You are on page 1of 1

1

Reaksyon sa Pelikulang Debosyon


Anna Bettina H. Andaya
HIST 1 S-6R; 4:00-5:30 tuwing Miyerkules at 7:00-8:30 tuwing Huwebes

Ang pelikulang Debosyon ay tungkol sa pagkakapareho ng mga konsepto ng pananampalataya at


pag-ibig. Ito ay matatagpuan sa buong kwento, lalo na sa katauhan ng bida nitong si Mando. Ayon dito,
siya ay may malalim na pananampalataya sa Birhen ng Peñafrancia, at naihalintulad niya ito sa pag-ibig
niya kay Salome, sa pamamagitan ng pagkakaroon ng tiwala at dedikasyon sa mga ito. O sa madaling
salita, ang pangangailangan niya na magkaroon ng “debosyon” para sa mga ito. Ito ay dahil sa upang
magkaroon ng kabuluhan ang mga ito para sa kanya. Sa una, ito ay kung magkakaroon ng himala sa
kanyang buhay, o kung mabibiyayaan siya ng mga grasya. Ang rason na ito ay mula sa konotasyon ng
karamihan ng mga Pilipino na magkakaroon ng himala o mabibigyan ng biyaya ang sino mang magiging
deboto ng mga patron. Sa huli naman, ito ay kung magiging maaayos ang relasyon niya sa kanyang iniibig.

Bukod dito, natalakay din sa kwento ang mga persona mula sa iba’t-ibang mga alamat. Ilan sa
mga nabanggit ay ang manananggal at diwata. Mas partikular sa mga ito ay si Oryol, isang nilalang na
kalahating babae at kalahating ahas mula sa epiko ng Ibalon, na siyang anyo ay ginamit para sa katauhan
ni Salome. Tulad sa epiko, pinakita sa pelikula na kaya nitong palitaan ang sariling anyo at maging
magandang babae. Mayroon din itong magandang boses na siyang ginamit upang makapang-akit ng lalaki.
Kaiba naman sa orihinal na kwento, hindi pinakita sa pelikula na mayroon itong masamang intensyon,
subalit ay ipinahiwatig dito ang damdamin at saloobin nito bilang isang nilalang na kinakatakutan at
nilalayuan ng karamihan. Ito ay hindi lamang para sa personalidad ni Oryol, kundi pati na rin sa iba pang
masamang babae sa mga alamat. Ayon naman sa direktor, maihahalintulad din ang katauhan ni Salome
kay Maria Makiling, na siyang nakatira din sa gitna ng kabundukan, binibigyan ng alay ng mga tao, at may
kakayahang kontrolin ang panahon ayon sa kanyang mga nararamdaman.

Naipakita rin sa kwento ang ilang mga isyung ganap sa ating lipunan ngayon. Ilan sa mga ito ay
ang pagkakaroon ng mga rebeldeng nagtatago sa mga kabundukan, at ang pagkakaroon ng dalawang
magkasalungat na paniniwala. Para sa una, ito ay ipinakita noong nais balikan ni Mando si Salome, at
nakasalubong niya ang mga lalaking tinanong kung parte siya ng militar. Ang ikahuli naman ay sa kahit na
itinuturing na Kristyanisado na ang Pilipinas, mayroon pa ring mga naniniwala sa mga anito. Kung kaya
naman ay bukod sa pagdiriwang ng karamihan ng mga pista ng mga patron, mayroon pa ring mga
nagbibigay ng mga alay, tulad ng mga pagkain, sa mga iyon.

Sa kabuuan, ang Debosyon ay inihiwatig ang pagkakapareho ng pananampalataya sa pag-ibig. Ito


ay ginawa sa pamamagitan ng paggamit ng mga elemento mula sa ating kasaysayan, tulad ng mga alamat
at mga personalidad mula dito, at sa mga klasikong konsepto, tulad ng pag-ibig. Ang mga ito ay
pinagsama-sama upang makabuo ng isang naratibo, na siyang inilapat sa kasalukuyang panahon. Bukod
dito, nais din ipahatid ng pelikula na ang bawat karakter sa kwento ay may sariling damdamin, saloobin, at
istorya din, kahit na hindi ito masyadong nabigyang pansin sa kwento ng mga bayani. Ito ay maaaring
ihalintulad na rin sa ilang mga tao, tulad ng mga Indigenous Peoples, na may sarili ding kwento o
kasaysayan, na siyang maaaring makapagpaliwanag sa kanilang mga kasalukuyang kaganapan. Dahil
dito, dapat din silang kilalanin at hindi husgahan agad-agad.

Reference:
Debosyon. Dir. Alvin Yapan. Perf. Paulo Avelino, Mara Lopez, Ramona Rañeses, and Roy B.
Dominguiano. Vim Yapan / Alem Chua Productions, 2013. Film.

You might also like