You are on page 1of 43

Ang Epekto ng Dayuhang Impluwensya Sa Wika at Kultura ng mga Estudyante sa

Gusa Regional Science High School – X

Isang Pagsasaliksik na ipinasa kay

Gng. Luzviminda Binolhay, Senior High Faculty

Gusa Regional Science High School – X

Gusa, Cagayan de Oro City

Bilang Bahagi ng Pangangailangan

Ng Asignaturang Filipino 11

(Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino)

Nina:

Hannah Lexine Alagenio

Keith Jones Cañedo

Aldeah Guivencan

Joel Leandre Hoy

Joren Israel

Joel Kelly Mabao

Razaele Manales

11 – Humility

Oktobre 2018
i

ABSTRAK

Ang pamanahong-papel na ito ay ang tungkol sa mga iba’t ibang impluwensiyang

banyaga, epekto, at mga datos rin mula sa aming pagsusuri. Ang isang kultura ay hindi

lang naglalaman ng mga tradisyon, sining at musika, ito rin ay tumutukoy sa kung

paano namumuhay ang mga miyembro ng kulturang ito o ang kabuuang isipan,

kaugalian, at mga paniniwala. Mula sa paglikha ng internet, ang mga tao ay naging

konektado mula sa iba’t ibang parte ng mundo. Dahil dito, ang mga kultura ng bawat

bansa ay unti-unting nagbabago dahil sa impluwensiya ng mga kulturang hindi

pangkaraniwan kumpara sa kanila. Kapansin-pansin, rin na ang kulturang Pilipino ay

madaling naiimpluwensiya sa mga bagay na banyaga, lalong-lalo na pagdating sa sining

at musika at tiyak na rin sa mga katangian at kilos. Ilan sa mga madaling

naiimpluwensiya dito ay ang mga kabataan at teenagers. Napili ng mga mananaliksik

ang pag-aaral na ito sa kadahilang masuri kung gaano kalaki ang epekto ng mga

banyagang kultura sa mga estudyante ng Gusa Regional Science High School – X at

kung mas binibigyang pansin ba ang kultura ng banyaga o ang kulturang Pilipino.

Isa ring dahilan kung bakit napili ang pag-aaral na ito ay upang masuri kung

gaano naiimpluwensiyahan ang kultura, katangian, at mga kilos ng mga estudyante sa

Gusa Regional Science High School – X. Layunin rin nito na masagot ang mga tanong:

(1) Ano ang mga natatanging katangian ng mga kultura na naghihimok sa mga

estudyante ng Gusa Regional Science High School-X na tangkilikin ito? (2) Ano ang

mga epektong naidudulot nito sa mga mag-aaral? (3) Paano namulat ang mga mag-aaral

sa kulturang ito?
ii

DAHON NG PASASALAMAT

Gusto ng mga mananaliksik na ipaabot ang kanilang taos-puspng pasasalamat

sa mga sumusunod na kasama nila sa pagkompleto ng kanilang pananaliksik. Ang mga

taong ito ang nagging daan upang maging matagumpay ang pananaliksik na ito:

Sa kanilang mga magulang na laging nakahandang tumulong sa kanila. Sa

pagmamahal at walang katapusang suportang kanilang ibinigay sa mga mananaliksik

na siyang nagging inspirasyon ng mga mananaliksik.

Kay Mrs. Brenda Galarpe, ang punong guro ng Gusa Regional Science High

School – X, para sa kanyang walang hanggang suporta.

Kay Mr. Glenmark Dal, ang pangalawang ama ng mga mananaliksik, sa taos

pusong pagmamahal na kaniyang inialay sa mga mananaliksik.

Kay Mrs. Luzviminda Binolhay, sa pagbibigay ng opurtunidad sa mga

mananaliksik na maisagawa ang pananaliksik na ito.

At sa ating Diyos na maykapal, na kasama niya ang lahat ng bagay sa buong

paglalayag at sa pagbibigay sa kanya ng katalinuhan, direksiyon at impormasyon na

nagawa ang pananaliksik na ito.


iii

DEDIKASYON

Nagpasalamat ang mga mananaliksik sa pagbibigay ng pagkakataon na

makagawa ng ganitong pananaliksik tungkol sa epekto ng dayuhang impluwensya sa

wika at kultura ng mga estudyante sa Gusa Regional Science High School – X. Sa

pagiging matagumpay ang pananaliksik na ito, ninanais ng mga mananaliksik na

gamitin ang pagkakataong ito upang magpasalamat sa mga sumusunod: Sa kanilang

minamahal na mga magulang, kapatid na palaging nariyan upang sila ay gabayan,

ipagdasal at suportahan habang ginagawa ang pananaliksik na ito; Sa kanilang mga

kaibigan na palaging nariyan upang sila ay pakinggan, bigyan ng payo, mga ideya at

lakas ng loob na ang pananaliksik na ito ay kanilang mapagtatagumpayan; Sa kanilang

guro sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino na si Gng.

Luzviminda Binolhay, na nagbigay sa kanila ng pagkakataon upang makagawa ng

ganitong pananaliksik, sa pagbibigay ng suporta at pag-gabay, hindi lamang sa kanilang

grupo ngunit pati na rin sa kanilang buong seksyon ; Sa kanilang mga kamag-aral na

palaging nariyan upang sumuporta sa hirap man o ginhawa; Sa mga piling mga mag-

aaral ng Junior High School ng Gusa Regional Science High School na bukal na

sumagot sa kanilang serbey.


iv

TALAAN NG NILALAMAN
KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Panimula

Napakahalaga ng papel na ginagampanan ng wika noon at maging ngayon

sakasalukuyan. Nagiging tulay ito tungo sa kapayapaan ng bansan Pilipinas. Mas nag

kaka-intindihan ang bawat mamamayan dahil madali at malayang naipapahatid ng mga

Pilipino angkanilang saloobin at kaisipan. Wikang Filipino rin ang nagiging susi tungo

sa pagkakaisa ng mgaPilipino na siyang kadahilanan ng patuloy na pagunlad ng

ekonomiya ng Pilipinas.

Malaki ang epekto ng dayuhang impluwensya sa buhay at pamumuhay ng

makabagong henerasyon ng kabataang Pilipino ngayon. Sa paglipas ng mga taon, unti-

unting nakakalimutan ang tunay na kultura nating mga Pilipino at patuloy na

ipinagwawalang bahala ang kahalagahan ng ating wika. Ibang-iba na ang paraan ng

pagsuot ng kasuotan ng mga kabataan ngayon. Nagagaya ng mga kabataan ang mga

uso o tampok sa ibang bansa nang sa gayon ay masabing sila ay sunod sa uso.

Nakaapekto din ang mga ibang bansa sa mga kabataang pilipino sapagkat mas

ginugustong tangkilikin ng mga kabataan ngayon ang mga produktong dayuhan.

Sa pag-aaral na ito, mapagtatanto ng mga mambabasa hindi lamang ang sarili

niyang kultura kundi pati na din ng isang kulturang kinakapanayam ng mga Filipino

partikular sa kultura ng mga Amerkano. Tinatayang nagsimula ang kulturang ito sa

kanlurang bahagi ng mundo. Dito unang umusbong ang mga kultura’t kinahiligan ng

mga dayuhang amerikano na siyang pinaglawig at naimpluwensyahan ng mga netibong

amerikano. Ilan sa mga netibong ito ay kabilang ang mga Africans, Asia-Polynesia,

Latin Americans. Tinatayang nagmula itong mahubog noong (10,000) sampung-libong

taon na ang nakalipas sa pamamagitan ng mga Paleo Indians, Oceana, at taga Europe.
Sila ang mga grupong nakaambag ng pinaka-iba at pinaka magandang kultura sa sosyal

man o kultural, sa pag-uugali at kinakasanayan. Ilan sa mga ito ay ang kanilang mga

mukha, guhit, sayaw, musika, at sosyal labniks. Sinasabing ang mga sinaunang taong

ito ay iyong mga taong nagpalawig ng America at ibang bansa. Ang mga netibong

amerikanong ito ay nagpasalin-salin ng kanilang matitirahan. Doon nila

naempluwensyahan at pinapaalam ang kinasanayang kultura.

