You are on page 1of 2

TEACHER’S LEARNING PLAN SA GRADE 7 ARALING PANLIPUNAN

Bilang ng Gawain: 5
Paksa: Paghahating Heograpiko ng Timog-Silangang Asya

Layuning Pagkatuto:Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


1.nakikilala ang mga bansang bahagi ng Timog-Silangang Asya, 
2.nakahihinuha ang epekto ng katangiang pisikal ng rehiyon sa uri ng pamumuhay 
 ng tao.   
3.nasusuri ang lokasyon at katangiang pisikal ng Timog-Silangang Asya.
  Sanggunian: Pagtanaw at Pag-unawa Araling Asyano ph. 25-26 
Araling Asyano Tungo sa Pagkakakilanlan ph. 32
Araling Panlipunan sa Makabagong Siglo: Araling Asyano ph.10
Pagpapahalaga: Pagmamalaki sa Sariling Lugar
E.P.#  5 Ang lahat ay may patutunguhan

I- Mga Pangunahing Kaisipan


MGA BANSA KABISERA MGA BANSA KABISERA
Brunei Bandar Seri Begawan Cambodia Phnom Penh
Indonesia Jakarta Laos Vientiane
Malaysia Kuala Lumpur Myanmar Naypyidaw
Pilipinas Manila Singapore Singapore
East Timor Dili Vietnam Hanoi
Thailand Bangkok
Binubuo ng 11 bansa ang TImog‐Silangang Asya kabilang na ang Pilipinas.  Ang East  Timor ang 
huling naging ganap na estado sa rehiyon.  Nakamit nito ang kalayaan mula sa Indonesia noong ika‐20 ng 
Mayo 2002.  Tinatayang may kabuuang sukat na 4,360,000 km2 ang Timog‐silangang Asya.   Pagdating sa mga 
heograpikal na hangganan, ang Timog‐silangang Asya ay ihinihiwalay  ng China at Taiwan sa hilaga, Indian Ocean 
at Australia sa Timog, Bay of Bengal at Indian  subcontinent sa kanluran, at Pacific Ocean at Papua New Guinea 
sa silangan. May  dalawang  paghahating  heograpikal  ang  Tiomog‐Silangang  Asya:  ang  pangkontinenteng
 Timog‐Silangang Asya  at ang pangkapuluang Timog‐Silangang Asya.  May klimang tropikal ang Timog‐Silangang 
Asya sapagkat matatagpuan ito malapit sa  ekwador.  Ang mainam na klima nito, na binubuo ng panahon ng tagulan
 at ng tag‐araw, ang  nagbibigay sa rehiyon ng biyaya ng makapal na tropical rain forest. 

II- Gawaing Pagkatuto 


 A. Pagwawasto sa Pag-unawa
PANUTO:  Ayusin ang mga letra upang mabuo ang tamang sagot sa paglalarawan. 
1. kabisera ng Myanmar  I  A  Y  W  P  N A  D  Y   ___Naypyidaw____ 
 2.huling naging ganap na  estado sa rehiyon   S  E  T  A   M  I  R  T  O   ____East Timor______ 
3.ang anyong tubig na  naghihiwalay sa I  C  P  I  A  I  F   C  N  E  O  A  ____Pacific Ocean_____   
at Timog‐  Silangang Asya  
4.klima ng Timog‐ Silangan sapagkat  I  O  P  T  L  R  A  K   ______Tropikal______   
matatagpuan ito  malapit sa ekwador 
5. ang kabisera ng Laos  E  T  I  V  A  I  N  E  N   ______Vientiane_______   

B. Pamprosesong Tanong:

1. Paano mo mailalarawan ang katangiang pisikal ng Timog‐Silangang Asya? 
 
2.Ano ang epekto ng lokasyon at katangiang pisikal ng Timog Silangang Asya sa uri ng  pamumuhay ng 
mga tao na naninirahan doon

C.Paglalagom ng Konsepto
PANUTO:Punan ng mga impormasyon ang 3-2-1 chart tungkol sa Timog-Silangang Asya.

3
BAGAY NA NALAMAN KO
 binubuo ng 11 na bansa
 mga hangganang  tubig:  Indian Ocean  Bay of Bengal  Pacific Ocean
 mga hangganang lupa: Indian subcontinent  Australia  China
2
INTERESANTENG BAGAY
 klima ay tropical 
 matatagpuan ito  malapit sa ekwador

1
TANONG NA GUSTO KONG ITANONG
 Bakit nahahati ang Timog‐Silangang  Asya sa dalawa:   pangkotinenteng Timog‐
Silangan  at   pangkapuluang TimogSilangan  Asya ?

III. Ebalwasyon
Maikling Pagsusulit bilang 4 (Hilaga, Silangan at Timog-Silangang Asya)

I-Pagtatapat –tapat (Modified)


Panuto: Pagtapat-tapatin ang mga konsepto ng hanay A sa Hanay B at isulat lamang ang titik ng tamang sagot
sa patlang bago ang bilang. Pwedeng gamitin nang higit sa isang beses ang sagot sa hanay B.

Hanay A Hanay B
__b___1.rehiyon na dating kabilang sa USSR a.Silangang Asya
__a___2.kasalukuyang may anim na bansa b.Hilagang Asya
__a___3.kung saan makikita ang hilaga at timog Korea c.Timog-Silangang Asya
__c___4.tropikal ang klima ng rehiyon
__c___5.may makapal na Tropical Rainforest

II-Pagpapaliwanag (10 puntos)


Pamantayan sa pagmarka:Nilalaman - 5 puntos
Tamang paggamit ng salita - 3 puntos
Kalinisan - _2_puntos
10 puntos
Panuto: Sagutin ang tanong ng limang pangungusap sa isang talata lamang. Gamitin ang rubric bilang gabay sa
sa pagsagot.

1.Ano ang epekto ng uri ng anyong pisikal ng isang bansa sa ikinabubuhay ng mga tao?

You might also like