You are on page 1of 8

6

Araling Panlipunan
Ikatlong Marka- Ika-2 Linggo

Pilyego ng mga Gawain sa


Pampagkatuto

Suliraning Pangkabuhayan at
Kasunduang Base-Militar
Republic of the Philippines
Department of Education
Caraga Administrative Region
DIVISION OF AGUSAN DEL NORTE

PILYEGO NG MGA GAWAING PAMPAGKATUTO


Pangalan ng Mag-aaral: __________________________ Seksyon: __________

Paaralan: ________________________________________________

Asignatura: Araling Panlipunan


Baitang: Baitang 6
Kwarter: Ikatlo
Kasanayan sa Nasusuri ang mga pangunahing suliranin at hamong
Pampagkatuto kinaharap ng mga Pilipino mula 1946 hanggang 1972
(MELC):
Koda:
Buwan:
Linggo: Ikalawang Linggo
Pamagat ng Gawain 1 – Semantic Web
Gawain: Gawain 2 – Fishbone Organizer
Gawain 3 – Opinyon ay Ipahiwatig
Gawain 4 – Imahinasyon ay Palawakin
Mga Kagamitan: Activity Sheet
Layunin:  Naiisa-isa ang mga pangunahing suliranin at
hamong kinaharap ng mga Pilipino sa pamamagitan
ng graphic organizer
 Natatalakay ang mga suliraning pangkabuhayan
pagkatapos ng digmaan at ang naging tugon sa mga
suliranin
 Naipaliliwanag ang ang ugnayang Pilipino-
Amerikano sa konteksto ng kasunduang Military na
nagbigay daan sa pagtayo ng base military ng
Estados Unidos

Aralin :
1
Mga Hamon at Suliranin Sa Kasarinlan Pagkatapos Ng
Ikalawang Digmaang Daigdig

Hindi natapos ang dagok na hinarap ng mga Pilipino pagkatapos ng


Ikalawang Digmaang Pandaigdig dahil sa marami pa rin itong kinaharap na
hamon at suliraning dulot na rin ng digmaan. Ilan sa mga ito ay ang mga
sumusunod:

1. Pag-aangat sa lugmok na ekonomiya ng bansa na sadyang


naapektuhan ng digmaan
2. Pagsasagawa ng malawakang pagbabagong-tatag upang muling
maibangon at maitayo ang mga nawasak na tirahan, gusali, taniman
at sakahan
3. Pagsalba sa mga industriyang nasira at pagresolba sa kakulangan ng
mga hayop na gagamitin sa sakahan
4. Paglutas sa suliranin sa salapi dulot ng pagkabangkarote ng
pamahalaan sanhi ng pananakop ng mga Hapones
5. Pag-aangkat sa pagpapahalagang moral at espiritwal ng mga PIlipinong
lubos na naapektuhan sanhi ng pananakop ng mga Hapones at
nagdaang digmaan
6. Pagpapanatili ng pambansang seguridad
7. Pagbubuklod sa mga Pilipinong at pagbabalik ng tiwala nito sa
pamahalaan
8. Pag-aangkop ng Sistema ng edukasyon sa bagong kalagayan ng bansa
9. Pagsugpo sa Paglaganap ng Komunismo

Suliraning Pangkabuhayan At Panlipunan

• Tinatayang pangalawa ang Pilipinas sa Warsaw, Poland sa lawak ng


pinsalang natamo nang bagsakan ito ng bomba noong digmaan.
Nasunog ang ilang gusali sa Maynila tulad ng Philippine General
Hospital (PGH), Unibersidad ng Pilipinas (UP) at Batasan.
• Ang Intramuros na kinagawiang sentro ng kultura at politika ay naging
bodega ng mga kompanyang nagkakargamento at naging tirahan ng
mga informal settler na galing sa probinsya.
• Sa kabila ng mga pinsalang ito, maraming tao ang galing probinsya na
nagsilipat sa Maynila sa pag-aakalang magiging maganda ang kanilang
buhay dito
• Maraming tao ang nagtayo ng tirahan sa mga estero, tabi ng riles ng
tren, gilid ng parke, ilalim ng tulay, at sa mga bakanteng loteng pag-
aari ng bayan o pribadong mamamayan. Laganap ang problema sa
isyu ng “squatting”.
• Dahil dito, nagsikip ang Kamaynilaan at ang Lungsod Quezon
• Upang masolusyunan ang problemang ito, itinatag ng pamahalaan ang
Pambansang Pangasiwaan ng Paglilipat-tirahan at Pagsasaayos

2
(National Resettlement and Rehabilitation Administration o NARRA),
ang samahang nangasiwa sa paglilipat ng mga “informal settlers”
• Binigyan din ng tuon ng pamahalaan ang pagpapaunlad ng mga rural
na komunidad upang maganyak ang mga taong manirahan dito.
• Noong 1954, maraming mga kalsada at tulay ang ipinagawa.
• Nagpagawa rin ang pamahalaan ng mga proyektong irigasyon upang
mapaunlad ang buhay ng mga magsasaka.

