You are on page 1of 2

PANUKALA PARA SA KARAGDAGANG POSTE NG ILAW SA BARANGAY SAN VICENTE

Mula Kay Rommel Serantes


Purok Alpine
Barangay San Vicente
Binalbagan Neg. Occ.
Ika-11 ng Marso 2021
Haba ng Panahong Gugugulin: Humigit Kumulang isa (1) taon at anim (6) na buwan

Pagpapahayag ng Suliranin

Ito ay isang proposal para sa 40 poste ng ilaw para sa aming Barangay,


Barangay San Vicente sa purok Alpine . Ang 40 poste ng ilaw ay itatayo sa kalsada ng
nasabing purok alpine lalo na’t ito ay may mga madidilim na lugar na kadalasan ay
pinangyayarihan ng aksidente at krimen. Sana ay maibigay kaagad sa amin ang mga
ilaw upang maging ligtas ang mga tao sa barangay at magabayan ang mga motorist na
dumadaan sa lugar na ito lalo na kung may emergency.

Layunin

Ipinapanukala ang pagbili at pagpapatayo ng mga poste ng ilaw na magagamit


ng barangay upang mabawasan ang bilang ng aksidente sa mga motorist, ang
kaligtasan ng mga gumagamit ng kalsada ay may kasiguraduhan, at maraming mga
turista ang mga makakagamit ng kalsada sa Barangay San Vicente

Plano na dapat gawin


A. Pag-apruba ng Badyet
B. Pag sorbey ng Lugar
C. Paggawa ng plano kasama ang mga inhinyero
D. Pag-Bidding
E. Paghahanap ng mga kinakailangang tao para sa proyekto
F. Pagtatayo ng mga poste ng ilaw
G. Paggamit at pagsusuri kung maayos ang mga ito
Badyet at mga kailangang Materyales
Kabuuang kinakailangang Badyet: P1,000,000.00
Kinakailangang Materyales at Halaga:

Quantity Item Description Amount Total Amount

40 Street light Anchor Bolts and Template P516.00 P20,640.00


40 Street Lamp Post with base plate (10 ft)
(Single Curve arm Design) P6,900.00 P276,000.00
40 LED Street Light Bulb (100w) P3,897.00 P155,880.00
400m Electrical Wires P48.00/meter P12,200.00
20 sacks Cement P220/sack P4,400.00

Kabuuan: P464,720.00

Ang natitirang pera na P535,280.00 ay gagamitin para sa sahod ng mga


manggagawa at ng iba pang mga tauhan para sa pagtatayo ng mga poste ng ilaw.

Pakinabang:

Kapaki-pakinabang ang mga pagpapatayo ng mga poste ng ilang upang


magsilbing pinagmumulan ng liwanag sa gabi, mabawasan ang mga aksidente lalo na
ang mga aksidente sa sasakyan sa lugar tuwing gabi kaugnay ng kawalan ng poste ng
ilaw sa kalsada, at upang masigurado ang kaligtasan ng mga gumagamit ng kalsada
kagaya ng mga motorist, mga pasahero, mga turista at lalong-lalo na ang mga tao sa
komunidad para maiwasan ang mga maaaring mangyaring masama tuwing gabi.

You might also like