You are on page 1of 2

DON GREGORIO O.

BALATAN INSTITUTE
Siramag, Balatan, Camarines Sur

IKAAPAT NA BUWANANG PAGSUSULIT


Filipino 7
Pangalan: ________________________ Baitang: ________________
Petsa: ________________________ Iskor: ________________
PAUNAWA: Basahin at unawaing maigi ang panuto. Iwasang magbura.
PANATILIHING MAAYOS AT MALINIS ANG PAGSUSULAT.

I. Naiuugnay ang konotatibong kahulugan ng salita sa mga


nakaugalian sa isang lugar (F7PT-II-b-7).
Tukuyin ang konotatibong kahulugan ng mga salitang nakadiin kaugnay ng
nakaugalian nating mga Pilipino. Bilugan ang titik o letra ng wastong sagot.
1. Sa maraming lugar sa Pilipinas, ang kulay itim ay karaniwang iniuugnay
sa:
a. pagluluksa at kalungkutan c. paghihirap at gutom
b. pag-ibig at pagkabigo d. giyera at kaguluhan
2. Ang oyayi ay awiting-bayang iniuugnay sa:
a. Bangka, pamingwit at isda c. ina, hele, sanggol
b. walis, bunot, basahan d. rosas, gitara, pag-ibig
3. Ang balitaw at kundiman sa mga lugar ng Katagulan ay karaniwang
iniuugnay sa:
a. pangangaso c. pagsagawa ng mga gawaing
b. panliligaw o pagsasaad ng pag-ibig d. paggaod ng Bangka
4. Ang hilig sa pag-awit ng mga Pilipino ay karaniwang iniuugnay sa:
a. pagiging mapamahiin c. pagiging masayahin
b. pagiging masipag d. pagiging matampuhin
5. Ang awiting-bayan sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas ay karaniwang
iniuugnay sa:
a. materyal na kayamanan ng isang bansa
b. pagdurusang dinanas ng isang bayan
c. kultura’t kaugnayan ng isang bayan
d. politika ng isang bayan

B. Nakilala ang kahulugan ng ilang salitang Bisaya


Ang ilang salitang Bisaya mula sa mga awiting-bayang mababasa mo sa
araling ito ay ginamit sa mga pangungusap sa ibaba bilang pamalit sa
katumbas nitong salitang Filipino. Batay sa pagkakagamit sa pangungusap,
piliin at bilugan ang titik ng katumbas ng mga salitang ito.
6. Dala ang kanyang lambat, si Mang Dante ay sumakay sa kanyang Bangka
at pumalaot. Siya ay namasol. Ang namasol ay…
a. lumangoy b. naligo c. nangisda
7. Sinabihan siya ng asawang si Aling Selya na magbalon para hindi
gutumin. Ang magbalon ay…
a. maghukay ng balon b. magbaon c. magsaing
8. Ang mga huli niya ay guibaligya niya sa plengke. Ang guibaligya ay…
a. ipinagbili b. ipinamigay c. ipinadala
9. Nagluto siya ng sinigang. Gustong-gusto niya kasi ang sabaw na may
aslom. Ang aslom ay…
a. init b. asim c. pait
10. Ginagawa niya ang lahat dahil sa pamilyang kanyang guihigugma. Ang
guihigugma. Ang guihigugma ay…
a. minamahal b. hinihintay c. binabantayan
11. Pauli si Mika sa kanilang bayan upang magbakasyon. Ang pauli ay….
a. pabalik b. papasok c. pauwi
12. Si Alfredo ang bana ng ina ni Mary. Ang bana ay…
a. asawa b. kapitbahay c. katulong
13. Halina’t magtanom ng mga gulay sa bakuran. Ang magtanom ay…
a. mag-araro b. magtanom c. magwalis
14. Wala diri ang Nanay, “ang sabi ni Nena sa Bombay na naghahanap sa
kanyang ina” Ang diri ay…
a. diko b. dino c. ditto
15. Ipinagbili ni Felimon ang nahuling tambasakan sa palengke. Ang
tambasakan ay isang…
a. isda b. isla c. isaw

II. PAGBUBUO SA AWITING-BAYAN


Nakatala ang isang awiting-bayan. Punan ng angkop na salita ang patlang. Piliin
ang sagot sa loob ng kahon.
Bulaklak Dakilang Dalagang Galak Humahalimuyak
Ligaya Malinis Mahinhin Mayumi Ningning
Pagsinta Panghiyas Tala Tibay Tining

Ang Dalagang Filipina


Composer: Jose Santos
Lyricist: Jose Corazon De Jesus

I
Ang ________________________ Pilipina
Parang ______________________ sa umaga
Kung tanawin ay nakaliligaya
May ________________________na tangi’t
________________ ganda
II
Maging sa ugali, maging kumilos, _____________
__________________, mabini ang lahat ng ayos
__________________ ang puso maging sa pag-irog
May _______________ at __________________ ng loob
III
______________________ na tanging marilag,
Ang bango ay ________________
Sa mundo’y dakilang ____________,
Pang-aliw sa pusong may hirap.
IV
Batis ng _______________ at ________________
Hantungan ng madlang pangarap
Iyan ang dalagang Pilipina,
Karapat-dapat sa isang tunay na ___________________.

Inihanda:

MC Anacin
Guro

You might also like