You are on page 1of 1

Pangalan: __________________________________________________

Seksyon: ___________________________________________________

Tukuyin kung saang dimensyon ng pagbasa nabibilang ang mga sumusunod:

A. Pag-unawang Literal
B. Pagkaunawang ganap sa mga kaisipan ng may-akda lakip ng mga karagdagang kahulugan
C. Pagkaalam sa kahalagahan ng mga kaisipan at ng kabisaan ng paglalahad
D. Pagsasanib ng mga kaisipang nabasa at ng mga karanasan upang magdulot ng bagong pananaw at
pagkaunawa
E. Paglikha ng sariling kaisipan ayon sa mga kasanayan at kawilihan sa binasang seleksyon

___ 1. Pagpuna sa mga detalyeng nakalahad


___ 2. Pag-unawa sa mga tayutay at patalinhagang salita
___ 3. Paghinuha sa mga sinundang pangyayari
___ 4. Pagpuno sa wastong pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa teksto
___ 5. Pagsunod sa panutong nabanggit
___ 6. Pagbubuod o paglalagom ng binasang teksto
___ 7. Paggawa ng balangkas
___ 8. Pagpapaliwanag sa mga nilalaman o kaisipang binasa batay sa sariling karanasan
___ 9. Pagkuha ng pangunahing diwa o kaisipan
___ 10. Paghanap ng tugon sa mga tiyak na katanungang inilahad
___ 11. Pagbibigay ng katotohanan (facts) upang mapatunayan ang isang nilalamang ipinahayag
___ 12. Pag-alaala sa mga kaugnay na impormasyon ng pag-aaral
___ 13. Pagbibigay ng pagkakaiba at pagkakatulad ng pahayag
___ 14. Paghahanap ng katibayan para sa o laban sa isang pansamantalang konklusyong inilahad
___ 15. Pagkilala sa mga tauhang gaganap/gumaganap
___ 16. Pagdama sa katangian ng tauhang gumaganap
___ 17. Pag-uugnay ng binasang kaisipan sa kanyang sariling karanasan at sa tunay napangyayari sa
Buhay ng mag-aaral
___ 18. Pagbibigay ng kuro-kuro at opinyon sa talata
___ 19. Pagbabago ng mga katangian ng mga tauhang gumaganap
___ 20. Paghula sa kalalabasan ng nobela/teksto
___ 21. Pagbibigay ng solusyon o kalutasan
___ 22. Pagkuha ng pangkalahatang kahulugan ng isang binasa
___ 23. Pagbibigay ng pamagat
___ 24. Pag-iisip ng masaklaw at malawak na talasalitaan
___ 25. Pag-unawa sa mga impresyon o kakintalang nadarama
___ 26. Pagkilala sa pagkakaroon o kawalan ng kaisahan ng diwa ng mga pangungusap na nasasaad
___ 27. Pagkilala sa pagkakaugnay-ugnay ng mga pangungusap sa isang talatang inilahad
___ 28. Pagpapasiya tungkol sa kabisaan ng paglalahad na isinagawa
___ 29. Pagbibigay opinyon at reaksyon sa binasa
___ 30. Pagpapayaman ng talakayan sa aralin sa pamamagitan ng paglalahad ng mga kaugnay na
karanasan sa talakayan
___ 31. Pagbabago ng pamagat ng teksto
___ 32. Pagbabago ng panimula ng kuwento o lathalain
___ 33. Pagbibigay ng reaksyon sa teksto
___ 34. Pagdama o pagkaalam sa pananaw ng awtor
___ 35. Pagbabago ng wakas ng teksto
___ 36. Pagbabago ng mga pangyayari sa teksto
___ 37. Paglikha ng sariling kuwento batay sa binasang teksto
___ 38. Paghinuha ng mga katuturan o kahulugan
___ 39. Pagtatalakayan tungkol sa katumpakan ng pamagat ng binasang seleksyon sa aklat

You might also like