You are on page 1of 24

9

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 2:
Lipunang Politikal, Prinsipyo
ng Subsidiarity at Prinsipyo
ng Pagkakaisa
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 2: Lipunang Politikal, Prinsipyo ng Subsidiarity at
Prinsipyo ng Pagkakaisa
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o
trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-
aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan
nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Phoebe D. Diocares – Teacher ll, Ivy Joy C. Punto – Teacher I
Editor: Carlo C. Melendres- EPS-VE, Ramir G. Flores- MT I
Tagasuri: Arlene C. Bagayas – HT III,Fil.
Tagaguhit:
Tagalapat: Angelou D. Samillano, T-I
Tagapamahala: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Crispin A. Soliven Jr.,CESE -Schools Division Superintendent
Roberto J. Montero, EdD, CESE- Assistant Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Carlo C. Melendres, PhD – DEPS, EsP
Belen L. Fajemolin, PhD- CID Chief
Evelyn C. Frusa, PhD-Division EPS In Charge of LRMS
Bernardita M. Villano-Division ADM Coordinator
Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – SOCCSKSARGEN XII

Office Address Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address region12@deped.gov.ph
9

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 2:
Lipunang Politikal, Prinsipyo ng
Subsidiarity at Prinsipyo ng
Pagkakaisa
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao - 9 ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Lipunang Politikal,
Prinsipyo ng Subsidiarity at Prinsipyo ng Pagkakaisa !

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao – 9 ng Alternative Delivery


Mode (ADM) Modyul ukol sa Lipunang Politikal, Prinsipyo ng Subsidiarity at
Prinsipyo ng Pagkakaisa !

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.

iv
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

Alamin

Narinig mo na ba ang kasabihang “Ang tanging kailangan upang magtagumpay


ang kasamaan ay ang hindi pagkilos ng mga mabubuting tao.” (All that is necessary
for the triumph of evil is that good men do nothing). Kung minsan, hindi naman
sinasadya ng mga tao na wala silang gawin. Maaaring hindi lamang nila alam kung
ano ang papel nila at kung paano sila makatutulong. Kung minsan, akala nila ay
may iba nang gagawa. Sa takot na makagulo pa, lumalayo na lamang sila sa eksena.

Sa Modyul 1 ipinakita ang tunay na dahilan kung bakit may lipunan at


pangangailangan sa pakikipaglipunan. Sa loob ng lipunan ay may ugnayang umiiral
sa aspetong pampolitika. May mga gawaing kailangang bigyang-linaw upang hindi
maging hadlang sa pagkamit ng kabutihang panlahat.

Kung pagpapatakbo ng lipunan ang pag-uusapan, sino nga ba ang dapat


manguna rito? Ano ba ang inaasahan sa iyo bilang mabuting mamamayan? Ano ba
ang inaasahan ng taumbayan sa pamahalaan?

Sa modyul na ito ay inaasahang masasagot ang Mahalagang Tanong na: Paano


matutugunan o makakamit ng tao ang kaniyang pangangailangang
pangkabuhayan, pangkultura, at pangkapayapaan? Bakit mahalaga ang pag-iral
ng Prinsipyo ng Subsidiarity(pagtutulungan) at Prinsipyo ng Pagkakaisa?

Nakahanda ka na ba upang lalong maunawaan kung paano makakamit ng


lipunan ang kabutihang panlahat? Nakahanda ka na rin bang malaman kung ano
ang bahaging iyong nararapat na gampanan? Halika, simulan na natin.

