You are on page 1of 5

BAUAN TECHNICAL HIGH SCHOOL

Bauan, Batangas

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN-G8


T.P. 2014 – 2015

Pangalan__________________________________________ Iskor_______________
Taon at Pangkat ____________________________________ Petsa ______________

Test I – Knowledge
Panuto: Pagtatapat-tapatin.Isulat ang titik ng tamang sagot.

HANAY A HANAY B

_________1.Merkantilismo A. inilunsad upang mabawi ang Jurusalem


_________2.Kolonyalismo B.dito dinadalaang mga kalakal mula sa Silangan
Patungong Kanluran
_________3.sepoy C.batayang paniniwala ng mga kanluranin na
nakabatay sa dami ng ginto at pilak
_________4.imperyalismo D. pagpapalawak ng kapangyarihan na kinokontrol
ng isang bansa sa loob at labas kanyang teritoryo.
_________5.Constantinople E. tuwirang pananakop ng isang bansa sa iba pa
Upang makuha ang yaman nito
_________6.Sistemang mandato F. pagpapasunog sa asawang babae kasabay ng
namayapang asawang lalake
_________7.krusada G.Katutubong sundalong Indian
_________8.Holocaust H.Pag-uwi sa Palestine ng mga Jew mula sa iba’t
ibang panig ng daigdig.
_________9.zionism I.Sistematiko at malawakang pagpatay ng mga
German sa mga Jew
_________10.suttee J.Pagpapasailalim ng isang bansa sa isang
bansa upang patnubayan sa pagsasarili
K.Pananakop bunga ng nasyonalismo

