You are on page 1of 23

Ikaapat na Kuwarter-Modyul 12:

Pagsasaayos ng Dokumentasyon
at Pagbuo ng Pinal na Draft
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik Senior High School
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Kuwarter – Modyul 12: Pagsasaayos ng
Dokumentasyon at Pagbuo ng
Pinal na Daft
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman. Kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na nagamit sa aklat na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsusumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Alain Del B. Pascua
Mga Bumubuo ng Modyul para mga Mag-aaral
Manunulat: Dexie P. Dilag, Maricar C. Ranara,
Bonifacio N. Gegato Jr, Marben A. Oco
Tagasuri ng Nilalaman: Johanna Vanessa C. Obedencio
Tagasuri ng Lengguwahe: Mary Ann A. Maglangit, Russel Kerr E. Galarroza
Tagabalibasa: Louella Jean B. Mariano
Tagasuri : Leonor C. Reyes,MAEDFIL
Mga Tagaguhit: Perlito L. Lomongo
Naglayout: Jupiter B. Acosta
Mga Tagapamahala:
Pangulo: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Regional Director
Pangalawang Pangulo:Dr. Victor G. De Gracia Jr. CESO V
Assistant Regional Director
Jonathan S. dela Peña, PhD, CESO V
Schools Division Superintendent
Rowena H. Para-on, PhD
Assistant Schools Division Superintendent
Mala Epra B. Magnaong, Chief ES, CLMD
Kasapi:Neil A. Improgo, PhD,EPS-LRMS; Bienvenido U. Tagolimot, Jr.,PhD, EPS-
ADM; Erlinda G. Dael, PhD, CID Chief; Sally S. Aguilar, PhD, EPS Filipino; Celieto B.
Magsayo, LRMS Manager; Loucile L. Paclar, Librarian II;
Kim Eric G. Lubguban, PDO II

Inilimbag sa Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon - Sangay ng Misamis Oriental
Office Address: Don Apolinar Velez Street, Cagayan de Oro City, 9000
Telephone Nos: (088) 881-3094 | Text: 0917-8992245
E-mail Address: misamis.oriental@deped.gov.ph
Ikaapat na Kuwarter - Modyul
12 Pagsasaayos ng
Dokumentasyon at Pagbuo ng
Pinal na Draft

Ang modyul na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga


edukador mula sa mga pampublikong paaralan. Hinihikayat namin ang
mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng
kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa
action@deped.gov.ph

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.


Sa tulong ng agham at teknolohiya, malayo na ang narating ng ating
kabihasnan. Maraming makabagong kagamitang nabuo na nagpapadali ng
mga gawain. Hindi naging mahirap ang pakikipagkomunikasyon sapagkat
maraming maaaring gamitin gaano man kalayo ang kinaroroonan sa tulong
ng makabagong teknolohiya. Nariyan ang internet, fax, cellphone, telepono,
liham at iba pa. Maraming nakapagtatrabaho sa ibang bansa, nakahihiling,
nakapagtatanong, nakapag-aanyaya at iba pang bagay na may kaugnayan
dito dahil lamang sa tulong ng iba’t ibang teknolohiya.
Sinasabing mabisang kasangkapan ang tamang pagtugon sa proseso
upang mas mapadali ang minimithing tatapusing gawain.
Maaaplay sa modyul na ito ang mga makaraang paksa na naitalakay
upang mabuo ang pananaliksik na gagawin.
Sa modyul na ito ay sinasanay ka na maging lohikal at kritikal sa
pagsusuri ng iba’t ibang anyo ng teksto sa pamamagitan ng mga simpleng
aralin at gawain na maghahanda sa iyo sa pagbuo ng makabuluhang
pananaliksik. Ang modyul na ito ay hinati sa iilang mga bahagi na may
magkatimbang na halaga sa pagkatuto.

Ito ay hinati sa mga sumusunod na bahagi:

Alamin – Sa bahaging ito inilalahad ang mga Kasanayang


Pampagkatuto na sisikapin nating matamo sa buong semestre.
Subukin – Dito susubukin ang lawak ng iyong kasalukuyang
kaalaman tungkol sa paksa.
Yugto ng Pagkatuto – Sa bahaging ito, matututunan mo ang araling
itinakda na hinati sa iilang mga bahagi gaya ng balikan, tuklasin, suriin,
pagyamanin, isaisip at isagawa.
Tayahin – Malalaman mo sa bahaging ito kung sadya bang
naunawaan mo ang bagong araling napag-aralan sa pamamagitan ng
pagtataya ng natamong kaalaman.
Karagdagang Gawain – Upang mas mapalawak at mapalawig pa ang
iyong kaalaman sa araling ito, isa pang gawain ang iyong kailangang
tapusin sa bahaging ito.
Lahat ng iyong mga kasagutan sa mga gawain ay isusulat mo sa
kalakip na Activity Sheets. Maaari kang gumamit ng dagdag na papel bilang
burador bago mo pinal na isulat sa Activity Sheets.
Ayon kay Aristotle, “Ang ugat ng karunungan ay mapait, subalit ang
bunga ay matamis” kaya, hinihikayat kita na pag-igihan ang makabagong
paraan ng pagbahagi ng karunungan. Maaaring may mga pagkakataon na
ikaw ay malulumbay o mawawalan ng dahilan upang matuto ngunit
pakatandaan na ang iyong pagsisikap ay tiyak na magbubunga ng
kasaganahan.

