Narative-Mary Ann

You might also like

You are on page 1of 1

NARRATIVE REPORT

PRIMALS PLUS- UNANG ARAW

Kasabikan ang makikita sa mukha ng mga guro sa iba’t ibang asignatura


Filipino, English, Math at Science sa pandibisyong pagsasanay ng PRIMALS
Bawat isa ay may ngiti sa labi na handang yakapin nang buong puso
nagpapahiwatig ng kanilang kahandaan at kasabikang matuto

Unang araw, Hulyo 12, 2019, sinimulan ng isang maikling programa


Mga EPS ng Dibisyon na kagalang-galang siyang nanguna
Ma’am Cora Patagguan Pambansang Awit kanyang pinamunuan
Ma’am Josephine Gammad inilahad kung bakit isinagawa ang pagsasanay

Sumunod si Sir Noli Abrigo, ang mga dapat at di dapat gawin ng mga kalahok
Mensahe’y ibinigay ng kapita-pitagang Ama ng Dibisyon, Dr. Alfredo B. Gumaru
Dumalo rin ang Ama ng Dibisyon na sina Dr. Alfredo B. Gumaru
Kasama si Dr. Jesus B. Maggay pagpapahalaga sa mga kalahok binigay

Matapos ang programa, Panimulang Pagtataya’y kagyat nang sinimulan


Dr. Myrna Adduru sesyong 21st Century Learning kanyang tinalakay
Taglay ba ng kaguruan ang katangian ng 21 st century teachers kanyang katanungan?
O kayang bang sumabay sa agos ng milenyals sa mag-aaral sa kasalukuyan?

Pagkatapos ng pananghalian, break out session ng bawat asignatura’y sinimulan


May mga sagabal pero kaagad nasolusyonan dahil kay Ma’am Patagguan?
Sinimulan niya ang Pagtukoy ng direksiyon at pagpapangkat-pangkatan
Sa kanyang malumanay at pagiging maparaan, Unang sesyo’y naisakatuparan.

Sumunod si Ma’am Vicky Addatu sa kanyang Sesyon 2: Sipat-Suri.


Inisa-isa ng mga kalahok ang mga kompitensi sa Gabay Pangkurikulum sa Filipino
Mula Ikapito hanggang Ikasampung Baitang masusing pinagtuunan
Negotiable at Non-negotiable na kompitensi mga kalahok naliwanagan

Sesyon 3, The Adolescent’s Brain ay tinalakay naman ni Sir Simeon Guiyab


Inilahad sa sesyong ito kung paano nga ba mag-isip ang mga mag-aaral sa ika-21 siglo
Tinalakay kung paano sila ihahanda sa talakayan at kung paano sila mauunawaan
Lubos na pag-unawa sa paksang aralin dapat mag-aaral may sapat na kahandaan

You might also like