Dulot ng modernisasyon at paglipas ng panahon, ang kulturang ito ay naiangat

at mas pinagyaman pa ng mga Ramnod nilang amerikano. Sa paglipas ng panahon,

sinasabi na ang kultura ng mga amerkano ay amempluwensya at pinamulat sa kanila ng

mga Ingles, mga Inglesmga Ingles, Scottish, welsh, Irsh settlersng mga amerkanong

kolonyal.Itong kultura ring ito ayang pinaka importanteng impluwensya ng mga unang

umusbong sa western Europe, hindi lamang ditto kundi pati na din sa bansang

Germany,Pransya at Halya.

Mahalagang malaman natin ang kulturang mayroon tayo nang maihamibng

natin ang mga kulturang ito sa kulturang mayroon ang mga dayuhan. Ipaghambing at

itatak sa isipan ang mga masasamang maidudulot nito sa ating kultura maging sa ating

sarili. Mahalaga para sa ating mga Pilipino ang alamin at ssiyasatin ang nilalaman ng

ibang kultura.

Sa paglipas ng panahon, maraming wika ang nagsisilutangan at lumalaganap,

lalo na sa mga kabataan. Narito ang “jejemon”, “bekimon”, at kung anu-ano pang “-

mon”. Ang mga pagbabagong ito ay malugod namang niyakap ng ating wika sapagkat

nakikitaan ito ng mga dalubhasa sa larangan ng linggwistika ng isang magandang

pangitain dahil nakatutulong ito sa pag-unlad ng wika. Isa rin itong patunay na ang

ating wika ay umaayon o sumasabay din sa bawat henerasyon.


Ngunit, marami ding hindi nasisiyahan sa mga malikhaing imbensyon ng mga

kabataan sa wika sapagkat ito raw ay nakasisira sa natural na kaanyuan ng wika at

kinikitil nito ang utak ng kabataan sa tamang paggamit ng ating wika. Ito rin ang

nakikitang dahilan sa kawalan ng kaalaman ng kabataan sa mga termino na ginagamit

sa wika at kawalan ng kahusayan sa paggamit nito. Datapwat, mas mabuti na lamang

gamitin ang ating wikang pambansa upang magkaroon ng kahusayan ang bawat

mamayan tungkol rito. Makatutulong din ito upang mapaunlad ang ating bansa

sapagkat sa mga bansang tanyag at mayayaman ang wika at kultura nila ay buhay na

buhay at maunlad katulad ng kanilang bansang sinasakupan. Kung hihinuhain ang mga

pagsulpot ng mga bagong wikang ito, makikita na may iisa itong layunin na kung saan

katulad din ng layunin ng pagkakaroon ng wikang pambansa, ngunit ang nasasakupan

lamang nito ay sa iisang pangkat kumpara sa wikang pambansa na pangkalahatan.

Ang mga wikang ito ay nabuo upang magkaintindihan ang isang pangkat na gusto

nilang ihayag ang kanilang saloobin sa kanilang pamamaraan. Katulad na lamang ng

bekimon na para lamang sa mga bading ngunit niyayakap na din ito ng mga taong

nasisiyahan sa mga terminong ginagamit sa wikang ito. Samantala, ang wikang

pambansa na Filipino ay ginagamit ng bawat mamayan ng Pilipinas saang rehiyon ka

man nanggaling upang magkaintindihan sapagkat sa bawat rehiyon ng Pilipinas,

mayroong sariling wika o diyalektong ginagamit.

Ang pagkakaroon ng isang wika ay isang paraan upang mapagbuklod ang bawat

mamamayan ng isang pangkat o ng isang bansa. Mas mabuti nga ring gamitin ang ating

sariling wika kaysa naman na maikumpara sa malansang isda ayon sa isang salawikain

na nagmula pa sa ating pambansang bayani.


Balangkas Teoritikal

Ayon kina Derrida at Foucault, ang postkolonyalismo ay extensiyon ng

kritisismong post-istruktural at materyalismong kultural. Nakatuon ang teoryang ito sa

pagphaina at pagtumba ng unibersalismong pananaw ng liberal na humanismo.

Tinawag ni Edward Said na orientalismo ang idelohiyang kolonyal na pagsakop

ng katawan at isipan. Sa ganitong proseso ay nailalantad ang pag-iiba na ginagawa ng

dayuhang impluwensya.

Sinabi ni Homi Bhabha na bahagi ng teknolohiya ng kolonisasyon ang

paghihikayat sa mga katutubo na maging kapareho ng kanilang mananakop. Tinawag

niya itong mimicry o paggaya.

Ayon sa teoryang Sosyolinggwitiko ni Saussure “batay sa palagay na ang wika

ay panlipunan at ang speech ay pang-indibidwal. Ang wika ay isang kasangkapan ng

sosyalisasyon na ang mga relaying sosyal ay hindi matutupad kung wala ito”.

Ang konspeto ng Varyalidad ni Labov ay nagsasaad na naniniwala na natural

na phenomena ang pagkakaiba ng anyo ng wika at pagkakaroon ng varayti ng wka.

Ang Motherese ni Cathy Snow ay nagsasaad na malaki ang impluwnesya ng

mga taong nakapaligid sa bata sa kanyang pagkatuto ng wika.

Ang teoryang Behaviorist ni Burrhus Frederic Skinner ay nagsasaad na ang

wika ay natatamp sa pamamagitan ng pagkokonsisyon at panggagaya.

Ang teoryang Social Constructivist ni Lev Vygotsky ay nagsasabing natutuhan

ang wika sa pamamagitan ng pakikisalamuha.


Balangkas Konseptwal

Awtput
Input
Proseso Maaaring mabuti
Paglilimbag ng o masama ang
mga kwestyuner Pangangalap ng epekto ng
na naglalaman ng mga impormasyon dayuhang
mga katanungan sa pamamagitan impluwensya sa
hinggil sa paksang ng pagsasarbey wika at kultura ng
pinag-aralan mga mag-aaral

Figura 1. Iskema ng Pag-aaral


Nilalayon ng pag-aaral na ito na makilala ang mga epekto ng dayuhang

impluwensya sa wika at kultura ng mga mag-aaral sa Gusa Regional Science High

School – X.

Layunin ng pag-aaral

Pangkalahatang layunin ng pag-aaral na ito na tuklasin ang pagbabagong dulot

ng mabilis na paglaganap ng dayuhang impluwensya sa wika at kultura partikular na sa

pananamit, musika, pananalita at etc. Unti-unting napapalitan ang minanang wika ng

mga kabataan ngayon ng napapanahong mga tampok na Asyanong wika tulad ng

Koreano at Hapon.

Pinagsisikapang sagutin sa pag-aaral ang mga sumusunod na katanungan:

1. Kaninong impluwensya ang higit na nakakaapekto sa mga kabataan ngayon?

2. Paano naapektuhan ng dayuhang impluwensya ang wika at kultura ng mga mag-

aaral sa Gusa Regional Science High School – X?

3. Ano ang mga dahilan sa pagtangkilik ng mga kabataan sa mga dayuhan?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang mga resulta ng pag-aaral ay magdudulot ng benepisyo sa mga sumusunod:

Para sa mga mag-aaral. Ang mga resulta ng pag-aaral ay maaaring makinabang sa

mga mag-aaral na matutunan at maintindihan ang kahalagahan ng ating sariling wika

at kultura upang maingatan ang ating pagkakilanlan.

Para sa mga guro. Ang kalalabasan ng pag-aaral ay maaaring makatulong sa kanilang

paraan sa pagtuturo at paghubog ng mga tunay na kabataang Pilipino. Sila ang unang-

unang gagabay at bubuo ng mga mag-aaral na may pag-ibig sa bayan.


Ang mga mananaliksik sa hinaharap. Ang mga resulta ng pag-aaral ay malaking

tulong bilang mga batayan para sa mga pananaliksik sa hinaharap na kasama ang mga

variable sa pag-aaral na may kaugnayan sa epekto ng dayuhang impluwensya sa wika

at kultura ng mga mag-aaral. Ito ay higit na mapapabuti at mapapaunlad ang pag-aaral.