Halina’t matuto!

Mga May-akda

1
ALAMIN

Ilalahad ng modyul na ito ang kabuuan ng isinagawa mong pananaliksik


batay sa tamang pormat, metodo mga pamamaraan at dokumentayon. Sa
bahaging ito magbibigay ang guro ng pinal na pagmamarka sa sulating
pananaliksik kung nasunod ang mga bahaging hinihingi ng pananaliksik.

Makikita rin sa modyul na ito ang yugto ng pagkatuto na


balikan, tuklasin, suriin, pagyamanin, isaisip, isagawa at tayahin. Sa
simula at wakas ng modyul, may mga pagtataya na naglalayong subukin
ang iyong kaalaman bago matapos ang aralin upang mapaunlad ang iyong
kasanayan sa pangkabatiran (cognitive), pandamdamin (affective), at
saykomotor (psychomotor).
Sa pagtatapos ng talakayan na ito, inaasahang makakamit ang
sumusunod na Kasanayang Pampagkatuto:
1. Naiisa-isa ang mga paraan at tamang proseso ng pagsulat ng isang
pananaliksik sa Filipino batay sa layunin, gamit, metodo, at etika ng
pananaliksik. (F11PU – IVef – 91)
1.1 Natutukoy ang layunin, metodo at paraan sa pagsasaayos ng
pinal na dokumentasyon
1.2 Nagagamit ang estilong APA Format sa
pagdudukumentasyon at sa pagbuo ng pinal na draft

2. Nakabubuo ng isang maikling pananaliksik na napapanahon ang


paksa (F11EP – IVij – 38)
2.1 Nakasusunod sa pamantayan ng pagsulat ng masinop na
pananaliksik.

2
SUBUKIN

PANIMULANG PAGTATAYA

Bago natin simulan ang ating talakayan, magkakaroon muna tayo ng


pagrerepaso kung mayroon ba tayong ideya sa paksa. Hanapin ang sagot
mula sa loob ng parihaba. Maaaring ulitin ang iyong sagot.

Taon Signal na Kataga

Talang Parentetikal et al.

Dokumentasyon

A. Basahin ang mga sumusunod na pahayag at ibigay ang


hinihinging tamang sagot.
____________ 1. Makikita ito sa loob ng pagtalakay ng pananaliksik.
____________ 2. Ito ay makikita sa unahan ng impormasyon.
____________ 3. Ito ay in-text na dokumentasyon na ginagamitan ng
ampersand (&).
____________ 4. Ito ay makikita sa hulihan ng impormasyon.
____________ 5. Ito ay in-text na dokumentasyon na hindi ginagamitan ng
ampersand (&).
____________ 6. Ito ay nilalagay pagkatapos ng apelyido ng awtor.
____________ 7. Ito ang tanging paraan na pwedeng itala ang hanguan na
walang awtor.
____________ 8. Ano ang isusulat kung mahigit sa dalawa ang awtor?
____________ 9. Ito ay pangangalap at pagsasaayos ng mga materyal.
____________10. Ito ay nagbibigay ng kredibilidad sa mga datos o
impormasyon na nakalap.

B. Oo at Hindi. Suriin ang mga impormasyon at tukuyin kung ito ay


halimbawa o bahagi ng Signal na Kataga o Talang Parentetikal. Isulat ang
Oo kung ito ay halimbawa o bahagi habang Hindi naman kung ito ay hindi
halimbawa o bahagi.

Signal na Kataga
11. para kay
12. 2009
13. Bernales

Talang parentetikal
14. (Bernales, et al., 2009)
15. Bernales (et al., 2009)

3
BALIKAN

Balikan natin ang nakaraang aralin. Punan ang talahanayan sa ibaba batay
sa hinihingi nito.

Paksa Hanguang Hanguang Paraan ng


Primarya Sekundaryo Pangangalap
(Survey,
Panayam,
Imersiyon)
1. Depresyon sa Biktima ng
mga Kabataan Depresyon,
Balita, Website Panayam
DSWD, DOH

2. Sanhi ng
Broken Family
3. Epekto ng
Online Game sa
Pag-aaral
4. Impluwensiya
ng KDrama
5. COVID 19

TUKLASIN
Paramihan ng mga Salita. Punan ang graphic organizer sa ibaba.