B. kilalanin ang mga sumusunod na personalidad.


_________1.Mohandas Gandhi A.Namuno sa pagpatay sa mga Hudyo
_________2.Ayatollah Khomeini B.Namuno sa mga Iranian laban sa mga ayuhan
_________3.Abdul Aziz Ibn Saud C.Nagtatag ng kahariang Saudi Arabia
_________4.Mohammed Ali Jinnah D.Namuno sa kilusang Satyagraha ng India
_________5.Ferdinand Magellan E.Namuno sa kilusan ng mga Muslim sa Pakistan
_________6.Mustafa Kemal Ataturk F.Nagbigay daan sa kalayaan ng Turkey
_________7.Haring Faisal G.Naluklok bilang hari ng Iraq
_________8.Vasco de Gama H.Nagtatag ng sentro ng kalakalan sa India
_________9.Adolf Hitler I.Nakapagpatunay na ang mundo ay bilog
_________10. Theodor Herzi J.Namuno sa kilusang Zionism
K.Namuno sa kilusan ng Israel laban sa mga
dayuhan
Test II – Process
Maramihang Pagpili – Panuto: Basahin ng may pag- unawa ang mga sumusunod na
pahayag. Piliin ang TITIK ng pinaka tamang sagot at isulat sa patlang.
______1..Maraming pangyayari ang nagbigay daan sa pagpasok ng mga taga Kanluran sa
Asya. Alin sa mga sumusunod ang hindi maituturing na dahilan ng panghihimasok
ng mga Kanluranin?
A. Kagandahan ng pag- uugali ng mga Asyano sa kapwa Asyano .
B. Mga kaalaman mula kay Marco Polo tungkol sa kayamanan ng Silangan.
C. Pagsabak ng ruta ng kalakalan sa kamay ng mga Turkong Ottoman.
D. Upang palaganapin ang relihiyong Kristiyanismo sa Silangan.
_______2.Alin ang masamang epekto ng pananakop sa Asya ng mga bansang Kanluranin?
A. Eksploytasyon ng mga pinagkukunan ng Asya
B. Pagkawasak ng kultura ng mga katutubo
C. Pagsikil sa mga karapatan ng mga katutubo
D. Lahat ng ito
______3.Paano natigil ang pagpasok ng mga French sa India?
A. Hinadlangan sila ng mga Dutch
B. Natalo sila sa digmaan laban sa mga Portuges
C. Natalo sila sa Seven Years War
D. Pinigilan sila ng mga pinunong Mughal
_______3.Bakit hindi maagang nasakop ng mga Kanluranin ang Kanlurang Asya sa unang
yugto ng pananakop?
A. Dahil binalaan sila ng mga British
B. Dahil kulang sila sa armas
C. Nagtangkang pasukin sila ng mga Portuges
D. Pinaghaharian pa ito ng napakalakas na imperyong Ottoman
_______4.Bakit naging mahalaga ang paglalakbay ni Vasco de Gama?
A. Sapagkat nalibot niya ang ”Cape of Good Hope” sa dulo ng Aprika na siyang
nagbubukas ng ruta patungong India.
B. Sapagkat gusto nilang makaiwas sa mga Russian at German
C. Tungkulin ng mga Kanluranin na sakupin ang mga di sibilisadong tao
D. Tungkulin nilang mapantayan ang lakas ng mga kalabang bansa.
_______5.Ano ang naging epekto ng kolonyalisasyon sa mga rehiyon ng Asya?
A. Naging mapagbigay ang mga Asyano sa naisin ng mga dayuhang bansa.
B. Naging masidhi ang pagkakaroon ng damdaming nasyonalismo ng mga Asyano upang
ibangon ang kaunlaran ng bansa.
C. Natutong magtiis ang mga Asyano alang-alang sa kapayapaan.
D. Natutunan ng mga Asyano ang manakop ng ibang lupain.
_____6.Ano ang White Man’s Burden?
A. Ang mga nasasakupan ay pabigat sa mga Kanluraning bansa
B. Mga sundalo ng pamahalaang British
C. Pagpapalawak ng teritoryo ng isang bansa
D. Upang maging matatag ang kanilang pamahalaan
_____7.Bakit tinanggap ng Kuwait ang proteksyon ng mga British?
A. Dahil binalaan sila ng mga British
B. Dahil gusto nilang makaiwas sa mga Russian at German
C. Dahil gusto nilang makipagkalakalan sa mga British
D. Dahil nagtangkang pasukin sila ng mga Portuges
______8.Bakit nagkaroon ng rebelyong sepoy?
A. Nag-alsa ang mga sundalong Indian sa mga Ingles bilang pagtutol sa pagtatangi ng lahi
o racial discrimination.
B. Natakot sa persekusyong panrelihiyon sa lugar na tinitirhan nila.
C. Pinilit ang Great Britain ng United States na palayain na ang India.
D. Upang maging matatag ang kanilang pamahalaan.
