You are on page 1of 15

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Schools Division of Ilocos Norte

PASUQUIN HIGH SCHOOL OF ILOCOS NORTE INC.


(formerly: Pasuquin Academy)
Pasuquin, Ilocos Norte
“Ang karunungan ay kayamanang walang taong makapagnanakaw.”

Yunit 3
Kontemporaryong Panitikan Tungo sa Kultura at Panitikang Popular

Tema: Kontemporaryong Panitikan Tungo sa Kultura at Panitikang Popular

Pamantayang Pangnilalaman: 
Naipamamalas ang pag-unawa sa kaugnayan ng panitikang popular sa kulturang Pilipino
Pamantayan sa Pagganap: 
Nakabubuo ng kampanya tungo sa panlipunang kamalayan sa pamamagitan ng multimedia (social media
awareness campaign)

Pangkalahatang Layunin ng Yunit 3


Naipakikita ang pag-unawa sa kaugnayan ng panitikang popular sa kulturang Pilipino
Nakabubuo ng kampanya tungo sa panlipunang kamalayan sa pamamagitan ng multimedia 
Natatalakay ang sapat na kaalaman at kasanayan sa paggamit sa gramatika at retorika tulad ng paggamit ng mga
salitang balbal, kolokyal, at banyaga sa impormal na komunikasyon, paglalahad ng pananaw, mga ekspresyong hudyat
ng ugnayang lohikal, at kahusayang gramatikal
Nailalahad nang may pag-unawa ang popular na babasahin (pahayagan, komiks, magasin, kontemporaryong dagli),
komentaryong panradyo, dokumentaryong pantelebisyon, at pelikula bilang makabago at popular na mga akdang
pampanitikan
Napahahalagahan ang mga popular na mga akdang pampanitikan sa pamamagitan ng pagbabasa at pagsusuri sa mga ito

Panimula
     Ang Yunit 3: Kontemporaryong Panitikan Tungo sa Kultura at Panitikang Popular ay tumatalakay sa pagkakaiba ng
kontemporaryong uri ng panitikan sa panitikang popular. Ang kontemporaryo at ang tradisyonal na uri ng panitikan ay
nagsisilbing larawan, daluyan, o salamin ng ating buhay, samantalang ang popular na panitikan ay tumutukoy sa pamamaraan ng
ating buhay.
     Inihanda ang mga aralin sa gramatika at retorika tulad ng paggamit ng mga salitang balbal, kolokyal, at banyaga sa impormal
na komunikasyon, paglalahad ng pananaw, mga ekspresyong hudyat ng ugnayang lohikal, at kahusayang gramatikal (kayarian
ng pangungusap) para sa higit na pag-unawa ng mga estudyante. Ginamit ang iba’t ibang anyo ng panitikan tulad ng mga
popular na babasahin, komentaryong panradyo, dokumentaryong pantelebisyon, at pelikula bilang daluyan ng pag-unawa sa
paksa na makatutulong upang maisagawa ang proyektong social awareness campaign sa isang isyung panlipunan na may
layuning maipakita ang paglalagom ng kaalaman ng mga estudyante. 

Mahahalagang Tanong Para sa Yunit 3


Paano naiiba ang panitikang popular sa tradisyonal na panitikan?
Paano makatutulong ang paggamit ng mga salitang balbal, banyaga, at kolokyal sa mga hudyat ng konsepto ng
pananaw, mga hudyat ng kaugnayang lohikal, at mga komunikatibong paghayag sa pagbuo ng isang social awareness
campaign?

Layunin Para sa Panimulang Pagtataya


Nailalahad ang dating kaalaman at kasanayan sa mga akdang pampanitikan sa pamamagitan ng panimulang pagtataya
Nailalarawan ang dating kaalaman sa gramatika at retorika
Natutukoy ang mga kaalaman at kasanayan na dapat palalimin at palawakin

Pamamaraan
Panimula at Pagganyak
1. Ihanda ang mga estudyante para sa panimulang pagtataya para sa yunit. Ipaliwanag sa kanila na ang pagtatayang ito ay
may layunin na malaman ang kanilang dating kaalaman at kasanayan, gayundin ang mga bagay na hindi pa nila alam. 
2. Ipaalam sa mga estudyante na ang iskor na kanilang makukuha ay hindi itatala at magsisilbi lamang gabay ng guro.