1
Sa modyul na ito, inaasahang malilinang sa iyo ang sumusunod na
kaalaman, kakayahan, at pag-unawa:
2.1. Nakikilala ang:
a. Lipunang Politikal
b. Prinsipyo ng Subsidiarity
c. Prinsipyo ng Pagkakaisa
2.2. Nasusuri ang pag-iral o kawalan sa pamilya, paaralan, barangay,
pamayanan o lipunan/bansa ng : (a) Prinsipyo ng Subsidiarity at
(b) Prinsipyo ng Pagkakaisa
2.3. Naipaliliwanag ang Batayang Konsepto ng Aralin
2.4. Nakapagtataya o nakapaghuhusga kung ang Prinsipyo ng Subsidiarity at
Prinsipyo ng Pagkakaisa ay umiiral o nilalabag sa Pamilya, paaralan,
pamayanan (barangay), at lipunan/bansa

Subukin

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin
ang pinakaangkop na sagot at bilugan ang titik nito sa sagutang papel.

1. “May kailangan kang gawin na hindi mo kayang gawing mag-isa, tungkulin


ko ngayong tulungan ka sa abot ng makakaya ko. Ako naman ay may
kailangang gawin nang mag-isa, tungkulin mo ngayon na tulungan ako sa
abot ng makakaya mo.” Ang balangkas ay tumutukoy sa anong prinsipyo?
A. Prinsipyo ng Lipunan
B. Prinsipyo ng Pagkakaisa
C. Prinsipyo ng Subsidiarity
D. Prinsipyo ng kabutihang Panlahat

2. Ano ang tawag sa paraan ng pagsasaayos ng lipunan upang masiguro na ang


bawat isa ay malayang magkaroon ng maayos na pamumuhay, makamit ang
pansariling mithiin sabay ng kabutihang panlahat?
A. Panlipunan C. Pagtutulungan
B. Pampolitika D. Pagkakaisa

3. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng prinsipyo ng


Subsidiarity?
A. Paniningil ng buwis
B. Pagsasapribado ng mga gasolinahan
C. Pagkakaroon ng Public Bidding
D. Pagkakaloob ng lupang gagamitin para sa pabahay

3
4. Ano ang tawag sa proseso ng paghahanap sa kabutihang panlahat at
pagsasaayos ng sarili at ng pamayanan upang higit na matupad ang
layunin ng lipunan?
A. Lipunang Pang-ekonomiya C. Prinsipyo ng Pagkakaisa
B. Lipunang Politikal D. Prinsipyo ng Pagtutulungan

5. Sino ang may tungkulin na pangalagaan ang nabuong kasaysayan at


kinabukasan ng pamayanan?
A. Batas C. Kabataan
B. Mamamayan D. Pinuno

4
Modyul Lipunang Politikal,
Prinsipyo ng Subsidiarity at
2 Prinsipyo ng Pagkakaisa

Balikan

Sa mga natapos mong aralin sa Modyul 1, naging malinaw sa iyo na ang


lipunan ay insturmento sa pagkamit ng kaganapan ng isang tao. Tingnan mo ang
puzzle. Ano ang ibig nitong ipakita? Isulat ang sagot sa kahon na nasa ibaba.

P SIMBAHAN
A
M
I
L
Y
A

PAARALAN PAMAHALAAN

Tuklasin

5
Gawain 1

May nabasa ka ba tungkol sa lipunang politikal? Ano-ano naman kaya ang


mga karanasan mo na may kaugnayan sa mahahalagang aspektong ito sa iyong
buhay sa lipunan?

Panuto:

1. Balikan ang alam mo tungkol sa lipunang politikal. Mag-isip ng mga salitang


maiuugnay mo dito.
2. Isulat ang mga naisip na mga salita sa mga bilog sa ibaba.

LIPUNANG
POLITIKAL

3. Pagkatapos, sagutin ang mga sumusunod na tanong:


a. Alin sa mga salita sa mga bilog ang may kaugnayan sa lipunang politikal
ang hindi malinaw ang kahulugan sa iyo? Bakit?
b. Bakit mahalagang maunawaan ang kahulugan ng mga salita na
iniuugnay mo sa lipunang politikal?