_______9.Bakit kakaiba ang paraan ng paglaban ni Gandhi para sa kalayaan?
A. Sapagkat ginamit niya ang mga dayuhan sa India laban sa mga British.
B. Sapagkat gumamit siya ng makabagong armas.
C. Sapagkat mapayapa ang paraan ng kanyang pakikibaka.
D. Sapagkat nag-iisa lamang siya sa pakikipaglaban sa mga British.
______10.Ano ang kinatatakutan ng mga Muslim kapag lumaya na ang India?
A. Ang pagbabawal sa kanilang karapatan sa pagsamba.
B. Ang pagkakaroon ng isang pamahalaang Hindu.
C. Ang pagsiklab ng mga kaguluhan.
D. Ang patuloy na pamamayani ng mga British
_______11.Ano-ano ang dahilan sa pagpapakita ng nasyonalismo ng mga bansa sa Timog at
Kanlurang Asya?
A. Ang mataas na pagtingin sa sarili
B. Lumawak ang kanilang partisipasyon sa pamamahala ng bansa.
C. Marubdob na paglaban sa mga mananakop.
D. Nakilala ang mga lider nasyonalista na nagsilbing inspirasyon ng mga Asyano sa
kanilang pamumuhay.
________12.Bakit nagsilipat ang may 12 milyong Hindu, Sikh, at Muslim pagkatapos lumaya
ang India at Pakistan?
A. Maayos ang pamahalaan sa lugar na pupuntahan nila.
B. Marami silang kamag-anak sa lugar na pupuntahan nila.
C. Maraming trabaho sa lugar na pupuntahan nila.
D. Takot sila sa persekusyong panrelihiyon sa lugar na tinitirhan nila.
________13.Ano ang epekto ng Unang Digmaan Pandaigdig (1914)?
A. Inihayag ang kalayaan ng mga bansa.
B. Pagkakaroon ng Saligang Batas.
C. Pagsanib ng mga kolonya sa mga bansang mananakop.
D. Pagtutol ng mga tao sa mga batas na pinatutupad sa bansa.
_______14.Anong paraan ang ginawa ng Pakistan para matamo ang kalayaan?
A. Ang pagbuhay ng mga katutubo sa kanilang mga kaugalian at tradisyon.
B. Ang pagtatatag ng Muslim League sa pamumuno ni Muhammad Ali Jinah
C. Pagtanggi sa konstitusyon at paglikas ng mga Muslim at Sikh mula sa India.
D. Pagtutol ng mga tao sa mga batas na pinatupad sa bansa.
________15.Sumiklab ang Unang Digmaang Pandaigdig sa Europa dahil sa_____
A.Pagkakampi-kampi ng mga bansang Germany,Austria-Hungary
B.Alyansa ng France,England,at Russia
C.Pag-uunahan sa teritoryo
D.Lahat ng nabanggit
________16.Bakit nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang mga Muslim at Jew ?
A.Dahil sa Balfour Declaration C.Dahil sa Pagpaslang sa mga Jew
B.Bunga ng pag-aagawan sa teritoryo D. Bunga ng kasunduang Versailles
________17.Alin sa mga sumusunod na pahayag ang totoo?
A.Mahigpit na tinutulan ni Ayatollah Khoemmeini ang panghihimasok ng mga dayuhan.
B.Ikinagalit ng mga Hudyo ang panghihimasok ng mga dayuhan
C.Itinatag ni Ibn Saud ang bansang Israel.
D.Mahigpit na magkatunggali ang mga arab at jew sa pagmamay-ari ng Palestine.
________18.Alin sa mga sumusunod ang opinion?
A.Hindi lalaganap ang tension sa India kung hindi naganap ang massacre sa Amritsar.
B.Si Abdul Aziz Ibn Saud ay nagmula sa makapangyarihang angkan ng mga Arab
C.Opisyal na ideneklara ng Balfour Declaration ang pagtatatag ng nakahiwalay na bansa
ng mga Jew.
D.Ang pagtutol sa modernisasyon ng Iran ay sinimulan ni Khoemeini.
_______19. Alin sa mga sumusunod ang maituturing na pinakamasamang epekto ng
kolonyalismong Kanluranin simula ika-16 na siglo?
A. Naantala ang pag-unlad ng ekonomiya ng mga bansang sinakop
B. Napasakamay ng mga mananakop ang pamumuno sa pamahalaan
C. Namuhay ng walang kalayaan ang mga sinakop na mamamayanan
D. Nadagdagan ang kapangyarihan at karangalan ng bansang Kanluranin
______20.Ano ang pagbabagong pang-ekonomiya ang naganap sa Asya matapos ang
Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
A. Ang pamahalaan ang nagtataguyod sa kaunlarang pang- ekonomiya ng bansa.
B. Nagkakaroon ng mga pagbabago sa mga patakaran sa edukasyon
C. Pinagsikapan ng mga Asyano na harapin ang mga hamon dala ng pagtatamo ng
kalayaan sa pagpapaunlad ng kaniya- kaniyang bansa.
D. Lahat ng ito

