Professional Documents
Culture Documents
Jose Rizal
Lugar ng kapanganakan: Calamba, Laguna,Pilipinas
Lugar ng kamatayan: Bagumbayan
(Luneta ngayon),Maynila, Pilipinas
Si Dr. José Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda (Hunyo 19, 1861–
Disyembre 30, 1896) ay ang pampito sa labing-isang anak ng mag-asawang Francisco
Engracio Rizal Mercado y Alejandro at ng asawa nitong si Teodora Morales Alonzo
Realonda y Quintos. Ipinanganak si José Rizal sa Calamba, Laguna. Sina Saturnina,
Paciano, Narcissa, Olimpia, Lucia, Maria, Jose, Concepcion, Josefa, Trinidad at Soledad
ang kanyang mga kapatid.
Ang ina ni Rizal ay siyang kaniyang unang guro at nagturo sa kaniya ng abakada
noong siya ay tatlong taon pa lamang. Noong siya naman ay tumuntong ng siyam na
taon, pinadala siya sa Biñan, Laguna upang mag-aral sa ilalim ng pamamatnubay ni
Justiano Aquino Cruz. Ilang buwan ang nakalipas, pinayuhan niya ang magulang ni
Rizal na pag-aralin siya sa Maynila.
MAGULANG NI RIZAL
May palayaw na Pepe, siya ay ang ika-pito sa labing-isang anak nina Francisco Engracio Rizal
Mercado y Alejandro at Teodora Morales Alonso Realonda y Quintos.
Si Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro na kaniyang ang ama, ay kabilang sa ika-apat
na henerasyong apo ni Domingo Lam-co, isang Tsinong mangangalakal na naglayag sa
Pilipinas mula sa Jinjiang, Quanzhou noong kalagitnaan ng ika-labimpitong siglo [2]. Si Lamco ay
nakapag-asawa ng isang Pilipina sa katauhan ni Inez de la Rosa at upang makaiwas sa
hostilidad ng mga Espanyol para sa mga Intsik ay pinalitan niya ang kaniyang apelyido ng
"Mercado" (pangangalakal).
Ang pangalan namang Rizal ay nagmula sa salitang "Ricial" o kabukiran na ginamit lamang ni
Francisco (dahil siya ay isang magsasaka) alinsunod sa kautusan ni Gobernador Narciso
Calaveria noong 1849 na magpalit ng mga apelyido ang mga Pilipino. Kalaunan ay ginamit na
rin ni Francisco ang Rizal Mercado upang makaiwas sa kalituhan mula sa kaniyang kasamang
mangangalakal.
Ang ina naman niyang si Teodora Morales Alonso Realonda y Quintos, ay anak nina Lorenzo
Alonzo (isang kapitan ng munisipyo ng Biñan, Laguna, kinatawan ng Laguna sa Kortes ng
Espanya, agrimensor, at kasapi ng isang samahan ng mga Katoliko) at ni Brijida de Quintos
(na mula sa isang prominenteng pamilya). Ang kanilang apelyido ay pinalitan ng Realonda
noong 1849.
KABATAAN NI RIZAL
Ipinanganak sa Calamba, Laguna si Pepe ay mula sa pamilyang masasabi ring nakaaangat sa
buhay dahil sa kanilang hacienda at lupang sakahan. Si Paciano at si Pepe lamang ang mga
anak na lalaki sa kanilang labing-isang magkakapatid. Ang kaniyang mga kapatid na babae ay
sina Saturnina, Narcisa, Olympia, Lucia, Maria, Josefa, Concepcion, Trinidad at Soledad.
Ang pagkahilig sa sining ay ipinamalas niya sa murang edad. Natutunan niya ang alpabeto sa
edad na tatlo at limang taong gulang naman nang siya ay mututong bumasa at sumulat.
Napahanga niya ang kaniyang mga kamag-anak sa angking pagguhit at paglilok. Walong taong
gulang siya nang kanyang isinulat ang tulang "Sa Aking Mga Kababata," na ang paksa ay
tungkol sa pagmamahal sa sariling wika (na noon ay Tagalog)[3]
EDUKASYON NI RIZAL
Ang kaniyang ina ang unang guro ng ating pambansang bayani. Ito ang nagturo sa kaniya ng
alpabeto, kagandahang asal, at mga kuwento ("Minsan ay may Isang Gamo-gamo").
Samantala, ang kanyang pormal na edukasyon ay unang ibinigay ni Justiniano Aquino Cruz
sa Biñan, Laguna.Noong Hunyo 10, 1872 si Rizal ay pumunta ng Maynila para mag-aral sa
Ateneo Municipal de Manila. Muntikan na siyang hindi marehistro dahil hindi siya pinayagan ng
tiga-rehistro na si Fr. Magin Ferrando dahil siya ay huli na sa pasukan ngunit tinulungan siya
ng pamangkin ni Fr. Burgos na si Manuel Xeres Burgos at siya ay narehistro din. Siya ay
nakatira sa labas ng eskwelahan ang kanyang kasera ay si Donya Titay. Sa eskwelahan ng
Ateneo ay ginugrupo ang mga mag-aaral ng dalwang parte ang Roman Empire (inside
border)at Carthaginian Empire(outside border), siya ay sakup sa Carthaginian dahil sa labas
siya ng eskwelahan nakatira. Sa isang grupo ay may mga opisyal Emperor(best
student),Tribune,Decurion,Centurion at Standard. Ang una niyang magtutudlo ay si Jose
Bech ,naging Emperor si Rizal dahil siya ay nanalo sa isang timpalak at nakakuha siya ng isang
religious picture para sa kanyang gantimpala. Nag-aral din siya sa Kolehiyo ng Santa Isabel
para pagbutihin ang kanyang Wikang Kastila.
MGA AKDA
Si Rizal ay nakilala sa dalawang nobelang kaniyang isinulat, ang Noli me tangere (Huwag Mo
Akong Salingin) na nilimbag sa Berlin, Alemanya (1886), sa tulong ni Dr. Maximo Viola. At
nilathala ang El Filibusterismo (Mga Pagbalakid o Pangungulimbat) sa Gante, Belgica (1891);
pinahiram siya ni Dr. Maximo Viola ng 300 piso sa pagpapalimbag. Naglalaman ang mga ito ng
mga paglalarawan at pagpuna sa mga nagaganap na pangyayari sa lipunang Pilipino ng mga
panahong iyon. Ang mga aklat na ito ay halaw at hango sa Don Quixote ni Miguel Cervantes,
manunulat na Espanyol. Ang mga ito ang naging daan upang magising ang pagkakaisang-diwa
at katauhan ng mga Pilipino, na nauwi sa Rebolusyon ng 1896.
Noong siya'y walong taong gulang pa, naisulat niya ang tulang Sa aking mga Kabata na naging
Sa Aking mga Kababata. Tumutukoy ang tulang ito sa pagmamahal sa bayan dahil bata pa
lang siya ay nakitaan na siya ng pagiging nasyonalismo. Nang malapit na siyang bitayin,
sinulat niya Mi Ultimo Adios (Huling Pamamaalam). Kabilang sa iba niyang naisulat ay ang Awit
ni Maria Clara, Pinatutula Ako, Ang Ligpit Kong Tahanan atbp.
Dagdag dito, si Rizal din ang masugid na taga-ambag ng mga sulatin sa La Solidaridad, isang
pahayagang inilunsad ng mga Pilipinong repormista sa Espanya. Sumulat siya sa ilalim ng
pangalang Dimasalang at Laong-laan, habang lumagda naman si Marcelo Del Pilar bilang
Plaridel.
“Lagi na, si Rizal ay tinatalakay bilang isang lalaking may malalim na pag-ibig sa bayan,subalit
tulad din naman ng isang pangkaraniwang nilalang siya rin naman ay marunonghumanga at
magmahal sa mga anak ni Eba.”
