You are on page 1of 1

KONKLUSYON:

Sa patuloy na pagbabago ng bansa ay hindi mawari na nagbabago narin ang daloy ng


kultura. Kabilang na rito ang wika na syang pinaka midyum ng ating pakikipag
talastasan. Kasabay ng pagbabago ng panahon ay ang pag usbong ng mga bagong
salita o termino, isa lamang itong patunay na ang Wika ay Daynamiko. Isa sa mga
nauusong salita ngayon ay ang GALAWANG BREEZY O HOKAGE. Ang mga
kalalakihan ngayon ay may kanya kanyang pamamaraan upang pakiligin ang kanilang
iniibig. Kabilang na dito ang pasimpleng pag diskarte sa mga kababaihan na kung
ikukumpara nuong unang pahanon kung saan idinadaan ito sa pormal na pamamaraan.
Nandyan din ang simpleng paghawak ng kamay, pagyakap o paghalik sa pisnge o sa
madaling sabi ay pag chansing. Ang HOKAGE ay terminong ginagamit sa mga lalakeng
swabe mang akit ng chix at gumagamit ng mga pasimpleng galawan upang pakiligin
ang mga ito. Hingil sa ating kaalaman, ang salitang HOKAGE ay nagmula sa sikat na
anime na Naruto. Dito ay binibigay ang titulong HOKAGE sa pinunong ninja ng bayan
ng Konohagukure. Sila ay karaniwang isa sa pinaka malakas na ninja sa Bayan. Kung
gayon ay maituturing ang isang Hokage bilang pinakamagaling at pinakamahusay
gumalaw pag dating sa chix tulad kung gaano kabilis gumalaw ang isang ninja. Ngunit,
hindi porke nauuso , ay dapat na itong gayahin. Ang pagiging Hokage ay hindi ka aya
aya minsan, eto ay maaring makabastos ng kababaihan. Noong Pebrero, taong 2016,
naglabas ang tech website na Yugatech ng artikulo tungkol dito. Sumasang-ayon ako
sa karamihan ng sinasabi ng artikulo. Totoo namang pwedeng maging nakakaaliw ang
Galawang Hokage bidyos. Ngunit may mga taong sadyang ginagamit lang ito para
maging viral, kahit walang consent sa mga babaeng dinadamay nila sa bidyo. Kaya
pwede talagang maituring na harassment ang Galawang Hokage. Akala ng mga
kalalakihan na pag tinagurian silang Hokage ay “COOL” na ang dating nila. Maraming
umuusbong na mga bagong salita kasabay ng pagbabago ng panahon. Eto man ay
bagong termino o pagbibigay ng ibang kahulugan sa mga salitang noon pamay ay
nagamit na. Kapag naging tanyag ang isang slang na ekspresyon sa kultura ng bansa,
nagiging bahagi ito ng pang-araw-araw na pakikipagtalastasan. Dahil nakabatay ang
kahulugan ng slang sa konteksto nito (saan at kailan ginamit ang salita), nagkakaroon
ng iba’t ibang pakahulugan ang isang salita dahil ginagawan ito ng sariling
interpretasyon.

https://www.google.com/amp/s/thephiltre.wordpress.com/2016/05/27/origin-of-pop-
species-the-hokage-and-galawang-hokage/amp/
https://www.google.com/amp/s/sakaysakasaysayan.tumblr.com/post/179540810297/tun
aynahokage-ang-kahulugan-ng-hokage-sa-hapon/amp

You might also like