Ang komunidad. Ang impormasyon na nakuha mula sa pag-aaral ng pananaliksik ay

maaaring magbigay pakinabang sa komunidad sa pamamagitan ng pagkalat ng

pampublikong kamalayan sa kalagayan ng wika at kulturang Pilipino ngayon sa bagong

henerasyon. Ito ay magmumulat sa masaklap na kahihinantnan ng wika at kulturang

Pilipino kung patuloy itong ipagwawalang bahala.

Saklaw at Limitasyon

Ang pag-aaral ay nakatuon sa kung paano naapektuhan ng dayuhang

impluwensya ang buhay at pamumuhay ng mga mag-aaral. Hindi sinali ang pag-aaral

ng demograpiya sa paksang ito. Bukod dito, limitado lang ang mga respondente sa

pananaliksik sa mga mag-aaral mula Ika-7 baitang hanggang Ika-10 baitang lamang.

100 mag-aaral ang magsisilbing respondente sa pakikipanayam at sa pagsagot sa mga

surbey-kwestyoneyr.

Ang layunin ng pag-aaral ay upang malaman ang pagbabaago ng wika noong

sinauna hanggang ngayon at sa susunod pang henerasyon. Sa mga tuntunin ngpaggamit

ng wika at pag-unlad nito ay may mga limitasyon lang na dapat isaalanglang,ang

dahilan nito ay upang mapanatili ang kaayusan ng pa-aaral ukol dito .

Ang mga mag-aaral sa Junior High ang siyang binigyang pansin ng mga

mananaliksik sapagkat sila ang bumubuo sa susunod na henerasyon na makapag-

bibigay opinyon ukol sa pag-aaral na gagawin at dahil sila rin ang labis na nakaaalam

sa nasabing usapin.
Depinisyon ng mga Terminolohiya

Uso - Ang variable na ito ay ang mga napapanahong kaisipan sa lipunan.

Kasuotan - Ang variable na ito ang ginagamit pangbihis ng isang tao.

Wika - Ang variable na ito ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan na ginagamit araw-

araw.

Kultura - Ang variable na ito ay tumutukoy sa mga pamamaraan kung papaano gawin

ang mga bagay-bagay.

Epekto - Ang terminong ito ay tumutukoy sa malakas na epekto ng karanasan sa isang

tao dahil sa iba’t ibang kadahilanan.

Impluwensya - Ang terminong ito ay isang lakas, puwersa o kapangyarihan na

nakapagpapabago na nagmumula sa labas ng isang tao o isang bagay na

naimpluwensiyahan nito.

Wika - ang paraan ng komunikasyon ng tao, alinman sa pasalitang o nakasulat, na

binubuong ang paggamit ng mga salita sa isang naka-balangkas at maginoo paraan.

Estratehiya - isang plano ng pagkilos o patakaran na dinisenyo upang makamit ang

isang pangunahing o pangkalahatang layunin.

Banyaga - isang taong ipinanganak sa o na nagmumula sa isang bansa na hindi

sariling atin

Bokabularyo - mga salita na ginagamit sa isang partikular na okasyon


Musika - Ay uri ng sining na gumagamit ng tunog. Karaniwan, ang kanta ay tinuturing na

pinakamaliit na gawang musika, lalo na tuwing mayroon itong kasamang pag-awit.

Pananaliksik - Ay ang proseso ng pangangalap ng mga totoong impormasyon na

humahantong sa kaalaman. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng paggamit ng kung ano

ang nalalaman o napag-alaman na.

Lipunan - Ay isang pangkat ng mga tao na binibigyan ng katangian o paglalarawan sa

mga huwaran ng mga pagkakaugnay ng bawat isa na binabahagi ang naiibang kultura at

mga institusyon.

Kalinangang Kanluranin - Ang mga kalinangan o kultura na pinagmulan sa Europa .

Kolonyalismo - Ang tuwirang pananakop ng isang bansa sa iba pa upang

mapagsamantalahan ang yaman nito o makuha rito ang iba pang pangangailangan

ng mangongolonya.
KABANATA II

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Lokal na Pag-aaral

Ang Pagbabago Ng Wika Sa Ilalim Ng Iba’t Ibang Kadahilanan

Ayon kay Hill (2000) at Gleason (2000), ang wika ay nagbabago. Dinamiko ang

wika. Hindi ito maaaring tumangging magbago. Ang isang wika ay maaaring

nadadagdagan ng mga bagong bokabularyo. Ang pinakamahusay na halimbawa nito ay

ang mga salitang balbal at pangkabataan. Ayon kay Arocha (2009), ang wika ang

maituturing na pinakamabisang kasangkapan sa ating pakikipag-komunikasyon sa ating

kapwa. Ang Pilipinas na binubuo ng 7,107 na mga pulo na mayroong iba’t ibang

diyalekto ay nagkakaroon ng pagkakaunawaan sa pamamagitan ng wikang Filipino.

Ang mga nagaaral at nagtuturo ng wika sa ating bansa ay nagsikap at nagkusang

pagaralan ang ating sariling wika. May mabuti at masamang dulot ang dayuhang

impluwensya sa ating mga Pilipino (Lydia, 2005). Sa isang pag-aaral na ginawa,

lumabas na ang pagtuturo gamit ang pambansang wika ay napabilis ang proseso ng

edukasyon. Kung ibang wika ang ating pag-aaralan ay may tatlong proseso na

palaisipan sa atin. Ito ay ang perpesyon, pagsalin, at pag-unawa (Halasan, 2010).

Si Carroll (1964) ay nagpapahayag na ang wika ay isang sistema ng mga sagisag

na binubuo at tinatanggap ng lipunan. Ito ay resulta ng unti-unting paglilinang sa loob

ng maraming dantaon at nagbabago sa bawat henerasyon, ngunit, sa aisang panahon ng

kasaysayan, ito ay tinutukoy na isang set ng mga hulwaran ng gawi na pinag-aaralan o

natutuhan at ginagamit sa iba’t ibang antas ng bawat kasapi ng pangkat o komunidad.


Ang Sistema ng Kultura at Uri ng Kulturang Ginagamit ng Kabataan Ngayon

Ayon kay Chambers (2008), sapagkat ang Pilipinas ay multilinggwal at

multicultural, nabubuklod an gating mga watak-watak na isla n g iisang mithiin na

ipinapahayag hinidl amang sa maraming tinig ng iba’t-ibang rehiyon kundi gayon di

nsa isahang midyum na Wikang Filipino. Samakatuwid hindi matutumbasan ang papel

ng wika sa pagtatangkang baguhin ang kalagayan ng lipunan ng isang bansa. Ayon kay

Kazuhiro (2009), ang wika ay isang mahalagang kasangkapan na ginagamit upang maiparating

ang mga nasasaloob na ideya at damdamin ng isang tao. Ang wika ay kumakatawan sa

pangunahing pagparating sa iba ng panlipunang pagkakilanlan.

Ayon kay Edward Sapir, ang wika ay isang likas at makataong pamamaraan ng

paghahatid ng mgak aisipan, damdamin at mihiin. Si Carroll (1964) ay nagpapahayag

na ang wika ay isang sistema ng mga sagisag na binubuo at tinatanggap ng lipunan. Ito

ay resulta ng unti-unting paglilinang sa loob ng maraming dantaon at nagbabago sa

bawat henerasyon, ngunit, sa aisang panahon ng kasaysayan, ito ay tinutukoy na isang

set ng mga hulwaran ng gawi na pinag-aaralan o natutuhan at ginagamit sa iba’t ibang

antas ng bawat kasapi ng pangkat o komunidad.

