You are on page 1of 1

Ang Alamat ng Batuktok (Woodpecker)

Noon daw unang panahon ay may isang matandang lalaki na nagpapalipat-lipat sa mga
bayan upang mangaral. Ang sabi ng ilan ay si Apostol Pedro raw ito ngunit may nagsasabi
naman iyon si San Pablo.

Anu't anuman, isang araw ay nakarating ang mangangaral sa isang malayong bayan
makaraan ang mahabang mga oras ng paglalakbay. Pagod na pagod ang matanda at
gutom na gutom din.

Lihim na nakadama ng tuwa ang matanda nang marating ang isang bahayan kung saan
maaamoy sa hangin ang mabangong samyo ng tinapay na ibinebeyk. Lumapit siya sa
bahay na pinanggagalingan ng mabangong amoy ng tinapay at humingi mula sa babaing
may-ari.

Ang babae ay gumagawa ng tinapay para ipagbili. Maraming nagpapagawa rito ng araw na
iyon kaya marami ng luto nang dumating ang matanda. Subalit nanghinayang ang babae na
ipamigay ang mga naluto na dahil masyadong malalaki ang mga iyon.

Pinaghintay ng babae ang matanda. Aniya ay ipagbibeyk niya ito ng bago. Ang ginawa ng
babae ay nagmasa ng mas maliit na arina para sa apostol. Nang mabeyk ang minasa ay
lumabas pa ring malaki iyon. Muling nagmasa ang babae ng mas maliit saka iyon iniluto.
Muling nanghinayang ang babae dahil ang tingin niya ay malaki parin iyon para ipamigay.
Ilang beses pang nag-masa at nagbeyk ang babae pero muli at muli niyang itinatabi para
magluto ng mas maliit pa.

Alam ng matanda kung bakit matagal na siyang naghihintay sa kapirasong tinapay ay hindi
pa rin iyon maibigay ng babae.

Nasabi tuloy ng matanda ang ganito, "Labis-labis na mga biyaya ang ipinagkaloob sa iyo
pero ubod ka pa rin ng damot. Mula ngayon, paghihirapan mong mabuti ang lahat lalo na
ang iyong kakainin."

Hindi nagtagal ang apostol ay umalis para maghanap ng mabuting loob na magbibigay sa
kanya ng makakain.

Lilang hakbang pa lang ang nalalakad ng mangangaral ay isang pangyayari na ang


naganap sa loob ng iniwan niyang bahay. Unti-unting nagbago ang anyo ng babae
hanggang maging isang ibon. Nang makita ito ng alagang pusa ay agad nilundag.
Nakalipad lang agad ito kaya hindi nasunggaban ng pusa.

Sa takot ng babae na maging ibon ay lumipad ito patungong gubat. Doon ay hindi na ito
tumigil sa pag-tuktok sa mga kahoy para makakuha ng makakain. Ang ibong iyon ay ang
batuktok o woodpecker.

You might also like