You are on page 1of 2

Greenville Academy of Sta.

Clara
Sta.Clara, Sto. Tomas, Batangas

Pangalan: Huseñ a, Ericka S. Guro: Gng. Carmina Guevarra

Seksyon: 12 - Einstein Petsa: Oktubre 03, 2019

SANA

Isa ako sa mga taong

nahihirapan makuntento kung

minsan. May mgapagkakataong

nakararamdam ako ng inggit

sapagkat tila hindi na

makatarungan ang hirap na

aking dinaranas. Madalas kong

kwestyunin ang magagandang

bagay na nangyayai sa mga masasamang tao at hangadin na nawa ay maranasan ko rin ang

mga ito. Sa likod pala nito ang mas masalimuot na mundo na hinahamon ako upang makita

ang liwanag sa inaakala kong madilim na ako.

May mga taong mas nahihirapan kaysa sa akin. Mayroong mga indibidwal na hindi

nakakain ang mga ninanais nila na kainin at higit sa lahat, may mga paslit na nagdurusa sa

pangyayaring hindi naman nararapat sa kanila. Ang dalawang bata na na nasa larawan ay

tila magkapatid na nagpapahinga. Nagpapahinga sa nakapapagod na mundo habang

umaasa na sa pagmulat ng bintana ng kanilang kaluluwa ay may laman na kahit magkano

ang lalagyan nila na nasa tabi. Naghahangad na sana hindi bumuhos ng iyak ang langit

sapagkat wala silang masisilungan. At nagnanais na mayroon din silang mga magulang na

handang magbigay ng kanilang pangangailangan. Ngunit wala, ang lahat ng ito ay parte

lamang ng kanilang malaking “sana”. Upang magkatotoo ang “sana” na nais nila ay wala

silang ibang pamimilian kundi igalaw ang kanilang katawan at kumayod kahit wala pang

gaanong alam. Ganoon din ako, kailangan ko ring gawin ito.


Lahat tayo ay may kanya-kanyang “sana” ngunit mananatili itong panaginip kung

hindi tayo gigising sa katotohanan na tayo mismo ang magiging susi upang mapasok ang

pinto na puno ng kaginhawaan. Mas maraming nakararanas ng kahirapan kaysa sa atin

kaya kung may taong naging matagumpay ngayon, iyon ay dahil sa kanyang

isinakatuparang mithiin. Palagi dapat tingnan ang bahaghari pagkatapos ng bawat bagyo.

Kung nasaan ka man ngayon, hindi ka dito mananatili. Sabay-sabay tayong umasa, kumilos

at isakatuparan ang ating mga “sana”.

You might also like