Ayon kay Dr. Aurora Batnag (Kabayan, 2001) sapagkat ang Pilipinas ay

multilinggwal at multicultural, nabubuklod an gating mga watak-watak na isla n g

iisang mithiin na ipinapahayag hinidl amang sa maraming tinig ng iba’t-ibang rehiyon

kundi gayon di nsa isahang midyum na Wikang Filipino. Samakatuwid hindi

matutumbasan ang papel ng wika sa pagtatangkang baguhin ang kalagayan ng lipunan

ng isang bansa.
Ang Istruktura ng Wika at Kultura sa Lipunan

Batay sa pag-aaral na inilimbag ni Pasion, sa kultura nakasalalay ang kalinangan

ng lahi ng bawat etnikong grupo sa loob ng Pilipinas. Ito rin ang nagsisilbing tanda ng

kanilang pagkakakilanlan sa lipunan. Nahahati ang kultura sa dalawang komponent,

ang materyal at di-materyal na kultura. Ang materyal na kultura ay tumutukoy sa mga

tradisyunal na kagamitan. Ito ang mga bagay na nililikha at ginagamit ng bawat

etnikong grupo na nagiging tanda ng kanilang kultura na wala sa ibang grupo. Binubuo

naman ng norm, valyu, paniniwala at wika ang di-materyal na kultura. Ito ang kulturang

hindi nahahawakan ngunit nakikita sa pamamagitan ng pagsasagawa nito. Hindi

nahihiwalay sa ganitong kultura ang mga pamahiin, antoka o palaisipan, gawi sa iba’t

ibang aspektong pangkultural at paraan ng pagsasalita ng grupong gumagamit nito. Ang

kahinaan lamang ng materyal na kultura sa di-materyal na kultura ay ang dinamikong

sistema nito. Madali ang pagbabagong nagaganap sa materyal na kultura sanhi ng pag-

usbong ng teknolohiya. Kilala ang kultura bilang isang manipestasyon ng isang lipi na

nagpasalin-salin sa bawat henerasyon. Patuloy itong nagbabago at umuunlad kasabay

sa pagdaan ng panahon. Hindi mapipigilan ang pagbabagong ito sapagkat mas higit na

madali ang paraan ng paggamit ng mga makabago.

Ang pagbabago ay katangian ng bawat kultura materyal man o di-materyal sa

patuloy na daloy ng panahon sa modernong mundo. Tulad ng pagpapakahulugan nina

Panopio, Cordero & Raymundo (1994, p.27) sa kultura na culture is a person’s social

heritage or the customary ways in which groups organize their ways of behaving,

thinking and feeling. It is transmitted from one generation to another through

language. Nangangahulugan lamang na ang kultura ay maaaring natutunan ng isang

tao batay sa kung paano siya makisalamuha sa kanyang paligid. Sa pamamagitan nito,

naiiba ang isang indibidwal na bahagi ng isang grupo sa paraan ng kanyang pag-iisip at
damdamin sa ibang grupo. Dagdag pa sa pahayag, ang kultura ay pasalin-salin mula sa

isang henerasyon patungo sa susunod pang henerasyon sa pamamagitan ng wika. Hindi

maikakaila na ang kultura ay hindi nananatili sa nakagawian sapagkat sumasabay ito sa

daloy ng panahon.

Binigyang-diin din ni Copeland ang pagbabagong ito sa kanyang jornal na

culture, society and the individual are intimately independent. No culture, no society

and no individual- atleast none of the kind with which we are acquainted. Change

one, the other change… Batay sa pahayag, hindi napipigilan ng tao o grupo ng tao ang

pagbabagong nagaganap sa kulturang nakagawian. Subalit kayang kontrolin ng kultura

ang taong sumusunod nito. Ibig sabihin lamang nito na ang kultura ang humuhubog sa

isang tao, sa kanyang pag-iisip, damdamin at gawi.

Sa mga hindi napipigilang pagbabagong ito, ang materyal na kultura ang

karaniwang nakararanas ng ganitong mga pangyayari. Pinaniniwalaan din na ang

malaking dahilan ng hindi pagpapanatili ng materyal na kultura ay ang pag-usbong ng

teknolohiya na nagpadali sa pamumuhay ng tao sa kasalukuyang panahon. Ayon nga

kina Panopio, Cordero & Raymundo (1984, p.45) technologies refer to techniques and

know how in utilizing raw materials to produced food, tools, shelter, clothing, means

of transportation and weapons. Makikita sa pahayag na malaki rin ang kahalagahan ng

teknolohiya sa kasalukuyang panahon upang mapadali ang paraan ng pamumuhay kahit

na ito ay sinasabing sanhi ng pagbabago at pagkawala ng isang kultura.


Ang Kultura bilang Salamin ng Pagkakakilanlan ng Bansa

Ang kultura ay salamin ng mga katangiang nakikita sa gawain, pagsasalita, pag-

iisip at damdamin ng mga taong nagtataglay ng iniingatang kultura subalit dahil na rin

sa pag-usbong ng mga pagbabago ay unti-unti itong nalulusaw. Nakabatay ang

pagbabagong ito sa kung paano makisalamuha at makibagay ang isang taong hindi niya

kasama sa grupo. Sa puntong ito, akmang gagamitin ang teoryang socialization. Ayon

kay Lavenda & Schultz (2007, p. 49), socialization is a social learning process of

conforming to the norms and values of the group, internalizing them, acquiring a status,

and performing the corresponding role. Ito ang proseso ng pagkatuto sa lipunan bilang

pagsang–ayon sa mga pamantayan at paniniwala ng grupo, pakikibahagi sa kanila,

pagkakamit ng katayuan at pagsasagawa ng mga nakatalagang gawain o papel ng

kulturang iyon. Dito nagsisimula ang tinatawag na pagbabago, pagkawala o

pagkalusaw ng isang kultura. Malaki ang nagiging epekto ng katangian ng tao sa

pagbabago ng kanyang kultura na nakasaad sa teoryang cultural relativism. Ang

teoryang ito ang tumutukoy sa pag-unawa at pagintindi sa kultura ng ibang grupo. Ito

rin ang pag-iisip na ang lahat ng kultura ay pare-pareho, walang imperyor at walang

superyor, maging ang mga kagamitan at gamit nito sa bawat kultural na gawain. Ngunit

sa patuloy na pakikihalubilo ng tao ay hindi napapansing higit ang kanyang

pagtangkilik sa ibang natutunang kultura na nagiging taliwas sa kanyang kinalakhan.

Ang katangiang ito ay napapaloob sa teoryang xenocentrism. Ito ay tumutukoy sa

pagtangkilik ng isang tao sa mga materyal na kultura ng ibang grupo sa pag-iisip na

superyor ang mga kagamitang ito kaysa sa kinamulatang tradisyunal na kagamitan. Ang

pag-iisip na ito ang nagpapababa ng katayuan ng isang kultura. Dito rin makikita ang

katangiang mainggitin at hindi marunong magpahalaga sa sariling kultura.


Lokal na Literatura

Kahalagahan ng Pambansang Wika

Wika ang pinakamabisang kasangkapan sa paghahatid at pagpabatid ng iniisip

at saloobin ng tao sa kanyang kapwa subalit sa isang bansang nagsasarili, higit ang

pagkabisa ng wika kung ito ay wikang pambansa. Sa isang aklat ng yumaong dating

punong komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) Dr. Ponciano B.P. Pineda

ay sinabi niyang “Ang pagdiriwang sa Buwan ng Wikang Pambansa ay isang

pagpapaalala sa mga Pilipino, na katulad ng ibang lahing malalaya, ang Pilipinas ay

may sarili ring wikang pambansa. Matatapos lamang ang pagdiriwang na ito kapag ang

lahat ng Pilipino ay tanggap na sa kanilang diwa at dila na ang Filipino ay wikang

pambansa ng Pilipinas, tulad ng Ingles sa Inglatera, Niponggo ng bansang Hapon,

Mandarin ng Tsina at Espanyol ng Espanya.”

Naninindigan ang bawat Filipino bilang ang Wikang Pambansa ay panlahat, ito

ang Wikang Pambansa ng Pilipinas na itinadhana sa Artikulo XIV, Seksyon 6 ng ating

Konstitusyon 1987. Ito ay isang pagpapatunay na ito, ang wikang ginagamit,

nauunawaan at sinasalita ng pinakamaraming Pilipino sa loob at labas ng ating bayan.

Bata o matanda man sa mga lungsod o kabukiran ay hindi na masasabing

mangmang sa wikang ito. Mahirap o mayaman man ay sinasalita at nauunawaan ito sa

ating bansa, walang sektor ng lipunan ang hindi gumagamit nito.

