You are on page 1of 2

Takdang –Aralin 1.

1“ Ang Pag-ibig” Pangalan:_________________________________Seksyon:________________


Panuto:Salungguhitan ang tamang sagot na nasa loob ng panaklong.
1. Kapag ang isang akda ay naglalahad ng sariling palagay, pananaw o kuru-kuro ng manunulat tungkol sa isang paksa tinatawag itong
(talambuhay /balita/ sanaysay/ talumpati)
2. Ang paglahahad sa isang paksa upang maging kawili-wili ay kailangang mabisa at( malinaw / makatwiran/ mapitagan/ maligoy)
3. Ang taong tunay na nagmamahal sa kanyang kapwa ay handing( magpaalipin / magpakasakit/ magpakamatay /magdusa)
4. “Pag-ibig na labis na makapangyarihan,Sampung mag-aama’y iyong nasasaklaw,Pag ikaw ang nasok sa puso ninuman
Hahamakin ang lahat _____(madama ang pagmamahalan/maarok lang ang kalooban/mapayapa lamang ang buhay/masunod ka lamang)
5. Punan ang patlang ng angkop na salitang hango sa isang awit pansimbahan.
“Pagkat ang Diyos nati’y Diyos ng pag-ibig.Magmahalan tayo at magtulungan At kung tayo’y bigo ay huwag limutin Na may Diyos tayong
(nagmamasid / nagmamahal/nagpapatawad/ nagtuturo)
Panuto:Mayaman sa mga konotasyon o pahiwatig ang sanaysay. Pumili ng mga tiyak na pahayag na hango sa akda na may
kaugnayan sa mga sumusunod na nakatala sa ibaba. Titik lamang ang iyong isulat.
_____ 6. nawawalang saysay at nauuwi sa wala ang lahat sa balat ng lupa______ 9. dinaranas na hirap ng pag-aaaruga ng magulang sa anak
_____ .7 minsan, mapagkunwari ang pag-ibig ______ 10. pagtanaw ng utang na loob ng anak sa mga magulang
_____ 8. ang mabuhay sa mundo ay punung-puno ng kabalintunaan ng buhay sa ______ 11. bayang naghihirap ay giginhawa rin
ating inaasahan
Mga Piling Pahayag:
a. ang tinatawag na bayan ng hinagpis ay matutulad sa paraiso d. ang kasakiman at katampalasan ay mag-aanyo ring pag-ibig
b. ang anak ang magiging gabay at tungkod ng katandaan e. ang kabuhayan ay matutulad sa isang dahon na kahoy na niluoy ng init
at tinangay ng hanging mabilis
c. malawak na dagat ang ating mga kahirapan at pagdurusa f. ang nagbabatang mag-iwi ng sanggol
12. Ito ay nangangailangan ng maingat at mabisang paglalahad at ang pananalita’y pinipiling mabuti. Ang paksa ay pinag-uukulan ng
masusing pagaaral. (Maanyo o pormal /Malaya o palagayang sanaysay )
13.Madali mong makikilala ang ganitong uri ng sanaysay. May pagkamalapit o palagay ang loob ng sumulat sa mambabasa maging sa
ipinahihiwatig ng paksa o sa himig ng pananalita. . (Maanyo o pormal /Malaya o palagayang sanaysay )
14.Kara-karakang mapapawi sa balat ng lupa ang lahat ng pagkakapisan at pagkakaisa. Ang may salungguhit ay nangangahulugang
(magbabago /uunlad/ maglalaho / magsusulputan)
15. Sa aba ng mga bulag na isip na nararahuyo sa ganitong pag-ibig. Ang kasalungat na kahulugan ng may salungguhit ay
(nahuhumaling/nalilihis/ natutuon / nalalayo)
16. Ang kasakiman at katampalasan ay nag-aanyo ring pag-ibig. Tinutukoy sa pahayag na ito ang mga( manlolokong mangingibig
/mapagbalatkayong manunuyo/ tuso at materyalosong manliligaw / lahat ng nabanggit)
17. Malawak na dagat ng ating mga kahirapan at pagdurusa. Ang argumentong ito ay nagpapaliwanag na (mahiwaga ang buhay /masalimuot
ang pamumuhay/maligalig ang paglalakbay / ang mabuhay ay batbat ng pakikipagsapalaran)
18. Nang dahil sa pag-ibig marami ang minamahalaga pa ang buhay. Madarama mo sa pahayag na ito na( kaysarap mabuhay kung may
nagmamahal/ nabibili na ang pagmamahal/ makulay na daigdig ang buhay/ masigla ang buhay)
19. Kung susuriin, ang sanaysay ay nakatuon sa pagbibigay-puri sa ( pagpapakabuti ng tao/himalang gawa ng pag-ibig/pagbubuwis ng buhay/
