DESISYON

You might also like

You are on page 1of 1

DAHAN DAHAN.

Araw-araw, sa bawat segundong lumilipas, lahat tayo ay gumagawa ng sandamakmak na


desisyon. Maliit man ito o malaki, hindi natin malalaman ang magiging epekto nito sa ating
kinabukasan. Pero alam niyo ba kung ano ang lalagpas sa hirap na dinadala ng
pagdedesisyon? Heto. May katanungan ako para sa ating lahat.
May nagawa ka na bang bagay na pinagsisisihan mo? Isang matagal na na pagkakamali
pero di mo pa rin matanggal-tanggal sa iyong isipan. Para siyang mabigat na maleta na
pasan-pasan mo kahit saan ka man magpunta. Akala mo iyon na ang magpapasaya sayo
ngunit hindi pala. Sa halip ay nagdulot pa ito ng mas mabigat na problemang dadalhin mo
na naman hanggang sa ito’y iyong malagpasan.
Hindi ka ba nagsasawa? Ilang beses pa ba ang mauulit hanggang sa ikaw ay matututo? Sa bagay,
hindi mo naman binibigyan ng pagpapahalaga ang mga pagkakataong magiging dahilan sana
para ikaw ay matauhan sa iyong mga gawain.
Minsan, kailangan pa talagang ituro sa atin ng Diyos ang tama sa paraang masasaktan ka
para tigilan mo na ang mali at malaman ang pinagkaiba ng dapat at hindi. Bakit mag-
aantay ka pang masaktan kung kaya mo naman itong maiwasan? Simpleng mga salita. Simpleng
gawin. Ngunit napakahirap isa-puso at intindihin.
Kaya’t akoy tumitindig sa harap ninyong lahat upang ipa-alala na ang pagdedesisyon ay hindi
dapat ginagawa ng may pagmamadali. Dahan-dahan lang. Pag-isipan ito ng mabuti dahil tayo
lang naman ang maaapektuhan nito.

You might also like