You are on page 1of 5

Learning Area - Grade Level Kindergarten

Quarter Ikalawang Markahan Week No. 3


Date Enero 18-22,2021 Learning Time Lunes-Biyernes

I. LESSON TITLE Pagkilala sa mga Bagay na Matatagpuan sa Silid-


aralan
Paghahambing at Pagtukoy sa Bilang na Mas
Marami at Mas Kaunti
II. MOST ESSENTIAL LEARNING Pagkatapos ng aralin, inaasahang: a)
COMPETENCIES (MELCs)
Napapangalanan mo na ang mga lugar at mga
bagay na matatagpuan sa silid aralan, paaralan at
pamayanan; b) Nakikilala mo na ang mga
pagkakaiba ng mga bagay ayon sa dami; at c)
Nasasabi mo na ang dami ng isang hanay ng mga
bagay ay hindi nagbabago kahit na binabago ang
pag-aayos nito.
III. CONTENT/CORE CONTENT  Mga Bagay na Matatagpuan sa Silid-aralan
 Paghahambing ng Mas Marami at Mas Kaunti
 Pananatili ng Bilang kahit may Pagbabago sa
Ayos
Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Timeframe
A. Introduction 30 minuto Gawain 1. Panuto: Kung may pagkakataon,sa
Panimula
gabay ng magulang,maaaring ipanood ang
nasa youtube na may pamagat na ,”Mga
gamit sa Paaralan”
https://www.youtube.com/watch?v=2zvKuE9T
8z8
Ano-ano amga kagamitan na makikita sa
paaralan?
Ali-alin sa mga larawang ipinakita ang
matatagpuan kaya sa silid-aralan?

Gawain 2. Panuto:Pagmasdan mo ang mga


larawan na makikita sa loob ng kahon . Alam
mo ba kung ano ang tawag sa mga ito? Saan
kaya ang mga ito matatagpuan?
Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Timeframe

Alin-alin sa mga nasa larawan sa loob ng


kahon ang makikita rin sa inyong tahanan?
Nakagamit ka na ba ng mga ito?
Ilarawan mo nga kung paano ang mga ito
gamitin.

Ang mga bagay sa silid-aralan ay mahalaga


dahil ito ay madalas na ginagamit upang
mapabuti at maging maayos ang pag-aaral
ng mga mag-aaral.

Gawain 3.
Panuto: Sa tulong ng magulang
/tagapangalaga, maghanay ng mga bagay
na mayroon sa tahanan gaya ng mga
sumusunod:

unang hanay : 5 krayola at 2 lapis


ikalawang hanay : 3 kuwaderno at 2 aklat
ikatlong hanay : 1 gunting at 3 pambura

Sa unang hanay, alin kaya ang kakaunti,alin


ang mas marami? Sa ikalawang hanay? Sa
ikatlong hanay?
Gawain 4.
Panuto: Kuhanin ang 5 krayola at ilagay sa
isang kahon. Itanong: Nabago ba ang bilang
ng mga krayola ng ilagay sa kahon?
Alisin sa kahon at ihanay muli sa ibabaw ng
mesa.
Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Timeframe
Nabago ba ang bilang ng mga ito?
Maaring gumamit ng iba pang kagamitang
matatagpuan sa slid-aralan na matatagpuan
din sa tahanan.
B. Development 60 minuto Ano-ano ang mga nakikita mong bagay
Pagpapaunlad
sa silid-aralan? Kaya mo bang pangalanan
ang mga bagay na ito at kung saan ito
ginagamit?

Gawain sa Pagkakatuto Bilang 1


Sabihin ang pangalan at gamit ng bawat
bagay sa loob ng silid-aralan at pag-ugnayin
ang salita at larawan. Gumuhit ng linya mula
sa salita patungo sa angkop na larawan ng
bagay na matatagpuan sa paaralan. Gawin
ang Activity Sheet na may pamagat na “Mga
Bagay na Matatagpuan sa Silid-aralan” sa
pahina 17 ng PIVOT 4A SLM for Kindergarten.

