabilang ang mga
mamamahayag, alagad ng simbahan, propesor, at manunulat na panitikan na karamihan ay mga
Espanyol. Ang gantimpala ay isang gintong singsing na may ukit ng busto ni Cervantes. Inilahok ni
Rizal ang kanyang El Consejo de los Dioses (The Council of the Gods) na isang dula na alegorya kay
Cervantes. Ang alegorya ay isang kuwento na gumagamit ng mga simbolo na sumasalamin sa mga
nakatagong kaisipan at kahulugan.

Sa dula ni Rizal, nagtatalo ang mga Dios sa pulong kung kanino sa tatlong dakilang manunulat
na sina Homer, Virgil, at Cervantes mapupunta ang tatlong engrandeng regaling trumpeta, gintong lira
at gintong korona ng laurel mula sa hari ng Dios na si Jupiter sa pagpili ng pinakamagaling na gawa ng
tatlo. Si Homer na sumulat ng Iliad ang napili ni Juno na asawa ni Jupiter. Si Virgil na sumulat ng Aedes
ang napili ng diosa ng kagandahan na si Venus. At si Cervantes na sumulat ng Don Quixote ang napili

25 | P a g e
naman ng diosa ng karunungang si Minerva. Sa pagsali ng mga iba pa na mga dios sa pagtatalo,
minabuti ni Jupiter na idaan sa timbangan ng diosa ng katarungan ang gawa ng tatlong manunulat at
napag-alamang pantay ang tatlo. Dahil dito, napagpasiyahan ni Jupiter na inigay sa tatlo ang regalo:
ang trumpeta kay Homer, gintong lira kay Virgil at gintong korona ng laurel kay Cervantes.

Pawang mga Espanyol ang bumuo ng hurado at napili nilang pinakamagaling sa mga lahok
ang gawa ni Rizal. Wala silang kamalay-malay na isang Indio ang ginawaran nila ng unang gantimpala.
Umugong ang hindi pagtanggap ng mga dumalong Espanyol nang malamang isang Indio ang tumalo
sa mga kalahok na Espanyol at naturingan pa man din na ang patimpalak ay ginanap sa karangalan
ng Espanyol na si Cervantes kaya’t isang Espanyol din ang inaasahan na pararangalan. Ngunti wala
nang magawa ang hurado kundi panindigan ang desisyon. Umakyat si Rizal sa entablado nang walang
pumalakpak sa pagtanggap ng premyo. Pumangalawa kay Rizal ang isang Espanyol na
mamamahayag.

Kung sa unang sinalihan ni Rizal ay unang gantimpala sa kategorya ng mga hindi Espanyol
ang kanyang napagtagunpayan, sa ikalawang pagkakataong ito ay bukas sa lahat ang patimpalak.
Naglaban nang sabay ang mga Espanyol at hindi Espanyol, higit pa ang napagtagumpayan ni Rizal na
talunin ang mga magaling na Espanyol. Isa itong karangalan para sa Indio na gaya ni Rizal at kahihiyan
naman sa mga Espanyol sa araw pa man din ng anibersaryo ng Espanyol na si Cervantes.

Katarungang Ipinagkait

Katatapos ng ikalawang taon ni Rizal sa medisina noong 1880 at habang nakabakasyon sa


tag-init sa Calamba, nakasalubong niya isang gabi ang isang tenyente ng guardia civil at hindi nagawa
ni Rizal na mag-angat ng sombrero bilang paggalang sa opisyal. Nabastusan ang opisyal kaya’t nang
makalagpas at makatalikod, tatlong hampas ng latigo na gawa sa buntot ng pagi ang kanyang
natanggap.

Makalipas ang ptiong taon, sa isang liham ni Rizal kay Blumentritt, naikuwento ni Rizal ang
inisdente at sinabing dalawang lingo ang inabot bago naghilom ang sugat sa likod niya na natamo na
hagupit. Idinulog niya sa gobernador-heneral Fernando Primo de Rivera ang insidente at inireklamo
ang opisyal na gumawa noon sa kanya, subalit hindi siya pinaunlakan ng gobernador-heneral at sa
halip ay pinagbantaan pang ipatatapon sa malayong lugar.

Pakiwari ni Rizal, dahil siya ay isang Indio at ang opisyal na inirereklamo niya ay isang
Espanyol, hindi minarapat na parusahan ang opisyal. Ito ang unang direktang karanasan sa buhay ni
Rizal na pinagkaitan siya ng katarungan.

Konklusyon

Unang guro ni Rizal ay ang kanyang ina na si Donya Teodora, sa Calamba. Naging unang tutor
nya ay si Maestro Celestino at ang sunod ay si Maestro Lucas Padua, ang nagturo naman kay Rizal
ng Spanish at Latin ay si Leon Monroy.