Magbigay ng mga bagong salitang mabubuo mula sa salitang


DOKUMENTASYON

DOKUMENTASYON

4
SURIIN

ARALIN 1 - PAGSASAAYOS NG DOKUMENTASYON

Sa pangkalahatang terminolohiya, ang dokumentasyon ay pangangalap at


pagsasaayos ng mga materyal tulad ng mga teksto, bidyu, aklat, magasin at iba
pang ginamit sa isang akademikong sulatin (Bernardino, et al., 2016).
Ayon sa AMA Online Education (2020), mahalaga ang pagsasagawa ng
dokumentasyon at may ilan itong tungkuling ginagampanan sa isang pananaliksik:

• Ito ay nagbibigay ng kredibilidad sa mga datos o impormasyon


na nakalap ng mananaliksik;

• Ito ang nagbibigay ng kapani-paniwalang impresyon sa isang pananaliksik lalo


kung binabanggit dito ang mga awtor na pinaghanguan ng mga
datos,

• Ito ay ang nagsisilbing ebidensya o patunay na balido ang mga nailatag na


impormasyon sa isang pananaliksik

• Nakatutulong ang dokumentasyon upang makita ang partikular na sanggunian


upang maiwan ang plagiarism o plahiyo.

In-text Citation

Ang in-text na dokumentasyon ay makikita sa loob ng pagtalakay ng


pananaliksik. Sa pagkakataong gumamit ang mananaliksik ng ideyang hinango sa
iba, kailangang malaman ng mga mambabasa kung saan nagsimula ang ideyang
hiniram at saan nagtapos. Samakatuwid, kailangang ipakilala ng mananaliksik
ang pinaghanguan ng datos sa pamamagitan ng pagbibigay ng apelyido at taon ng
pagkalimbag ng aklat na pinaghanguan sa dalawang pamamaraan, ang parentikal
na pamamaraan at ang paggamit ng kataga bilang signal (Bernales, et al., 2012).

Uri ng In-text na Dokumentasyon sa paraang APA

1. Signal na kataga. Ginagamitan ito ng mga signal tulad ng Ayon


kay/kina/sa, Batay kay/kina/sa, Binigyang diin ni/nina/sa at iba pa. Ang signal
na kataga ay nasa unahan ng ideya makikita at tanging ang taon ng
pagkakalimbag ang nakapaloob sa panaklong. Kung dalawa ang awtor, dapat
gamitin ang at at hindi ampersand (&) bilang panghiwalay sa dalawang awtor.
Madalas na gamitin ito maliban na lamang sa mga hanguang walang mga awtor.

Halimbawa:
Binigyang diin ni Santos (2008) na ang wika ay isang behikulo upang
magkaunawaan ang…

5
2. Talang Parentetikal- Ang talang parentetikal ay sa katapusan ng ideya
makikita at parehong nakapaloob sa panaklong ang apelyido ng awtor at ang taon
ng pagkaalimbag ng aklat. Kung dalawa ang awtor, gamitin ang ampersand (&)
bilang panghiwalay sa dalawang awtor. Maaaring gamitin ang talang parentetikal
sa iba’t ibang hanguan subalit tanging sa parentetikal na pamamaraan lamang
pwedeng maitala ang mga hanguang walang awtor, gaya ng website o aklat na
walang awtor.

Halimbawa:
Ang wika ay isang pangunahing behikulo upang magkaunawaan ang… (Santos,
2008).

Maraming pamamaraan ang in-text na dokumentsayon, at ilan dito ay


nakadepende sa uri ng hanguan ng ideya. May mga pangkalahatang pormat sa
pagtatala ng in-text tulad ng mga sumusunod:

A. Isang awtor

Ayon kay Halliday (1973), may gamit na instrumental ang wika. Tumutulong ito
sa mga tao upang maisagawa ang mga bagay na gusto niyang gawin.

May gamit na instrumental ang wika. Tumutulong ito sa mga tao upang
maisagawa ang mga bagay na gusto niyang gawin (Halliday, 1973).

B. Dalawang awtor

Batay sa pag-aaral na ginawa nina Carpenter at Readman (2006), ang pisikal na


kapansanan tulad ng kapansanan sa mga paa, pagkabulag, pagkapipi at iba pa
y isang malaking hadlang sa mga aktibidades sa pang-araw-araw na
pamumuhay ng mga ito.

Ang pisikal na kapansanan tulad ng kapansanan sa mga paa, pagkabulag,


pagkapipi at iba pa y isang malaking hadlang sa mga aktibidades sa pang-araw-
araw na pamumuhay ng mga ito (Carpenter & Readman, 2006).

C. Tatlo hanggang limang awtor

Sa pananaliksik nina Oller, et al. (2007) ay nagmungkahi na ang mga bilinguwal


na mga mag-aaral ay maaaring magkaroon ng maliit na leksyon sa bokabularyo
kumpara sa mga hindi bilingguwal na siyang dapat mas pagtutuunan sa
pagtuturo ng bokabularyo.

Iminumungkahi na ang mga bilinguwal na mga mag-aaral ay maaaring


magkaroon ng maliit na leksyon sa bokabularyo kumpara sa mga hindi
bilingguwal na siyang dapat mas pagtutuunan sa pagtuturo ng bokabularyo
(Oller, et al., 2007).