Sa edukasyon, ito ay asignatura mula elementary hanggang tersarya at ito rin ang digri

para sa post graduate. Sa pananaliksik ng mga guro at propesor, nagagamit rin ang

wikang Filipino. Sa pelikula at telebisyon, ito ay makabuluhang libangan at daan sa

pakikipagkomunikasyon. Sa negosyo naman ay napakabisa nitong tsanel ng


namumuhunan at mamimili. Samantalang sa larangan ng pulitika may pagkakataong

Filipino ang gamit sa mababa at mataas na kapulungan, at lalong-lalo nang gamitin ng

kasalukuyan nating pangulo at pangalawang pangulo ng bansa. Ito ang tulay na

magdurugtong sa iba’t ibang antas ng ating lipunan. Ang nadirimlang isip at

nagpupuyos na damdamin ng tao ay napagliliwanag at napapayapa sa tulong ng Wikang

Filipino sapagkat taglay ng wikang ito ang napakayamang salita at pahayag na

nakapagpapalubag ng loob, gaya ng pakikiusap, paghingi ng paumanhin, pangako sa

kasalanan, pagpapatawad, pagpaparangal at pagluwalhati sa Panginoon.

Ang pagkakaisa ng mga mamamayan na isulong at itaguyod ang mithiing

pambansa ay kapitbisig na naisasakatuparan at lakas na hindi masasagkahan ng

kasinungalingan ng kasamaan at pagkukunwari. Sa ganitong mga kadahilanan, ang

lahat ng ito ay pawang pagpapatunay sa katotohanang ang wikang pambansa, ay para

sa lahat ng Pilipino, para magsilbing tanglaw, para sa maliwanag na layunin at sa

pwersang kinakailangan tungo sa tuwid na landas ng pagtutulungan, pagsasabuhay

nang minimithing kaunlaran ng ating Inang bayan at sambayan.

Banyagang Pag-aaral

Ayon kina Barker (1993), ikinukunekta ng wika ang nakaraan" ang

kasalukuyanat ang hinaharap. Iniingatan din nito ang ating kultura at mga tradisyon.

Maari raw mawala angmatatandang henerasyon" subalit sa pamamagitan ng wika"

naipapabatid pa rin nila ang kanilangmga ideya" tagumpay" kabiguan" at maging ang

kanilang mga plano o adhikain sa hinaharap.

Sa pamamagitan nito" ang mga sumusunod at susunod pang henerasyon ay natututo o

maaaringmatuto sa nakalipas na karanasan at sa gayo’y maiiwasan ang muling

pagkakamali o di namankaya ay naitutuwid o matutuwid ang mga dating pagkakamali


Sa pag-aaral ni Antonio Piafetta, mas maaga pa daw napormalisa ang wikang

filipino ngayon kaysa sa kasaysayan ng bansa. May mga pamilyar na salita ang

karaniwang nanaiintindihan sa kahit saang dako ng Pilipinas. Katulad na lang ng mga

salitang buhok at ngipin. Ibig sabihin nito ay nagkakaisa na tayo noon pa man sa usapin

tungkol sa wika.

Ayon din kay Achibald Hill, ang wikaraw ay ang pangunahin at

pinakaelaboreyt na anyo sa simbolikong gawaing pantao. Ang

simbolo nito ay binubuo ng mga tunog na nalilikha ng aparato sa pagsasalita a

tisinasaayos sa ma klase at pattern na lumilikha sa isang komplikado at semitrikal na

istruktura Ang mga simbolong ito ay mayroon ding kahulugang arbitrayo at

kontroladong lipunan.

Ang wika ay nakapalibot sa atin sa tekstuwal na porma na makikita natin sa

bintana ng mga tindahan, mga karatulang pangkomersiyo, mga poster, mga opisyal na

paunawa, mga pantrapikong sign, at iba pa (Gorter, 2006); kaya naman sinabi ni

Burdick (2012) na ang wika at lugar ay matagal nang magkaugnay. Ayon pa kay Gorter,

Kaya nga lamang hindi napapansin ng mga tao ang tanawing pangwikang nakapaligid

sa kanila. Ito ay isang bahagi ng pang-araw-araw na karanasan na hindi nabibigyang-

halaga bilang isang uri ng kaugaliang panlipunan (Torkington, 2009).

Ayon kina Landry at Bourhis (1997, sa Slembrouck, 2011), kung ang posisyon

ng isang pangkat-etniko ay mahina kumpara sa mas dominanteng pangkat-wika,

sisikapin ng mahinang pangkatwika na gamitin ang wika ng dominanteng grupo

hanggang sa ang wika ng maliit o mahinang pangkat ay hindi na umiral bilang isang

naiibang etnololinggwistiko at kolektibong bagay. Ang EV ay maaaring ipaliwanag sa

subhetibo at obhetibong paraan (Slembrouck, 2011). Ang “subjective ethnolinguistic


vitality” ng isang komunidad ay tumutukoy sa kognitibong representasyon o pananaw

ng mga miyembro ng pangkat sa relatibong sigla ng ibang pangkat sa isang partuikular

na kapaligirang multinggwal (Landry at Bourhis, 1997). Samantala, ayon pa kina

Landry at Brourhis, ang “objective ethnolinguistic vitality” naman ay sinusuri sa

pamamagitan ng mga sosyo-istruktural na salik. Ang mga salik na ito ay hinahati sa

apat na uri ng kategorya o ang tinatawag na “linguistic capitals”: demograpiko,

politikal, pang-ekonomiya at kultural (Slembrouck, 2011). Ayon kina Giles et al.

(1977), ang estado, demograpiko at suportang institusyunal na mga salik ay pinagsama-

sama upang mabuo ang sigla ng isang etnolinggwistikong komunidad. Ang

demograpikong kapital ay tumutukoy sa mga katangian ng mga miyembrong kasama

sa isang partikular na etnolinggwistikong komunidad (Slembrouck, 2011). Ang

politikal na kapital naman ng isang pangkat ay matutukoy sa pamamagitan ng pagsusuri

sa suportang institusyunal na tinatamasa ng kanilang wika at iba’t ibang antas ng

gobyerno at mga pampublikong gawain (Landry at Bourhis, 1997).

Subalit, ayon kay Lumbera (2003), ang identidad ng isang sambayanan ay hindi

naisusuko nang gayun-gayun na lamang dahil ito ay nakatatak na sa kamalayan ng

buong sambayanan. Ayon pa sa kanya, kung hinihimok tayo na magbagong-bihis nang

sa ganun ay makasabay sa globalisayon, itinuturo naman tayo ng ating kasaysayan na

ang ating pinagdaanan bilang sambayanan ay nagpapagunita na may sarili tayong

bayan, minanang kultura, at may banal na kapakanang dapat pangalagaan at

ipagtanggol kung kinakailangan. Sa kabila ng globalisasyon ay nakikita pa rin ni Santos

(2003) ang positibong pagsabay ng Filipino sa puwersa ng globalisasyon. Ayon sa

kanya, nakikilahok at nakikisabay ang pamilihang Filipino sa mga global na

transpormasyon ng pamilihan sa buong mundo, nagkakaroon din ng tumutugmang

transpormasyon sa produksiyong intelektuwal. Diin niya, na sa gitna ng hegemoniya o


gahum ng kulturang postmoderno, at bilang resulta ng pagsangga sa lakas ng puwersang

ito, pumosisyon na rin ang Filipino nang hindi basta na lamang matangay sa larangan.

Ang pahayag na ito ni Santos ay nagbibigay ng pag-asa na kahit sa gitna ng

globalisasyon ay may kakayanan pa ring tumingkad ang transpormasyon ng mga

produksyong intelektuwal sa Filipino. Subalit kung tayo’y gigising sa katotohanan,

ayon kay David (2003), huli na para mangarap tayo ng isang pambansang pamunuang

magtatampok sa katutubong wika bilang sagisag ng pagsasarili, at handang itumba ang

kaharian ng wikang Ingles sa ating lipunan,

Banyagang Literatura

Isang sangay kung paano naapektuhan ng mga conyo ang kulturang Pilipino ay

ang multilinggwalismo. Ano ba ang multilinggwalismo? Ito ay ang paggamit ng higit

sa isang wika. Paano ba nito naaapektuhan ang kulturang Pilipino? Dahil sa paggamit

ng mga conyo ng multilinggwalismo ay napaghahalo nila ang wikang Pilipino sa

wikang Ingles, at dahil dito nabuo ang tinatawag na ‘Taglish‘ na ang resulta ay gulo sa

paggamit ng wikang Pilipino.

