You are on page 1of 15

Kasaysayan ng Panitikan sa Pilipinas

A. Ang Panitikang Pilipino Bago Dumating ang mga Kastila

Kalagayan: Hindi matitiyak kung gaano na katagal ang pagkakaroon ng Panitikang Pilipino
subalit ang tiyak ay mayroon ng Panitikang Pilipino bago pa man dumating sa Pilipinas ang mga
Kastila noong 1521.

Katangian: Bago pa man din tayo masakop, may panitikan nang maituturing ang ating mga
ninuno at ito ay nagsimula sa pasalitang tradisyon.

B. Ang Panitikan sa Panahon ng Kastila

Kalagayan: Sinunog ang mga akda sa Filipino at sumulat sila ng mga akdang tiyak na magagamit
nila sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo.

Katangian: Tatlong paksa lamang ang kanilang pinairal at pinalaganap – mga paksang
panrelihiyon, pangkagandahang-asal at pangwika.

C. Ang Panitikan sa Panahon ng Amerikano

Kalagayan: Pinagbawalan pa rin silang sumulat o pumaksa sa mga bagay na may kinalaman sa
pamamahala ng mga Amerikano na maaaring makapagpaalab ng damdaming makabayan sa mga
Pilipino at matutong ipaglaban ang kanilang mga karapatan.

DULA

Severino Reyes

Kinikilalang “ama ng makabagong dulang Tagalog” si Severino Reyes. Siya rin ang
tinatawag na “ama ng sarswelang Tagalog”.

Ipinanganak siya sa Sta. Cruz, Maynila noong Pebrero 11, 1961. Nag-aral at nagtapos siya sa
Santo Tomas ng batsilyer sa pilosopiya at letras. Nagsimula siyang magsulat sa Tagalog noong
1902. Ang kanyang dulang RIP na nanuligsa sa moro-moro ay siyang tinutukoy na dahilan ng
panghihina ng moro-moro sa Pilipinas.
Si Severino Reyes din ang unang patnugot ng lingguhang Liwayway kaya tinawag din siya ng
ibang manunulat na “ama ng Liwayway”. Dahilan sa akda niyang “Mga Kuwento ni Lola
Basyang” sa Liwayway, si Severino Reyes ay tinawag na Lola Basyang.

Mga Akda ni Severino Reyes:

1. Walang Sugat – Kauna-unahan niyang dula at siya rin niyang obra maestro.
2. R.I.P. – Ang dula niyang nanuligsa sa moro-moro.
3. Ang Kalupi – Dula niyang pumapaksa sa banidad at kamunduhan ng mga lalaki.
4. Cablegrama Fatal – Ipinakita sa dulang ito ang kawalang-katarungan ng paglilitis kay
Rizal.
5. Los Martires de la Patria – Ito’y ang dulang pasalubong niya sa mga pensyonadong
Pilipino na galing sa Amerika.
6. Filipinas para los Filipinos – Ipinakikita sa dula ang kabalbalang ugali ng ilang
Amerikano lalo na ang pagtutol ng mga may kapangyarihang makasal sa isang Pilipina
ang isang Amerikano.
7. Puso ng Isang Pilipina – Nangangaral ang dula sa bayan na ang tawag ng pagmamahal sa
bayan ay nasa pagpapakadunong, pagpapakabait, at pagpapakasipag.
8. Bagong Fausto – Pinuna ng dula ang maraming sakit na panlipunan sa Pilipinas.
9. Alma Filipina – Inilalarawan dito ang paglalaban ng kasakiman at kagandahang-asal.
10. Tatlong Babae – Naglalarawan ang dula ng tatlong uri ng babaing Pilipina: ang
makaluma, ang modernista at ang babae sa kinabukasan.
11. Filotea – Nanunuya ang dulang ito sa pagiging panatiko ng tao.
12. Mga Pusong Dakila – Ipinakikita ng dula ang mga pang-akit ng materyalismo sa tao.
13. Opera Italiana – Tinutuya ng dula ang mga Pilipinong mahilig sa mga bagay na dayuhan.
14. Tatlong Bituin – Ipinakita sa dula na hindi lahat ng baylarina ay masama.
15. Minda Mora – Isinadula ang buhay ng isang mora na nakipagsapalaran sa Maynila.

