You are on page 1of 1

James Bernard R.

Quiben

10 – Thomson

Gawain 2: Talumpati ng Kalayaan

Ang kalayaan, paano ba maituturing na ang isang tao ay tunay na malaya?


Maaaring ang kahulugan ng kalalayaan ay simpleng kalayaan lng sa paggawa ng kahit
anong bagay na iyong nais kahit kailan at sa ano mang paraan, ngunit hindi lamang
ganito ang kanyang kahulugan. Tunay na nakakasiya sa kahit anumang tao ang pagiging
malaya ngunit ang tunay na kalayaan ay paggamit sa iuong kalayaan na mayroong
responsibilidad at konsensiya sa bawat pagpapasya mo sa iyong buhay. Kung ang isang
tao ay binigyan ng kalayaan ngunit siya ay gumagawa ng mga masasamang gawain, siya
ay hindi tunay na malaya sapagkat ang kaniyang paggamit ng kanyang kalayaan ay hindi
nararapat at hindi tama.

Ang kalayaan ay isang sa pinakamahalagang uri ng salita na dapat ay


panindigan ng isang tao na dapat sya ay maging malaya sa lahat. Hindi ibig sabihin
na kaya mo nang gawin ang iyong mga gusto mga ninanais ay masasabi mo na
malaya ka na. Ito ay isang napakahalagang karapatan ng bawa't tao, kung mayroon
ka nito, walang gumagapos o pumipigil sa anumang iyong ninanais at nilalayon sa
buhay. Mayroon kang laya na gampanan ang mga bagay na magpapaunlad at
magpapaligaya sa iyo. Malaya kang lumikha, humimok, magtatag, at magsagawa ng
mga makabuluhang bagay sa ikakaunlad ng iyong sarili, mga kasamahan, at maging
ang iyong pamayanan. Wala kang magiging anuman na agam-agam o inaala-ala,
maging maliit o malaki man, sa paggawa ng mga ito. Mapayapa, mahusay, at
maligaya ka sa pagtupad ng mga tungkulin bilang masunuring mamamayan.

You might also like