6
Gawain 2
Panuto:

1. Balikan ang mga naranasan o nakita sa pamayanan, nabasa sa mga


pahayagan, narinig sa radyo o napanood na balita sa telebisyon tungkol sa
mga nagawa ng pamahalaan sa mga mamamayan nito.
2. Isa-isahin ang mga napansin na pagtutulungan ng mga mamamayan sa
kapuwa mamamayan at ang ginawang suporta ng pamahalaan sa kanila
kung mayroon man.
3. Isulat ang mga sagot sa kahon sa ibaba.

Mga Pagtulong na Nagawa ng Pamahalaan Mga Pagtutulungan ng mga Mamamayan sa


sa mga Mamamayan Kapwa Mamamayan at ang Suporta ng
Pamahalaan sa Kanila
Hal.: Pantawid Pamilyang Pilipino Hal.: Pagkakaloob ng Department of
Program(4Ps) Agriculture Reigion 12 ng pinansyal na
suporta sa samahan ng mga magsasaka ng
Koronadal city sa pagtataguyod at
pagbebenta ng kanilang mga organikong
produkto sa pagsasaka.
1. 1.

2. 2.

3. 3.

7
4. Sagutin ang mga tanong:
a. Anong uri ng ugnayan ang nararapat sa pagitan ng pinuno ng pamahalaan
at ng mga mamamayan?
b. Anong uri ng ugnayan naman ang nararapat sa pagitan ng mga
mamamayan sa kapwa mga mamamayan? Bakit? Ipaliwanag.
c. Sa kaliwang hanay, bakit mahalagang tulungan ng pamahalaan ang mga
mamamayan nito?
d. Paano dapat gawin ng pinuno ng pamahalaan ang mga pagtulong na ito
sa kaniyang mga mamamayan?
e. Sa kanang hanay naman, bakit mahalaga ang pagtutulungan ng mga
mamayan sa kapuwa mga mamamayan? Ipaliwanag .

Suriin

Ano kaya ang maaaring mangyari kung hindi gagampanan ng mga sumusunod ang
kanilang mga tungkulin ? Isulat mo ang iyong sagot sa kaukulang espasyo sa ibaba.

Magulang Pinuno ng bayan Manggagawa Negosyante

Halimbawa:

Kung magpapabaya
ang mga magulang
sa pagtututro sa
kanilang mga anak
ng kabutihang asal,
maraming kabataan
ang maliligaw ng
landas

Ikaw Naman

8
Sagutin Mo

1. Bakit may nakatakdang gawain para sa iba’t ibang institusyong


panlipunan?
2. Bakit mahalaga ang gawain ng bawat isa? Pangatwiranan.
3. Batay sa natapos na gawain, paano mo bibigyang kahulugan ang
Principle of Subsidiarity (Pagtutulungan)?

Pagyamanin

Isa sa mga pinakamasayang bahagi ng buhay ay ang paghahanap ng mga


matalik na kaibigan sa Junior High School. Mahirap manimbang sa simula subalit
kapag naging kaibigan mo na, tuloy tuloy na ang ligaya. Sila ang kasamang
sumusubok ng maraming karanasan, mga kabiruan at kaasaran. Sila ang
kakuwentuhan sa maraming mga seryoso at malalim na kaisipan. Sila ang kasamng
pumalaot sa higit pang dakilang tunguhin sa buhay.

Isang malaking barkada

Hawig sa barkadahan ang isang pamayanan. Pinagsama-sama sila, una na,


ng kanilang kinatatayuang lugar.Halimbawa, Barangay Katapatan! Doon sila
nakatira at doon ay sama-sama silang bumubuo ng mga Sistema kung paano
haharapin ang mga hamon sa buhay.May kwento silang pinagdadaanan. May
kwento silang binubuo. Ang kuwentong nililikha nila at ang mga pagkilos upang
ingatan at paunlarin ang kanilang pamayanan ay kilos ng pagbuo ng kultura.
Kultura ang tawag sa mga nabuong gawi ng pamayanan. Ito ang mga tradisyon,
nakasanayan, mga pamamaraan ng pagpapasya, at mga hangarin na kanilang
pinagbahaginan sa paglipas ng panahon. Iniukit ang mga ito sa mga awit, sining, at
ritwal upang huwag makalimutan. Gabay ang mga tradisyong ito sa mga hamon sa
kinabukasan.

