You are on page 1of 6

Negros Oriental State University

Dumaguete City
Taong Panuruan: 2019-2020

“Juan Balucas at ang Bayabas”

Proyekto sa Filipino I – Akademiko sa Wikang Filipino

Isinumite kay:
Bb. Margie Binggan

Ipinasa ni:
Bethany Jane C. Mascardo

Petsa:
Oktubre 8, 2019
Ito ay isang art film o pelikula na maaring pagpupulutan ng magagandang aral sa mga
bata at matatanda. Ito ay nakabase sa isang alamat na nagpapakita sa isang tamad na ugali ng
mga Pilipino at sa pamamagitan ng pelikulang ito ay mabubura sa mga isipan ng mga Pilipino na
sila ay tamad.
Ito ay idinirekta at isinulat ni Franco G. Arce at ang kanyang kasama sa pagsusulat nito
ay si Mylene Mamalias at Sigfried Sepulveda.
Ang mga artistang nagsipaganap sa pelikula ay sina:
Archie Alemania bilang John- ama ni Juan Balucas.

Ynahbel Moran bilang Maria- Asawa ni John na isang diwata na naging tao.

Nourish Icon Lapuz bilang Juan Balucas- ang batang lalaki na siyang nagligtas sa
kanyang ama.

Rolando Inocencio bilang Apo- ang tumutulong ni Juan Balucas upang gawin ang
ipinasagawa ni Reyna Suki.

Gabby Padilla bilang Reyna Suki- ang reyna ng mga diwata. Dito nakipagkasundo si
Juan Balucas upang kanyang mailigtas ang kanyang ama.

Peter Vallejos bilang Noni-  isang nuno sa punso na siya ding tumutulong ni Juan
Balucas.

Brooke Chantelle bilang Pagasa- isang dawata ng walang pangalan dahil sa ginawa ng
sangkatauhan.

Bernard Laxa bilang Tambo- isang kapre na tumutulong kay Juan Balucas upang
makuha ang himig ng Ibong Adarna.

Rainer Morales bilang Sipit- isang Hari ng mga alimango na may bagay na kailangan ni
Juan Balucas.

Randy de Silva bilang Ibong Badarna- siya ang dahilan kung bakit nagging bato si
John.
Ang ipinahiwatig ng pamagat ng pelikula na Juan Balucas at ang Bayabas ay ang pagbabago
sa ugali ng mga Pilipino sa pamamagitan ng pagbago sa pamagat na galing sa “Juan Tamad at
ang Bayabas” tungo sa “Juan Balucas at ang Bayabas”. Isa itong mapantasya na pelikula na
mapagpupulutan ng magagandang aral.
Mga tagpuan sa Kwento
Paaralan
Bahay
Gubat
Tahanan ng kanyang ama sa probinsya.
Sa ilog kung saan na ninirahan si King crab o sipit.
Sa puno ng bayabas
Sa puno ng balete na binabantayan ng isang kapre na si Tambo at ang tanging lagusan
papunta sa pugad ng ibong badarna.
Sa pugad ng ibong badarna.
Santwaryo ng mga diwata na kung saan sila ay magpulong-pulong.

Banghay ng Kwento:
May isang bata na nagngangalang Juan Balucas, ang nag-isang anak ni John at Maria na
isa ding guro sa paaralan ni Juan. Palagi itong nang-aasar sa kanyang mga kaklase at tinatawag
sa paaralan dahil sa pagiging tamad nitong mag-aral. Isang araw, habang sila ay nasa hapag-
kainan ay naisip ni John na bisitahin ang kanyang mga magulang na nasa probinsya na sampung
taon na niyang hindi nakita at dahil malapit narin ang kaarawan ng kanyang ama.
Nang pumunta na ang mag-ama sa probinsya ay napag-isipan ni John na ipasyal si Juan
sa kanyang paboritong pahingahan noong siya ay bata pa. sa kanilang paglilibot ay nakita nila si
Apo, halata sa mukha ni Apo ang pagtataka kung bakit nandoon si John. Sa gitna ng kanilang
pag-uusap ay nagpaalam si Juan Balucas na iihi muna siya. Dahil walang kaalaman si Juan sa
mga engkanto ay umiihi siya sa isang punso kung saan naninirahan ang isang nuno na
nangngangalang Noni.
Sa kanyang pagbabalik, hindi niya inaasahan na ang kanyang ama ay naging bato na
nakahiga sa ilalim ng patay na puno ng bayabas. Sinisisi niya si Apo sa paggiging bato ng
kanyang ama dahil sila lang dalawa ang nag-uusap ng umiihi siya. Ilang minuto ang nakalipas ay
nagpakita ang reyna ng mga diwata na si Reyna Suki. Nakipagsundo si Juan kay Reyna Suki
upang mailigtas niya ang kanyang ama na nagging bato. Mailigtas ni Juan ang kanyang ama sa
ilalim ng ilang kondisyon na itinakda ng reyna. Una, kailangan niyang makuha ang himig ng
Badarna, at pagkatapos ay ang ilang tubig mula sa "Bukal ng Buhay" bago pumasa ang
kabilugan ng buwan.