Hermogenes Ilagan

Kilala sa lahat ng dako si Hermogenes Ilagan sa tawag na “Ka Mohing”. Masasabing hindi
lamang siya kapanahon kundi kapantay ni Severino Reyes sa pagsulat ng sarswela.

Isinilang si Hermogenes sa Bigaa, Bulacan noong Abril 19, 1873.


Kilala siya hindi lamang sa pagkatha kundi gayundin sa pagiging artista at sa pag-aari ng
Compana Ilagan na nagtanghal ng maraming dula sa buong Luzon.

Mga Akda ni Hermogenes Ilagan:

1. Dalagang Bukid – Ito ang itinuturing pinakatanyag niyang dula. Ito rin ang kanyang obra
maestro.
2. Despues de Dios el Dinero
3. Dalawang Hangal
4. Biyaya ng Pag-ibig
5. Ilaw ng Katotohanan
6. Kagalingan ng Bayan
7. Punyal de Rosas
8. Wagas na Pag-ibig
9. Ang Mangkukulam
10. Ang Buhay Nga Naman

Patricio Mariano

Mandudula, kwentista, makata, mamamahayag, pintor at biyolinista si Patricio Mariano.


Ipinanganak siya sa Sta. Cruz, Maynila noong Marso 17, 1877 sa isang angkang mayaman. Siya
ay nagtapos ng pagka manananggol.

Nagsulat at namatnugot sa maraming pahayagan gaya ng Los Obreros, Renacimiento Filipino,


Katwiran, Lunas ng Bayan, La Vanguardia at Taliba. Dahil dito, tinawag siya ni G. Artigas y
Cuervas na “anak ng pahayagang Tagalog”. Sa kapanahunan niya, tinawag din siyang “puno ng
mandudulang Tagalog”.

Mga Akda ni Patricio Mariano:

1. Ang Sampaguita – Ang kauna-unahan niyang dula.


2. Tulisan
3. Luha’t Dugo
4. Silanganan
5. Ang Unang Binhi
6. Ang Pakakak – nagwagi ng gantimpalang Renacimiento Filipino noong 1913.
7. Ako’y Iyo Pa Rin
8. Ang Dalawang Pag-ibig
9. Deni
10. Lakambini – Na siya niyang obra maestro.
11. Ang Anak ng Dagat – Ang pinakatanyag sa kanyang mga sinulat.

Julian Cruz Balmaceda

Pinakabata si Julian Cruz Balmaceda sa mga mandudula sa panahong ito. Siya ay gumamit ng
sagisag na “Itang Badbarin” sa kanyang pagsusulat. Mahusay rin siyang makata at dalubwika.
Naging patnugot siya ng Surian ng Wikang Pambansa.

Ipinanganak siya sa Udyong, Bataan noong Enero 28, 1885. Nakadalawang taon lamang siya
sa pagiging abogado.

Mga Akda ni Julian Cruz Balmaceda:

1. Sugat ng Puso – Unang dulang sinulat niya noong siya ay may 14 na taon lamang.
2. Piso ni Anita – Ito ang dula niyang nagkamit ng unang gantimpala sa timpalak panitik ng
Bureau of Post. Tungkol sa pagtitipid ang paksa nito at may tatlong yugto.
3. Sa Bunganga ng Pating – Ito ay dulang tumutuligsa sa labag sa batas na gawain ng mga
usurero.
4. Higanti ng Patay – Dula itong may dalawang yugto at nagsasaad ng makatarungang
paglalapat ng parusa sa mga nagkakasala.
5. Dahil sa Anak – Dulang katatawanan at nagpapakita na ang pag-ibig ay di-kumikilala sa
salapi.
6. Sankwalatang Abaka (Sino Ba Kayo?) – Dulang katatawanan ng bunga ng mga
pagkakamali.
7. Heneral Gregorio del Pilar
8. Kayamanang Lumilipad
9. Budhi ng Manggagawa
10. Kaaway na Lihim

Aurelio Tolentino

Isinilang sa Guagua, Pampanga noong Oktubre 15, 1868 si Aurelio Tolentino. Hindi naging
sagabal ang pagiging Kapampangan niya sa pagpapaunlad ng panitikang Tagalog. Nagtapos siya
ng batsilyer sa pilosopiya sa UST.

Siya ang unang gumamit ng salitang “dula” upang itumbas sa “drama”. Isang salitang Bisaya
ang dula.