Makikita ang malaking bahagi ni Leonor Rivera sa buhay ni Rizal sa mga sulating kagaya ng “If
Dreams Must Die” at “The Love of Leonor Rivera” ni Severino Montana. Kung saan kapwa
nagpapakita ng imahe ng isang dalagitang umiibig sa bata nitong puso, isang kolehiyala na
naihahalintulad kay Maria Clara, at isang walang-hanggang pag-ibig ni Rizal.
Samantalang makikita si Leonor Rivera kay Maria Clara, si Josephine Bracken naman ay kay
Salome. Si Salome ang karakter ni Rizal sa Noli Me Tangere na hindi isinama sa publikasyon
kaya iilan lamang ang nakakikilala. Si Salome ay ang iniibig ni Elias, isang babaeng kakikitaan
ng liberal na pag-uugali sa pagsasalita, pagkilos at pananaw sa sex. Ang usapan nina Elias at
Salome ay isang senaryong kakikitaan ng lubusang pagtukoy sa pagnanasa bago pa ang mga
sulatin ni Jose Garcia Villa. Maihahalintulad din si Josephine Bracken kina Magdalene, Mat Hari,
Kitty O’Shea, Sadie Thompson, at Joan of Arc.
Si Josephine Bracken ang naging daan upang makita ang liberalismo ni Rizal ng ina nito at
mga kapatid. Isa na rito ang naging pagtatalo ni Rizal at ng kanyang ina tungkol sa pagsasama
nila ni Josephine Bracken kahit na walang basbas ng simbahan. Bukod sa pagiging liberal
taglay din ni Josephine Bracken ang mga kaugalian kagaya ng pagiging matatag at may
buong-loob sa pakikipaglaban ng kanyang mga pinaniniwalaan.
Ayon kay John Foreman, si Josephine Bracken ay maihahalintulad kina Gabriela Silang at Joan
of Arc sa kanyang walang hanggang pakikibaka sa laban ng mga Katipuneros kahit sa
pagkamatay ni Rizal. Unang nakita si Josephine sa Asamblea sa Imus, Kabite noong ika-29 ng
Disyembre. Kasama niyang dumating sa pagtitipon si Paciano Rizal at iba pang kabilang sa
pamilya Rizal. Ayon pa kay General Ricarte, hindi rin matatawaran ang partisipasyon ni
Josephine sa paggagamot sa bahay sa Tejeros kung saan naging nurse at inspirasyon siya sa
mga may sugat at iba pang nagpupunta dito. Gayundin ay makikita ang partisipasyon ni
Josephine sa “Battles of Silang” st “Battle of Dasmariñas” noong ika-27 ng Pebrero. Makikita
ang lubhang katatagan ni Josephinwe Bracken sa Rebolusyon, nang panahon kung kailan
dadakipin na siya ng mga Espanyol. Kung saan naglakad siyang dumudugo ang mga paa mula
sa Maragondon hanggang Laguna hanggang makarating siya sda daungan papuntang Maynila.
20 Nobyembre 1896
Nagpakita siya kay Francisco Olive y Garcia nung siya pa ay nakarating sa Fort Santiago nung
Nobyembre 3. Hinarap niya ang mga katanungan na binigay sa kanya: ang mga relasyon,
kaibigan, atbp. niya sa Rebolusyon. Tumagal ang mga katanungan nito ng limang araw.
11 Disyembre 1986
Ang mga paratang ni Rizal ay ipinagbasa sa kanya at sa kanyang tagapagtanggol, si Lt. Luis
Taviel de Andrade. Dahil dito, hindi puwede humarap si Rizal sa mga saksi na nasakdal sa
kanya.
21 Disyembre 1896
Sinulat niya and kanyang depensa sa Fort Santiago.
22 Disyembre 1896
Si Jose Rizal, incomunicado sa Fort Santiago, ay sumulat ng isang "manifesto" sa kanyang
kababayan para tumigil ang kanilang labanan. Hindi ipinalatha ng pamamahalang Espanyol
ang kanyang "manifesto".
23 Disyembre 1896
Nagsulat siya kay Lt. Andrade, naghihingi ng patawad para sa kanyang mga kapatid na babae
na sinasadyaing sumangguni sa isang sikat na abugado para sa kaso niya.,
24 Disyembre 1896
Ang mga paratang ni Lieutenant Fiscal D. Enrique Alcocery R. de Vaamonde kay Rizal, ay
binasa sa mga miyembro ng Sanggunian Digmaan.
25 Disyembre 1896
Nasa Fort Santiago si Rizal nung Araw ng Pasko at nais niyang makita ang tagapagtanggol niya
priyor sa miting niya sa Sanggunian Digmaan, ay sumulat kay Lt. Luis Taviel de Andrade para
pakiusapin siyang magpakapanayamin.
26 Disyembre 1896
Pumunta siya sa Cuartel de España saan siya'y dumating ng 8:10 ng umaga. Nagpakita siya sa
Sanggunian Digmaan para iharap ang kanyang mga kaso.
27 Disyembre 1896
Tagasuri Heneral D. Nicolas de la Peña ay nagsabi ng hatulan ng kamatayan kay Rizal.
28 Disyembre 1896
Gobernador-Heneral Polavieja ay nagutos sa araw na ito ng hatulan ng kamatayan ni Rizal. Si
Polavieja ang nagpatunayan ng hatulan.
29 Disyembre 1896
Sa isang sulat, sinabi ni Rizal kay Propesor Blumentritt na mamamatay siya sa Bagumbayan ng
alas syete ng umaga. Sumulat din siya ng maraming pasalamat kay padre Paciano na
nagsakripisyo para kay Rizal upang siya'y magaral sa ibang bansa.
Ang hatol ni Tagasuri Heneral D. Nicolas de la Peña at ang pagpapatiby ng hatol ng kamatayan
ni Gobernador-Heneral Polavieja, ay binasa kay Rizal ni Tagahatol Dominguez sa umaga ng
araw na ito. Kalmado si Rizal at hindi naapektuan ang kanyang pagpipirma ng dokyumento
judisyal.
30 Disyembre 1896
Humingi ng patawad si Rizal sa kanyang mga magulang para sa lahat ng bagay na
nagpapasakit na binigay niya sa kanila pagpalit sa mga pagsasakripisyo at bagay na hindi sila
natutulog para sa edukasyon niya. Ala syete at tres na segundo ng umaga, sa harap ng
maraming Filipinos at Spaniards sa kabukiran ng Bagumbayan, binarilan si Rizal sa kanyang
likod. Nahulog siya paharap ng umaangat na araw.
A. Pagsilang
A. Magulang
1. Francisco Mercado
2. Teodora Alonzo
A. Magkakapatid na Rizal
1. Saturnina
2. Paciano
3. Narcisa
4. Olympia
5. Lucia
6. Maria
7. Jose
8. Concepcion
9. Josefa
10. Trinidad
11. Soledad
A. Mga Ninuno
1. Ninuno sa Ama
2. Ninuno sa Ina
A. Pamilyang Rizal
1. Ang bahay ng mga Rizal ay gawa sa bato at matitigas na kahoy at ito ay nakatayo na
malapit sa simbahan ng Calamba.
2. Ang paligid ng kabahayan ay natataniman ng mga punong atis, balimbing, chico, macopa,
papaya, santol, tampoy, at iba pa.
3. Ang bakuran ng bahay ay naging alagaan ng mga manok at pabo.
Namana
1. Mula sa mga ninunong Malayo ay namana niya ang pagmamahal sa kalayaan, paghahangad
sa paglalakbay, at katapangan.
2. Mula sa kaniyang mga ninunong Tsino ay namana niya ang pagiging seryoso, katipiran,
katiyagaan, at pagmamahal sa mga bata.
Kapaligiran
1. Ang kapaligiran ng Calamba ay nagsilbing kaniyang pang-enganyo sa pagmamahal sa sining
at literatura.
2. Ang kaniyang kapatid na si Paciano ay nagturo sa kaniyang kaisipan ukol sa pagmamahal sa
kalayaan at katarungan.
3. Mula sa kaniyang mga kapatid na babae ay natutunan niya ang paggalang sa mga
kababaihan.
