You are on page 1of 1

B1-2BSARC-01 Keith William A.

Caacbay

Tsinelas

Si Thalya ay isang dalaga na ubod ng ganda, mayaman at mahal na mahal ng magulang. Siya’y
masipag, matulungin at magalang. Isang araw, habang naglilinis ng bahay si Thalya ay tumawag sa
telepono ang kaniyang kaibigan na si Juan, ito ay ang kaniyang kaibigan simula pa lamang ng sila ay bata.
Nagaaya si Juan na gumala sa mall at kumain sa isang café, ngunit kailangan ni Thalya na tapusin ang
gawaing bahay bago siya makaalis. Itong si Juan ay nagpupumilit dahil saglit lamang sila doon at hindi
naman mapapagalitan si Thalya kung siya ay aalis dahil madalang lang naman ito.

Sa sitwasyon na iyon ay nagdadalawang isip si Thalya kung susundin niya ba ang kaibigan niya o
tatapusin niya ang naiatas na gawain. Ngunit hindi matiis ni Thalya ang kaibigan na si Juan kaya ay
sumunod na ito. Dali daling naligo si Thalya at nagbihis papuntang mall, hindi niya namalayan na naiwan
niyang bukas ang faucet. Si Thalya at si Juan at nagkita na sa mall at kumakain sila sa iba’t ibang café at
sila ay nagkwentuhan, ngunit hindi alam ni Thalya ang nangyare sa bahay nila.

Nang papasok na si Thalya sa pintuan ng kanilang bahay ay nakaabang ang kaniyang magulang
sa pinto. Tinatanong si Thalya kung saan siya nagpunta at sinabi niya ang pangyayare. Sinabi ng
magulang niya na naiwan niyang bukas ang tubig ng ilang oras. Pinagalitan si Thalya at pinalo ng tsinelas
upang bigyan leksyon, siya ay pinagsabihan ng magulang na mahalaga ang pagtitipid ng tubig dahil ito’y
mahalaga sa buhay ng tao at hindi ito libre sa panahon ngayon.

You might also like