Mga Akda ni Aurelio Tolentino:

1. Kahapon, Ngayon at Bukas – Isa itong dulang mapanghimagsikat laban sa pamahalaang


Amerikano. Napiit si Tolentino sa pagtatanghal ng dulang ito.
2. Luhang Tagalog – Ito ang ipinalagay na obra maestra ni Tolentino. Mapanghimagsik din
ang dulang ito.
3. Germinal – Nanunuligsa rin ang dulang ito sa pamahalaang Amerikano sa ginawang
monopoly sa tabako.
4. Bagong Kristo – Isa itong dulang panlipunan.
5. La Rosa – Isa itong sarswelang may isa lamang yugto.
6. Manood Kayo – Ito’y pinag-ugnay-ugnay na mga awit at mga pangyayari at ginawang
dulang may tatlong yugto.
7. Sinukuan at Sumpaan – Dalawang dula na may tatlong yugto.
8. Lagrimas – Dulang simboliko na sinulat muna sa Kastila bago isinalin sa Tagalog.
9. Neneng – Isang marikit na dulang iisahing yugto.
10. Filipinas at Espanya – Dula itong nagtataglay ng diwang makabayan.

PANULAAN

Lope K. Santos

Si Lope K. Santos ang “Ama ng Balarila ng Wikang Pambansa”. Siya ay isang makata,
nobelista, kuwentista, guro, pulitiko at lider ng manggagawa. Isinilang siya sa Buwayang Bato,
Pasig, Rizal noong Setyembre 25, 1879. Nagtapos siya ng pagkaguro at pagkaabogado. Bilang
dalubwika, siya ang humalili kay Jaime de Veyra na Patnugot ng Surian ng Wikang Pambansa.

Naging patnugot din siya ng sumusunod na mga pahayagan: Ang Mithi, Bayang Pilipino, Ang
Watawat, Lipang Kalabaw, Sampaguita at Mabuhay. Bilang guro, siya ay naging propesor ng
wika sa UP. Bilang pulitiko, siya ay naging gobernador ng Rizal at senador ng ikalabindalawang
purok-senadoryal ng Pilipinas.

Ilan sa ginamit niyang sagisag sa pagsusulat ang mga ito: Sekretang Gala, Verdugo, Lakan-
Dalita, Taga-Pasig, Kulodyo, Gulite, Duktor Lukas, Anak-Bayan, Poetang Peperahin, at iba pa.

Mga Akda ni Lope K. Santos:

1. Banaag at Sikat – Nobela at itinuturing na obra maestra niya.


2. Alila ng Kapalaran – nobela
3. Ang Selosa – nobela
4. Ang Pangginggera – tulang salaysay
5. Puso at Diwa – Libro ng mga tula
6. Mga Hamak na Dakila – Libro ng mga tula
7. Sino ka.. Ako’y si… - Libro ng mga tula
8. Pagtatapat – Ito ang tulang paborito niyang bigkasin.
9. Sa Harap ng Libingan – isang tula
10. Kadaki-dakilaang Asal – Tula na nagsabing ang pinakadakilang simulain ay ang
kasabihang “Ang masama sa iyo ay huwag mong gawin sa kapwa mo.”

Jose Corazon De Jesus

Si Jose Corazon De Jesus ang “unang hari ng balagtasan,” ay kumita ng unang liwanag sa Sta.
Maria, Bulacan noong Nobyembre 26, 1896. Nagtapos siya ng bachiller en leyes ngunit hindi
nakasulit sa bar sapagkat nahilig siya sa pagsusulat.
Sampung taon siyang sumulat sa pitak na “Buhay Maynila” sa Taliba at dito niya ginamit ang
sagisag niyang “Huseng Batute.” May 4, 000 tula ang naipalathala niya sa “Buhay Maynila.”

Kinilala rin siyang “makata ng puso” noong 1916. Hindi siya natatalo sa timpalak – panitik na
sinasalihan, naging unang hari ng balagtasan noong 1932. Lumabas din siyang artista sa
tanghalan at sa pelikula.

May 800 tulang liriko at 300 tulang pasalaysay ang naipalathala niya sa iba’t ibang magasin.

