You are on page 1of 3

Jezette V.

Baron

BSE III-G

Sa Pula, Sa Puti

Ni Francisco Soc Rodrigo


Buod

Si Kulas at Celing ay ang magasawang hindi masyadong


mayaman o mahirap, katamtaman lang ang katayuan nila sa
buhay. Kaya lamang ang asawa nitong si Kulas ay nalululong
sa bisyo ng pagsasabong ng manok. Namomroblema itong si
Celing sa asawa sapagkat lagi nalang talo kung umuwi ang
asawang si kulas galing sa sabong. Kung kaya ay umisip siya
ng paraan para hindi sila tuluyang mabaon sa kahirapan.
Palihim niyang pinapupusta ang engot na kasambahay na si
Teban sa manok ng kalaban upang kahit manalo man o matalo si
kulas sa sabong ay wala pa ring talo.
Nagpatuloy ang ganoong Gawain hanggang sa isang araw ay
para yatang nawawalan nan g pag-asa itong si Kulas sapagakat
hindi naman daw pabor sa kanya ang suwerte kung kaya ay
nakapagdesisyon siyang iwan na ang pagsasabong. Ngunit
nagbago na lamang ang kanyang isip ng siya ay mapagpayuhan
ni Castor, kasamahan rin niya sa sabongan, sa mga sandaling
iyon ay tinuruan ni Castor si Kulas sa mga nararapat nitong
gawin na mga estratehiya upang manalo si kulas. Sa katagalan
ng kanilang pag-uusap, hangga ng sa muli nanamang nabuhayan
itong si Kulas a mananalo siya sa sabong sa pagkakataong
ito. Muli ay nanghingi siya perang pamusta sa sabong kay
Celing sabay nangakong kung matatalo pa siya sa pagkakataong
iyon ay malaya na si Celing na ihawin ang lahat ng kanyang
Tinali at nangako rin siyang kakalimutan na niya ang sabong.
Sumapit na nga ang oras ng pagsasabong at pumunta ng
palihim si Kulas na pumusta sa manok ng Kalaban gaya ng
itinuro ni Castor sa kanya. Pinapusta rin ni Aling Celing si
Teban sa manok ng kalaban. Ngunit sa di inaasahang
pangyayari ang manok ni Kulas na sadyang tinusok ng karayom
ang paa upang sadyang humina at tuluyang matalo ay siya
palang mananalo sa labanan ng mga tinali. Sa pagkakataong
iyon ay kapwa natalo sa sugal ang mag-asawang Kulas at
Castor at wala man lang silang nakuha kahit ni katiting na
kusing. At natupad ang kasunduan ng mag-asawa na iihawin ang
lahat ng tinali at magbabago na si Kulas sa kanyang bisyo ng
psgsusugal.

Mga Tauhan

a. Kulas – Mahilig magsabong. Pangunahing tauhan sa kwento .


b. Celing – Asawa ni Kulas na pumipigil sakanya sa Pagsasabong.
Sikretong pumupusta sa kalaban upang kahit matalo si Kulas
ay may pera parin sila.
c. Sioning – Kaibigan ni Celing
d. Castor – ang nagiimplusensya kay Kulas sa pagsasabong nito.
e. Teban – Ang inuutusan ni Celing sa pagpusta sa kalaban ni
Kulas.

Pagsusuri

 Panahong kinabibilangan

Ang dulang Sa Pula, Sa Puti ay nabibilang sa anuman panahon.


Sapagkat ang mga sitwasyon na nangyari ay makatotohanan
magpasahanggang ngayon.

 Teorya

Realismo. Ang tula ay pumapaloob sa teoryang realismo


sapagkat ang mga pangyayari sa kwento ay makatotohanan sa mga
pangyayari sa tunay na buhay ng tao. Halimbawa nito ang
pandadaya ni Kulas at Castor na siyang patuloy na nangyayari
hanggang ngayon na hindi maganda ang naiidulot sa bawat isa.
Ang pagkalulong rin sa sugal ay halimbawa nito.

 Gintong Kaisipan

Ang pandaraya at pagsusugal ay masamang gawain ayon na


rin sa pag- iwas sa pag-ibig sa salapi ayon sa Bibliya,
“Sapagkat ang pag-ibig sa salapi ay ugat ng lahat ng
kasamaan. Dahil sa paghahangad na yumaman, may mga taong
nalalayo sa pananampalataya at nasasadlak sa maraming
kapighatian.” (1 Timoteo 6:10). Hinihikayat rin tayo
ng Kasulatan na iwasan ang mga pagtatangkang yumaman sa
“madaling paraan” “Ang kayamanang tinangkilik sa walang
kabuluhan ay huhupa: nguni't siyang nagpipisan sa paggawa ay
mararagdagan.” (Kawikaan 13:11). Ang pagsusugal ay
kadalasang nakaugnay sa pag-ibig sa salapi at hindi
maipagkakailang maraming tao ang natutukso nito dahil sa
pangako ng madali at mabilis na pagyaman. Gayun din ang
pandaraya, gumagawa tayo ng isang bagay na di kanais-nais
upang mapadali ang mga bagay bagay na siyang nagdudulot ng
masama sa kapwa at sa paligid natin. Dito nagsisimula ang
kasakiman at pagkamakasarili ng isang tao. At hindi natin
ang alam ang pwedengkapalit ng lahat ng ginagawa natin na
hindi tama.

 Puna

Maayos ang pagkakalahad sa ng kwento. Naipahayag ng mabisa


at mauunawaan ng mga tao ang mga pangyayari na siyang madaling
naiugnay ang mga ito sa tunay na buhay at sitwasyon. Nagbigay ng
kapakipakinabang na aral sa mga tao.

You might also like