6
D. Grupo o Institusyon
Ayon sa Komisyon sa Wikang Filipino (2009), ang muling pagrebisa ng Ortograpiya
ay ibinunsod ng di-ganap na pagtupad sa Kautusang Pangkagawaran ng 1987.

Ang muling pagrebisa ng Ortograpiya ay ibinunsod ng di-ganap na pagtupad sa


Kautusang Pangkagawaran ng 1987 (Komisyon sa Wikang Filipino, 2009).

E. Walang awtor

Sa pangkalahatan, sa bawat stick ng sigarilyo na nauubos ng mga naninigarilyo


ay labindalawang minuto ang nababawas sa buhay ng mga ito (A Fistful of
Risks, 1996, pp. 82).

F. Di-direktang hanguan

Binigyang diin ni Gleason (1995, sa Bernales, 2009) na ang wika ay isang


masistemang balangkas na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang
magamit ng mga taong nasa iisang komunidad.

Ang wika ay isang masistemang balangkas na pinili at isinaayos sa paraang


arbitraryo upang magamit ng mga taong nasa iisang komunidad (Gleason, 1995,
sa Bernales, 2009).

G. Website na walang awtor o hanguang elektroniko

Ang AIDS ay isang seryosong karamdaman at isang nakamamatay na sakit. Sa


mahigit na 20 taon na nakalipas, ang mga manggagamot sa Estados Unidos ang
unang nakakilala ng naturang sakit at kinakitaan ng unang kaso lalo na sa San
Francisco. Sa kasalukuyan, mayroong naitala na 42 milyong kaso ng sakit na
HIV AIDS sa buong mundo at mahigit na tatlong milyon ang namamatay sa
ganitong sakit sa bawat taon (http://www.kidshealth.org).

Basahin ang mga sumusunod na pahayag at ibigay ang hinihinging tamang


sagot.
____________ 1. Makikita ito sa loob ng pagtalakay ng pananaliksik.
____________ 2. Ito ay makikita sa unahan ng impormasyon.
____________ 3. Ito ay in-text na dokumentasyon na ginagamitan ng
ampersand (&).
____________ 4. Ito ay makikita sa hulihan ng impormasyon.
____________ 5. Ito ay in-text na dokumentasyon na hindi ginagamitan ng
ampersand (&).
____________ 6. Ito ay nilalagay pagkatapos ng apelyido ng awtor.
____________ 7. Ito ang tanging paraan na pwedeng itala ang hanguan na
walang awtor.

7
____________ 8. Ano ang isusulat kung mahigit sa dalawa ang awtor?
____________ 9. Ito ay pangangalap at pagsasaayos ng mga materyal.
____________10. Ito ay nagbibigay ng kredibilidad sa mga datos o
impormasyon na nakalap.

Para sa dagdag na impormasyon hinggil sa paksa maaaring bisitahin ang kasunod


na link https://www.slideshare.net/MNOlaguer24/paggamit-ng-iba-t-ibang-
sistema-ng-dokumentasyon

Ngayong alam mo na ang pagsasaayos ng iyong mga datos at tala ay maari mo ng


balikan muli ang iyong burador upang maisulat ang pinal na sipi ng iyong
pananaliksik. Para maisagawa ito nang maayos basahin at suriin muna ang kasunod
na aralin.

ARALIN 2 - PAGBUO NG PINAL NA DRAFT

Sadyang napakahalaga sa isang sulating pananaliksik ang nilalaman o ang


ideyang pinaabot niyon sa mambabasa. Ngunit kasinghalaga niyon ang matuto at
masanay ang mananaliksik sa wasto at mabisang presentasyon nito - ang wastong
pormat, margin, indensiyon, at iba pa. Bahagi ito ng disiplina ng isang
mananaliksik. Sinasalamin kasi nito ang kanyang kultura sa pananaliksik at
sinop sa paggawa.

Isa sa pinakamainam na gagawin sa pagsulat ng teksto ay ang pagpuna sa


kakulangan at kahinaan ng isinulat. Sa bahaging ito nagaganap ang pag-eedit at
pagrerebisa ng draft o burador batay sa wastong gramatika, bokabularyo at
pagkakasunod- sunod ng mga ideya o lohika ( Bernales, et al., 2009). Maaaring
ang pagbabago sa isinulat ay ang nilalaman o istruktura ng papel (Magracia, et al.,
2008).

Paraan upang madaling mabago, mapaunlad ang pinal na draft sa papel


pananaliksik


Ang tuntunin sa gramatika sa paggamit ng malaking titik ay kailangang
istriktong masunod sa pagsulat ng pamanahong papel tulad ng sa simula ng
mga pangungusap, pangngalang pantangi, mga dinaglat na titulo, mga titulong
pantawag tulad Mang, Aling, Padre at iba pa. Ang tanging ekspresyon sa mga
tuntuning ito ay pamagat bilang at pamagat ng bawat kabanata sa katawan ng
pamanahong-papel na isinusulat ng buo sa malalaking titik (all caps)

Basahing mabuti ang papel pananaliksik.

