You are on page 1of 1

“Kulot: Ang Kwento ng mga Aeta”

Kulot, taguri sa mga Aeta na nakatira sa bahaging Luzon. Sila ay tinuturing na mga
Negritos. Nabubuhay sa pamamagitan ng pagtitinda at pagtatanim sa araw-araw.
Ayon sa dokyumentaryong tungkol sa kanilang pamumuhay, pinalaki sila na hindi
nanlilimos, pinalaki sila sa pagtitinda. Kapag hindi ka nagtrabaho buong araw at natulog ka lang,
wala kang karapatang kumain. Ipinapakita sa video na kailangan paghirapan mo ang kakainin mo
sa buong araw. Isinaad na namulat ang kanilang kumidad sa pagtitinda. Ang nakagawiang ito ay
naipapasa nila sa kanilang sunod na henerasyon. Dahil ika-nga mas maganda ang
pinaghaharapan mo hindi ‘yung umaasa sa gobyerno. Nabanggit na huwag iasa ang buhay sa
gobyerno, kailangan marunong tumayo sa sariling paa. kahit na sila’y nahihirapan, patuloy pa rin
sila sa buhay. Nabanggit na kailangan ang pinaghirapan ng mga magulang ay dapat hindi
baliwalain at huwag iasa ang buhay sa iba. Binibigyan nila ng halaga ang pag-aaral, ng sa gayon
ay mayroon silang maipamana kapag wala mga anak.  
Sa kabila ng kahirapang dinaranas nga mga Aeta, ay may mga foundation na tumulong
para umangat ang kanilang buhay. Isa ang Rotary Club of Makati ang nagbigay ng tulong.
Humarap din sa matinding suliranin ang mga Aeta. Ang tinatawag na Ancestral domain. Pinag-
awayan nila ang tungkol sa lupa laban sa mga investor. Ang gusto lamang daw nila na mabigyan
ng atensyon ang tungkol sa ancestral domain. Pinarating nila na huwag silang pakialaman sa
kanilang lugar dahil sabi nila kontento na sila sa kanilang pamumuhay. 
Bagama’t sila’y nahihirapan sa kanilang kalagayan, masaya sila kung walang
manggugulo sa kanilang baryo. Ito ang tanging hiling nila upang maipagpatuloy ang kanilang
buhay. Matatawag man silang “isang kahig isang tuka”, sila’y masaya na sa kanilang buhay
kasama ang kanilang pamilya.

You might also like