Paalala sa magulang/nangangalaga:

Gabayan ang bata sa pagsagot. Dahil maaaring


hindi pa siya nakarating sa paaralan, maaari kang
magkuwento o ang iyong ibang anak na nakakita na
ng silid aralan.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2


Gawin ang Activity Sheet na may pamagat
na “Paghahambing ng Mas Marami at Mas
Kaunti” sa pahina 18 ng PIVOT 4A SLM for
Kindergarten.

Paalala sa magulang/nangangalaga:
Gabayan ang bata sa pagbibilang at pagsagot.
Maaaring magbigay ng iba pang halimbawa.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3


Gawin ang Activity Sheet na may pamagat
Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Timeframe
na “Pananatili ng Bilang kahit may
Pagbabago sa Ayos” sa pahina 19 ng PIVOT
4A SLM for Kindergarten
C. Engagement 30 minuto Gawain sa Pagkatuto Bilang 4
Pakikipagpalihan
“Number Stations”
Kagamitan: lapis o krayola.
Pamamaraan:
1. Gamit ang iyong krayola o lapis ay
bumilang ng isa hanggang sampu
2. Ihanay ang mga ito sa iba’t ibang
paraan
3. Bilangin ang lapis o krayola kahit naiba
ang pagkakayos ng mga ito.
Itanong: Nabago ba ng bilang ng krayola o
lapis ng ibahin mo ang pagkakaayos o
pagkakahanay ng mga ito?

Paalala sa magulang/nangangalaga:
Gabayan ang bata sa pagbibilang at pagsagot.
Maaaring gumamit ng ibang bagay na makikita din sa
silid-aralan na mayroon din sa tahanan.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 5


“Who Has More? Who has Less?”
Kagamitan: platito, pamilang tulad ng bato,
popsicle stick o maliliit na bagay na ginagamit
sa silid-aralan tulad ng pambura, paper clip at
pantasa.
Paalala sa Magulang/Tagapangalaga
Gabayan ang bata sa pagsasagawa ng sumusunod
na mga gawain:
Pamamaraan:
1. Maglagay ng iba’t ibang bilang (hal. 4 na
bato, 6 na popsicle sticks, 8 paperclip) na
Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Timeframe
pamilang sa bawat platito (maaring gamitin
ang maliliit na bagay na mayroon sa bahay).
2.Ituro ang platito kung alin ang madami o
kaunti ng hindi binibilang ang laman.
3. Bilangin ang laman ng platito at
pagkumparahin kung alin ang mas marami at
mas kakaunti.
Pagpipilian:
1. Maglagay ng magkaparehong bilang sa
bawat platito.
2. Maglagay ng malaking bagay sa isang
platito at maliit na bagay naman sa isang
platito na magkapareho ang bilang.
D. Assimilation 5 minuto Ano-ano ang mga bagay na matatagpuan sa
Paglalapat
silid-aralan? Alin sa mga kagamitang ito ay
malimit mong gamitin?
V. ASSESSMENT
(Learning Activity Sheets for
15 minuto Panuto: Gamit ang malinis na papel, iguhit ang
Enrichment, Remediation or
Assessment to be given on Weeks mga bagay na makikita mo sa silid-aralan.
3 and 6)
Kulayan mo ito.
VI. REFLECTION 10 minuto Kumpletuhin ang sumusunod na pahayag.
Ang mga kagamitang pansilid-aralan na
mayroon ako ay _____________,
_______________, at ________________.
Pagkatapos kong gamitin ang mga ito ay
aking inilalagay sa ________________.
_______________ ang pakiramdam ko kapag
napangangalagaan ko ang aking mga
kagamitan.
Prepared by: JERALYN S. MORALES Checked by: JOB S. ZAPE, JR.

You might also like