Understanding
_______21.Alin sa mga sumusunod ang nagbunsod sa British East India Company na magtayo
ng mga pwestong pangkalakalan sa mga baybayin ng dagat?
A. Paghadlang ng mga Dutch sa pakikipagkalakalan ng mga British sa Spice islands
B. Paghina ng Portugal
C. Paglakas ng dinastiyang Mughal
D. Lahat ng Ito
_________22Alin ang higit na naglalarawan ng imperyalismo?
A. Pagpapalawak ng teritoryo ng isang bansa.
B. Pamamahala ng isang bansa sa isang bansa.
C. Pananakop ng isang bansa sa isang bansa.
D. Tuwiran o di tuwirang pagpapalawak ng awtoridad ng isang bansa sa ibang bansa.
______23.Aling pangyayari ang pumukaw sa damdaming nasyonalismo ng bansang India?
A. Pagbagsak ng kolonyalismo ng mga Turko
B. Pagkakapatay kay Mohandas Gandhi
C. Pagkakaroon ng diskriminasyon sa mga India
D. Pagpapatupad ng economic embargo ng mga Ingles
______24. Isinusulong naman ni Mahatma Gandhi ang kanyang pananaw na ang pinuno ng
bansa ang siyang magpakita ng pagpapahalaga sa moralidad. Ang pagpapahalaga na sinasabi
ni Gandhi ay ang:
A. Mabuting relasyon sa karatig bansa
B. Maging bukas o transparent sa lahat ng kanyang gawain sa tulong sa bayan
C. Maging tapat sa mamamayan at sa konstitusyon
D. Pagkakaroon ng isang asawa at isang pamilya
______25. Bakit sinasabing ang kalakalan ay mahalagang susi sa pagkakaisa ng mga Asyano?
A. Dahil dito ay nagtutulungan ang mga magkakaratig bansa sa Asya
B. Nagsisilbi itong daluyan ng kultura at pagpapalitang kultural ng mga bansa
C.Maaring lumaki ang kita sa mga usaping block market
D. Sa pamamagitan nito nababatid ang mga bansang palaasa
______26. Bakit muling nabuo ang bansang Israel?
A.Dahil sa layuning lumakas ang Judaism
B.Sa kagustuhang magsama-samang muli ng mga Hudyo
C.Upang matamo ang kanilang kaligtasan
D.Dahil sa pananakop ng ibang lupain
_______27.Alin sa mga sumusunod ang naging tugon sa pagpapakita ng nasyonalismo sa mga
bansa sa Timog at Kanlurang Asya?,
A. Nagbigay-daan upang magising ang diwa ng nasyonalismo
. B. Naging aktibo sa pagtatanggol ng karaptang pantao.
C. Nagtutulungan ang pinuno at ang mga mamamayan.
D. Nakilala ang mga lider nasyonalista na nagsilbing inspirasyon ng mga Asyano sa
kanilang pamumuhay
________28. Ano ang ipinapahiwatig ng tagumpay ng kampanya ni Mohandas Gandhi sa
kolonyalismo ng mga Ingles sa India?
A. Mahusay na rebolusyonaryong lider si Mohandas Gandhi
B. Maaaring labanan ang kolonyalismo sa mapayapang paraan
C. Ang pang-aapi ng mga kolonyalista ay may katapusan
D. Naging simbolo si Mohandas Gnadhi ng pagkakaisa ng mga mamamayan sa
India
_________29.Alin sa mga sumusunod ang maituturing na magandang dulot ng pananakop ng
mga Ingles sa pangangalaga ng karapatang pantao ng mga Hindu lalo na ang mga
kababaihan?
A. Pagbabawal sa ilang matandang kaugaliang Hindu tulad ng “sati” at “female infanticide”
B. Pagbabawal sa matatandang kaugaliang tulad ng “foot binding” at “concubinage”
C. Pagkakaroon ng pagkakataong makapag-aral ang mga mamamayan ng India
D. Pag-unlad ng komunikasyon at transportasyon sa India.
________30. Aling pangyayari ang pumukaw sa damdaming nasyonalismo ng bansang India?
A. Pagbagsak ng kolonyalismo ng mga Turko
B. Pagpapatupad ng economic embargo ng mga Ingles
C. Pagkakapatay kay Mohandas Gandhi
D. Pagkakaroon ng diskriminasyon sa mga India

God Bless and Good Luck”

Inihanda ni: Ana Marie R.Castillo

You might also like