Lipunang Pampolitika

Kung ang magkakabarkada ay nagkakaunawaan na sa kindatan at ang


magkakapit-bahay sa pakiramdaman at delikadesa, sa isang lipunan,
nangangailangan ng isang mas malinaw na sistema ng pagpapasya at pagpapatakbo.

Pampolitika ang tawag sa paraan ng pagsasaayos ng lipunan upang


masiguro na ang bawat isa ay malayang magkaroon ng maayos na pamumuhay,
makamit ang pansariling mithiin sabay ang kabutihang panlahat. Ang pamahalaan
ang nangunguna sa gawaing ito. Tungkulin ng pamahalaan na isatitik sa batas
ang pagpapahalaga at adhikain ng mga mamamayan. Magtatatag ang
pamahalaan ng mga estruktura na maninigurong nakakamit ng mga tao ang
kanilang batayang pangangailangan.

9
Isang Kaloob ng Tiwala

Ang pamamahala ay usapin ng pagkakaloob ng tiwala. Hindi iba ang


pagtitiwalang ito sa ipinagkaloob natin sa ating mga kabarkada o kasamahan sa
pamayanan minsan sa ating buhay. Iyong mga pagkakataong biglang nagyaya ang
kabarkadang si Tonio na maligo sa ilog pagkatapos ng klase. Hindi siya namilit pero
sumama ang buong barkada sa kaniya. Nag-enjoy ang lahat, salamat at nakinig sa
kaniyang pag-aaya. Si Aling Cora biglang nagtawag na magtanim ng mga halaman
sa paaralan. At dahil sa tindi ng kaniyang pagkagusto sa gawaing iyon, mahusay
niyang nahikayat ang iba na makilahok kahit sa una’y ayaw talaga nila. Ngayon,
nakikinabang ang mga bata sa paaralan sa lilim na dulot ng mga punong tinanim ni
Aling Cora at ng lahat ng nagtiwala sa kanya.

Sa barkada at pamayanan, basta sumusunod ang mga kasapi sa mga


tumatayong lider kahit sa una ay ayaw naman talaga. Bakit? Mayr nakikita sa
kanilang pag-aalab ng kalooban. May matatayog silang pangarap na nakikita nilang
maaaring maabot sa pakikipagtulungan sa iba. May talas sila ng paningin upang
makita ang potensiyal ng grupo o pamayanan. Malaya sila sa layuning komyunal.
Mulat sila sa mga katutubong yaman ng grupo at ang mga potensyal sa pag-unlad
nila nang sama-sama. May husay sila sa pagsasalita upang ipahayag ang kanilang
nakikita at may kakayahan silang pag-alabin din ang damdamin ng kanilang mga
kasama tungo sa isang hangarin. Hindi lahat ng tao ay ganyan.

Prinsipyo ng Subsidiarity at prinsipyo ng Pagkakaisa

Ang lipunan ay hindi pinapatakbo ng iilan. Kailangan pa ring makilahok ng


taumbayan, gawin ang kayang gawin ng bawat isa, at ibahagi ang bunga ng paggawa
sa bayan. Maaaring mahusay ang pinuno, ngunit kailangan niya ng katuwang upang
maisagawa ang malalaki niyang proyekto.
Kaya’t hindi mula sa “itaas” patungo sa “ibaba” ang prinsipyo ng mahusay na
pamamahala. Kailangan ang pakikipag-ugnayan ng nasa “itaas” sa mga nasa
“ibaba.” Ang gagawin ng pinuno ay ang gusto ng mga pinamumunuan at ang
pinamumunuan naman ay susumunod din sa giya ng kanilang pinuno. Gabay sa
ugnayang ito ang Prinsipyo ng Subsidiarity at Pagkakaisa (Solidarity) na
pangunahing kondisyon upang maging maayos ang lipunan. Sa Prinsipyo ng
Subsidiarity, tutulungan ng pamahalaan ang mga mamamayan na magawa nila ang
makapagpapaunlad sa kanila. Sisiguraduhin nito na walang hahadlang sa kalayaan
ng mga mamamayan mula sa mga pinuno sa pamamagitan ng pag-aambag sa estado
ng kanilang buwis, lakas at talino.