Ayon kay Chris Urabano, ang pagkakaiba ng Taglish at conyo ay makikita sa

kanilang balarila. Ang Taglish ay ang paghahalo ng wikang Inlges at Filipino, at kung

ika’y bihasa sa dalawang nasabing wika, ito ay agad mong maiintindihan kahit ang

dalawang wika ay magkahalo. Ngunit kung mapapansin, ang mga taong gumagamit

ng conyo ay ipinaghahalo-halo ang mga pandiwang Filipino at Ingles at ginagamit

upang makabuo ng isang pangungusap, na kung isasalin sa isa sa dalawang wika ay

mali at hindi angkop. Isang halimbawa nito ay ang pahayag na “Why are you making

me away?” kung ang pahayag na ito ay isasalin sa wikang Inlges, ito ay magiging “Why
are you making me argument?” makikita na ang isinalin na pahayag ay mali, gayun din

kung ito ay isasalin sa wikang Filipino.

Ang conyo ay marahil nanggaling sa mga mestizo na dating nag-aaral sa mga

unibersal na unibersidad. (Raymond Torrecampo, 2015) Sinabi rin ni Torrecampo na

ang paglaganap ng conyo sa panahon ngayon ay dahil sa kamangmangan ng ibang mga

Pilipino ukol sa orihinal na kahulgan nito at ang conyo ay isang lengguwahe lamang na

patuloy na nagbabago.

Makikita sa 1.2 ng kabanata 1 ang pahayag ni Jessie Grace U. Rubriko;

ang conyo ay ang higit na komplkadine bersyon ng taglish. Kaakibat nitong pahayag

na ito, maipapakita nga na ang conyo ay higit na komplikado kaysa

sa taglish, halimbawa ang salitang conyo na ‘carps’ ang pinanggalingan nitong salita

ay ang salitang ‘carpet’ na kung tawagin rin ay ‘rug’. Kung ang ‘rug’ ay

gagawing acronym, ito ay magiging R.U.G. at kung babasahin ay “Are you G?” ang

ibig sabihin ng ‘G’ ay ‘game’. Ang magiging kalabasan na ng pahayag ay “Are you

game?” kaya masasabi na ang ibig sabihin ng salitang carps ay nangangahulugang “Are

you G?” o sa wikang Filipino “Game ka ba?”

Ang wika ay isang sistema ng mga sagisag na binubuo at tinatanggap ng

lipunan. Ito ay resulta ng paglilinang sa loob ng maraming dantaon at nagbabago sa

bawat henerasyon, ngunit sa isang panahon ng kasaysayan, ito ay tinutukoy na isang

set ng mga huwaran ng gawi na pinag-aaralan o natutuhan at ginagamit sa iba’t ibang

antas ng bawat kasapi ng pangkat o komunidad.

Ayon sa librong Kasaysayan ng Wika at Pananaliksik, ang wikang Filipino ay

napagtibay bilang Wikang Pambansa noong 1987 sa Order Pangkagawaran bilang 22

sa ilalim ng Artikulo XII Seksyon VI.


Ang artikulo naman ni Sara Boydon noong Agosto 10, 2014 sa Tomasino

Web ay nagpapahayag na ang wikang Filipino ay hindi lamang dapat maalala tuwing

buwan ng Agosto o tuwing may okasyon lamang dahil ito ang sumisimbolo na tayo ay

mga Pilipino at nararapat lamang na hindi natin ito makalimutan dahil lamang sa mga

bakas na naiwan ng mga dayuhan sa ating bansa.

Sinasabi sa isang talumpati na pinost sa isang blog noong Oktubre 1, 2011,

dapat lamang at napakahalaga na magamit natin ang ating wikang pambansa sa lahat

ng kaparaanan. Hinggil sa ating pakikipagtalastasan saan man tayong rehiyon

nabibilang, dahil bilang isang mamamayan sa bansa nakapaloob sa ating wikang

pambansa ang saliring kulturang tinataglay na pagkikilanlan ng ating sariling bayan,

tungo sa pag-unlad ng ating pang-ekonomiya at katatagang politika.

Napakahalaga na pagsanayang magamit natin ang ating wika, ayon sa

ikapananatili nito at kalinangan ng ating pag-iisip. Sapagka’t ang sariling wika ng

isang bansa ay ang susi sa kaunlaran.

Sa kultura nakasalalay ang kalinangan ng lahi ng bawat etnikong grupo sa loob

ng Pilipinas. Ito rin ang nagsisilbing tanda ng kanilang pagkakakilanlan sa lipunan.

Nahahati ang kultura sa dalawang komponent, ang materyal at di-materyal na kultura.

Ang materyal na kultura ay tumutukoy sa mga tradisyunal na kagamitan. Ito ang mga

bagay na nililikha at ginagamit ng bawat etnikong grupo na nagiging tanda ng kanilang

kultura na wala sa ibang grupo. Binubuo naman ng norm, valyu, paniniwala at wika

ang di-materyal na kultura. Ito ang kulturang hindi nahahawakan ngunit nakikita sa

pamamagitan ng pagsasagawa nito. Hindi nahihiwalay sa ganitong kultura ang mga

pamahiin, antoka o palaisipan, gawi sa iba't ibang aspektong pangkultural at paraan ng


pagsasalita ng grupong gumagamit nito. Ang kahinaan lamang ng materyal na kultura

sa di-materyal na kultura ay ang dinamikong sistema nito. Madali ang pagbabagong

nagaganap sa materyal na kultura sanhi ng pag-usbong ng teknolohiya. Kilala ang

kultura bilang isang manipestasyon ng isang lipi na nagpasalin-salin sa bawat

henerasyon. Patuloy itong nagbabago at umuunlad kasabay sa pagdaan ng panahon.


KABANATA III

METODOLOHIYANG GINAMIT

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ginamit ng mga mananaliksik ay sa paraang descriptive-

analytic sapagkat ito ay ginagamitan at kinapapalooban ng pagtatala, paglalarawan,

pagpapakahulugan, pagsusuri at paghahambing. Ang disenyong ito ay naglalayon na

sistematikong mailalarawan ang sitwasyon at kondisyon nanag makatotohanan at

buong katiyakan at kaibahan. Ginagamitan ang pag-aaral na ito ng obserbasyon,

pagsasagawa ng mga sarbey, panayam, standardized test, at case studies upang makalap

ang tamang impormasyon na gagamitan sa pag-aaral. Ilalarawan at susuriin ng mga

mananalikisik ang epekto ng dayuhang impluwensya sa wika at kultura ng mga mag-

aaral sa Gusa Regional Science High School – X. Gamit ang disenyong ito, mas

magiging epektibo ang pananaliksik.

Respondente

Ang mga napiling respondente sa pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral sa

Junior High School, taong panuruan 2019-2020 sa Gusa Regional Science High School.

Sa kasalukuyan ay 80% porsyento ng buong paaralan ang kanilang kinuha bilang

maging respondente sa talatanungan. Ang napili bilang maging respondente ng

mananaliksik ay upang malaman kung paano nakakaapekto sa kanila bilang isang mag-

aaral ang epekto ng dayuhang impluwensya sa kanilang wika at kultura. Siniguro ng

mga mananaliksik na ang mga datos na nakuha mula sa mga napiling respondent ay

tiyak na nakatulong sa pag-usad at pag-usbong ng pag-aaral.


Ang pamamaraang ginamit ng mga mananaliksik sa pagpili ng respondente ay

non-probability sampling partikular na ang convenience sampling. Ang pamamaraang

ito ay pinaka angkop sa pag-aaral sapagkat bilang mga mag-aaral, limitado lamang ang

oras at badyet ng mga mananaliksik. Gamit ang napiling pamamaraan, mas magiging

malaki ang porsyento ng tagumpay ng pag-aaral.