4. Ang pakikinig niya sa mga kuwento ng kaniyang yaya ay nagbigay sa kaniyang interes sa
mga kuwentong bayan at mga alamat.
5. Mula sa kaniyang tatlong mga kapatid ay nainpluwensiyahan siya ng mga sumusunod:
2. Pagpunta sa Biñan
1. Hunyo 1869 - si Rizal ay umalis ng Calamba para magtungo sa Biñan para mag-aral.
2. Sinamahan siya ng kaniyang kapatid na si Paciano.
3. Justiniano Aquino Cruz - ang naging guro ni Rizal sa Biñan.
1. Sa unang pagkikita niya sa kaniyang guro ay sinabi niya ang kaniyang kakauntian ng
kaalaman sa Espanyol at Latin.
2. Sinabi ni Rizal na ang kaniyang guro ay may kahusayan sa balarilang Espanyol na sinulat
nina Nebrija at Gainza.
3. Nakaaway ni Rizal si Pedro na anak ng kaniyang guro.
4. Nagkaroon din siya ng away sa mga bata sa Biñan isa na rito si Andres Salandanan na
tumalo sa kaniya.
5. Nag-aral si Rizal ng pagpipinta kay Matandang Juancho na dito ay nakasama ng kaniyang
kaeskuwelang si Jose Guevarra.
6. Sa pagsapit ng ilang buwan si Rizal ay nanguna sa kaniyang mga kaeskuwela sa mga
Espanyol, Latin at iba pang mga aralin.
7. Sa kabila ng kahusayan ni Rizal sa pag-aaral, siya ay napapalo ng kaniyang maestro halos
araw-araw dahilan sa mga sumbong laban sa kaniya ng kaniyang mga kamag-aral.
8. Nilisan ni Rizal ang pag-aaral sa Biñan noong Disyembre 1870 pagkatapos ng halos isa at
kalahating taon.
9. Nilisan ni Rizal ang Biñan sakay ng Barkong Talim na naghatid sa kaniya sa Calamba.
Ang Gomburza
1. Sa kaniyang pag-uwi sa Calamba ay nabalitaan niya ang Pag-aalsa sa Cavite at ang
pagbitay sa tatlong paring martir na sina Jose Burgos, Mariano Gomez, at Jacinto Zamora.
2. Ang kaniyang kapatid na si Paciano ay naging malapit na mag-aaral ni Padre Jose Burgos.
3. Si Paciano sa maraming pagkakataon ay naibahagi kay Rizal ang mag ideya at pilosopiya ni
Jose Burgos.
1. huli na sa patalaan
2. maliit para sa kaniyang edad
3. Sa unang pagkakataon ay ginamit ni Jose ang kaniyang apelyidong Rizal imbes na Mercado.
4. Manuel Xerex Burgos – ang pamangkin ni Jose Burgos na tumulong upang makapasok si
Rizal sa Ateneo.
5. Nanirahan siya sa isang paupahang bahay na pag-aari ni Señora Titay sa Daang Caraballo,
na nasa labas ng Intramuros.
1. Mas adbanse ang edukasyong ipinagkakaloob ng mga Jesuita kumpara sa mga kolehiyo
noong sa Pilipinas.
2. Ang layunin ng edukasyon ng mga Jesuita ay ang hubugin ang mga mag-aaral sa mga aral
ng Katolisismo, kaalaman sa sining at agham. Ang isang matalinong Katoliko mula sa pananaw
ng mga Jesuita ay magiging mabuting tagapagtanggol ng simbahan. Ang pangunahing
pilosopiya ng Ateneo ay Ad Majorem Dei Gloriam – Para sa Higit na Kadakilaan ng Diyos.
3. Hinati ang klase sa dalawang pangkat
1. Padre Jose Bech S.J. – ang guro ni Rizal sa kaniyang unang taon sa Ateneo.
2. Nagsimula siyang nasa mababang ranggo sa imperyong Cartago ngunit sa paglipat ng mga
linggo ay nagawang makapanguna sa kaniyang mga kamag-aral.
3. Napanalunan niya ang kaniyang unang gantimpala sa kaniyang pag-aaral – isang larawang
pangrelihiyon.
4. Upang mapagbuti ni Rizal ang kaniyang kaalaman sa wikang Esanyol siya ay nagpaturo ng
aralin sa Colegio de Santa Isabel sa panahon ng kaniyang pamamahinga sa tanghali.
5. Sa kalagitnaan ng taon si Rizal ay hindi nagbuti sa kaniyang pag-aaral upang mapanatili ang
kaniyang pangunguna sa klase ito ay dahilan sa kaniyang sama ng loob sa hindi makatwirang
puna ng guro sa kaniya.
6. Sa bakasyon ng 1873, si Rizal ay hindi naging masaya dahilan sa nasa bilangguan ang
kaniyang ina. Lihim na pumunta sa Santa Cruz para dalawin ang kaniyang ina at kinuwentuhan
niya ang ina ukol sa kaniyang pag-aaral sa Ateneo.
1. Sa taong ito ay nakilala ni Jose Rizal si Padre Francisco de Paula Sanchez S.J. Ang nasabing
pari ang humikayat kay Rizal para mag-aral na mabuti, lalo na sa pagsulat ng mga tula.
2. Sinabi ni Rizal na si Padre Francisco de Paula Sanchez ay isang modelo ng katuwiran at
pagsisikap para sa pag-unlad ng kaniyang mga mag-aaral.
3. Dahilan dito ay nagbalik ang sigla ni Rizal sa pag-aaral at natapos ang taon ng pag-aaral na
mayroong limang medalya.
2. Nag-aral siya pagguhit kay Agustin Saez na kilalang mahusay na pintor na Espanyol.
5. Padre Jose Villaclara - nagsabi kay Rizal na tigilan na ang pagsulat ng tula.
7. Likhang Lilok
6. Padre Pablo Ramon SJ – ang hiningan ni Rizal ng payo ukol sa kaniyang dapat na maging
kurso sa UST.
7. Sa unang semestre ng taong 1877-78 si Rizal din ay nag-aral sa kursong perito agrimensor
sa Ateneo.
8. Sa ikalawang Semestre ng nasabing taon ay natanggap ni Rizal ang sulat ni Padre Pablo
Ramon SJ na nagpapayo sa kaniya na kumuha ng Medisina. Kinuha ni Rizal ang kurso dahilan
sa kaniyang pagnanais na magamot ang kaniyang ina.
9. Nagkaroon si Rizal ng relasyon sa mga sumusunod na babae:
10. Si Rizal ay naging biktima ng isang opisyal na Espanyol noong 1878. Si Rizal ay pinalo ng
sable sa likod ng nasabing opisyal.
11. Noong 1879, si Rizal ay lumahok sa paligsahan ng Liceo Artistico-Literario. Sa nasabing
paligsahan ay nanalo ng unang gantimpala ang kaniyang tulang sinulat na may pamagat na A
La Juventud Filipina.Ang paligsahan ay para lamang sa mga Pilipino.
12. Noong 1880, si Rizal ay lumahok sa paligsahan ng Liceo Artistico-Literario ukol bilang pag-
paparangal sa ika-400 taon ng kamatayan ni Miguel de Cervantes. Sa nasabing paligsahan ang
kaniyang ginawang akda na may pamagat na El Consejo de los Dioses ay nanalo ng unang
gantimpla. Ang paligsahan ay bukas sa mga Pilipino at Espanyol.
13. Kampeon ng mga Estudyante – Nagtayo sina Rizal ng isang samahan na tinatagwag na
Compañerismo sa layunin na ipagtanggol ang kanilang sarili laban sa mga pang-iinsulto ng
kanilang mga kamag-aral na Espanyol.
14. Hindi naging masaya si Rizal sa UST bunga ng mga sumusunod na kadahilanan;
A. Ang Pag-alis
B. Singapore
1. Mayo 8, 1882 – narating ni Rizal ang Singapore.
2. Hotel de la Paz – hotel na tinuluyan ni Rizal sa Singapore.
3. Dinalaw ni Rizal ang mga sumusunod:
1. Harding Botaniko
2. Distritong Pamilihan
3. Templong Budista
4. Estatwa ni Thomas Stanford Raffles – tagapagtatag ng Singapore.
B. Colombo
1. Maraming iba’t ibang lahi ang nakasabay ni Rizal sa barko Djemnah at binalak ni Rizal na
magsalita ng Pranses ngunit hindi siya naintidihan ng mga ito.