Mga Akda Ni Jose Corazon De Jesus:

1. Mga Dahong Ginto – Libro ng mga tula


2. Sa Dakong Silangan – Makabagong awit na kahawig ng Florante at Laura.
3. Itinapon ng Kapalaran – tulang salaysay
4. Ilaw sa Kapitbahay
5. Ang Pamana
6. Ang Pagbabalik – Tulang binigkas niya noong ganapin ang unang balagtasan bilang
pagtupad sa parusang ibinigay sa kanya ng lakandiwa.
7. Isang Punongkahoy – Tulang liriko at siyang obra maestra niya.
8. Ang Bato
9. Halamanan ng Diyos
10. Maruming Basahan

Florante Collantes

Isinilang siya sa Dampol, Pulilan, Bulacan noong Oktubre 16, 1896. Naging guro at kawani
sa Bureau of Lands. Bukod sa Tagalog, marunong siya ng Kapampangan, Ilokano at Bisaya.

Bata pa ay nagsimula na siyang tumula. Sumulat siya sa pahayagang Buntot Pagi, Watawat,
Pakakak, Ang Bansa at iba pa. Gumamit siya ng sagisag na “Kuntil Butil” sa pagsulat niya ng
pitak na “Buhay Lansangan”. Siya ang “ikalawang hari ng balagtasan”.

Mga Akda ni Florante Collantes:

1. Ang Lumang Simbahan – Tulang pasalaysay na isinalin niya sa nobela.


2. Ang Tulisan – tulang pasalaysay
3. Ang Pagsalubong – Ang tulang binigkas siya bilang pagsunod sa parusa ng lakandiwa sa
unang balagtasan.
4. Ang Magsasaka – tulang liriko
5. Ang Patumpik-tumpik – tulang liriko
6. Ang Nuno sa Punso – tulang salaysay
7. Ang Labindalawang Kuba – tulang salaysay
8. Ulirang Milyonarya – nobela
9. Barasoain – nobela
10. Nabuksan ang Langit – nobela

Amado V. Hernandez

Kumita ng unang liwanag noong Setyembre 13, 1903 sa Tundo, Maynila si Amado V.
Hernandez. Mahusay siyang makata, nobelista, mandudula, kuwentista, pulitiko at lider
manggagawa.

Tinagurian siyang “makata ng anakpawis/manggagawa”. Gumamit siya ng sagisag na “Julio


Abril”. May pitak siya sa Taliba: “Ang sarisari”.

Nabilanggo siya sa paratang na komunista at nakulong sa Muntinlupa. Habambuhay ang


naging hatol sa kanya ngunit napawalang-saysay ang kasalanan niya sa Korte Suprema.

Maka-25 ulit siyang itinanghal na “makatang laureado” ng Pilipinas.

Mga Akda ni Amado V. Hernandez:

1. Isang Dipang Langit – Aklat na binubuo na 170 tula na karamihan ay sinulat niya sa loon
ng Muntinlupa. Pinagkalooban ang aklat na ito ng “Republic Cultural Heritage Award for
Literature” noong 1962.
2. Pilipinas – Aklat ng mga tula na pinagkalooban ng gantimpala sa timpalak panitikan ng
pamahalaang Komonwelt noong 1935.
3. Luha ng Buwaya – nobela
4. Ibong Mandaragit – nobela
5. Bayang Malaya – tulang salaysay/makabagong epiko
6. Muntinglupa – dula

Teodoro Gener

Isinilang siya sa Norzagaray, Bulacan noong Nobyembre 9, 1892. Nagtapos siya sa


pagkamanananggol.

Nagtamo siya ng may 10 gantimpala sa panunulat.

Mga Akda ni Teodoro Gener:

1. Don Quijote dela Mancha – Pinakaobra maestra niya.


2. Ang guro
3. Ang Masamang Damo
4. Ang Buhay
5. Pag-ibig

Ildefonso Santos

Ipinanganak siya noong Enero 23, 1899 sa Baritan, Malabon, Rizal. Nagtapos siya ng
pagkaguro at kauna-unahang superbisor ng Pilipino ng Kawanihan ng mga Paaralang Bayan.

Ginamit niyang sagisag ang “Ilaw Silangan”.