Mainam na iprint ang papel upang mas maging madali ang pag-edit ng papel
pananaliksik

Tingnan din ang bahaging layout ukol sa ayos ng pahina, laki ng font na gagamitin,
spacing, ilustrasyon kung mayroon at iba pa

8
Organisasyon ng Papel

Matapos mong isaayos at suriin ang mga nakalap mong tala, ang susunod
mo namang gagawin ay kung paano mo i-o-organisa ang mga kaisipang ito upang
maisulong mo ang tesis ng iyongsulating pananaliksik. sa pag-oorganisa ng papel,
isinasaalang-alang ang tesis at ang mga datos o impormasyong nasuri.

Mahalaga ang organisayon ng papel sa pagsulat ng pananaliksik sapagkat


ito ang susi upangmadaling maunawaan ang iyong papel, kaya nararapat lamang
na humanap ng paraan upangmahusay na mapagtagni-tagni ang mga talang
nakalap.Maaari mong gamitin ang alinman sa sumusunod na mga prinsipyo sa
pag-oorganisa ng papel:

▪ Kronolohikal– Ginagamit ang prinsipyong ito kung ang datos o impormasyon ay


ayon sa pagkakasunod-sunod ng pangyayari. Kung ang iyong paksa ay
naglalahad ng proseso o pangyayari o maging kasaysayan
Halimbawa: Ang political dynasty sa Pilipinas
Ang ebolusyon ng telepono


Heyograpikal o batay sa espasyo–Ginagamit ito kung ipakikita at ipaliliwanag
anglokasyon, lugar, o iba pang paggamit ng espasyo

Halimbawa: Ang mga Internet café sa paligid ng mga paaralan at Pamantasan


Ang sistema ng edukasyon sa kabihasnan


Komparatibo – Ginagamit kapag nais ipaliwanag o ipakita ang pagkakatulad at/o
angpagkakaiba ng dalawang bagay, tao, prinsipyo o kaisipan.

Halimbawa: Ang paggamit ng e-book at ng tradisyonal na aklat


Ang mano-manong pagbilang ng boto at PCOS machine


Sanhi/Bunga - Ginagamit kung nais bigyang-diin ang sanhi at bunga ng isang
paksang sinisiyasat.

Halimbawa: Ang kahihinatnan ng mga mag-aaral na nalululong sa Computer


Games Ang dahilan ng maagang pag-aasawa


Pagsusuri – Ang prinsipyong ito ay ginagamit kung nais ipakita ang paghihimay-himay
ng isang buong kaisipan.

Halimbawa: Ang katotohanan sa likod ng modus na “tanim/laglag – bala”

Ang mga nabanggit ay isa ilan lamang sa mga prinsipyong ginagamit sa


organisasyon ng papel. Maaaring gumamit ng higit sa isang prinsipyo upang ma-
debelop ang iyong papel.

9
Piliin ang tamang pagkakasulat ng dokumentasyon. Titik lamang ang isulat.
1. a. Ang parentikal na pamamaraan at ang paggamit ng kataga
bilang signal (Bernales, et al., 2012).
b. Ang parentikal na pamamaraan at ang paggamit ng kataga bilang
signal (Bernales, et al., (2012).

2. a. Ayon kay (Klazema, 2020), Ang pamanahong-papel na nasa


kwantiteytib na pananaliksik ay isang emperikal.
b. Ayon kay Klazema (2020), Ang pamanahong-papel na nasa
kwantiteytib na pananaliksik ay isang emperikal.

3. a. Ayon sa (CHED, 2020), wala munang tatanggapin na iskolar sa taong-


aralan na ito.
b. Ayon sa CHED (2020), wala munang tatanggapin na iskolar sa taong-
aralan na ito.

4. a. Ang paggamit ng ideya at/o salita na hindi nagbibigay ng


karampatang pagkilala ay isang seryosong krimen na tinatawag na
plagyarismo (Phurr at Busemi, 2005).
b. Ang paggamit ng ideya at/o salita na hindi nagbibigay ng
karampatang pagkilala ay isang seryosong krimen na tinatawag na
plagyarismo (Phurr & Busemi, 2005).

5. a. Walang rehiyonal na mga patimpalak Deped, 2020.


b. Walang rehiyonal na mga patimpalak (Deped, 2020).

6. a. Huwag magnakaw ng mga salita; sipiin ang mga ito at bigyan ng


karampatang pagkilala (Atienza, et al., 1996, sa Bernales et al., 2008).
b. Ayon kina Atienza et al. (1996) sa Bernales et al., (2008) huwag
magnakaw ng mga salita; sipiin ang mga ito at bigyan ng karampatang
pagkilala

7. a. Ayon kina Bernales, et al. (2000), ang sumusumod ay mga katangian


ng isang mabuting mananaliksik: masipag, matiyaga, maingat,
sistematiko at kritikal/mapanuri.
b. Ayon kina, ang sumusumod ay mga katangian ng isang mabuting
mananaliksik: masipag, matiyaga, maingat, sistematiko at
kritikal/mapanuri Bernales, et al. (2000).