2. Ang kaniyang sinabi sa Port Galle ay masyadong malungkot ang lunsod.
3. Nakarating siya sa Colombo at sinabi niyang maganda ang lunsod kaysa sa Singapore, Port
Galle, at Maynila.
B. Suez Canal
1. Suez Canal – isang lagusang tubig na nag-uugnay ng Red Sea at Mediterrenean Sea.
B. Naples at Merseilles
1. Nagtungo ang barkong Djemnah sa Europa at noong narating ni Rizal ang Naples noong
Hunyo 11, 1882.
2. Kinabukasan ay narating niya ang daungan ng Merselles at kaniyang binisita ang Chateu d’If
na siyang lugar na binanggit ni Alexander Dumas sa kaniyang nobelang Count of Monte Cristo.
B. Barcelona
1. Hunyo 15, 1882 nilisan ni Rizal ang Merseilles aty narating ang Barcelona sakay ng tren
galing Pransiya.
2. Narating niya ang Barcelona noong Hunyo 16, 1882.
3. Hindi maganda ang unang impresyon ni Rizal sa Barcelona dahilan siya ay napatira sa hindi
magandang bahagi ng lunsod.
4. Sa bandang huli ay nagbago ang kaniyang pananaw sa Barcelona dahilan sa nakita niya ang
lunsod ay nagtataglay ng kalayaan at liberalismo, ang mga tao ay palakaibigan, at
magagalang.
5. Plaza de Cataluña – ang paboritong kaininan ng mga mag-aaral na Pilipino sa Barcelona at
dito binigyan si Rizal ng isang piging bilang pagbati sa kaniyang pagdating.
B. Amor Patrio
1. Amor Patrio – ang unang akda ni Rizal sa labas ng bansa. Dito rin ginamit ni Rizal ang
pangalan sa panulat na Laong Laan.
2. Diariong Tagalog – isang mapangahas na pahayagan sa Maynila na naglathala ng kaniyang
mga artikulo.
3. Basilio Teodoro – ang patnugot ng Diariong Tagalog.
4. Marcelo H. Del Pilar – ang nagsalin ng Amor Patrio mula sa wikang Espanyol sa wikang
Tagalog.
5. Iba pang mga artikulong ipinadala ni Rizal sa Diariong Tagalog
1. Los Viajes
2. Revista del Madrid
B. Paglipat sa Madrid
B. Buhay sa Madrid
1. Medisina
2. Pilosopiya at Pagsulat
1. Pranses
2. Aleman
3. English
1. Sa Madrid ay nakilala ni Rizal ang mga kilalang liberal ng Espanya na ang mga ito ay
kabilang sa samahan ng mga Mason.
2. Masonerya – isang pandaigdig na kapatiran ng mga taong may malayang kaisipan.
3. Sumali si Rizal sa nasabing samahan upang mahingi ang tulong ng mga ito sa kaniyang
paglaban sa mga prayle sa Pilipinas.
4. Logia de Acacia – ang balangay ng Masoneya na inaniban ni Rizal.
B. Paghihirap sa Paris
1. Nagkaroon ng paghihirap si Rizal sa Madrid dahilan sa hindi naging maganda ang ani sa
kanilang lupa. Dahilan dito ay hindi nakarating ang sustento ni Rizal sa Madrid.
2. Ipinagbili ni Paciamo ang bisiro ni Rizal para may maipadala lamang kay Rizal.
3. Kumuha si Rizal ng pagsusulit sa kaniyang aralin sa Griego na hindi man lamang nag-
aalmusal at nananghalian.
B. Pagtatapos sa Pag-aaral
I. Sa Paris (1885-86)
I. Heidelberg
I. Wilhelmsfeld
I. Leipsig at Dresden
4. Dresden - binisita ni Rizal ang lunsod na ito at dito ay kaniyang nakilala si Dr. Adolph Mever
ang direktor ng Museo ng Antropolohiya at Etnolohiya.
1. Berlin - hinangaan ni Rizal ang lunsod na ito dahilan sa pagkakroon nito ng siyentipikong
kapaligiran at malaya sa pagtatangi ng lahi.
2. Dr. Feodor Jagor - nakatagpo ni Rizal ang nasabing manlalakbay na sumulat ng isang akalt
tungkol sa Pilipinas.
3. Dr. Rudolf Virchow - isang kilalang antropolohistang Aleman na nakilala ni Rizal sa Berlin.
4. Dr. W. Joest - isang kilalang heograpong Alemanya na nakilala ni Rizal sa Berlin.
5. Dr. Karl Ernest Schweigger- isang kilalang optalmolohista ng Berlin at dito si Rizal ay
naglingkod sa klinika.
6. Dr. Rudolf Virchow - kanyang inimbitahan si Rizal na magsalita sa isang pagpupulong ng
Ethnographic Society ng Berlin.
7. Tagalog Verskunt - ang pamagat ng papel panayam na binasa ni Rizal sa isinagawang
pagpupulong ng Ethnographic Society ng Berlin.
a. Seryosa
b. Matiyaga
c. Edukada
d. palakaibiganin
1. Paghihirap sa Berlin
1. Uncle Tom's Cabin - isang nobela na sinulat ni Harriet Beecher Stowe na tumatalakay sa
buhay ng mga aliping itim sa Amerika.
2. Enero 2, 1884 - petsa ng pagtitipon kung saan pinanukala ni Rizal sa grupo ng mga Pilipino
na magsulat sila ng isang nobelang ukol sa kalagayan ng Pilipinas.
3. Paghahati ng Pagsulat ng Noli Me Tangere
a. 1/2 sa Espanya
b. 1/4 sa Pransya
c. 1/4 sa Alemanya
1. Wilhelmsfeld - dito tinapos ni Rizal ang mga huling kabanata ng Noli Me Tangere.
2. Maximo Viola - ang nagsilbing tagapagligtas ng Noli Me Tangere sa pamamagitan ng
pagpapahiram niya kay Rizal ng halagang P300 upang magamit sa pagpapalimbag ng nasabing
nobela.
3. Pebrero 21, 1887 - petsang natapos ang Noli Me Tangere at inihanda para sa
pagpapalimbag.
4. Berlin Buchdruckrei-Action-Gesselschaft - ang palimbagan na tumanggap upang ilaathala
ang Noli Me Tangere sa halagang P300 sa daming 2,000 kopya.
5. Marso 21, 1887 - lumabas ng palimbagan ang nobelang Noli Me Tangere.
6. Mga Unang Pinadalahan ni Rizal ng kopya ng Noli
a. Ferdinand Blumentritt
b. Dr. Antonio Ma. Regidor
c. Graciano Lopez-Jaena
d. Mariano Ponce
e. Felix Resurrecion- Hidalgo
1. Kinuha ni Rizal ang pamagat ng Noli Me Tangere mula sa ebanghelyo ni San Juan.
2. Inihandog ni Rizal ang Noli Me Tangere sa inang bayan.
3. Elias at Salome - ang isang kabanata na inalis ni Rizal sa Noli Me Tangere upang makatipid
siya sa presyo ng pagpapalimbag ng nobela.
I. Ang Paglalakbay
1. Mayo 11, 1887 - nagsimula ang paglalakbay nina Rizal at Viola sa Europa.
A. Dresden
A. Leitmeritz
1. Mayo 13, 1887 - dumating si Rizal sa Leitmeritz at dito siya ay sinalubong ni Prof. Ferdinand
Blumentritt sa istasyon ng tren dala ang larawan na pagkakakilalanan kay Rizal.