Pagsusuri at Pagtalakay
1. Ipagawa ang pagsasanay sa Panimulang Pagtataya para sa Yunit 3 sa mga pahina 194 hanggang 197 ng batayang
aklat. Bigyan ng sapat na oras ang mga estudyante sa pagsagot.

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 8 Yunit 3 (3rd Quarter) FSSaladino


2. Itsek ang mga kasagutan ng mga estudyante. Tumawag ng tatlo hanggang limang estudyante upang ibigay ang kanilang
kasagutan sa pagsasanay. Pagkatapos ay itama ang anumang pagkakamali nila.

Pagbubuod
     Ipabuod ang mga kasagutan ng mga estudyante ayon sa layunin ng pagtataya. Ipaisa-isa ang kanilang mga naging saloobin
matapos ang pagtataya.

Takdang-aralin
1. Ipabasa ang teksong "Ang Komiks (Isang Popular na Babasahin)" sa mga pahina 199 hanggang 202.
2. Ipasagot ang tanong: Bakit nakalilibang ang pagbabasa ng mga komiks at pahayagan?
3. Sabihin sa mga estudyante na magsaliksik tungkol sa komiks bilang isang akdang pampanitikan at maghanda para sa
malayang talakayan.

Republic of the Philippines


DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Schools Division of Ilocos Norte

PASUQUIN HIGH SCHOOL OF ILOCOS NORTE INC.


(formerly: Pasuquin Academy)
Pasuquin, Ilocos Norte
“Ang karunungan ay kayamanang walang taong makapagnanakaw.”

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 8 Yunit 3 (3rd Quarter) FSSaladino


Aralin 13
Salamin ng Buhay
Pamantayang Pangnilalaman: 
Naipamamalas ang pag-unawa sa kaugnayan ng panitikang popular sa kulturang Pilipino
Pamantayan sa Pagganap: 
Nakabubuo ng kampanya tungo sa panlipunang kamalayan sa pamamagitan ng multimedia (social media
awareness campaign)
Paksang Aralin
     Panitikan: Ang Komiks (Isang Popular na Babasahin)
     Gramatika: Ang Paggamit ng mga Salitang Balbal sa Impormal na Komunikasyon

Layunin
Nabibigyang-reaksiyon ang narinig na opinyon ng kausap tungkol sa isang isyu
Nagagamit sa iba’t ibang sitwasyon ang mga salitang ginagamit sa impormal na komunikasyon (balbal)
Naiiugnay ang tema ng tinalakay na panitikan sa napanood na programang pantelebisyon
Naihahambing ang mga tekstong binasa bilang akdang pampanitikan 
Napahahalagahan ang komiks bilang isang akdang pampanitikan sa pamamagitan ng pagtangkilik dito

Kagamitan
batayang aklat na Bulwagan 8 Kamalayan sa Gramatika at Panitikan, mga pahina 198-206
mga komiks 

Bilang ng Sesyon: 4 (isang oras sa bawat sesyon)

Mahahalagang Tanong
Bakit nakalilibang ang pagbabasa ng mga komiks at pahayagan?
Bakit mas ginagamit ang mga salitang balbal sa impormal na komunikasyon tulad ng komiks?

Pamamaraan
Panimula at Pagganyak
1. Itsek ang takdang-aralin. Tumawag ng dalawa o tatlong estudyante upang ibahagi ang kanilang kasagutan.
2. Sabihin sa mga estudyante na ang magiging paksa ng araling tatalakayin ay tungkol sa komiks bilang isang popular na
babasahin.

Pagpapayaman ng Talasalitaan
     Ipagawa ang gawain sa Talasik sa pahina 202 ng batayang aklat. Tumawag ng dalawa o tatlong  estudyante upang ibahagi
ang kanilang mga kasagutan.