Tinulungan ni Apo at Noni si Juan Balucas sa kanyang pakikipagsapalaran. Upang


matupad ang kanyang misyon, dapat munang magkaroon siya ng isang bagay mula sa natatakot
na King Crab Sipit at pumasa sa pamamagitan ng isang "kapre" na si Tambo na nangangalaga sa
pagpasa sa kama ng Badarna bago niya maabot ang “mystical bird.”
Sa hinaba-haba ng nilakbay ni Juan ay matagumpay niyang nakuha ang himig ng ibong
Badarna at agad siyang bumalik sa kanyang ama dahil nalalapit na ang kabilugan ng buwan.
Nang nalaman niya ang balita ni Reyna Suki na kung iinumin niya ang tubig galing sa bukal na
buhay ay makabalik siya sa kanyang pamilya na nasa tunay na mundo ngunit habang buhay na
magiging bato ang kanyang ama at kung ipapatunog niya ang himig ng Ibong Badarna ay
maliligtas niya ang kanyang ama at maiiwan siya sa gubat habang buhay. Nalungkot si Juan
Balucas sapagkat kailangan niyang pumili kung ililigtas ba niya ang kanyang ama o ang kanyang
sarili.

Naiwan si Juan sa gubat dahil pinili nya ang kaligtasan ng kanyang ama, siya ay
nanghihina na dahil sa gutom. Pinayuhan siya ng kanyang konsensya na matulog nalang para
hindi siya makaramdam ng gutom ngunit naalala niya ang sinabi ni Apo sa kanya nung sila ay
naglalakbay sa gubat, sabi niya “Kung nagugutom ka kailangan ba talaga na may magdudulot ng
pagkain para sayo?” Kahit nanghihina na si Juan ay gumapang siya sa nilalagyan niya ng tubig
na mula sa bukal ng buhay at idinilig ito sa patay na puno ng bayabas at ito ay muling na buhay
at namunga. Dahil sa gutom, inakyat ni Juan ang puno ng bayabas at kinuha ang isang malaking
bunga nito. Nang nakita ni Reyna Suki na hindi talaga tamad si Juan ay ibinalik nya si Juan sa
totoong mundo. Dahil sa mga pangyayari ay napayakap ng mahigpit si Juan sa kanyang ama at
nagiging isang matino, masipag at mabait na bata si Juan Balucas.

SYNOPSIS
Ang pelikulang Juan Balukas at ang bayabas ay tungkol sa isang batang lalaki na
napagkamalang si Juan tamad, na siyang nakasaad sa propesiya na siyang sisira sa sangkatauhan
dahil sa labis nitong katamaran. Naka-isip ng paraan si Reyna Suki, ang reyna ng mga diwata sa
kagubatan kung paano niya malalaman kung si Juan Balucas ba talaga ang tinutukoy sa
propesiya. Nung humiga si John sa ilalim ng patay na puno ng bayabas ay inutusan ni Reyna
Suki si Ibong Badarna na gawing bato si John.
Upang mailigtas niya ang kanyang ama ay nakipagsundo siya ni Reyna suki gayunpaman
ay binigyan siya ng dalawang kondisyon: kailangan niya kunin ang himig ng Ibong Badarna at
kumuha ng tubig galing sa bukal na buhay pero hindi ganun kadali makuha ang himig nito dahil
kailangan niya munang harapin si Sipit o si King Crab at lakbayin ang masukal na kagubatan
patungo sa lagusan ng ibong Badarna. Isang mahirap na hamon ang binigay sa kanya dahil
kailangan niya munang harapin si Tambo, ang kapre na nagbabantay sa lagusan bago siya
makarating sa pugad ng ibong Badarna. Dahil sa determinasyon niyang maligtas ang kanyang
ama sa pagiging bato nito habang buhay ay matagumpayang nalalagpasan ni Juan Balucas ang
lahat ng hamon na ibinigay sa kanya nang Reyna. Nailigtas nya ang kanyang ama at napatunayan
niya na hindi siya ang tinutukoy sa propesiya. Naibalik si Juan sa totoong mundo at nakita niya
muli ang kanyang pinakamahal niyang ama.