2. Hotel Kreb - dito tumira sina Rizal at Blumentritt habang bumibisita sa Leitmeritz.
3. Nakilala ni Rizal ang pamilya ni Blumentritt
A. Prague
1. Dinalaw ni Rizal at Viola ang lunsod na ito noong Mayo 17 -19, 1887.
2. Dr. Willkom - ang professor ng natural history ng Unibersidad ng Prague na dinalaw ni Rizal
sa lunsod dala ang sulat ng pagpapakilala ni Blumentritt.
3. Binisita ni Rizal at Viola ang libingan ni Copernicus - ang dakilang astronomo sa kasaysayan
ng sangkatauhan.
4. Binisita din nila ang kuweba na nagsilbing bilangguan ni San Juan Nepomuceno pati na ang
tulay na pinaghulugan nito.
A. Vienna
1. Danube - isa sa mga malalaking ilog ng Europa. Nagsakay sina Rizal at Viola ng bangka
upang makita ang kagandahan ng ilog at ng kanyang mga pangpang.
2. Dito napansin ni Viola sa unang pagkakataon ang kakaibang gamit ng mga tagarito na papel
na napkin sa kanilang pagkain.
1. Munich - dinalaw nina Rizal at Viola ang lunsod at panandaliang namasyal upang malasahan
ang Munich beer na bantog sa buong Alemanya.
2. Nuremberg - sa lunsod na ito ay dinalaw nina Rizal at Viola ang museo na nagtataglay ng
mga kagamitang pangpahirapna ginamit sa panahon ng Ingkisisyon at ang pagawaan ng
manyika na pinakamalaking industriya ng lunsod.
3. Ulm - dinalaw nina Rizal at Viola ang katedral ng lunsod na kilala bilang pinakamalaki at
pinakamataas at pinanhik ang tore nito.
4. Rheinfall - nakita ni Rizal ang talon na ito na kanyang sinabing "pinakamaganda sa buong
Europa."
A. Switzerland
1. Geneva - kay Rizal ang lunsod na ito ang pinakamaganda sa buong Europa.
2. Mga wikang sinasalita ng mga taga-Switzerland
a. Aleman
b. Pranses
c. Italyan
1. Dito niya natanggap ang isang telegrama ukol sa isinasagawang Eksposisyon sa Madrid na
ang ipinapakita sa Pilipinas ay ang mga tribo ng Igorot na suot na bahag at mga makalumang
kagamitan ay pinagtatawanan ng mga taga- Madrid.
2. Sa Geneva inabutan si Rizal ng kanyang ika-26 na taong kaarawan at kanyang pinakain si
Viola ng isang masaganang pagkain.
3. Dito sa lunsod ng Geneva naghiwalay sina Rizal at Viola. Si Rizal para ipagpatuloy ang
kanyang paglalakbay sa Italya at si Viola naman para magbalik sa Barcelona.
A. Italya
a. Turin
b. Milan
c. Venice
d. Florence
e. Rome
1. Roma - nakarating si Rizal sa "lunsod ng mga Caesar" noong Hunyo 27, 1887. Hinangaan ni
Rizal ng labis ang karangyaan ng nasabing lunsod.
2. Mga kahanga-hangang tanawin na binisita ni Rizal sa Roma
a. Capitolium
b. Bato ng Tarpeian
c. Palatinum
d. Forum Romanum
e. Ampiteatro
f. Simbahan ng Santa Maria Magigiore
1. Vaticano - ang lunsod na sentro ng Katolisismo sa mundo at dinalaw ito ni Rizal noong
Hunyo 29, 1887. Kanyang nakita ang Basilica de San Pedro - ang pinakamalaking simbahan sa
mundo.
a. Paciano Rizal
b. Silvestre Ubaldo
c. Jose Cecilio
1. Hunyo 29, 1887 - tumelegrama si Rizal sa kaniyang ama ukol sa kanyang pagbabalik sa
Pilipinas.
1. Hulyo 3 ,1887 - lumulan si Rizal sa barkong Diemnah ang barkong kanyang sinakyan noong
siya ay magtungo ng Europa limang taon na ang nakakaraan.
2. Hulyo 30, 1887 - nakarating si Rizal sa Saigon at sumakay ng barkong Haipong.
3. Agosto 5, 1887 - nakarating ang Haipong sa Maynila.
4. Napansin ni Rizal na sa limang taon niyang pagkakahiwalay sa bansa ay halos walang
nagababago sa kaayusan at kaanyuan ng lunsod ng Maynila.
A. Pagbabalik sa Calamba
1. Nilapitan ng mga prayle ang gobernador heneral at naghahatid ng mga sumbong na laban
sa nobelang Noli Me Tangere.
2. Emilio Terrero - ang gobernador heneral na nagpatawag kay Rizal ukol sa usapin ng
nobelang Noli Me Tangere at kanyang hinigian si Rizal ng isang kopya ng nasabing nobela.
Walang kopyang maibigay si Rizal dahilan sa naubos na ang kanyang mga dala.
3. Binisita ni Rizal sa Ateneo ang kanyang mga dating guro na sina Padre Federico Faura,
Francisco Paula Sanchez, at Jose Bech upang hingin niya ang kopya ng Noli Me Tangere na
kanyang ibinigay sa Ateneo, ayaw ibigay ng mga pareng Jesuita ang kanilang mga kopya.
4. Pedro Payo - ang arsobispo ng Maynila na kalaban ng mga Pilipino at nagpadala ng kopya
ng Noli Me Tangere sa rektor ng Unibersidad ng Santo Tomas upang pag-aralan ang nobela.
5. Gregorio Echavarria - ang rektor ng UST at katulong ng lupon ng mga guro ng unibersidad
na gumawa ng pag-aaral sa nobelang Noli Me Tangere.
6. Ayon sa pag-aaral ng mga lupon ng mga guro ng UST ng rekomendasyon na ang Noli Me
Tangere ay heretikal, subersibo, at laban sa kaayusang pampubliko.
7. Hindi nagustuhan ni Terrero ang ulat ng lupon ng mga guro ng UST dahilan sa alam niyang
kalaban ni Rizal ang mga Dominikano at ipinadala ang kopya ng Noli Me Tangere sa
Permanenteng Lupon ng Sensura na binubuo ng mga pari at mga taong hindi alagad ng
simbahan.
8. Padre Salvador Font - ang pinuno ng Lupon sa Sensura na nag-ulat na ang Noli Me Tangere
ay subersibo at kontra sa simbahan at pamahalaan. Kanyang iminungkahi ang pagbabawal ng
pag-aangkat, paggawa at pagbibili ng mapanirang nobela.
A. Pag-alis sa Calamba
A. Pagbisita sa Macao
1. Kiu Kiang - ang barkong sinakyan ni Rizal at Basa patungo sa Macao noong Pebrero 18,
1888 at nakita niya dito si Jose Sainz de Varanda na sumusunod sa kanya.
2. Don Juan Francisco Lecaros - Pilipino na nakapag-asawa ng Portugess at sa kanyang bahay
si Rizal ay nanuluyan habang sila ay nasa Macao.
A. Karanasan sa Hongkong
A. Paglisan sa Hongkong
1. Pebrero 22, 1888 - nilisan ni Rizal ang Hongkong sakay ng barkong Oceanic na pag-aari ng
mga Amerikano at kanyang patutunguhan ay ang bansang Hapon.
A. Si Rizal sa Tokyo
1. Juan Perez Caballero - opisyal ng Espanya sa Tokyo na bumisita kaay Rizal sa hotel at
inanyayahan si Rizal na manirahan sa gusali ng legasyon.
2. Tumira si Rizal sa legasyon ng Espanya sa tokyo dahilan sa mga sumusunod:
a. Makatitipid siya ng malaki kung sa legasyon maninirahan
b. Wala naman siyang itinatago sa mga Espanyol
A. Si O-Sei-San
1. Seiko Usui - ang babaing inibig ni Rizal noong siya ay nasa bansang Hapon at mas kilala
siya sa katawagang ibinigay ni Rizal na O-Sei-San.
2. Nakita ni Rizal si O-Sei-San sa labas ng legasyon ng Espanya sa Tokyo na kung saan
malapit ang tinitirhan ni O-Sei-San.
