You are on page 1of 6

South Mansfield College

Roman Cruz Ave. Soldiers Hills Village, Muntinlupa City

JUNIOR HIGH SCHOOL DIVISION


Academic Year 2020-2021
UNANG TERMINO
Student Number
MAHABANG PAGSUSULIT 1
FILIPINO 9

Pangalan: ___________________________________ Petsa: __________________

Student Academic Integrity Code


I do hereby renew my commitment to observe, practice, and pursue the highest degree of intellectual
honesty and integrity in academic conduct by not choosing to cheat, lie, or plagiarize in accomplishing any
academic work. So help me God.

________________________________
Signature
PANGKALAHATANG PANUTO
Basahing mabuti ang mga tanong at isulat ang letra ng tamang sagot sa
sagutang papel.
Isulat sa espasyong inilaan ang kasagutan sa sanaysay.

Panuto: Tukuyin ang katangian o damdaming ipanahihiwatig sa pahayag.

1. Kaagad na nagapo sa isang sulok ng bahay ang dalawang bata nang


magsimulang magsisisigaw at magmura ang kanilang ama dahil sa hindi pa
handa ang pagkain at pampaligo niya.

A. matiisin C. matulungin
B. malupit D. matatakutin

2. Nagpatalo si Li Hua ng dalawampung dolyar sa sugalan subalit hindi niya binigyan


ng hinihinging isang dolyar ang asawa na kakailanganin sa pagbili ng mga itlog
na gagamitin niya sa pagkapanganak.

A. maramot C. malupit
B. maawain D. mapagbigay

1|Page
Filipino 9
Long Test 1
2020-2021
South Mansfield College
Roman Cruz Ave. Soldiers Hills Village, Muntinlupa City

3. Sa mga gabing hindi makatulog si Lian-Chiao ay iniluluha na lamang niya ang


lahat ng pagod, sama ng loob, at sakit ng katawan sa piling ng asawa.

A. matulungin C. mapagmalaki
B. malupit D. matiisin

4. Sinisigawan, minumura, at binubugbog ni Li Hua ang asawang si Lian- Chiao


kapag hindi niya agad nagagawa ang mga gawain. Ano ang katangian ni Li
Hua?
A. matiisin C. matulungin
B. malupit D. matatakutin

5. Sinabi ni Ah Yue sa ina na siya na ang magsasampay sa kanilang mga nilabhan


kahit napakaliit pa niya at kinakailangang pang tumuntong sa bangkitoupang
maabot ang mataas na sampayan.

A. matiisin C. matulungin
B. malupit D. matatakutin

6. "Kailangang kong umalis, Mela Tingnan mo nga ang buhay natin, napakahirap.
Gusto kong magkaraoon ng malaking bahay at maraming salapi." Ipinakikilala
nitong ang Brahman ay...

A. may mataas na ambisyon at labis na paghahangad


B. gustong makaranas ng naiibang buhay sa lungsod
C. nagnanais makipagsapalaran at tuloy makaiwas sa mga gawain sa
bukid.

7. “Hindi na po ito uli mangyayari. Ang tunay ko po palang kayamanan ay ang


aking minamahal na ina at asawa,”ang dugtong pa habang niyayakap ang
kanyang pamilya. Ipinakikilala nito na ang Brahman ay...

A. nagsisisi at natuto mula sa kanyang naging karanasan


B. natatakot sa naging pasiya ng raha para sa kanya
C. naghihirap ang kalooban dahil sa pangyayari.

2|Page
Filipino 9
Long Test 1
2020-2021
South Mansfield College
Roman Cruz Ave. Soldiers Hills Village, Muntinlupa City

8. "Asawa ko, bakit kailangan mo pang umalis? Masaya ako kahit mahirap ang
ating buhay basta't magkakasama tayo." Ipinakikilala nitong ang asawa ng
Brahman ay ...