Mga Akda ni Ildefonso Santos:

1. Sa Hukuman ng Pag-ibig
2. Ang Ulap
3. Ang Guryon
4. Tagailog
5. Simoun
6. Tatlong Inakay
7. Sa Tabi ng Dagat
8. Alamat ng Buho
9. Tanaga
10. Ang Mangingisda

Cirio H. Panganiban

Isanilang siya sa Bukawe, Bulacan noong Agosto 21, 1895. Naging patnugost siya ng Surian
ng Wikang Pambansa noong 1947. Naging propesor ng wikang Tagalog sa FEU.

Ginamit niya ang sagisag na “Crispin Pinagpala”.

Mga Akda ni Cirio H. Panganiban:

1. Sa Likod ng Altar
2. Hiwaga ng Buhay
3. Karnabal ng Puso
4. Ang Panday
5. Sa Habang Buhay

NOBELA

Valeriano Hernandez at Pena

Ipinanganak si Valeriano Hernandez at Pena sa San Jose, Bulacan noong Disyembre 12,
1858. Siya si “Tandang Anong” sa mga kakilala at kaibigan, maging sa pinapasukan niyang
pahayagan, Ang Muling Pagsilang.

Ginamit niya ang sagisag na “Kinting Kulirat”.

Mga Akda ni Valeriano Hernandez at Pena:

1. Nena at Neneng – Ang kanyang obra maestra


2. Mag-inang Mahirap
3. Hatol ng Panahon
4. Pahimakas ng Isang Ina
5. Kasawian ng Unang Pag-ibig
6. Bungan g Pag-iimbot
7. Dangal ng Magulang

Inigo Ed. Regalado

Isinilang siya sa Sampaloc, Maynila noong Hunyo 1, 1888. Nagtapos siya ng pagkatenedor de
libro, bachiller en artes at abogasya. Naging mamamahayag at naging editor ng Pagkakaisa, Ang
Mithi, Ilang-Ilang at Liwayway. May pitak siya sa Taliba na tinawag niyang “Tilamsik”.

Si Regalado ay makata, mandudula, kuwentista at nobelista. Isa rin siynag guro ng Pilipino sa
CEU. Naging konsehal din siya ng Maynila.

Mga Akda ni Inigo Ed Regalado:

1. Damdamin – Katipunan ng kanyang mga tula na nagkamit ng gantimpalang Komonwelt


noong 1941.
2. Madaling Araw
3. Kung Magmahal ang Dalaga
4. Sampaguitang Walang Bango
5. Ang Dalaginding
6. Ilaw na Pula
7. May Lasong Ngiti

Faustino Aguilar

Si Faustino Aguilar anf tinawag na “Alexander Dumas” ng panitikang Pilipino sapagkat siya
ang sumulat ng kauna-unahang nobelang panlipunan, ang Pinaglahuan.

Mga Akda ni Faustino Aguilar:

1. Pinaglahuan – Kauna-unahang nobelang panlipunan sa Pilipinas


2. Busabos ng Palad
3. Patawad ng Patay
4. Lihim ng Isang Pulo
MAIKLING KUWENTO

Deogracias A. Rosario

Siya ay ipinanganak sa Tundo, Maynila noong Oktubre 17, 1894 at sumakabilang-buhay


noong Nobyembre 26, 1936. Naging patnugot siya ng Taliba at dito’y nakapaglathala siya ng
mga kuwento.

Siya ang kinikilalang “Ama ng Maikling Kuwento”.

Mga Akda ni Deogracias A. Rosario:

1. Ako’y Mayroong Isang Ibon


2. Manika ni Takeo
3. Isang Gabi sa Haway
4. Walang Panginoon
5. Ang Geisha – nobela
6. Bulaklak ng Bagong Panahon – nobela
7. Landas ng Pag-ibig – nobela
8. Anak Ko – nobela

Macario G. Pineda

Isinilang siya sa Malolos, Bulacan ngunit sa Bigaa, Bulacan maluwat na nanirahan hanggang
sa bawian ng buhay noong 1951. Isa siya sa mga pangunahing manunulat ng mga kuwento ng
katutubong-kulay.