8. a. Ang pananaliksik ayon kay O’Hare at Funk (2000) ay isang


pangangalap ng impormasyon galling sa iba’t ibang hanguan sa
pamamaraang impormatibo obhetibo.
b. Ang pananaliksik ay isang pangangalap ng impormasyon galling sa
iba’t ibang hanguan sa pamamaraang impormatibo obhetibo (O’Hare at
Funk, 2000).

10
PAGYAMANIN

I. Sipiin ang mga sumusunod na pangungusap at lagyan ang bawat isa ng


wastong dokumentasyon. Gamitin ang dalawang uri ng in-text na dokumentasyon
sa paraang APA. Dawalang (2) puntos bawat bilang.

1. Gabay sa Ortograpiyang Filipino, 2007

Ang Batas Komonwelt Blg. 579 na pinagtibay ng Kongreso ay nagpapahayag na


ang Wikang Pambansang Pilipino ay isa na sa mga wikang opisyal ng Pilipinas.

_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

2. Mula sa Komisyon sa Pagsulat sa Pilipinas, 2003


Ang suporta ng gobyerno at pribadong sektor sa komisyon ay napakalaking
tulong lalo na sa larangan ng pagsulat.

_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

3. Mula kay Cooney, 2008

Sa kabila ng kahinaan ng tula, mababanaag pa rin ang kalakasan ng proyekto sa


mga huling bahagi ng suri. Dito natanto na maaari pa lang makaapekto ang isang
reyalisasyon sa isang kritik na isinagawa sa mga buhay ng mga mambabasa nito.

_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

4. Mula sa akdang Webster’s New Biblical Dictionary, 1998

Inilarawan si William James bilang “American psychologist and philosopher”.


Ang paglalarawang ito ay napakalaking tulong upang tuluyang umangat ang
karera niy.

_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

11
5. Mula sa website ng Social Security Administration ng Gobyerno, 2010
“Kapag nahuli na umaabuso sa katungkulan ang isa ng empleyado ay
papatawan siya nang nauukol na kaparusahan upang di pamarisan ng iba.”

_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

6. Sinabi ng McCullough sa Truman’s Campaign, 2009

“No President in history had ever gone so far in quest of support from the people,
or with less cause for the effort, to judge by informed opinion.”

_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

7. Mula sa akda nina Cassambre at Alcantara, 200 sa Santos, 2006

Walang makabuluhang kaibahan ang pag-unawa ng mga nakinig ng mensahe sa


wikang Filipino at sa mga nakinig ng mensahe sa Ingles.

_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

8. Mula sa akdang Kapag Pumula ang Tubig, 2001

Nagaganap ang red tide kapag biglaan at mabilisan ang pagdami o pagkapal ng
bilang ng pagkaliliit na mga dinoflagellate.

_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

9. Mula sa akda nina Bernales, Gabuya, Gonzales, Ledesma at Tuazon, 2001

May boom ngayon sa real estate bunga ng pagdami ng nag-i-invest dito.

_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

10. Mula sa akda nina Atienza, et al., 1996, sa Bernales, et al., 2010

Ang hindi pagkilala sa pinagmulan ng mga hiram na salita/ideya ay isang uri ng


pagnanakaw ng intelektuwal na pag-aari ng iba sa larangan ng pananaliksik,
pamamahayag at literatura na tinatawag na plagyarismo.

_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

12
ISAISIP

Ang lahat na hindi atin ay huwag nating angkinin. Malaking bagay ang datos
na nakalap dahil dito nakasalalay ang kredibilidad ng tekstong gagawin. Ngunit ang
hindi pagkilala sa may-ari ng impomasyon ay maituturing na isang krimen.

Sa mundo ng pagsusulat, maraming kailangang isaalang-alang lalong lalo


na ang ating kredibilidad. Maaaring lahat ng mga pinaghirapan ay mawawalan ng
saysay.

Hindi lamang layunin sa pagsulat ng teksto ang matapos, layunin din nito
ang maiwasto ang pagkakamali. Bilang mag-aaral kapag gagawa tayo ng proyekto
lalo na kapag ito ay sulatin, nakakalimutan natin maglaan ng panahon para ito ay
basahin at iwasto. Ipapasa nalang natin ito kahit maraming mali. Isang
pangangailangan ang pagkakaroon ng panahon upang makita ang kakulangan
nang sa gayon ay hangga’t maaari ay error-free ang gagawing sulatin.

Bilang paglalahat,

1. Ano ang magiging epekto kung hindi bibigyan ng pagkilala ang mga
impormasyon na nakuha ng manunulat?
2. Mayroon bang perpekto na sulatin?

ISAGAWA

Ibabalik sa iyo ang burador na una mong ginawa, iwawasto mo ito ayon sa mga
pagbabago na ginawa ng guro. Isasaayos mo rin ang dokumentasyon. Pagkatapos,
balik ito sa guro kasama ang unang burador na ginawa

Pamantayan sa Pagbibigay ng Puntos

Kohirens. Kakayahang maipakita ang ugnayan ng mga ideya.