3. Inabangan ni Rizal sa kanyang pagdaan sa harapan ng legasyon at siya ay ipinakilala ng
hardinero ng legasyon kay O-Sei-San na isang manggagamot na mula sa Maynila at panauhin
ng legasyon. Sumagot si O-Sei-San sa salitang Pranses at Ingles.
4. Buhat noon ay araw-araw nagkakatagpo si Rizal at O-Sei-San at nakasama ni Rizal sa
pamamasyal sa mga magagandang lugar ng lunsod ng Tokyo.
5. Napamahal si Rizal kay O-Sei-San dahilan ang una ay bigo kay Leonor Rivera at biktima ng
kawalan ng katarungan.
6. Si O-Sei-San ay anak ng isang samurai 23 at walang karanasan sa pag-ibig. Ang
magkatulad nilang interes sa sining ang nagbigay daan sa kanilang pag-ibig.
7. Nakita ni Rizal kay O-Sei-Sanang kaniyang ideal na babaing iibigin. Si O-Sei-San ay
maganda, mapanghalina, mahinhin at matalino.
8. Naibigan ni O-Sei-San si Rizal dahilan sa maginoo, magalang at pagkakaroon ng maraming
kaalaman.
9. Tinulungan ni O-Sei-San si Rizal sa maraming paraan ng higit sa isang katipan. Si O-Sei-
San ay nagsilbing kasama ni Rizal sa pamamasyal, interpreter at tagapagturo.
10. Ang kagandahan ni O-Sei-San ay halos bumihag kay Rizal na manirahan sa Hapon at
tanggapin ang magandang hanapbuhay na inaalok ng legasyon ng Espanya sa Tokyo.
11. Pinili ni Rizal ang paglilingkod sa bayan kaysa sa pakasalan si O-Sei-San .
12. Naging tapat si O-Sei-San kay Jose Rizal nag-asawa lamang ito noong 1897 pagkatapos na
bitayin si Rizal. Napangasawa ni O -Sei-San si Alfred Charlton na isang Ingles na isang guro ng
kemistriya sa Tokyo.
A. Pag-alis sa Hapon
1. Abril 13, 1888 - petsa ng umalis si Rizal sa Yokohama patungo ng Amerika sakay ng
barkong Belgic.
2. Sa kanyang paglalakbay sa Pasipiko ay nakatagpo ni Rizal sa barko ang mag-asawang
Reinaldo Turner at Emma Jacson. Itinanong ng kanilang anak kung kilala niya si Richal na
sumulat ng Noli Me Tangere . Sinabi niya sa mga bata na siya si Rizal.
3. Techo Suhiro - isang Hapon na nakasabay ni Rizal sa barko. Siya ay mamamahayag,
nobelista, at tagapagtanggol ng karapatang pantao sa Hapon.
1. Abril 28, 1888 - dumating ang barkong Belgic sa daungan ng lunsod ng San Francisco.
2. Hindi pinayagan ang mga pasahero na makababa ng barko at sila ay kinuwarentenas
dahilan sa takot ng mga Amerikano na ang mga ito ay mayroong sakit na kolera.
3. Nabigla si Rizal sa dahilang noong panahong iyon ay walang epidemya ng kolera sa
Malayong Silangan at ang konsul ng Estados Unidos sa Hapon ay nagbigay ng patunay na
walang epidemya ng nasabing sakit sa Hapon.
4. Nalaman ni Rizal na ang dahilan ng kuwarentenas ay upang hind makapasok agad ang mga
manggagawang Tsino sa Estados Unidos na ayaw ng mga Amerikanong manggagawa. Pag
pumasok ang mga manggagawang Tsino ay matatalo ang nakaupong presidente ng Amerika
sa nalalapit na eleksiyon.
5. Kahit na may kuwarentenas ay pinayagan ng mga Amerikano na makapasok ang 700 bales
ng sutla na mula sa Tsina na hindi man lamang pinapausukan ng gamot.
6. Nakaalis si Rizal at mga biyahero mula sa primara klaseng kabina mula sa kuwarentenas
pagkatapos ng isang linggo. Ang mga Hapon at Tsino ay ikinulong pa ng mas mahabang
panahon.
7. Tumuloy si Rizal sa Palace Hotel sa kanyang panahon ng pananatili sa San Francisco.
8. Mula sa San Francisco ay tinawid ni Rizal ang kalawakan ng Estados Unidos hanggang sa
lunsod ng New York.
9. Narating ni Rizal ang New York noong Mayo 3, 1888 at kaniyang sinabi na ang lunsod ay
isang napakalaking bayan.
10. Mula sa New York si Rizal ay sumakay ng barkong City of Rome na nagdala sa kanya
patungo ng London.
11. Mga Impresyon ni Rizal sa Amerika
Mabuting Impresyon
a. ang kaunlaran ng Estados Unidos ay makikita sa kanyang malalaking lunsod, malawak ang
bukid, at lumalagong mga industriya at abalang mga pabrika.
b. Ang pagiging masigasig ng mga mamamayang Amerikano.
c. Ang likas na kagandahan ng bansa.
d. Ang mataas na antas na pamumuhay ng tao.
e. Ang magandang pagkakataon para sa mga dayuhang manggagawa.
Masamang Impresyon
a. Ang kawalan ng pagkakapantay ng mga lahi. Ang Amerika ay isang magandang bayan para
sa mga puti at hindi sa mga taong may kulay ang balat.
A. Pagtawid sa Atlantiko
1. Sakay ng barkong City of Rome si Rizal ang nagsilbing interpreter ng mga pasahero bunga
ng kanyang kaalaman sa maraming wika.
2. Pianahanga ni Rizal ang kanyang mga kapwa pasahero sa kahusayan niya sa paglalaro ng
yoyo.
3. Nakipagtalakayan sa mga mamamahayag na Amerikano ukol sa suliranin ng sangkatauhan.
napansin ni Rizal ang kahinaan ng mga ito sa kaalaman sa geopolitics.
4. Dumating si Rizal sa Liverpool, England noong Mayo 24, 1888 at nagpalipas ng gabi sa Hotel
Adelphi.
1. Masamang Balita
1. Magandang Balita
a. abalitaan ni Rizal ang ginawang pagtatanggol ni Padre Vicente Garcia sa nobelang Noli Me
Tangere laban sa pagbabatikos ng mga prayle.
1. Sucesos de las Islas Filipinas - isang aklat na sinulat ni Morga noong 1609 ukol sa mga
kaganapan sa Pilipinas.
2. Binasa din ni Rizal ang mga aklat na sinulat nina Chirino, Colin, Argensola, at Plasencia ukol
sa mga dating kaugalian ng mga Pilipino sa unang bahagi ng pananakop ng mga Espanyol sa
bansa.
3. Sa kanyang sulat ay sinabi niyang mahusay ang aklat ni Morga dahilan sa wala siyang
kababawan at kayabangan na tulad ng sa mga prayle, simple ngunit ang kanyang mensahe
aynasa pagitan ng bawat hanay ng mga salita.
4. Sa loob ng sampung buwan ay naging abala si Rizal sa kanyang pagsasaliksik
pangkasaysayan sa London.
5. Dahilan sa labis na kaabalahan ay kanyang tinanggihan si Mariano Ponce sa alok nito na
maging patnugot ng isangh pahayagan na sasagot sa mga paninira ng mga Espanyol laban sa
mga Pilipino.
6. Habang naninirahan sa London, si Rizal ay gumawa ng saglit na pagbisita sa Paris upang
basahin ang ilang mga babasahing materyal sa Bibliotheque Nationale o pambansang aklatan
ng Pransiya.
7. Binisita din panandali ni Rizal ang Madrid at Barcelona upang alamin sa mga Pilipino ang
kanilang ginagawang pagkilos para sa reporma sa Pilipinas. Sa unang pagkakataon ay nakita
ni Rizal si Marcelo H. del Pilar at Mariano Ponce, ang dalawang higante ng kilusang
propaganda.