Pagsusuri at Pagtalakay
1. Ipagawa ang panimulang gawain sa Pagsusuring Pampanitikan sa pahina 199 ng batayang aklat. Ipasagot ang mga
katanungan na kasunod nito. Magkaroon ng talakayan tungkol sa kasagutan ng mga estudyante.
2. Ipabasa ang tekstong “Ang Komiks (Isang Popular na Babasahin)" sa mga pahina 199 hanggang 202. Magbigay ng
sapat na oras para sa pagbabasa nang tahimik.
3. Magkaroon ng malayang talakayan tungkol sa binasang teksto. Gawing gabay sa talakayan ang mga katanungan
sa Muling Pag-isipan sa pahina 202. Idagdag ang sumusunod na mga tanong:
a. Bakit nakalilibang ang pagbabasa ng komiks?
b. Bakit tinatangkilik pa rin ang pagbabasa ng komiks hanggang ngayon?
c. Sa iyong pananaw, naapektuhan ba ng makabagong teknolohiya tulad ng Internet games ang pagbabasa ng
komiks ng mga kabataan? Paano?
4. Ipasulat sa pisara sa mga estudyante ang mga mahahalagang konsepto mula sa tekstong binasa. Hayaan silang
ipaliwanag ang kanilang sinulat na mga konsepto. Lagumin ang mga konseptong nabuo ng mga estudyante.
5. Ipaliwanag ang mahahalagang konsepto tungkol sa binasa tulad ng:
a. Isang popular na babasahin ang komiks.
b. Ginagamit ng manunulat at ng debuhista ang kanilang malikhain at mapaglarong isipan sa paglikha ng isang
komiks.
c. Nananatiling buhay at nakalilibang ang pagbabasa ng komiks dahil ito ay tumatalakay sa pang-araw-araw na
buhay ng tao sa isang masining at makulay na pamamaraan.

Pagsasanay 
     Ipagawa sa mga estudyante ang mga pagsasanay sa Masusing Gampanan sa mga pahina 203 at 204 ng batayang aklat.

Paglalahat
     Matapos ang talakayan at mga gawain sa Pagsusuring Pampanitikan, tanungin ang mga estudyante kung anong
mahahalagang aral ang napulot nila mula rito.

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 8 Yunit 3 (3rd Quarter) FSSaladino


Takdang-aralin
1. Sabihin sa mga estudyante na pag-aralan ang tungkol sa paggamit ng mga salitang balbal sa impormal na
komunikasyon; ipabasa ang nakasaad sa mga pahina 204 at 205 ng batayang aklat.
2. Ipasagot ang tanong: Bakit ginagamit ang mga salitang balbal sa impormal na komunikasyon?

Integrasyon sa Gramatika
Pagbabalik-aral at Pagganyak
     Itsek ang takdang-aralin. Pumili ng tatlo o apat na estudyante upang talakayin ang kanilang kasagutan.

Pagsusuri at Pagtalakay
1. Ipabasa ang diyalogo sa Alamin Natin sa pahina 204 ng batayang aklat at ipasagot ang mga tanong na kasunod nito.
2. Talakayin ang tungkol sa paggamit ng mga salitang balbal sa impormal na komunikasyon ayon sa nakasaad
sa Talakayin Natin sa mga pahina 204 at 205.
3. Ipaisa-isa sa mga estudyante ang iba’t ibang salitang balbal na ginagamit ng mga kabataan at itanong, "Bakit
mahalagang malaman ang tunay na kahulugan ng mga salitang ginagamit ng mga kabataan?"
4. Ipaliwanag ang mahahalagang konsepto tungkol sa talakayan tulad ng sumusunod:
a. May dalawang antas ng wika ang ginagamit sa pang-araw-araw: ang pormal at di-pormal.
b. Ang di-pormal na wika ay tinatawag ding balbal, salitang kanto, o slang.
c. Ang telebisyon at radyo ay ilan lamang sa daluyan ng pagpapalaganap ng mga di-pormal na salita.
5. Tumawag ng mga estudyante upang magbigay ng sariling halimbawa ng mga pangungusap na nasa pormal at di-pormal
na antas ng wika.

Pagsasanay 
     Ipagawa sa mga estudyante ang mga pagsasanay sa Himayin Natin sa mga pahina 205 at 206 ng batayang aklat. Ipabahagi sa
klase ang kanilang mga ginawa.