Kasunduang Base Militar


 Isa pang ginawa ni Pangulong Manuel Roxas na nagbigay ng higit
pang kapangyarihan sa Amerika na mahawakan ang bansa ay ang
paglagda niya sa Military Bases Agreement (MBA) noong Marso 14,
1947.
 Ito ay ang pananatili ng 23 base-military ng Amerika sa iba’t ibang
sulok ng Pilipinas gaya ng Clark Air Base sa Pampanga, Subic Naval
Base sa Olongapo, Zambales at Camp John Hay sa Baguio.
 Higit pang lumakas ang pananatili ng kapangyarihang military ng mga
Amerikano sa bansa ng lagdaan noon Marso 21, 1947 ang Military
Assistance Agreement kung saan binigyan ng Pilipinas ang Amerikano
ng karapatang tumulong sa pamamahala at pagpapaplano ng
Hukbong Sandatahan ng Pilipinas gayundin ang pagtutustos ng mga
armas at kagamitang pangmilitar nito.

Pamamaraan/Gawain:
3
Gawain 1 – Semantic Web

Panuto: Isulat ang mga naging hamon at suliranin na kinaharap ng mga


Pilipino upang mabuo ang semantic web.

Hamon at
Suliranin
Pagkatapos ng
Kasarinlan

Gawain 2 – Fishbone Organizer

Panuto: Punan ang fishbone organizer ng mga suliraning pangkabuhayan


at panlipunan. Sa katapat na linya ay itala naman ang mga
ginawa ng pamahalaan upang matugunan ang mga suliraning
ito.

Mga Suliraning Pangkabuhayan at Panlipunan

4
akbang ng Pamahalaan Upang Matugunan ang Suiranin

Gawain 3 – Opinyon Ay Ipahiwatig

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong tungkol sa Kasunduang


Base-Militar.

Ano-ano ang mga kasunduang base-militar na pinagtibay sa panahon ng


administrasyong Roxas?
Sa iyong palagay, lubos bang nakatulong ang mga kasunduang base-
militar na ito sa pagsulong ng seguridad sa bansa?

PAMANTAYAN Napakahus Mas Mahusay Nangan Puntos


ay Mahusay (3) gai-
(5) (4) langan
ng
Pagpapa
buti
(2)
Nilalaman Naglalaman Naglalaman Naglalaman Kulang
ng ng tama at ng tamang ang
komprehensi kalidad na ideya at ipinapak
bo, tama at mga ideya at impormasyo itang
kalidad na impormasyo n mga
mga ideya at n ideya at
impormasyo imporma
n syon

Organisasyon Detalyado, Maayos at Madaling Hindi


maayos at madaling maintindiha gaanong
madaling maintindiha n ang maintind
maintindiha n ang pagsasalays ihan ang
n ang pagsasalays ay ng ideya pagsasal
pagsasalays ay ng ideya aysay ng
ay ng ideya ideya

5
Gawain 4 – Imahinasyon ay Palawakin

Panuto: Gumuhit ng larawan na nagpapakita ng mga suliranin at


hamong kinaharap ng mga Pilipino pagkatapos ng Ikalawang
Digmaang Daigdig.

PAMANTAYAN Napakahus Mas Mahusay Nangan Puntos


ay Mahusay (3) gai-
(5) (4) langan
ng
Pagpapa
buti
(2)
Nilalaman Naglalaman Naglalaman Naglalaman Kulang
ng ng tama at ng tamang ang
komprehensi kalidad na ideya at ipinapak
bo, tama at mga ideya at impormasyo itang
kalidad na impormasyo n mga
mga ideya at n ideya at
impormasyo imporma
n syon

Pagkamalikh Lubos na Naging Hindi Walang


ain nagpamalas malikhain sa gaanong ipinamal
ng paghahanda naging as na
pagkamalikh malikhain pagkama
ain sa likhain
paghahanda sa
paghaha
nda.

Konseptong Natutunan:

Sa iyong palagay, alin sa mga suliraning pangkabuhayan na nabanggit


ang kinakaharap pa rin ng mga Pilipino hanggang ngayon?

6
Sanggunian:
Baisa-Julian, Ailene, Lontoc, Nestor S. Bagong Lakbay ng Lahing Pilipino. Quezon City:
Phoenix Publishing House, Inc.,2017.

Susi sa Pagwawasto:

Gawain 1 Gawain 2 Gawain 3 Gawain 4


Iwawasto ng Iwawasto ng Iwawasto ng Iwawasto ng
guro ang guro ang guro ang guro ang
mga sagot. mga sagot. mga sagot. mga sagot.

Manunulat: SHAINE DZYLL S. KUIZON


Paaralan: Simbalan Central Elementary School
Purok: Buenavista-IV
email address: shainedzyll.kuizon@deped.gov.ph

You might also like