Sa Prinsipyo ng Pagkakaisa, tungkulin ng mga mamamayan ang


magtulungan at ng pamahalaan ang magtayo ng mga akmang estruktura upang
makapagtulungan ang mga mamamayan. Mailalagay sa ganitong balangkas ang
Prinsipyo ng Pagkakaisa: “May kailangan kang gawing hindi mo kayang gawing mag-
isa, tungkulin ko ngayong tulungan ka sa abot ng makakaya ko. Ako naman ay may
kailangang gawin nang mag-isa, tungkulin mo ngayon na tulungan ako sa abot ng

10
makakaya mo”. Tungkulin nating magtulungan tungo sa pag-unlad ng ating
lipunan.

Pananagutan ng Pinuno at Mamamayan

Ang lipunang pampolitika ay isang ugnayang nakaangkla sa pananagutan-


ang pananagutan ng pinuno na pangalagaan ang nabubuong kasaysayan ng
pamayanan. Iginagawad sa kanila ng buong pamayanan ang tiwala na pangunahan
ang grupo—ang pangunguna sa pupuntahan, ang paglingap sa pangangailangan ng
bawat kasapi, ang pangangasiwa sa pagsasama ng grupo. Kasama nito ang
pananagutan ng mga kasapi sa lipunan na maging mabuting kasapi sa lipunan.
Kung hindi tutuparin ng mga kasapi ang kanilang papel, kung hindi sila makikisali
sa pag-iisip at pagpapasya, kung hindi sila makikilahok sa mga komyunal na
gawain, kung hindi sila magiging maigi sa kanilang mga paghahanap-buhay, hindi
rin tatakbo ang pamahalaan at lipunan.

Ang pag-unlad ng isang lipunan ay hindi gawa ng pinuno. Gawa ito ng pag-
aambag ng talino at lakas ng mga kasapi sa kabuuang pagsisikap ng lipunan.

Ang Pananagutan ng mga Pinuno

Marahil may magtatanong kung bakit pa siya makikilahok kung sa huli’t huli
ay ang mayorya naman ang masusunod. Sasabihin niya, "Hindi rin naman
mahalagang magsalita pa. Nag-iisa lang naman ako. Ang masusunod naman ay ang
marami." Kailangan pa ring magsalita kahit isang mumunting tinig lamang ang sa
iyo. Hindi mabubuo ang marami kung wala ang iilan. Sa kabila ng dunong ng pinuno
at/o ng mayorya, kung minsan, mula sa isang salungat na opinyon isinisilang ang
pinakamahusay na karunungan. Si Benigno “Ninoy” Aquino Jr. ay isang tinig lamang
na nagpasimula ng pagsasalita ng marami pang ibang sinisikil ng diktadurang
Marcos. Si Martin Luther King ay isang tinig lamang ng mga African-American na
sumigaw ng pagkilala sa tao lagpas sa kulay ng balat. Si Malala Yousafzai ay isang
tinig ng musmos na naninindigan para sa karapatan ng mga kababaihan na
makapag-aral sa Pakistan sa kabila ng pagtatangka sa kaniyang buhay.