Pagbubuod
1. Ipagawa ang mga gawain sa Pagtibayin Natin at Lagumin Natin sa pahina 206 ng batayang aklat.
2. Ipabuod ang mga kasagutan ng mga estudyante ayon sa layunin ng buong aralin.

Takdang-aralin
1. Ipabasa ang tekstong "Mga Popular na Babasahin: Pahayagan at Magasin" sa mga pahina 208 hanggang 210 ng
batayang aklat.
2. Ipasagot ang tanong: Bakit nagkaroon ng pagbabago mula sa tradisyonal na panitikan patungo sa popular na panitikan?
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Schools Division of Ilocos Norte

PASUQUIN HIGH SCHOOL OF ILOCOS NORTE INC.


(formerly: Pasuquin Academy)
Pasuquin, Ilocos Norte
“Ang karunungan ay kayamanang walang taong makapagnanakaw.”

Aralin 14
Larawan ng Katotohanan
Pamantayang Pangnilalaman: 
Naipamamalas ang pag-unawa sa kaugnayan ng panitikang popular sa kulturang Pilipino
Pamantayan sa Pagganap: 
Nakabubuo ng kampanya tungo sa panlipunang kamalayan sa pamamagitan ng multimedia (social media
awareness campaign)
Paksang Aralin
     Panitikan: Mga Popular na Babasahin: Pahayagan at Magasin
    Gramatika: Paggamit ng mga Salitang Kolokyal sa Impormal na Komunikasyon
Layunin
Naihahambing ang panitikang popular sa tradisyonal na panitikan batay sa paksa, pananaw, paraan ng pagkakasulat,
at layon
Nabibigyang-kahulugan ang mga salita na ginagamit sa mundo ng multimedia
Nagagamit ang iba’t ibang estratehiya sa pangangalap ng mga ideya sa pananaliksik sa pagsulat ng balita o komentaryo
Nagagamit sa iba’t ibang sitwasyon ang mga salitang ginagamit sa impormal na komunikasyon (kolokyal, balbal)
Nakadarama ng kasiyahan sa pagtalakay sa mga popular na panitikan
Kagamitan
batayang aklat na Bulwagan 8 Kamalayan sa Gramatika at Panitikan, mga pahina 207-214

Bilang ng Sesyon: 4 (isang oras sa bawat sesyon)

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 8 Yunit 3 (3rd Quarter) FSSaladino


Mahahalagang Tanong
Bakit nagkaroon ng pagbabago mula sa tradisyonal na panitikan patungo sa popular na panitikan?
Bakit mahalaga ang paggamit ng mga salitang kolokyal at banyaga sa impormal na komunikasyon?

Pamamaraan
Panimula at Pagganyak
     Itsek ang takdang-aralin. Tumawag ng dalawa o tatlong estudyante upang ibahagi ang kanilang kasagutan sa takdang-aralin.
Pagpapayaman ng Talasalitaan
     Ipagawa ang gawain sa Talasik sa pahina 210 ng batayang aklat. Tumawag ng dalawa o tatlong estudyante upang ibahagi ang
kanilang mga kasagutan.

Pagsusuri at Pagtalakay
1. Ipasagot ang mga tanong sa panimulang gawain sa Pagsusuring Pampanitikan sa pahina 207 ng batayang
aklat. Magkaroon ng talakayan tungkol sa kasagutan ng mga estudyante.
2. Ipabasa ang tekstong “Mga Popular na Babasahin: Pahayagan at Magasin” sa mga pahina 208 hanggang 210. Magbigay
ng sapat na oras para sa pagbabasa nang tahimik.
3. Magkaroon ng malayang talakayan tungkol sa binasang teksto. Gawing gabay sa talakayan ang mga katanungan
sa Muling Pag-isipan sa mga pahina 210 at 211. Idagdag ang sumusunod na mga katanungan:
a. Bakit nagkaroon ng pagbabago mula sa tradisyonal na panitikan patungo sa popular na panitikan?
b. Paano nakatutulong ang makabagong teknolohiya sa pagpapalaganap ng popular na panitikan?
c. Ano sa tingin mo ang naging papel ng Liwayway bilang magasin sa mga akdang maka-Pilipino?
4. Ipasulat sa pisara sa mga estudyante ang mahahalagang konsepto mula sa tekstong binasa. Hayaan silang ipaliwanag
ang kanilang sinulat na mga konsepto. Lagumin ang mga konseptong nabuo ng mga estudyante.
5. Ipaliwanag ang mahahalagang konsepto tungkol sa binasang teksto tulad ng:
a. Nagkaroon ng pagbabago mula sa tradisyonal na panitikan patungo sa popular na panitikan dahil na rin sa pagbabago
sa kapaligiran; kinakailangang sumabay ang panitikang Pilipino sa pag-unlad ng teknolohiya tulad ng paglabas ng mga
computer at electronic gadgets na ginagamit sa pakikipag-ugnayan sa kapuwa .
b. Ang paggamit ng makabagong teknolohiya sa pang-araw-araw na pakikipag-ugnayan ay makatutulong upang
makapagbigay ng mga napapanahong balita at impormasyon.