Noong Hunyo 1869 nilisan ni Rizal ang Calamba kasama si Paciano at nagtungo ng Bińan. Si
maestro Justiniano Aquino Cruz naman ang guro ni Rizal sa pribadong paaralan sa Bińan, sa kanyang
pag-aaral nakaalitan nya si Perdo na isang anak ng guro, si Andres Salandaan naman ay ang
naghamaon sa kanya ng makipagbunuan ng braso. Nag-aral si Rizal ng pagpinta kay Juancho, dito
kasama niya ang kanyang kaklase na si Jose Guevarra. Noong Desyembre 17, 1870 sakay ng Talim
nilisan ni Rizal ang Bińan kasama nya si Arturo Camps sa kanyang pagbabalik sa Calamba. Dalawang
malungkot na pangyayari ang naganap noong 1872; una ang pagkakakulong ng ina na Rizal na si
Donya Teodora, sapagkat pinaratangan itong tumulong sa kanyang kapatid na si Jose Alberto sa balak
na paglason nito sa asawa, at ang ikalawa ay ang pagkakagarote ng tatlong paring martir, ang
GOMBORZA. Ito ang bagay na dumilig sa binhi ng hangarin ni Rizal na kabakahin ang kasamaan ng
kanyang panahon.

Ang orihinal na plano ng kaniyang ama ay sa Letran siya mag-aaral subalit nagbago ang isip
nito. Hindi tinanggap si Rizal sa Ateneo dahilan sa siya’y huli na sa patalaan at maliit para sa kanyang
edad. Ngunit tinulungan ssi Rizal ni Padre Burgos kaya siya ay natanggap na pumasok sa Ateneo, at
sa unang pagkakataon ay ginamit ni Jose ang kanilang apelyidong Rizal imbes na Mercado.

26 | P a g e
Sistemang pang-edukasyon ng mga Heswita ay ang mga; (1) sinasanay ang mga estudyante
sa disiplina at instruksyong panrelihiyon; (2) itinataguyod ang kulturang pisikal, humanidad, at
siyentipikong pagaaral; (3) meron din silang bokasyonal na kurso para sa kolehiyo tulad ng agrikultura,
komersiyo, pagmemekaniko, at pagsosorbey; (4) bago magsimula ang klase sa umaga ay nakikinig ng
misa ang mga magaaral; (5) bawat asignatura ay sinisimula at winawakasan s pagdarasal; (6) nahahati
sa dalawang pangkat ang mga estudyante, ang Imperyong Romano at Imperyong Carthagena na
binubuo ng mga external.
Consejo de los Dioses (The Counsels of the Gods) ay nanalo ng unang gantimpala.
Nagtayo sina Rizal ng isang samahan na tinatawag na Compańerismo sa layunin na iinsulto
ng kanilang mga kamag-aral na Espanyol.

Ang mga naging pighati ni Rizal sa UST ay galit sa kanya ang mga guro ng UST, minamaliit
ang mga mag-aatal na Pilipino ng mga Espanyol; at makalumang systema ng pagtuturo sa UST.

Matapos ang pag-aaral ni Rizal ng medisina sa Unibersidad ng Santo Tomas, nagdesisyon


siya na mag-aral sa Espańa sa kadahilanang hindi na niya matiis ang panlalait. Deskriminasyon at
pagkapoot sa Unibersidad ng Santo Tomas. Sinang-ayunan ito ng mga kapatid, ngunit hindi na niya
hiningi ang basbas ng magulang dahil alam nyang hindi sila sasangayon

27 | P a g e
Mga Sanggunian

Aklat:

Rivera, Crisanto, et.al. 2003. Rizal: Ang bayani. Metro manila: M & Licudine Enterprises.
Sauco, Consolacion P., et.al. 2002.Rizal ang pinakadakilang bayani. Sampaloc, Manila:
Omniscience Publishing Inc.
Zaide, Gregorio F.,et.al. 2002. Buhay, mga gigawa at mga sinulat ng isang henyo, manunulat,
siyentipiko, at pambansang bayani. Quezon City: All Nations Publishing Co,Inc
Banaag, Lee Mark T. et al. 2016 RIZALISMO Liberalismo at Nasyonalismo mula sa Pag-aaral
ng Kursong Rizal
Winston N. Ros, Ph. D; Evangeline Rachel D. Leaῆo, M.A. Rizal

Rivera, Landicho, Valenciano et al 2003 Rizal (Ang Bayani at Guro)

Websites:

https://www.dailymotion.com>video
https://www.officialgazette.gov.ph
https://theculturetrip.com>asia
https://m.facebook.com>videosss
https://m.youtube.com>watch

28 | P a g e

You might also like