You are on page 1of 1

Kahalagahan ng Wikang Pambansa sa Edukasyon

Wika, wika, wika. Ano ba talaga ang wikang ginamit ng ating bansa? Sa pagkakaalam ko, ang
pambansang wika ay Filipino. Wikang nararapat na hasain at pahalagahan ng mga kabataan sapagkat ito
ang ating pambansang wika. Ngunit bakit tila nilimot na ito at ibang wika ang pinapahalagahan. Sa
casong yan, tiyak na nabigo ngayon ang pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal na syang umaasa na
tayong mga kabataan ang pag-aasa ng bayan. Kaya dapat lang na palakasin ang asignaturang Filipino sa
bawat paaralan sa ating bansa sapagkat ito ang pinakaepektibong hakbang upang mas mapahalagahan
at mapayaman ang ating pambansang wika, na syang adhikain ng ating pambansa bayani. Dahil sa
panahon ngayon hindi na wikang Filipino ang namumulatan ng mga kabataan kundi wika ng mga
dayuhang matutunan lamang sa mga plataporma ng “social media”. Sa puntong iyan, mahihirapan ang
mga kabataan sa pag-intindi at pag-aral ng wika. Kaya, nawa’y mahalan at isa puso natin ang
pagpapahalaga ng wikang pambansa sa eduksayon. Dahil sa pamamagitan ng pag-aral at paggamit ng
ating pambansang wika ay pinagmamalaki natin na tayo ay Pilipino at mahal natin ang ating bansa. Kaya
dapat nating tandaan ang mga katagang binitawan ni Dr. Jose Rizal na “Ang hindi magmahal sa sariling
wika ay higit sa hayop at malansang isda.”

You might also like