Lipunang Politikal- Proseso ng Paghahanap sa Kabutihang Panlahat

Sa unang talumpati ng dating pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III,


pagkatapos niyang manumpa bilang pangulo ng bansa, sinabi niyang “Kayo (ang
taumbayan) ang boss ko!” Kontra ito sa nakasanayang pangingibabaw ng mga
pinuno sa lipunan. Hudyat ito ng pagbabago sa pagtingin sa pamahalaan bilang
nasa itaas at ang mamamayan ang nasa ibaba. Inilagay ang mga mamamayan sa
pedestal; ang pangulo ang maglilingkod sa kanila. Subalit, hindi pa rin maaalis ang
katotohanang may higit na kapangyarihan at lawak ng pananaw ang pinuno na
kailangang yukuan at pagkatiwalaan ng ordinaryong mamamayan. Kaya’t sino
talaga ang “boss”?

11
Kapwa “boss” ang pangulo at ang mamamayan. Tulad ng isang barkada,
walang sino man ang nangunguna. Totoo, may mas bibo at may hindi aktibo, ngunit
kapwa silang nag-uugnayan sa loob ng barkada. Sa Lipunang Pampolitika ang ideya
ay mabigyang prayoridad at pagpapahalaga ang mga ugnayan sa loob nito. Hindi
ang mga personalidad ang mahalaga. Ang mahalaga ay ang kabutihang panlahat,
ang pag-unlad ng bawat isa. Ang modelo ay ang relasyon ng magbabarkada. Walang
“boss” sa barkada. Hindi ang pinuno, hindi ang mas marami, hindi hindi rin naman
ang iilan. “Boss” ng bayan ang pinuno - magtitiwala ang bayan sa pangunguna ng
pinuno dahil may nakikitang higit at dakila ang pinuno para sa kasaysayan at
kabutihang panlahat. “Boss” naman ng pinuno ang taumbayan - walang gagawin
ang pinuno kundi ingatan, payabungin, at paunlarin ang mga karapatan at kalayaan
ng mga tao sa bayan. Ngunit nakasukob sila sa kaisa-isang kabutihang panlahat na
nakikita at natutupad sa kanilang pag-uusap at pagtutulungan.

Ang Lipunang Politikal ay ang proseso ng paghahanap sa kabutihang


panlahat at pagsasaayos ng sarili at ng pamayanan upang higit na matupad ang
layuning ito. Ang tunay na “boss” ay ang kabutihang panlahat – ang pag-iingat sa
ugnayang pamayanan at ang pagpapalawig ng mga tagumpay ng lipunan.

Tayahin ang Iyong Pag-unawa

Ano ang naunawaan mo sa iyong binasa? Upang masubok ang lalim ng


iyong naunawaan sagutin mo ang mga sumusunod na tanong:

1. Ipakita ang pagkakaiba ng pamayanan at lipunan.


2. Ano ang tungkulin ng pamahalaan?
3. Bakit mahalaga ang prinsipyo ng pakikipagtulungan at pakikipagbukluran
sa loob ng lipunan?
4. Bakit mahalagang makita ang pagpapatakbo sa lipunan nilang kapuwa-
pananagutan ng pinuno at mamamayan?
5. Bakit may mga taong ayaw makilahok sa lipunan?
6. Bakit mahalaga kahit na ang maliit na tinig?
7. Bakit hindi dapat tumigil sa pakikilahok sa pagpapatakbo ng estado kahit
na marumi at magulo ang Lipunang Politikal?

Isaisip

1. Kailangan ng isang tao ang kanyang kapwa na tutugon sa mga


pangangailangan at magpupuno sa mga kakulangan niya na hindi niya
magagawa sa kanyang sarili lamang.

12
2. Ang prinsipyo ng pagtutulungan (subsidiarity) ay nagpapakita na ang bawat
kasapi at bahagi ng lipunan ay may kanya-kanyang gampanin at gawain para
sa ikatatamo ng kaganapan at pag-unlad ng lipunan at bawat tao.

3. Ang prinsipyo ng pagkakaisa (solidarity) ay tumutukoy sa pagkakabuklod o


pagkakabigkis ng grupo o indibidwal sa lipunan upang matamo ang iisang
layunin ng lahat.

