You are on page 1of 2

Baliti,Balete, o Balite ni Joey A.

Arrogante
Basahin ang "Baliti, Balete o Balite" ni Joey A. Arrogante, pagkatapos ay sagutin ang mga
sumusunod na katanungan.

                                                               Baliti, Balete, o Balite

                                                                            ni 
                                                                  Joey A. Arrogante

       Baliti, Balete, o Balite - tatlong salitang may kanya-kanyang tanging baybay; tatlong salitang
kung basta lamang maririnig ay halos magkakasintunog, ngunit kung pakikinggang mabuti,
mapupunang may dalawang tunog na nagkakapalit; pero ang tatlong salita kayang ito ay may
kanya-kanya ring sasriling kahulugan?

       Sa Diksyunaryong Ingles-Pilipino Pilipino-Ingles  (Felicidad T.E. Sagalongos, (1968) ang


salitang ito ay nasusulat sa baybay na baliti, at sa dalawang diin - malumay at malumi - na
parehong pangngalan kung gamitin. Ang pangngalang baliti na may diing malumay ay may
kahulugang "tie for hand or arms", salingwika: tali o pantali sa mga kamay o paa. Ang ikalawa,
na may diing malumi, ay nangangahulugang "a species of tree" (Ficus Indica), isang uri ng
punungkahoy.

     Ayon naman sa "Glossary of Non-English Terms" sa The Aswang Syncracy in Philippines


Folklore (Maximo D. Ramos, 1971) na nasusulat sa baybay na balete, ito'y isang katawagan ng
mga Ilokano, Tagalog, at Cebuanosa isang uri ng punungkahoy (sa Latin, Ficus Indica) na
pinamamahayan ng iba't ibang masama, mapanakit, at mapaminsalang mitolohikal na mga
nilalang. Subalit, kasunod ng salitang balete ay baliti, nakapanaklong nga lamang.

       Sa Diksyunaryo Tesauro Pilipino-Ingles naman ni Jose Villa Panganiban, ang salitang ito ay
nasusulat na balite, isang pangngalan at may kahulugang "nakakatakot na kaalamang-bayang
punong-kahoy, na tumutubo sa mga ilang, madidilimat malulungkot na mga pook at
ipinapalagay na tirahan ng mga lamang-lupa tulad ng tiyanak atbp.

       Samakatuwid, maliwanag na iisa lamang ang ibig ipakahulugan ng tatlo: balete, baliti, o
balite, isang uri ng punungkahoy na sa katawagang pang-aghan ay Ficus Indica. 

        Ayon kay Eduardo Quisumbing, ang punong balite ay laganapsa kahilagaang Luzong
hanggang sa katimugang Mindanao.Ito'y itinatanim sa mga liwasan ng Kamaynilaan,samga gilid
ng kalsada sapagkat ang yabong nito ay nakapagbibigay ng malawak na lilim. Ito ay isang uri ng
puno na matatagpuan din sa India, katimugang China at Malaya.

       Ang balite ay isang uri ng ligaw na halamang may makinis na balat ang puno na umaabot
sa taas na 15 metro o mahigit pa, at may mga sangang lumalaylay. Ang dahon ay malakatad,
biluhaba na patulis, makinis, makintab at may sukat ng 6 hanggang 9 na sentimetro. Ang bunga
ay walang tangkay, maitim ang pagkamurado at malaman kung magulang na.

       Bukod sa lilim na ibinibigay ng balite, ang hibla nito ay ginagawang lubid. Sinasabi rin na
ang balabak ng ugat nito o ang mismong ugat, at ang mga dahon ay nilalaga sa langis upang
ipanlunas sa mga sugat at mga galos. Ang katas ng balat  nito ay kilalang panlunas din sa sakit
sa atay. Sa matinding sakit ng ulo, ang dinikdik na mga dahon at balat aymabisang panapal.
(Quisumbing, 1951)

       Ang kahalagahan ng punong balite noon pa man ay napakikinabangan na. Sa mga Baluga
ng Pampanga "Both sexes make their coverings from the bark of a tree which they call Balite."
(Blair and Robertson, vol. 48. 1751-1765). Gayun din ang mga Negritos at Mangyan,
"balite,....tree, the bark of which is used....... in their G-Strings:" (Jose Villa Panganiban, 1972).

       Dahilan sa pagkakalikha ng siyensiya nagkaroon ng pagkakataon na makapagsaliksik


tungkol sa kabutihang maaaring makuha sa balite. Subalit ayon sa paniniwala ng mga
matatanda ito'y pugad ng multo , impakto, engkanto, duwended, nuno sa punso at iba pang
lamang lupa ay hindi basta-basta mabubunot. Gayundin ang paniniwala ng mga tao sa baryo at
lungsod.

Gawain 

I. Alamin ang kahulugan ng mga sumusunod na salita at gumamit ng larawan o anumang


maipakikitang "visual aids"o pantulong tungo sa lubos na ikauunawa nito:

1. lumalaylay
2. malakatad
3. pagkamurado
4. balabak
5. luntian

II. Anong tuntuning pamponolohiya ang ipinakikilala sa "baliti, balete o balite". Mahusay
bang naipaliwanag ang tuntuning ito. Sa paanong paraan? Magdagdag ng ilan pang
halimbawang inyong nalalaman.

      
Note: This is to be pass. Ilagay sa isang folder lahat ng inyong takdang aralin.

You might also like