A. mapagmahal na asawa
B. selosa at walang tiwala sa asawa
C. matatakutin at nerbiyosa

9. “Ang tronong ito ay pag-aari ng dakilang Raha Vikramaditya. Bago ka maupo


rito, ipakita mo munang kapantay mo siya sa tapang at katarungan. Makinig
ka at sasabihin naming sa iyo kung gaano siya kadakila.” Ipinakikilala nito na
ang kanilang Raha Vikramaditya ay...

A. isang mayaman at hindi malilimutang pinuno


B. isang mahusay at iginagalang na pinuno
C. isang tanyag at kilalang pinuno

10. Pigil ng mga tao ang kanilang paghinga. Isang batang lalaki ang magbibigay
ng katarungan habang ang pinakamakapangyarihang pinuno ng bansa ay
nakatayo lamang at nanonood. Ipinakikilala na ang mga tao ay...

A. nagkukunwari
B. nangungutya
C. nagtataka at nananabik

3|Page
Filipino 9
Long Test 1
2020-2021
South Mansfield College
Roman Cruz Ave. Soldiers Hills Village, Muntinlupa City

Panuto:Basahin ang maikling buod ng kuwnetong Tahanan ng Sugarol at ilahad


ang Kuwentong makabanghay batay sa mga pangyayari sa kuwento.

Tahanan ng Isang Sugarol


Salin ni Rustica Carpio

Ito ay kuwento ng isang pamilya na ang ama ay isang sugarol. Ang amang ito ay
si Li Hua na walang ginawa kundi ang magsugal lamang.
Nagdadalang-tao naman ang kaniyang asawa na si Lian Chiao. Mayroon silang
dalawang anak na sina Ah Yueh at Shao Lan.
Madalas na makita si Li Hua sa sugalan na ang pangalan ay Hsiang Chi Coffee
Shop. Literal na umuuwi na lamang si Li Hua upang maligo at magpahinga. Kahit
buntis ang kaniyang asawang si Lian Chio ay wala pa rin itong patid sa paggawa
ng mga gawaing bahay.
Pati ang pagpapaligo sa kaniyang sugarol na asawa ay siya pa ang gumagawa.
Ang masaklap pa rito ay pinagbubuhatan siya ng kamay ng asawa. Sa bawat
pagkakamali niya ay bugbog ang inaabot niya rito.
Isang gabi, naramdaman ni Lian Chiao na sumasakit na ang kaniyang tiyan.
Batid niyang manganganak na siya. Di niya ginising ang mga anak na pagod sa
trabaho. Pinuntahan niya ang asawa sa sugalan kahit malalim na ang gabi.
Sinuong niya ang mahamog at mapanganib na daan. Nang marating ang
sugalan, nahimatay na si Lian Chiao. Hindi pa rin siya inintindi ng asawa dahil
nananalo na raw siya sa sugal. Ang may-ari na lamang ng sugalan ang nagdala
kay Lian Chiao sa ospital.

4|Page
Filipino 9
Long Test 1
2020-2021
South Mansfield College
Roman Cruz Ave. Soldiers Hills Village, Muntinlupa City

11-15

Kasukdulan -

Tunggalian –

Isyung Panlipunan -

Sanaysay

Panuto: Sagutin ng komprehensibo ang katanungan. Binubuo ng lima o higit pang


mga pangungusap ang kasagutan.

Pamantayan sa Pagmamarka
Nilalaman 3
Gramatika 2
Kabuuan 5 puntos

16-20

Paghambingin ang dalawang uri ng sanaysay. Isulat ang pagkakaiba nito.

Pormal na Sanaysay Di-pormal na Sanaysay

5|Page
Filipino 9
Long Test 1
2020-2021
South Mansfield College
Roman Cruz Ave. Soldiers Hills Village, Muntinlupa City

21-25

Bakit sinabing ang sanaysay ay nangangahulugang “gawin, magpaalis,


magtimbang at magbalanse”? Ipaliwanag.

Prepared by: Reviewed & Checked by: Approved by:

Bb. Judievine Grace C. Celorico Ms. Jennifer C. Pre Mr. Rolly S. Donato
Subject Teacher SAH – Filipino / Deputy Principal School Head Principal

6|Page
Filipino 9
Long Test 1
2020-2021

You might also like