Pagsasanay 
     Ipagawa sa mga estudyante ang mga pagsasanay sa Masusing Gampanan sa mga pahina 211 at 212 ng batayang aklat.
Paglalahat
     Matapos ang talakayan at mga gawain sa Pagsusuring Pampanitikan, tanungin ang mga estudyante kung anong
mahahalagang aral ang napulot nila mula rito.

Takdang-aralin
1. Sabihin sa mga estudyante na pag-aralan ang tungkol sa paggamit ng mga salitang kolokyal sa impormal na
komunikasyon; ipabasa ang nakasaad sa mga pahina 212 at 213 ng batayang aklat. 
2. Ipasagot ang tanong: Bakit mahalaga ang paggamit ng mga salitang kolokyal sa impormal na komunikasyon?

Integrasyon sa Gramatika
Pagbabalik-aral at Pagganyak
     Itsek ang takdang-aralin. Pumili ng tatlo hanggang limang estudyante upang talakayin ang kanilang kasagutan.

Pagsusuri at Pagtalakay
1. Ipabasa ang teksto sa Alamin Natin sa pahina 212 ng batayang aklat. Ipasagot ang mga tanong na kasunod nito.
2. Talakayin ang tungkol sa paggamit ng mga salitang kolokyal sa impormal na komunikasyon ayon sa
nakasaad sa Talakayin Natin sa pahina 213. Ipaisa–isa sa mga estudyante ang kahalagahan ng paggamit ng mga salitang
kolokyal sa impormal na komunikasyon.
3. Ipaliwanag ang mahahalagang konsepto tungkol sa talakayan tulad ng:
a. Ang kolokyal ay wika na tinatawag ding country talk. Ito ay ginagamit sa mga impormal na okasyon at sa pang-araw-
araw na pakikisalamuha sa kapuwa.
b. Ang kapamilya, ka-chat, Kano, ‘yan, at taong-bayan ay ilan lamang sa mga salitang maituturing na kolokyal.
c. Ang pahayagan at magasin ay ilan lamang sa makabago at popular na panitikan na naglalahad ng pang-araw-araw na
mga gawi ng isang pamayanan o bansa.
d. Nagkakaroon ng pagbabago mula sa tradisyonal na panitikan tungo sa popular na panitikan dahil na rin sa mga
pagbabagong nagaganap sa lipunang ginagalawan ng mga tao.
4. Tumawag ng mga estudyante upang magbigay ng sariling halimbawa ng mga pangungusap na ginagamitan ng mga
salitang kolokyal.

Pagsasanay 
     Ipagawa sa mga estudyante ang mga pagsasanay sa Himayin Natin sa mga pahina 213 at 214 ng batayang aklat.

Pagbubuod
1. Ipagawa ang mga gawain sa Pagtibayin Natin at Lagumin Natin sa pahina 214 ng batayang aklat.
2. Ipabuod ang mga kasagutan ng mga estudyante ayon sa layunin ng buong aralin.

