You are on page 1of 3

University of the Visayas

Basic Education Department


Cebu, Philippines
A.Y. 2019-2020

Banghay-Aralin sa Filipino 7

Petsa, Oras at Petsa: Hunyo 24 –Hunyo 28, 2019


Seksyon Oras at Seksyon:
 11:10 -12:00 (St. Scholastica)
 1:00 -1:50 PM (St. Agatha)
 1:50 – 2:40 PM (St. Therese)
 3:00 – 3:50 PM (St. Brigid)

Sa pagtatapos ng aralin na ito, ang bawat mag-aaral ay


inaasahang makakamtan ang mga sumusunod na kakayahan:
A. Natutukoy ang kasingkahulugan ng bawat piling salita mula
sa tinalakay na akda. ‘
Layunin B. Naiuugnay ang mga pangyayari sa tinalakay na kada sa
mga kaganapan sa iba pang lugar sa Pilipinas.
C. Nakapagsasagawa ng pag-uulat hinggil sa kasalukuyang
sitwasyon ng lugat na pinagmulan ng akda.
D. Nakapagtatanghal ng isang pagsasadula ng inirebisang
wakas ng kuwentong bayan.
Panitikan: Manik Buangsi
Paksa Pagsusuring Pampanitikan: Kuwentong-Bayan
Wika at Gramatika: Mga Pahayag sa Pagbibigay ng Patunay
Unang Araw
A. Panimula
- Pagbati
- Panalangin
- Pagsasaayos ng mga upuan/ pagpulot ng mga kalat
B. Pagganyak
Pamamaraan sa Magpapakita ng mga larawan na may kaugnayan sa
Pagtalakay at Mindanao. Hihingiin ang reaksiyon ng mga mag-aaral at
Pagkatuto iuugnay ito sa tatalakaying paksa.
C. Pagbasa
Ang mga mag-aaral ay bibigyan ng 5-10 minuto upang
basahin at unawain ang akda. Pagkatapos ay pasasagutan
ang mga katanungan sa pahina 5-6.
D. Pag-unlad ng Talasalitaan
Pupunan ng mga mag-aaral ng mga titik ang loob ng
bawat kahon sa ibabang bahagi ng panuto upang mabuo
ang kasingkahulugan ng bawat salitang sinalungguhitian.
Ito ay makikita sa pahina 5.
E. Pagtatalakay
Magkakaroon ng dugtungang pagkukwento ang klase
base sa kuwentong-bayan na Manik Buangsi. Pagkatapos
ay magbabato ng mga katanungan ang guro tungkol sa
paksang itinalakay.

Ikalawang Araw
A. Panimula
- Pagbati
- Panalangin
- Pagsasaayos ng mga upuan/ pagpulot ng mga kalat
B. Pagbabalik- aral
Magbibigay ng maikling pagsusulit ang guro tungkol sa
kuwentong-bayan na Manik Buangsi.
C. Pagtatalakay
Tatalakayin sa klase ang mga katangian ng isang
Kuwentong-bayan.
D. Pagsasanay
Ang mga mag-aaral ay magsusulat ng isang sanaysay
na sumasagot sa katanungang ”Ano-ano ang mga
pangyayari sa akda na maihahalintulad sa mga pangyayari
sa kasalukuyang panahon”.

Ikatlong Araw
A. Panimula
- Pagbati
- Panalangin
- Pagsasaayos ng mga upuan/ pagpulot ng mga kalat
B. Paglalapat
Ang mga mag-aaral ay hahatiin sa apat na pangkat.
Bawat pangkat ay magtatanghal ng isang malikhaing
presentasyon tungkol sa inirebisang wakas.

Ikat-apat na Araw
A. Panimula
- Pagbati
- Panalangin
- Pagsasaayos ng mga upuan/ pagpulot ng mga kalat
B. Pagtatalakay
Magkakaroon ng interaktibong pagtatalakay tungkol sa
mga pahayag sa pagbibigay ng mga patunay.
C. Paglalapat
Ang mga mag-aaral ay magsusulat ng isang balita
tungkol sa pangyayari sa kanilang kapaligiran. Gumamit ng
mga pahayag sa pagbibigay ng mga patunay.
Ebalwasyon Ikalimang Araw
 Ang guro ay magbibigay ng isang mahabang
pagsusulit sa nga mag-aaral.
Takdang Aralin  Sagutan ang mga indibidwal na gawai sa pahina 12 sa
akalt na Hinirang 7.

Sanggunian Largo, R. et al. (2019) Hinirang: Wika at Panitikang Filipino sa


Makabagong Panahon 7. Quezon City: The Intilegente Publishing,
Inc.

Inihanda ni: Sinuri ni:

Bb. SAMANTHA ANG MR. EDUARDO B. GERVACIO


Guro Sa Filipino Assistant Principal JHS Department

Inaprobahan ni: DR. GLENN R. ANDRIN


Principal, Basic Education Dept. / Campus Administrator

You might also like