pagkakawanggawa sa kapwa)
20. Kapansin-pansin na piling-pili ang ginamit na salita, parirala at pangungusap sa pagpapahayag ng (diwa /ideya at
argument/porma/sistema)
21. Sa kabuuan ng paglalahad sa sanaysay, tumutugon ito sa katangian ng (pormal /palagayan/ pahiwatig /talinghaga)
22. Higit na dakila ang pag-ibig ng taong (marunong umunawa sa kalagayan ng iba/ nakauunawa sa mga pagkukulang ng kapwa/nakalaang
magpaalipin sa iba/ handang magbuwis ng buhay para sa kanyang bayan)
23. Ang pag-ibig ay walang ibubunga kundi ang tunay na kaginhawaan at (kasaganaan/ kasarinlan/kadakilaan/kaligayahan)
24.Ang munting ligaya ay matimyas na nalalasap, Alin sa mga sumusunod ang tumutugon sa may salungguhit?( matamis/matingkad/
Masaya/masagana)
25.Ang paglalahad sa isang paksa upang maging kawili-wili ay kailangang mabisa at(malinaw / mahaba/maikli/maligoy)
26. Dahil sa pag-ibig, ang pinakadakilang maaaring gawin ng tao ay (magkaisa / mag-alay ng buhay magdamayan / magmahal)
Ang pagkakaisa na siyang kauna-unahang bunga niya ay isang lakas at kabuhayan at kung nagkaisa na’t nag-iibigan ang lalong
malalaking hirap ay magiging magaang pasanin.
27.Alin sa mga sumsusunod na salawikain ang may kaugnayan sa pahayag?(Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa/Gawain ay gumagaan,
kung nagtutulungan/Ang di-lumingon sa pinanggalingan, di makararating sa paroroonan/Walang mithiing di – makakamtan kung
pagsisikapan)
“ Kung ang magulang ay walang pag-ibig sa anak, sino ang magbabatang mag-iwi sa mga sanggol?
28.Ang pag-ibig na nabanggit dito ay ( Pag-ibig sa magulang/Pag-ibig sa anal/Pag-ibig ng anak sa magulang at magulang sa anak)
29.Ang sanaysay na “Ang Pag-ibig ay isang halimbawa ng (di pormal na sanaysay/masining na sanaysay/maanyong sanaysay)
30. . Ang mag-iwi sa salita ay nangangahulugang (mag-aruga/magsilang/magpalaki)
31.. Ang pahayag “ At sa inyong palagay mabubuhay naman kaya ang mga anak sa sarili lamang nila? Ay tanong na humihingi ng
kasagutang nagpapahayag ng: (pagsang-ayon/pagkabahala/opinyon/positibong tugon)
32. Tungkod ng katandaan ay matalinghagang parirala na nangangahulugang( baston ng matanda/kaagapay)
33. “Sa lahat ng damdaming ng puso ng tao ay wala nang mahal at dakila na gaya ng pag-ibig” ang pangungusap na ito ay nagpapakita ng
isang( salawikain/pasalaysay na pahayag/tanong/sipi o quotation)
34. Alin sa sumusuno na pamagat na maituturing nating pormal?(Pag-ibig ,Masdan ang ginawa mo/Pag-ibig,Pag-ibig ikaw ba ang
kasagutan?/Ang Diwa ng Pag-ibig/Istupidong pag-ibig)
35.Ang sanaysay na “Pag-ibig ay isinulat ni ( Dr. Jose Rizal/Emilio Jacinto)
36.Ang sanaysay na “ Ang Pag-ibig” ay isang halimbawa ng:( maanyong sanaysay/masining na sanaysay/di pormal na sanaysay)
37.Sa aba ng mga bulag na isip na nararahuyo sa ganitong pag-ibig.Anong ibig sabihin sa salitang may salungguhit.
(Pagkabighani/Pagkaduhagi).
38. “Ang kabuhayan ay matutulad sa isang dahon ng kahoy na niluoy ng init at tinangay ng hanging mabilis, ay tayutay na (Pagpapalit-
tawag/Pagpapalit-saklaw/pagsalungat/Pagtutulad).
39. “Kung ang pag-ibig ay wala,ang mga vayan ay hindi magtatagal”. Ang pahayag ay nagbibigay pahalaga sa anong uri ng pag-ibig? ( Pag-
ibig sa kapwa/Pag-ibig sa bayan).
40.Ang salitang niluoy ay nangangahulugang (nilanta/namatay/naawa)
41.Akdang pampanitikan kung saan ang akda ay isinalaysay ng isang taong sanay sa pagsasalaysay.(sanaysay/balagtasan)
42.Ang teoryang ginamit sa akdang “Paag-ibig” ay ( Pormalismo/Klasisismo)

Remarks 38-42 pts. Very Good 35-37 pts. Good 1-34 pts. Study!!!
.

You might also like