4. Ang pagkabigo na maisagawa ang gawain na nakatakda sa isang indibidwal,


pangkat o institusyon sa lipunan ay nakakabalam o nakaapekto sa
pagsasagawa ng iba pang indibidwal o institusyon ng kanilang gawain.

5. Ang iyong mga gawain sa tahanan, paaralan at pamayanan ay siyang bahagi


mo sa pagtatamo ng kaganapan ng lipunan. Dahil dito, kailangan ang iyong
pakikiisa at pakikipagtulungan sa iba pang indibidwal at pangkat ng lipunan.

Isagawa

Kung ikaw ay isang tagapayo ng Gobernador ng inyong Probinsya, ano-anong


mga tiyak na hakbang ang iyong isasangguni upang umiral ang pagkakaisa at
malutas ang suliraning ito?

Mga Suliramin Tiyak na hakbang tungo sa pagkakamit ng


pagkakaisa

1. Pamamahagi ng Ayuda sa
mga pamilyang apektado
ng COVID-19 Pandemic

2. Proseso ng Pagpapatupad
ng online Contact Tracing

13
3. Pagtanggap sa mga
pasyenteng may
karamdaman sa iba’t
ibang hospital

4. Pagkawala ng
kabuhayan o trabaho
dahil sa pagsara ng mga
establisyemento

Mga tanong:

1. Bakit mahalagang pagtuonan ng pansin ang mga suliraning ito?


2. Bakit hadlang ang mga ito sa pagkakamit ng pagkakaisa at kaunlaran ng
bansa? Pangatwiranan.
3. Paano nakakatulong ang sama-samang paggawa sa paglutas ng mga suliraning
ito?

Tayahin
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang mga tanong.
Bilugan ang titk ng napiling sagot.

1. Ano ang tawag sa proseso ng paghahanap sa kabutihang panlahat at


pagsasaayos ng sarili at ng pamayanan upang higit na matupad ang
layuning ito?
A. Lipunang Pang-ekonomiya C. Prinsipyo ng Pagkakaisa
B. Lipunang Politikal D. Prinsipyo ng Pagtutulungan

2. “May kailangan kang gawin na hindi mo kayang gawin mag-isa, tungkulin ko


ngayong tulungan ka sa abot ng makakaya ko. Ako naman ay may kailangang
gawin nang mag-isa, tungkulin mo ngayon na tulungan ako sa abot ng
makakaya mo.” Ang balangkas ay tungmutkoy sa anong prinsipyo?
A. Prinsipyo ng Lipunan
B. Prinsipyo ng Pagkakaisa
C. Prinsipyo ng Subsidiarity
D. Prinsipyo ng kabutihang Panlahat

3. Ano ang pinakamahalagang dahilan upang maging pinuno ang isang


indibidwal?
A. Pagkapanalo sa halalan
B. Angking talino at kayamanan

14
C. Kakayahang gumawa ng batas
D. Angking talino at katangiang pinagkakatiwalaan ng mga tao

4. Sino ang may tungkulin na pangalagaan ang nabubuong kasaysayan at


kinabukasan ng pamayanan?
A. Batas C. Kabataan
B. Mamamayan D. Pinuno

5. Ano ang tawag sa paraan ng pagsasaayos ng lipunan upang masiguro na ang


bawat isa ay malayang magkaroon ng maayos na pamumuhay, makamit ang
pansariling mithiin sabay ng kabutihang panlahat?
A. Panlipunan C. Pagtutulungan
B. Pampolitika D. Pagkakaisa

6. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng prinsipyo ng


Subsidiarity?
A. Pagsisingil ng buwis
B. Pagsasapribado ng mga gasolinahan
C. Pagbibigay daan sa Public Bidding
D. Pagkakaloob ng lupang matitirikan para sa pabahay

7. Ano ang tawag sa pagkakabuklod o pagkakabigkis ng grupo o indibidwal sa


lipunan upang matamo ang iisang layunin ng lahat?
A. Bayanihan
B. Kabutihang Panlahat
C. Prinsipyo ng Pagkakaisa
D. Prinsipyo ng Subsidiarity

8. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng mahusay na pamamahala?