8. Nagbalik si Rizal sa London noong Disyembre 24, 1888 at nagdaos ng Pasko at Bagong Taon
sa tahanan ng mga Beckett . Nagpadala si Rizal ng regalo kay Blumentritt at Dr. Czepelak.
1. La Vision del Fray Rodriguez - isang satirikong polyeto na sinulat nni Rizal laban kay Padre
Jose Rodriguez at kanyang ginamit na pangalan dito ay Dimas Alang, nalathala sa Barcelona.
Dito ay labis na tinuya ni Rizal si Padre Rodriguez sa labis nitong katangahan.
2. Sa polyetong La Vision del Fray Rodriguez ay naipakita ni Rizal ang kanyang (a) mataas na
kaalaman sa relihiyon at (b) kahusayan sa panunudyo.
3. Liham sa mga Kadalagahan ng Malolos - isang sulat na ipinadala ni Rizal sa mga dalaga ng
Malolos na noon ay humiling sa pamahalaan na pagkalooban sila ng pagkakataon na mag-aral
ng wikang Espanyol kahit ito ay laban sa kagustuhan ng prayle paroko ng Malolos, Bulacan.
4. Ang nilalaman ng Liham sa Mga Kadalagahan ng Malolos ay ang mga sumusunod na
pagpapayo ni Rizal sa mga kababaihan:
a. Ang mga inang Pilipina ay dapat magturo sa kanilang mga anak ng pag-ibig sa Diyos, bayan
at sa sangkatauhan.
b. Dapat na ang mga inang Pilipina makatulad ng mga ina sa Sparta na nasisiyahan na makita
ang kanilang mga anak na lumalaban para sa kalayaan ng bayan.
c. Dapat ingatan ng mga kababaihan sa Pilipinas ang kanilang karangalan at dignidad.
d. Dapat sikapin ng mga kababaihang Pilipina na maging edukado, maliban pa sa pagpapanatili
ng kanyang mga likas na katangian.
e. ang pananampalataya ay hindi lamang ang mahabang dasal, pagsuot ng mga krusipiho at
kagamitang pang-relihiyon sa katawan, kundi bagkus ang pamumuhay ng tunay na Kristiyano
na may mabuting moral at kaugalian.
1. Sumulat din si Rizal ng dalawang artikulo sa Trubner's Record isang pahayagang Ingles sa
London na may pamagat na Specimens of Tagal Folklore at Two Eastern Fables.
1. Gertrude Beckett - anak na babae ng kanyang kasero sa London at tinawag niya ito sa
palayaw na Getie. Naging malapit ang dalawa, dahilan sa tinutulungan ng dalaga si Rizal sa
kanyang mga gawain tulad ng paghahalo ng pintura sa kanyang pagpipinta at paghahanda ng
clay para sa kaniyang iskultura. Tinawag ni Getie si Rizal sa palayaw na Petie.
2. Ngunit bago pa man mabuo ang isang pag-ibig, si Rizal ay lumayo kay Gertrude Beckett
dahilan sa kanyang mas mahalagang misyon sa buhay.
3. Bago umalis si Rizal sa London, kanyang tinapos ang apat na gawang lilok na may pamagat
na :
a. Promotheus Bound
b. Triumph of Death Over Life
c. Triumph of Science Over Death
d. Ang ulo ng magkapatid na dalagang Beckett
1. Marso 19, 1889 - nagpaalam si Rizal sa pamilyang Beckett at nilisan ang London
patungo ng Paris.
A. Pagtungo sa Paris
1. Isa sa pinakamahalagang nagawa ni rizal habang siya ay nasa Paris ng 1889 ay ang
pagpapalimbag ng kanyang anotasyon ng aklat ni Morga na Sucesos de las Islas Filipinas
na inilathala ng Garnier Freres.
2. Isinulat ni Blumentritt ang Paunang Salita para sa Sucesos de las Islas Filipinas at
inihandog ni Rizal ang aklat para sa inang bayan.
3. Isinulat ni Rizal ang anotasyon ng Sucesos de las Islas Filipinas sa layunin na ipakita sa
mga Pilipino ang pagkakaroon natin ng mataas na kabihasnan bago pa man dumating ang
mga Espanyol.
4. Nakatanggap si Rizal ng maraming paghanga mula sa kanyang mga kaibigan dahilan sa
kanyang paglalathala ng anotasyon sa Sucesos de las Islas Filipinas ni Morga.
a. Ma- yi
b. Tawalisi of Ibn Batuta
c. Filipinas dentro de Cien Anos
d. Sobre la Indolencia de los Filipinos
e. La Politica Colonial de Filipinas
f. Manila en el mes de Diciembre, 1872
g. Historia de la Familia Rizal de Calamba
h. Los Pueblos del Archipielago Indico
1. Filipinas dentro de Cien Anos - sa artikulong ito ay hinulaan ni Rizaal ang pagtatapos ng
kolonyalismo ng Espanya sa Pilipinas sa pagtatapos ng ika 19 daantaon.
2. Sobre la Indolencia de los Filipinos - tinalakay ni Rizal ang kadahilanan ng katamaran at
pagiging mabagal na pag-unlad ng mga Pilipino sa mga sumusunod na salik.
1. Binalak ni Rizal na itayo ang samahan ng mga Filipinolohista sa Paris ngunit hindi ito
naisakatuparan.
2. Ipananukala ni Rizal ang pagtatayo ng isang makabagong kolehiyo ng mga Pilipino sa
Hongkong na ang layunin ay magsanay at magturo ng mga anak ng mga mabubuting
pamilyang Pilipino.
3. Nagdaos ng kapaskuhan si Rizal sa Paris at pagkatapos ng Bagong Taon ay saglit na
dumalaw sa London upang tingnan ang katumpakan ng kanyang anotasyon Sucesos de las
Islas Filipinas at dalawin si Gertrude Beckett.
4. Mga Dahilan ni Rizal sa Pag-alis sa Paris
A. Kabiguan sa Katarungan
1. Sa pagdating ni Rizal sa Madrid ay agad niyang hiningi ang tulong Asociacion Hispano-
Filipina at mga pahayagang liberal sa Madrid tulad ng La Justicia, El Globo, La Republica, at
El Resumen upang matulungan siya sa paghingi ng katarungan sa kanyang pamilya at
kababayan sa Calamba.
2. Sa paghingi ni Rizal ng katarungan para sa kanyang pamilya ay tumayo si Marcelo H. del
Pilar bilang abogado kanilang idinulog ang kanilang protesta laban sa kawalang katarungan
ni gobernador heneral Valeriano Weyler at ng mga paring Dominikano.
3. Ang kanilang pakikinayam kay Ministro Fabie ng Ministerio ng Katarungan ay nawalan ng
kabuluhan. Ang patakaran ng Espanya ay ang "sarahan ang tainga, buksan ang pitaka, at
magkibit-balikat na lamang."
4. Natanggap ni Rizal ang masamang balita na natanggap na nila ang kautusan ng
pagpapaalis sa mga taga-Calamba mula sa hacienda ng mga paring Dominikano.