1 2 3 4 5 6

6- Lahat ng mga ideya ay magkakaugnay sa isa’t isa.


5- Halos lahat ng mga ideya ay magkakaugnay sa isa’t-isa.
4- Maraming mga ideya ang magkakaugnay sa isa’t isa.
3- Maraming ideya ang hindi magkakaugnay sa isa’t isa.
2- Iilan lang ang mga ideya na magkaugnay sa isa’t isa.
1- Walang magkakaugnay na mga ideya.

13
Kaisahan. Malinaw na magkaugnay sa isa’t isa ang ideya.
1 2 3 4 5 6

6- Lahat ng mga ideya ay may kaisahan.


5- Halos lahat ng ideya ay may kisahan.
4-Maraming ideya ang may kaisahan.
3-Maraming ideya ang walang kaisahan.
2- Iilan lang ang ideya ang may kaisahan.
1- Walang kaisahan ang mga ideya.
Empasis. Naka-highlight o nabigyang-diin ang mahahalagang punto.
1 2 3 4 5 6

6- Nabigyang-diin ang lahat ng punto.


5-Nabigyang-diin ang halos lahat na punto.
4-Nabigyang-diin ang maraming punto.
3- Maraming hindi nabigyang-diin na mga punto.
2-Iilan lang ang nabigyang-diin na mga punto.
1-Walang nabigyang-diin na mga punto.

Kasapatan. Sapat ang materyal- halimbawa, detalye, paliwanag at mga


ebidensya/datos.
1 2 3 4 5 6

6-Sapat ang materyal.


5-Halos sapat ang materyal.
4-Maraming sapat ang materyal.
3- Maraming hindi sapat na materyal.
2- Iilan lang ang materyal.
1- walang materyal

Kasanayan sa Pangungusap. Wastong gamit ng balarila gaya ng bantas, baybay


at maging pormat na ibinigay ng guro at aspekto ng pandiwa.
1 2 3 4 5 6

6- Wasto ang lahat ang pagkagamit ng balarila.


5-Halos wasto lahat ang pagkagamit ng balarila.
4-Maraming wasto na pagkagamit ng balarila
3-Maraming hindi wasto na pagkagamit ng balarila
2-Iilan lang ang wasto na pagkagamit ng balarila.
1-Walang wasto na pagkagamit ng
balarila Puntos ___________________

14
Natapos mo na ang asignaturang ito, ang mga impormasyon at
kaalamang naunawaan sa loob ng labindalawang (12) modyul ay
maisakatuparan at maililipat na sa pinal na sulating pananaliksik
na iyong ipapasa sa guro. Maraming salamat sa pagpupursige na
tapusin ang bawat modyul, at sa iyong pagtitiyaga sa pagbabasa at
pagsusuri sa mga tekstong naging bahagi ng ating talakayan.
Ipinamalas mo ang iyong kasipagan at kagalingan. Tunay na ikaw
ay isang responsableng mananaliksik. Ipagpatuloy ang mabuting
bagay na nasimulan.

BINABATI KITA!!!

TAYAHIN

PANGWAKAS NA PAGTATAYA

Bago natin tapusin ang ating talakayan, magkakaroon muna tayo ng


pagrerepaso kung nadagdagan ba ang ating kaalaman tungkol sa paksa. Hanapin
sa loob ng parihaba ang sagot. Maaaring ulitin ang iyong sagot.
Taon Signal na Kataga

Talang Parentetikal et al.

Dokumentasyon

A. Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pahayag at ibigay ang


hinihinging tamang sagot sa bawat pahayag.
____________1. Makikita ito sa loob ng pagtalakay ng pananaliksik.
____________ 2. Ito ay makikita sa unahan ng impormasyon.
____________ 3. Ito ay in-text na dokumentasyon na ginagamitan ng ampersand (&).
____________ 4. Ito ay makikita sa hulihan ng impormasyon.
____________ 5. Ito ay in-text na dokumentasyon na hindi ginagamitan ng
ampersand (&).
____________ 6. Ito ay nilalagay pagkatapos ng apelyido ng awtor.
____________ 7. Ito ang tanging paraan na pwedeng itala ang hanguan na walang
awtor.
____________ 8. Ano ang isusulat kung mahigit sa dalawa ang awtor?
____________ 9. Ito ay pangangalap at pagsasaayos ng mga materyal.
____________ 10. Ito ay nagbibigay kredibilidad sa mga datos o impormasyon na
nakalap.

15
B. Oo at Hindi. Isagot ang Oo kung ito ay Signal na kataga o Talang
Parentetikal at Hindi kung hindi naman.

Signal na kataga
11. para kay
12. 2009
13. Bernales

Talang parentetikal
14. (Bernales, et al., 2009)
15. Bernales (et al., 2009)

KARAGDAGANG GAWAIN

Repleksiyon: Isulat sa Activity Sheet ang iyong sagot.

1. Isang halimbawa ba ng pagnanakaw ang hindi pagkilala sa pinagmulan


impormasyon? Bakit?