MGA ARAL NA NAKUHA SA KWENTO


1. Pahalagahan mo ang kalikasan at may iibibigay yan sayo.
2. Magtiwala ka sa sarili mo na kahit anumang hamon ang haharapin mo sa buhay ay maging
matatag ka dahil kung kaya nila, kaya mo rin.
3. Kahit bata ka pa ay may kakayahang kang gumawa ng isang bagay para mapanatili ang
kagandahan ng kalikasan.
4. Ang “bullying” ay hindi magandang katangian at dapat may karugtong na parusa.
5. Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin nila sa iyo.
6. Magsikap ka ubang mabuhay ka dahil hindi lahat ng pangangailangan ay iaasa mo lang sa iba.
7. Huwag kang sumuko dahil hindi mo na kaya, malay mo malapit kana pala.
8. Ang determinasyon ay naghahatid sayo upang makamit mo ang mga pangarap mo sa buhay.
9. Ang pagsubok sa buhay ay isang paraan upang hubugin ang katangian ng bawat tao.
10. Kung pagod ka na, ang pagmamahal ay nagbibigay lakas na kayanin ang lahat ng pagsubok
sa buhay.

IPALIWANAG ANG TATLONG PAG-UUGALI NG MGA FILIPINO NA


NAPAGTANTO MATAPOS MAPANOOD ANG PELIKULA.
1. Pagiging Tamad
2. Pagiging mapagmahal sa Pamilya
3. Pagmamahal sa Kalikasan

Ang mga Pilipino ay may ibat-ibang katangian at ang isa dito ang pagiging matamad
ngunit hindi pangkalahatan. Nagiging matamad ang isang tao kung hindi niya alam kung anong
gagawin niya sa buhay. Ang mga pananaw sa buhay ay nagbibigay direksyon kung anong daan
ang ating lalakbayin. Ang pakikipag-ugnayan sa mga taong walang layunin at pangarap sa buhay
ay makakasira ng buhay. Paligiran mo ang iyong sarili sa mga taong may layunin at pangarap
dahil nagbibigay sila ng magandang impluwensya sa iyong paningin sa buhay.

Minsan, ang mga Pilipino ay nawawalan ng gana na magpatuloy at tinatamad gawin ang mga
bagay upang makamit ang pangarap sa buhay ngunit kapag maalala mo ang pamilya mo,
nagbibigay ito ng lakas na gawin at ipagpatuloy ang mga ito kahit mahirap na dahil alam mong
may mga tao na naghihintay sayo. Ang pagmamahal sa pamilya ang siyang pinaghuhugutan
natin ng lakas para makamit ang ating mga ninanais na makamtan.
Gayunpaman, ang pagmamahal sa kalikasan ay isang magandang katangian na sinasanay
na sa mga Pilipino ngayon dahil sa tulong ng mga tao na nagbibigay impormasyon tungkol sa
pagpapahalaga sa kalikasan. Dahil tayo mga tao din ang magdurusa kung hindi natin na
papangalagaan ng husto ang kalikasan.

Bago ito nangyari, nagsimula ito noong pumunta ang mag-ama na si John at ang kanyang anak
na si Juan Balucas, Jr. sa kaarawan ng kanyang Ama sa probinsya. Dahil sampung taong hindi
nakapunta si John sa kanyang lugar ay nakapag-isip itong pumunta kasama si Juan Balucas sa
lugar na kung saan siya ay maglalaro at magpahinga noong siya ay bata pa.
Ipinikilala ni John ni Juan ang isang patay na puno ng bayabas kung saan siya ay matutulog kung
siya ay pagod na pagod.

You might also like