Instrumento ng Pananaliksik

Ang instrumenting ginamit sa pagkuha ng mga kakailanganing datos sa pag-

aaral ay ang pakikipanayam. Ginamit ng mga mananaliksik ang sarbey-kwestyoneyr

bilang pangunahing instrumento upang maipakita ang mga datos at impormasyon na

kinakailangan sa pag-aaral. Ang ginamit naming paraan ay ang binalangkas na

pakikipanayam na kung saan ang mga nagsasaliksik ay may sinusunod na kwestyoneyr

sa pagtatanong at pagsusurbey. Sa paraan ring ito, ang mga mananaliksik ay

makakakuha ng apat na uri ng sagot lamang na kinakailangan sa pag-aaral. Ang

magiging respondent ng panayam ay ang mga mag-aaral sa Junior High.

Pamamaraan ng Pangongolekta ng Datos

Ang pamamaraan ng pangongolekta ng datos ay ang interbyu o

pakikipagpanayam. Unang-una kinakailangan nang ihanda ng mga mananaliksik ang

kanilang posibleng mga respondent. Sila ay ihahanda sa pakikipanayam ng mga

mananaliksik. May mga pagpipilian sila sa pagsagot sa panayam ng mga mananaliksik.

Sa pagtakda ng pakikipagpanayam, ang mga mananaliksik ay maghahanda ng surbey-

kwestyoneyr. Gamit ang binalangkas na pakikipanayam, magiging mabailis ang

pagsagot ng mga respondente sa mga katanungan na nasa listahan. Sa pamamaraan na

ito, ang mga datos na makokolekta ay magiging kasagutan sa mga katanungang inilahad

sa pag-aaral.
Tritment ng mga Datos

Ang mga datos na nakolekta sa pag-iinterbyu ay ipagsasama-sama o itatally. Ito

ay magsisilbing kasagutan sa mga katanungang inilahad sa pag-aaral. Upang makuha

ang eksakto at tumpak na interpretasyon ayon sa kanilang maibabahagi sa pag-aaral.

Ang mga resulta ay inalisa at ikinumpara sa ibang kasagutan ng ibang respondent. Ang

mga datos ay isasalarawan sa isang chart at sa “tabular form” na kung saan ikukumpara

natin ang kanilang mga kasagutan at makikita rin natin ang porsyento ng mga resulta

sa pag-aaral. Ang kasangkapan na ginamit ng mga mananaliksik ay isang sariling gawa

sa pagsisiyasat ng palatanungan para sa mga respondente. Pinaghandaan ng pormula

ang pag-aaral na ito para sa komputasyon upang malaman ang resulta ng pananaliksik.

Sa pagsusuri ng mga pahayag ng epekto, mapaglarawang buod istatistika tulad ng

poryesto na ginamit upang pag-aralan at bigyang kahulugan ang mga data n

anakalap mula sa surbey at kwestyoneyrs.


KABANATA IV

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG DATOS

Nakasaad sa kabanatang ito ang masinsinang pag-aanalisa ng mga nakalap na

datos sa isinagawang sarbey. Mula sa 811, kumuha ang mga mananaliksik ng 100 mag-

aaral bilang mga respondante. Apat na mag-aaral ang kinuha bawat seksyon sa Junior

High School gamit ang convenience technique.

Talahanayan 1. Bansang may Pinakamalaking Impluwensya sa Mga Mag-aaral

Bansa Amerika Korea Japan China Iba pa

Bilang 37 29 18 14 2

BANSANG MAY PINAKAMALAKING


IMPLUWENSYA SA WIKA AT KULTURA NG
MGA MAG-AARAL
Amerika Korea Japan China Iba pa

2%
14%

37%

18%

29%
Base sa nakalap na mga impormasyon, masasabing ang bansang Amerika ang

may pinakamalaking impluwensya sa mga mag-aaral na sinang-ayunan ng 37

estudyante o 37% ng mga respondante. Pumangalawa naman ang bansang Korea, 29 at

sinundan ng Japan, 18. Dalawang mga sagot naman ang wala sa mga pinagilian.

Talahanayan 2. Midyum na May Pinakamalaking Impluwensya sa Wika at Kultura ng

Mga Mag-aaral

Midyum Bilang

Musika at awit 49

Sining 4

Pelikula at mga palabas 20

Estilo ng pananamit 27
Nanguna ang dayuhang musika at awit bilang midyum ng impluwensyang

dayuhan. Apat napu't siyam sa mga respondante ang nagsabing musika at awit ang

siyang may pinakamalaking impluwensya sa kanila. Sinundan ito ng estilo ng

pananamit, 27; pumangatlo naman ang mga pelika at palabas ng mga dayuhan bilang

medyum ng impluwensya, 20. Base sa mga datos, ang dayuhang sining ang may

pinakamahinang paraan o midyum ng impluwensya.

Talahanayan 3. Epekto ng Dayuhang Impluwensya sa Wika ng mga Mag-aaral

Katanungan Sang-ayon Hindi sang- Hindi Hindi

ayon sigurado alam

Dahil sa impluwensyang dayuhan, mas 43 54 0 3

nagiging komportable akong gamitin ang

purong wikang dayuhan sa

pakikipagtalastasan.

Dahil sa impluwensyang dayuhan, hindi ko 86 4 10 0

na labis maintindihan ang puros Filipino at

Cebuano/Bisaya.

Dahil sa impluwensyang dayuhan, mas 67 3 29 1

naiintindihan ko kung ang mga

terminolohiya ay nasa wikang dayuhan

kaysa kung ito’y nasa wikang Filipino.

Mas mabisang gamitin ang pinaghalong 81 9 10 1

Filipino at wikang dayuhan sa

pakikipagtalastasan.
Pinapatunayan ng datos na naniniwala ang 81% ng mga mag-aaral na may

malaking epekto ang dayuhang impluwensya sa wikang kanilang ginagamit. Nakasaad

sa talahalayan na dahil sa impluwensyang ito, 86 mag-aaral ang hindi na labis

maintindihan ang purong Cebuano o Bisaya na siyang katutubong wika natin.

Samantala, habang ang karamihan sa mga sagot ng mga respondante ay pabor sa

wikang dayuhan sa pakikipagtalastasan, 54 mag-aaral pa rin ang naniniwalang mas

komportable silang gamitin ang Cebuano at Filipino sa pagbabahagi.

Talahanayan 4. Epekto ng Dayuhan Impluwensya sa Kultura ng mga Mag-aaral

Katanungan Sang-ayon Hindi sang- Hindi Hindi

ayon sigurado alam

Mas mainam ang estilo pananamit ng mga 63 7 28 2

dayuuhan kung kaya ay ginagaya ko sila.

Mas nawiwili ako sa mga dayuhang musika 58 41 1 0

at awit kung kaya ay mas tinatangkilik ko

ang mga ito kaysa Original Pilipino Music

(OPM).

Mas nawiwili ako sa dayuhang mga pelikula 72 7 20 1

kung kaya ay mas tinatangkilik ko ang mga

ito kaysa mga orihinal na pelikulang

Pilipino.

Humahanga ako sa mga gawi at kultura ng 66 21 11 2

mga dayuhan kung kaya ay ginagaya ko sila.


Malaki ang epekto ng mga dayuhang 87 1 9 3

imppluwensya sa kultura.

Ipinapakita sa iprinesentang resulta na 87 mga mag-aaral ang naniniwalang may

malaking epekto ang impluwensyang dayuhan sa kultura. Sa katunayan, 58 mga mag-

aaral ang nagsasabing mas nawiwili sila sa mga kantang dayuhan kaysa ating OPM.

Ganoon rin ang resulta sa iba pang mga katanungan.

Talahanayan 5. Dahilan ng pagtangkilik sa mga dayuhang gawa.

Ito ay nauuso 86

Ito ay dala ng pagbabago ng panahon 21

Ito ay dala ng mga makabagong 75

teknolohiya

Ito ay dahil hindi ako nawiwili sa 13

gawi at mga pamamaraang Pilipino

Ito ay dahil umaakma ang kanilang 88

pamamaraan sa akong panlasa.

Ito ay dahil nais kong mangibang- 17

bansa sa hinaharap.
Para sa katanungang ito, hinayaan naming pumili ang mga mag-aaral ng tatlong

mga dahilan ng kanilang pagtangkilik sa mga dayuhan. Base sa kanilang mga sagot,

nangunguna ang pagkaakma ng mga ito sa kanilang panlasa na pinili ng 88 mag-aaral.