2. Paano nakakaapekto ang pagsasaayos ng dokumentasyon sa pagbuo ng pinal


na burador?
Pamantayan sa Pagbibigay ng Puntos

Kaisahan ng mga ideya


1 2 3 4 5
5- Lahat ng mga ideya ay may kaisahan.
4-Halos lahat ng ideya ay may kisahan.
3-Maraming ideya ang may kaisahan.
2-Iilan lang ang ideya ang may kaisahan.
1-Walang kaisahan ang mga ideya.

Kasapatan ng mga impormasyon


1 2 3 4 5
5-Sapat ang materyal.
4-Halos sapat ang materyal.
3-Maraming sapat ang materyal.
2- Iilan lang ang materyal.
1- walang materyal

Kaugnayan ng mga ideya sa isa’t isa


1 2 3 4 5
5-Lahat ng mga ideya ay magkakaugnay sa
isa’t isa.

4-Halos lahat ng mga ideya ay


magkakaugnay sa isa’t-isa.

16
3-Maraming mga ideya ang magkakaugnay
sa isa’t isa.

2-Iilan lang ang mga ideya na magkaugnay


sa isa’t isa.

1-Walang magkakaugnay na mga ideya.

Puntos: _________

Hindi ibig sabihin na tapos na ang taong-panuruan ay tapos narin


ang iyong pagkatuto. Ang karunungan ay hindi nagsisimula at hindi
natatapos sa silid-aralan. Hangga’t may karunungan kang nakukuha,
patuloy ang iyong pagkatuto. Ang mundo ang ating pinakamalaking silid-
aralan at sa loob ng mundong ito, minu-minuto, oras-oras, araw-araw
patuloy tayong natututo.

Maraming Salamat!

17
SUSI NG PAGWAWASTO

.15 HIndi

.14 Oo .8 a

.13 Hindi .7 a

.12 Hindi .6 a

.11 Oo .5 b

.10 Dokumentasyon .4 b

.9 Dokumentasyon .3 b

.8 et .al .2 b

.7 Talang Parentitikal .1 a

.6 Taon Gawain 1

.5 Signal na Kataga .10 Dokumentasyon

.4 Talang Parentitikal .9 Dokumentasyon

.3 Talang Parentitikal .8 et al.

.2 Signal na Kataga .7 Talang Parentitikal

.1 Dokumentasyon .6 Taon

na Pagtataya .5 Signal na Kataga


Panimulang Pagtataya/ Pangwakas
.4 Talang Parentitikal

.3 Talang Parentitikal

.2 Signal na Kataga

.1 Dokumentasyon

SURIIN -Aralin 1

18
TALASANGGUNIAN

A. AKLAT

Altes, J. A.et al. Kognitibong Pagbasa at Lohikal na Pagsulat Tungo sa


Akademikong Pananaliksik. Davao City: Blue Patriarch Publishing House, 2015
Bandril, L. T. et al Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik. Quezon City: Vibal Group, 2016

Bernales, R. A. et al. Pagbasa, Pagsulat at Introduksyon sa Pananaliksik: Batayan


at Sanayang-aklat sa Filipino 2. Malabon City: Mutya Publishing House, Inc.,
2012

Bernales, R. A. Pagbasa, Pagsulat, Pananaliksik: Batayan at Sanayang- Aklat sa


Filipino 2, Antas- Tersyarya. Malabon City: Mutya Publishing House, Inc., 2009

Bernales, R. A. Retorika: Ang Sining ng Pagpapahayag. Malabon City:Mutya


Publishing House, Inc., 2009

Bernardino, E. C. et al. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto sa


Pananaliksik. Malabon City: Mutya Publishing House, Inc., 2016

Garcia, T. P. et al Mabisang Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik. Malabon


City: Mutya Publishing House, Inc., 2008.

B. WEBSITE

https://modules.arvicbabol.com/files/FILI112/Lesson%2020%20Pagsulat%20ng%20Dokumentasyon
Pagsulat%20ng%20Pananaliksik%20(IMRD).pdf

https://www.academia.edu/31675570/PAGSASAAYOS_NG_DOKUMENTASYON_at_BULLET_
WASTONG_PAGGAMIT_NG_MGA_MATERYAL_NA_PAGKUKUNAN_NG_DATOS?auto=do
wnload (

https://modules.arvicbabol.com/files/FILI112/Lesson%2021%20Pagsulat%20ng%20Pinal%20na%20
Draft.pdf

https://www.academia.edu/31675570/PAGSASAAYOS_NG_DOKUMENTASYON_at_BULLET_WASTO
NG_PAGGAMIT_NG_MGA_MATERYAL_NA_PAGKUKUNAN_NG_DATOS

https://www.academia.edu/36097970/ARALIN_5_Pagsulat_ng_Pinal_na_Pananaliksik_Ang_mga_N
akalap_na_Tala

19
For inquires or feedback, please write or call:
Department of Education – (Bureau/Office)
(Office Address)
Telefax:
Email Address

You might also like