Mga Akda ni Macario G. Pineda:

1. Talambuhay ng Aming Nayon


2. May Landas ang mga Bituin
3. Suyuan sa Tubigan
4. Lalaging Liwayway
5. Sinag sa Dakong Silangan
6. Kasalan sa Malaking Bahay
7. Ang Langit ni Ka Martin
8. Siste Nito
9. Halina sa Ating Bukas – nobela
10. Ang Ginto sa Makiling – nobela

Brigido C. Batungbakal

Sumilang siya sa PUlilan, Bulacan noong Mayo 5, 1910. Naging kabilang siya sa patnugutan
ng Liwayway at kasapi sa “Panitikan”; naging katulong ng patnugutan ng Ngayon, Balita at Ang
Bayan; nagkamit ng unang gantimpala sa timpalak ng maikling katha sa Balita noong 1937;
nagkamot ng gantimpala sa “Commonwealth Award” noong 1940.

Mga Akda ni Brigido C. Batungbakal:

1. Kadakilaan sa Tugatog ng Bundok


2. Tatlong Katyaw
3. Isang Dumalaga at Si Myrna
4. Nagbibihis ang Nayon

D. Ang Panitikan sa Panahon ng Hapon

Kalagayan: Ang panahon ng mga Hapones ay naging Gintong Panahon naman ng mga maikling
katha at dulang Tagalog sapagkat nabigyan ang maikling katha ng pagkakataon sa Liwayway.
Maikli man ang panahong sinaklaw ng panahong ito, nagkaroon ng kabutihan ang pagbabawal
na gamitin ang wikang Ingles sa mga paaralan.

Katangian: Ang mga maikling katha sa panahong ito ay nagtataglay ng damdaming makabayan.
Nabigyang-diin ang katutubong-kulay sa mga maikling kuwento at ang mga ito ay pumaksa sa
uri ng pamumuhay noon na medyo may kahirapan.

Narciso G. Reyes

Sumilang sa Tundo, Maynila noong ika-6 ng Pebrero 1914. Nag-aral sa Gregorio del Pilar
Elementary School, Torres High School, at sa Pamantasan ng Santo Tomas, na pinagtamuhan
niya ng katibayang “Bachelor of Philosophy and Letters.” Bago nagkadigma ay nagturo ng
Wikang Pambansa sa Ateneo de Manila at ng Ingles sa Pamantasan ng Santo Tomas, bukod sa
naging katulong na Patnugot ng Philippine Commonwealth. Nakatulong sa paghahanda ng isang
Balarila ng Wikang Pambansa para sa mga “high school.”

Mga Akda ni Narciso G. Reyes:

1. I, the Father – Pinakamabuting maikling kathang Pilipino sa Ingles noong 1935.


2. Farmer in the Sunset – Napasama sa Philippine Prose ang Poetry, isang aklat-
pampaaralan.
3. Lupang Tinubuan – pinakamahusay na maikling kuwentong nasulat.

Liwayway A. Arceo

May dalawampung taong gulang nang sulatin at maipalathala ang kathang kalakip ng aklat na
ito. Bunsong kapatid ni Jesus A. Arceo, na gayong binawian ng buhay sa gulang na dalawampu’t
tatlo taon ay nakapag-iwan ng mga di-malilimot na maikling katha. Nag-aral sa Torres High
School, naging isang tinig sa radio, at pagkatapos ay inangkin ang pelikulang Tagalog.

Akda ni Liwayway A. Arceo:

1. Uhaw ang Tigang na Lupa

N. V. M. Gonzales

Isinilang sa Romblon. May dalawampu’t walong taong gulang. Nagsimulang magsulat noong
1933. Ang isa sa kanyang mga kauna-unahang kuwento, ang “Pioneers,” ay ipinahayag ni jose
Garcia Villa na siyang pinakamabuting maikling kathang Pilipino sa Ingles noong 1934. Ang
kanyang nobelang “The Winds of April” ay nagtamo ng tanging gantimpala ng Commonwealth
noong 1940.

Akda ni N. V. M. Gonzales:

1. Lunsod, Nayon, at Dagat-dagatan

E. Ang Panitikan sa Panahon ng Republika - Kasalukuyan


Kalagayan: Nagdaan ang ating bansa sa pamamahala ng iba’t ibang pangulo na pawing ang
hangad sa kanilang panunungkulan bilang pangulo ay maiahon an gating bansa sa mga kahirapan
bunga ng salantang iniwan ng digmaan.

Katangian: Ang panitikan sa panahong ito, sa ano mang kaanyuan ay pumaksa sa kahirapang
dinanas ng mga mamamayan, ang ugnayang Pilipinas-Amerika.

You might also like