You are on page 1of 19

FILIPINO SA PILING LARANG AKADEMIK

Posisyong Papel

Output in EMPOWERMENT Eula Jean G. Cabayao


Victorias National High School Grade 12 – ABM 2
POSISYONG
PAPEL
Posisyong Papel
Isang sulatin na nagpapahayag ng tiyak na
paninindigan ng isang indibidwal o grupo
tungkol sa isang makabuluhan at
napapanahong isyu;
Naglalaman ito ng mga katwiran o ebidensya
para suportahan ang paninindigan;
Mahalagang bahagi rin nito ang
posisyon at mga katwiran ng kataliwas o
katunggaling panig.
Isa o dalawang pahina lamang, upang
mas madali itong mabasa at
maintindihan ng mga mambabasa at
mahikayat silang pumanig sa
paninindigan ng sumulat ng posisyong
papel.
Mga dahilan kong bakit
makabuluhanang Posisyong Papel
Panig ng may-akda
Nakakatulong ang pagsulat ng posisyong papel
upang mapalalim niya ang kaniyang pagkaunawa sa
isang tiyak na isyu.
Naipapakilala niya ang kaniyang kredibilidad sa
komunidad ng mga may kinalaman sa nasabing
usapin.
Sa Lipunan
Ang posisyong papel ay tumutulong para
maging malay ang mga tao sa
magkakaibang pananaw tungkol sa isang
usaping panlipunan.
Ang posisyong papel ay magagamit na
batayan ng mga tao sa kanilang mga
sariling pagtugon at pagsangkot sa
usapin.
Dalawang mahalagang salita na paulit-
ulit na gagamitin sa ariling ito.
1. Katuwiran – maaaring galing sa salitang
“tuwid” na nagpapahiwatig ng
pagiging tama, may direksyon o
layon.
2. Paninindigan – maaaring galing sa salitang
“tindig” na nagpapahiwatig naman
ng pagtayo, pagtanggol, paglaban,
at maaari ding pagiging tama.
Mga Mungkahing Hakbang sa Pagsulat
ng Posisyong Papel
1. Tiyakin ang Paksa
May dalawang posibleng paraan kung paano nabubuo
ang paksa ng posisyong papel.
a) Ang posisyong papel ay binubuo para sumangkot sa isang
napapanahong usapin na pinagtatalunan.
b) Maaari din namang bumuo ng posisyong papel bunsod ng
isang napansing problema sa kagyat na kapaligiran o lipunan.
2. Gumawa ng panimulang saliksik
Maaaring magbasa-basa ng diyaryo o
magtanong-tanong ng opinyon sa mga taong my
awtoridad sa paksa para mapalalim ang
pagkaunawa sa usapin.
Sikaping maging bukas muna ang isip para
makabuo ng matalino at makatuwirang posisyon.
Iwasan munang kumiling sa isang panig na
maaaring humadlang para makita ang iba’t ibang
pananaw sa usapin.
3. Bumuo ng posisyon o paninindigan batay sa inihanay
na mga katuwiran
Maglista ng mga argumento o katuwiran ng magkabilang
panig upang matimbang ang dalawang posisyon.
Mas makabubuting isulat sa papel ang mga katuwiran sa
dalawang hanay para magkaroon ng biswal na representasyon
ng mga ito.
Tandaan na hindi ito pahabaan ng listahan at kailangan pa
ring timbangin ang bigat at halaga ng bawat isa.
Batay sa paglilista at pagtitimbang, bumuo ng sariling
paninindigan.
4. Gumawa ng mas malalim na saliksik
Maaring pagtuunan ang mga katuwiran para sa panig ng
napiling paninindigan.
Maaaring sumangguni sa mga aklat at akademikong
journal.
Maaaring makipanayam sa mga taong may awtoridad sa
paksang pinagtatalunan.
Mahalagang ring gumamit ng mga ulat ng ahensya ng
pamahalaan, NGO, pribadong organisasyon, pahayagan,
at magasin upang makapagtampok ng napapanahon na
mga datos o impormasyon.
5. Bumuo ng balangkas
Introduksyon – ipakilala ang paksa.
Mga Katuwiran ng Kabilang Panig
– isa-isang ihanay dito ang mga
katuwiran ng kabilang panig.

– isa-isa namang ihanay ang sariling mga katuwiran.
Mga Pansuporta sa Sariling Katuwiran
– dito maaaring palawigin ang
paliwanag sa sariling mga katuwiran.
Huling paliwanag Kung Bakit ang Napiling
Paninindigan ang Dapat
– lugumin dito ang mga katuwiran.
Muling Pagpapahayag ng Paninindigan at/o
Mungkahing Pagkilos
– sa isa o dalawang pangungusap na
madaling tandaan, muling ipahayag ang
paninindigan.
6. Sulatin ang posisyong papel
Kailangang buo ang tiwaa at paninindigan.
Kailangang maiparamdam at maipahiwatig sa
mambabasa na kapani-paniwala ang mga sinabi
sa posisyong papel.
Ipakita ang awtoridad sa usapin.
Patunayan na ang sariling paninindigan ang
siyang tama at nararapat.
7. Ibahagi ang iyong posisyong papel
Maaaring magparami ng kopya at ipamigay ito
sa komunidad;
Ipaskil sa mga lugar na mababasa ng mga tao;
Ipalathala sa pahayagan;
Magpaabot ng kopya sa mga estasyon ng
telebesyon, radio, at iba pang daluyan.
Maaari ding gamitin ang social media upang
maabot ang mas maraming mambabasa.
HALIMBAWA
NG POSISYONG
PAPEL
Pahayag para sa Pagpapatibay ng
Wikang Filipino bilang mga Sabjek
sa kolehiyo Departamento ng
Filipino at Panitikan ang Pilipinas
Kolehiyo ng Arts at Literature
Unebersidad ng Pilipinas, Diliman
18 Hunyo 2014
Kaming mga propesor ng Departamento ng Filipino at
Panitikan ng Pilipinas ay matinding tumututol sa pagbabago
sa syam na yunit naa kahingian sa wikang Filipino sa General
Euducation Curriculum ng Commission n on Higher
Education (CHED)sa pamamagitan ng ipinalabas ng CHED
Memorandum Order No. 20, Series of 2013 ay
paglapastangan sa pagpapahalaga sa kasaysayan, karunongan
at diwa ng kasarinlang mahabang panahon ipinaglaban at
nilinang ng mga naunang salin lahi ng mga Filipino.
REFERENCES
http://listmachinepro.com/wp-
content/uploads/2018/03/cute-powerpoint-background-
designsmytrickpages-mytrickpages-in-cute-powerpoint-
background-designs.jpg
http://listmachinepro.com/cute-powerpoint-background-
designs/

You might also like