5. Ang mga kaibigan Espanyol ni Rizal ay walang magawa kundi ang magbigay lamang ng
pananalita ng pakikiramay. Samantala ipinanukala ni Blumentritt na makipagkita si Rizal sa
Reyna Maria Cristina upang ilapit ang kanyang mga suliranin, ngunit sinabi ni Rizal na siya
ay walang kakilala o salapi na makapagsasama sa kaniya sa Reyna.
a. Habang nanonood sina Rizal at ang kanyang mga kasama sa tanghalang Apolo sa Madrid
ay nawala ang kanyang locket na angtataglay ng larawan ni Leonor Rivera.
b. Nakatanggap si Rizal ng sulat mula kay Leonor Rivera na nagpapabatid ng nalalapit na
kasal niya sa isang inhinyerong Ingles na si Henry Kipping na labis na ikinalungkot ni Rizal.
c. Ang labis na pagdaramdam ni Rizal sa tinamong kabiguan ay naisulat niya kay
Blumentritt na "pipiliin ni Leonor ang pangalang Kipping dahilan sa ito ay malaya at ang
Rizal ay isang alipin."
d. Sa sagot ni Blumentritt ay huli kanyang sinabi na "hindi maunawaan ng kanyang asawa
(Rosa) na ang isang babaeng pinarangalan ng pag-ibig ni Rizal ay iiwan siya (Rizal)."
e. Sa isa pang sulat na ipinadala ni Blumentritt sinabi niyang si Leonor ay "tulad ng isang
bata, naipinagpalit ang diamante sa isang karaniwang bato."
a. Ang Noli ay isang romantikong nobela na gawa ng puso, damdamin, sariwa, makulay at
may taglay na tuwa. Ang Fili ay isang nobelang politikal gawa ng ulo, isip, naglalaman ng
pait, pagkamuhi, sakit, karahasan, at pagdurusa.
b. Ang orihinal na kagustuhan ni Rizal ay gawing mas mahaba ang Fili kaysa sa Noli ngunit
dahilan sa kakulangan sa salapi ay naging maikli ang Fili (38 kabanata) kung ikukumpara
sa Noli (64 kabanata).
c. Para kay Wenceslao Retana mas mahusay ang Noli.
d. Para kay Marcelo H. del Pilar mas mahusay ang Fili.
1. Kawalan ng kasiyahan sa Europa dahilan sa pagkakaiba ng paniniwala niya kay del Pilar
at sa ilang mga Pilipino sa Europa.
2. Upang mas higit siyang maging malapit sa Pilipinas.
3. Para kupkupin ang kanyang pamilya.
A. Pamamaalam sa Europa
1. Nagpaalam ng maayos si Rizal kay del Pilar sa paglalayon na mapanatili ang kaisahan ng
mga Pilipino sa Europa.
2. Mula sa Merseilles sumakay ng barkong Melbourne patungo ng Hongkong, kasama ng
kanyang bagahe ang 600 na kopya ng El Filibusterismo.
3. Nakatagpo ni Rizal sa barko bilang mga pasahero ang mga babaeng Aleman na
nangmamaliit sa kanya sa usapan na hihiya ni Rizal sa pamamagitan ng maginoong
pamamaraan.
A. Hongkong
A. Panggagamot sa Hongkong
1. Ginamit na rin ni Rizal ang kanyang propesyon bilang isang manggagamot upang
masuportahan niya ang kanyang pamilya. Sa tulong ni Dr, Lorenzo Marquez na kanayang
kaibigan. Inilapit niya kay Rizal ang kanyang mga pasyenteng may sakit sa mata.
2. Nakilala si Rizal sa Hongkong sa kanyang kahusayan at ang mga pasyente niya ay mga
British, Tsino, Portuges, at Amerikano.
3. Matagumpay niyang inoperahan ang kanyang ina sa Hongkong.
4. Maraming bumati kay Rizal sa kanyang panggagamot.
1. Hunyo 26, 1892 - nagbalik si Rizal sa Maynila kasama ng kanyang kapatid na si Lucia at
tumigil sa Hotel de Oriente.
2. Sa hapon ng nasabing araw nagtungo si Rizal sa Malacanang upang makipagkita sa
gobernador heneral ngunit pinabalik siya ng gabi at nakausap si Despujol.
3. Binisita niya ang kanyang kapatid na si Narcisa at si Neneng.
4. Kinabukasan, sumakay si Rizal ng tren at dinalaw ang kanyang mga kaibigan sa Malolos,
Bulacan; San Fernando, Pampanga; Tarlac, Tarlac; at Bacolor, Pampanga. Ang kanyang
mga paglalakbay ay sinusundan ng mga Espanyol at mga bahay na kanyang binisita
pagkatapos ng ilang araw ay sinalakay ng mga kawal Espanyol.
5. Sa mga sumunod na araw ay muling nakipagkita si Rizal kay Despujol.
1. Hulyo 3, itinatag ni Rizal ang La Liga Filipina sa bahay ni Doroteo Ongjungco sa Kalye
Ylaya, tondo Maynila.
2. Ang pagpupulong ay dinaluhan ng mga sumusunod:
A. Pag-aresto at Pagpapatapon
1. Noong Hulyo 6, 1892 - sa isang pakikipag-usap ni Rizal kay Despujol ay inaresto siya sa
dahilan sa bintang na pagdadala ng mga polyetong kontra-simbahan.
2. Ipinakulong si Rizal at mahigpit na pinababantayan sa Fort Santiago.
3. Sumunod na araw inilabas ang kautusan na ipatapon si Rizal sa Dapitan.
4. Dinala si Rizal sa Dapitan sa pamamagitan ng barkong Cebu.
1. Hulyo 15, 1892 - nakarating si Rizal sa Dapitan at ipinagkaloob kay Kapitan Ricardo
Carnicero ang komandante ng hukbong Espanyol sa lugar.
2. Dala ni Rizal ang sulat ni Padre Pablo Pastells na superior ng mga Jesuita para kay Padre
Antonio Obach ang paring Jesuita sa Dapitan. Ang sulat ay naglalaman ng mga kondisyon
upang si Rizal ay makatira sa kumbento.
3. Pansamantalang nanirahan si Rizal sa kuwartel na pinamumunuan ni Kapitan Carcinero
na kanyang naging kaibigan.
4. Setyembre 21, 1891 - nakatanggap sina Rizal, Carcinero at isang Espanyol ng Dipolog
ang gantimpala na ang kanilang ticket bilang 9736 ay nanalo ng ikalawang gantimpalang
P20,000. Ang naging hati ni Rizal ay P6,200. Ibinigay niya ang P2,000 sa kanyang ama at
P200 kay Jose Ma. Basa sa Hongkong at ang natira ay kaniyang ginamit sa pagbili ng lupa
sa Talisay na isang kilometro ang layo sa bayan ng Dapitan.
5. Ngkaroon ng isang mahabang sulatan sina Rizal at Pastells ukol sa usapin ng relihiyon
na naglalaman ng mga paniniwalang pangrelihiyon ni Rizal.
1. Ang malaking panahon ni Rizal ay ginamit din niya sa pagtuturo ng mga kabataan sa
Dapitan. Tinuruan niya ang mga ito ng mga aralin sa wika, heograpiya, kasaysayan,
matematika, gawaing industriyal at iba pa. Ang oras ay mula alas 2:00 hanggang 4:00 ng
hapon.
2. Mga ambag ni Rizal sa Agham sa Dapitan
a. Pinasok ni Rizal ang mga kagubatan at baybay dagat ng Dapitan para sa paghahanap
ng mga specimen upang ipadala niya sa mga museo ng Europa.
b. Nakapag-ipon siya ng 346 na uri ng mga kabibi.
c. Natagpuan niya ang species ng Draco rizali Apogonia rizali at Rhacophorus rizali.
1. Si Josephine Bracken.
1. Dumating sa Dapitan noong Hunyo 1896 si Dr. Pio Valenzuela upang ipaalam kay Rizal
ang ukol sa Katipunan. Hinikayat ni Valnzuela ang pamumuno ni Rizal sa Katipunan na
tinaggihan naman niya.
2. Nagboluntaryo si Rizal upang maglingkod sa hukbong Espanyol bilang isang seruhano sa
Cuba. Ang kanyang kahilingan ay tinugon naman ni Gob. Hen. Ramon Blanco na sumagot
sa kanyang sulat noong Hulyo 1896 na nagsasabi ng pagsang-ayon sa kanyang plano.
3. Nilisan ni Rizal noong Hunyo 31, 1896 sakay ng barkong Espana kasama nina Josephine,
Narcisa, at pamangking si Angelica.
a. Nagdaan ang barkong Espana sa Dumaguete at binisita dito ni Rizal ang isa niyang
kaibigan na si Herrero Regidor na hukom ng lalawigan. Inoperahan niya sa mata ang isang
kapitan ng guardia civil.
b. Dumaan sa Cebu at inoperahan niya ang mag-asawang Mateo na kanyang nakilala sa
Madrid.
c. Dumaan ng Iloilo para mamili at nagdaan sa Capiz ang barko.