Sumunod rito ang dahilang itoay nauuso, 86; at pangatlo naman ang dahil sa mga

makabagong teknolohiya.
KABANATA V

PAGLALAGOM NG KONKLUSYON

Buod ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong kilalanin at alamin ang epekto ng dayuhang

impluwensya sa wika at kultura ng mga mag-aaral sa Gusa Regional Science High

School - X. Isinagawa ang isang panayam gamit ang mga sarbey-kwestyoneyr kasama

ang mga respondent mula sa Junior High School. Ang mga nakuha at natipong datos ay

ginamit at pinag-aralan upang mabuo ang mga konklusyon at upang masagot ang

layunin ng pag-aaral ng mga mananaliksik.

Mga Konklusyon

Ang mga natipong datos at impormasyon ay pinagsikapang unawain at

ininterpreta ng mga mananaliksik upang mahinuha at mabuo ang mga konklusyong ito

na isinagwa ng mga mananaliksik sa kanilang pag-aaral.

Ang wikang Filipino, tulad ng alinmang wika sa daigdig, ay may sinilangang

lugar. Sa lugar na ito, gumamit ang mga tao ng wikang magbubuklod sa kanila. Sa

wikang ito naipahayag ang nabuo nilang karunungan, paniniwala, sining, batas,

kaugalian, pagpapahalaga, at iba pang kaangkinang panlipunan. Ang mga ito, na kultura

sa kabuuan, ay nagpasalin-salin sa bawat henerasyon sa pamamagitan din ng wikang

yaon.

Sa patuloy na pag-unlad ng wika, sa patuloy na pagyabong nito, bunga ng

pakikisalamuha ng mga katutubo sa mga dayuhan-mananakop o kaibigan na may

naiibang kultura - ang wikang ginagamit na kasangkapan sa pakikipamuhay ay

yumaman sa salita. May mga salitang hiram at ligaw na ganap nang inangkin. Sa

paggamit sa mga katawagang ito sa mga pahayag na may kayarian o kaanyuang


katutubo, kasama ang mga likas na katawagan, ang mga inangking salita ay nagkaroon

narin ng katangiang Pilipino, nagkaroon ng kulay at karakter na Pilipino, at naging

kasangkapan na sa pagpapahayag ng kulturang Pilipino. Ang Pilipinas ay kilala bilang

mayaman sa kultura dahil sa ibat ibang dayuhan na sumakop sa bansa natin. Ang

kultura ng pilipinas ay pinaghalong impluwensya ng mga katutubong tradisyon at mga

kultura ng mga unang mangangalakal at mananakop nito noon.

Mayroong mga mag-aaral na nawiwili sa “Kpop”. Ang Kpop ay ang tawag sa

kategorya ng musika na nagmula sa Timog Korea. At dahil sa pagkawili ng mga

pilipino sa Kpop lalo na ang mga kabataang pilipino, nagkaroon na sila ng interes sa

wika nito. Sila rin ay nagdadamit na nang katulad sa mga koryanong/koryanang

kanilang iniidolo.

Ayon sa pag-aaral, ang bansang Amerika ang may pinakamalaking

impluwensya sa wika at kultura ng mga mag-aaral. Sa larangan ng panitikan, isang

malaking ambag ng mga Amerikano ang pagkakaroon ngayon ng maiikling kwento

bilang bahagi ng panitikang Pilipino. Kapansin-pansing ang pagkahilig ng mga

mambabasa sa mga akdang madaling basahin ay naimpluwensyahan ng mabilis na

galaw ng buhay-kosmopolitan. Ang mga kathang ito ay hindi lamang naisulat sa wikang

Pilipino kundi pati na rin sa wikang Ingles.

Mahalagang mapagtanto ito ng mga mag-aaral na tila pinalitan na ang

kinagisnang kultura ng kulturang Amerkano na siyang sinsalamin sa kasalukuyang

panahon. Mabuting maibahagi sa mga magulang ang pinagmulan at katotohanan hingil

sa kultura ng mga amerkano nang sa gayon maikukubli naming sa kanilang isipan na

kinakailangan ang kanilang presensya at mga payo sa kanilang mga anak pati na din
mismo sa kanilang sarili. Mas makabubuting hikayatin ang taong bayan na huwag

masyadong bigyang tuon ang mga kulturang bago at hindi natin alam.

Sa midyum na pinakamalaking naapektuhan ng dayuhang impluwensya naman

ay musika at awit ang nangunguna. Ang mga kabataan ay nahihilig sa musikang

banyaga dahil sa pag-uugali ng mga iniidolonilang artista.Nahihilig din sila sa

dayuhang musika dahil sa kultura lang isang bansa dahil ang musika ay isang

bintana sa kultura sa isang bansa. Isa pa sa mga dahilan ng pagkahilig ng

kabataan sa musikang dayuhan ay ang napakalakas na colonial mentality na

taglay ng mgakabataan dahil sa pananakop noon ng iba’t-ibang bansa sa Pilipinas.

May ibang mga kabataan nanahihilig sa musikang banyaga dahil sa uso ito at para

makasali sa usapan ng mga kaibigan, atiba pa.Sa kasalakuyan, nauuso ang mga

kantang dayuhan kagaya ng K-Pop, J-Pop at syemprepati na rina ng mga kanta

galing sa Estados Unidos.. Nagiging malaking parte na ng buhay ng mga kabataan

ang mga kanta galing sa ibang bansa at mas tinatangkilik nila ito kaysa sa mgasarili

nating kanta, mga OPM.

Ang Pilipinas, bukod sa pagiging kilala sa iba’t-ibang larangan tulad ng

palakasan, panitikan at musika, ay isa sa rin sa mga bansang nagpapakita ng pagka-

giliw sa sining sa pamamagitan ng pagsayaw. Ngunit sa paglipas ng panahon, kasama

na rin ng pagsakop ng mga banyaga, umusbong ang iba’t ibang uri ng sayaw na salungat

sa ating nakasanayan. Makikita ang impluwensya ng mga banyagang sayaw sa mga

kabataan. Maging sa mga paaralan, unti unting nawawala ang mga grupong kultural at

patuloy ang pag-usbong ng iba’t ibang modernong grupo.


Rekomendasyon

Batay sa resulta ng nagawang panayam ng mga mananaliksik, nalikha at

nahinuha ang mga sumusunod na rekomendasyon:

1. Sa panayam na isinagawa ng mga mananaliksik, hindi gaano ka rami ang mga

naibigay na tanong ukol sa kalagayan ng ginagamit na wika ng mga mag-aaral

sa araw-araw nilang pamumuhay. Kaya, isa sa mga rekomendasyon sa pag-aaral

na ito ay ang pagdaragdag pa ng impormasyon ukol sa pag-aaral sa pagbabago

ng wikang ginagamit nila sa pakikipagtalastasan lalo na ang kaalaman at

kasanayan tungkol rito. Paramihin pa ang datos, upang mas maging epektibo

ang pag-aaral. Mangyaring itinanong rin ang mga karaniwang banyagang

parirarala at pangungusap na inuugaling gamitin sa pakikipag-usap.

2. Inirerekomenda rin sa pag-aaral na ito ang pag-daragdag ng mga respondente.

Mangyaring hindi lamang isandaan ang mga taong napiling sumagot sa aming

inihandang surbey-kwestyoneyr. Lalawak ang saklaw at mas

mapagkakatiwalaan rin ang pag-aaral kung may varyasyon sa pagitan ng mga

demograpiya ng mga respondent. Sa ganitong pamamaraan, mas maraming

datos ang makukuha mula sa mga napiling respondente.

3. Kung mabibigyan ng pagkakataon, mangyaring gumamit ng social media ang

mga mananaliksik upang mas mabilis ang pagpapahayag at pagpapalaganap ng

mga surbey ukol sa nasabing paksa. Sa ganitong paraan, mas maraming

impormasyon ang makukuha sapagkat ang sistema ng pakikipag-ugnayan sa

social media ay palasak lalo na sa mga kabataan ngayon.


LISTAHAN NG MGA SANGGUNIAN

You might also like