A. Sabay ang pagkilos ng namumuno at mamamaya.
B. May pagkilos mula sa mamamayan patungo sa namumuno
C. May pagkilos mula sa namumuno patungo sa mamamayan
D. May pagkilos mula sa mamamayan para sa kapuwa mamamayan
lamang

9. Alin sa mga sumusunod ang maaaring ihambing ang isang pamayanan?


A. Pamilya C. Organisasyon
B. Barkadahan D. Magkasintahan

10. Ano ang tawag sa nabuong gawi, tradisyon, paraan ng


pagpagpapasiya, at mga hangarin ng isang pamayanan?
A. kultura C. batas
B. relihiyon D. organisasyon

15
Karagdagang Gawain

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na aytem.

1. Paano maipapakita ang


mga prinsipyo ng
pagtutulungan
at pagkakaisa sa:
2. Saang bahagi ng lipunan hindi
a. tahanan? ginagamit ang prinsipyo ng
pagtutulungan at pagkakaisa? Ano
ang epekto nito sa lipunan?

b. paaralan?

c. Pamayanan?

3. Magbigay ng iyong mga personal


na gawain na nagpapakita ng
iyong pagkakaisa at
pakikipagtulungan sa mga
pangkat o grupo sa pamayanan na
iyong tinitirhan

16
Susi sa Pagwawasto

Mga Tala para sa Guro


Pagkatapos ng dalawang linggo, inaasahan na ang lahat ng
gawain sa modyul na ito ay masagutan ng mga mag-aaral at
10.A
maunawaan ang mga mahahalagang konsepto na dapat matutunan.
B 9.
Mahalagang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa nagdaang
C 8.
modyul. Ang nagdaang modyul ay tumatalakay sa layunin ng
C 7.
lipunan, ang kabutiang panlahat. Sa modyul na ito naman ay
B 6.
tatalakayin ang lipunang politikal, prinsipyo ng subsidiarity at
D 5. B 5.
prinsipyo ng pagkakaisa. Mahalagang maipaunawa sa mga mag-
B 4. D 4.
aaral na sa modyul na ito mas mauunawaan nila kung paano
B 3. D 3.
makatutulong ang pag-iral ng dalawang prinsipyo sa lipunan.
B 2. C 2.
C 1. B 1.
Subukin Tayahin

17
Sanggunian

Mga Aklat:

Sheryll T. Gayola, Goeffrey A. Guevara, Maria Tita Y. Bonita, Suzanne M.


Rivera, Elsie G. Celeste, Marivic R. Leano, Benedick Daniel O. Tumul,
ASprilyn g. Miranda, Nestor R. Alagbate (2017) , Edukasyon sa Pagpapakatao
9 Modyul para sa Mag-aaral, Pasig City: Department of Education- Bureau of
Learning Resources (DepEd-BLR)

Twila G. Punsalan, Sylvia T. Caberio, Myra Villa D. Nicolas, Wilma S. Reyes (2007),
Kaganapan sa Paggawa III, Quezon City: Rex Printing Company, INC.

Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga- III


PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng
Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may pangunahing layunin na
ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman
ng modyul na ito ay batay sa Most Essential Learning Competencies (MELCs)
ng Kagawaran ng Edukasyon. Iyo ay pantulong na kagamitan na gagamitin
ng bawat mag-aaral sa pampublikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa
taong panuruan 2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay tinutukan sa
paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Mahigpit naming hinihimok
ang anumang puna, komento at rekomendasyon.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – SOCCSKSARGEN


Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy.Carpenter Hill, City of Koronadal

Telefax No: (083) 2288825/ (083) 2281893

Email Address: region12@deped.gov.ph

You might also like