Takdang-aralin
1. Ipabasa ang "Punto Mo. . . Pangmasa" sa mga pahina 216 at 217 ng batayang aklat.
2. Ipasagot ang tanong: Paano nakatutulong ang kontemporaryong dagli sa pagpapaigting ng kamalayang panlipunan?
3. Sabihin sa mga estudyante na magdala ng isang kuwento tungkol sa isyu o problema sa kanilang pamayanan
at humandang ibahagi ito sa klase.

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 8 Yunit 3 (3rd Quarter) FSSaladino


Karagdagang Pagsasanay
Magbigay ng mga kolokyal na salita na ginagamit sa social media. Isulat ito sa loob ng mga kahon.

Republic of the Philippines


DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Schools Division of Ilocos Norte

PASUQUIN HIGH SCHOOL OF ILOCOS NORTE INC.


(formerly: Pasuquin Academy)
Pasuquin, Ilocos Norte
“Ang karunungan ay kayamanang walang taong makapagnanakaw.”

Aralin 15
Mga Pagsubok ng Kapaligiran

Pamantayang Pangnilalaman: 
Naipamamalas ang pag-unawa sa kaugnayan ng panitikang popular sa kulturang Pilipino
Pamantayan sa Pagganap: 
Nakabubuo ng kampanya tungo sa panlipunang kamalayan sa pamamagitan ng multimedia (social media
awareness campaign)

Paksang Aralin
     Panitikan: Punto Mo...Pangmasa
    Gramatika: Paggamit ng mga Salitang Banyaga sa Impormal na Komunikasyon
Layunin
Nabibigyang-reaksiyon ang narinig na opinyon ng kausap tungkol sa isang isyu
Nagagamit sa iba’t ibang sitwasyon ang mga salitang ginagamit sa impormal na komunikasyon (banyaga)
Nailalahad nang maayos at mabisa ang sariling pananaw batay sa tekstong binasa
Naibibigay ang sariling opinyon tungkol sa tekstong binasa
Kagamitan
batayang aklat na Bulwagan 8 Kamalayan sa Gramatika at Panitikan, mga pahina 215–221

Bilang ng Sesyon: 4 (isang oras sa bawat sesyon)

Mahahalagang Tanong
Paano nakatutulong ang kontemporaryong dagli sa pagpapaigting ng kamalayang panlipunan?
Paano ginagamit ang mga salitang banyaga sa impormal na komunikasyon?

Pamamaraan
Panimula at Pagganyak
     Itsek ang takdang-aralin. Tumawag ng dalawa o tatlong estudyante upang ibahagi ang kanilang kasagutan sa takdang-aralin.

Pagpapayaman ng Talasalitaan
     Ipagawa ang gawain sa Talasik sa mga pahina 217 at 218 ng batayang aklat. Tumawag ng dalawa o tatlong estudyante upang
ibahagi ang kanilang mga kasagutan.

Pagsusuri at Pagtalakay
1. Ipagawa ang panimulang gawain sa Pagsusuring Pampanitikan sa pahina 216 ng batayang aklat. Tumawag ng dalawa
o tatlong estudyante upang ibahagi sa klase ang kanilang ideya tungkol sa mga larawan. Ipasagot ang mga katanungan na
kasunod ng gawain at magkaroon ng talakayan tungkol sa mga kasagutan ng mga estudyante.
2. Ipabasa ang “Punto Mo... Pangmasa” sa mga pahina 216 at 217. Ipabasa rin ang nakasaad sa Tandaan sa pahina
217. Magbigay ng sapat na oras para sa pagbabasa nang tahimik.
3. Magkaroon ng malayang talakayan tungkol sa binasang teksto. Gawing gabay sa talakayan ang mga katanungan
sa Muling Pag-isipan sa pahina 218. Idagdag ang sumusunod na mga katanungan:
a. Ano ang dagli?

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 8 Yunit 3 (3rd Quarter) FSSaladino


b. Ano-ano ang dapat isaalang-alang sa pagsulat ng dagli?
c. Paano nakatutulong ang kontemporaryong dagli sa pagpapaigting ng kamalayang panlipunan?
4. Ipasulat sa pisara sa mga estudyante ang mahahalagang konsepto mula sa tekstong binasa. Hayaan silang ipaliwanag
ang kanilang sinulat na mga konsepto. Lagumin ang mga konseptong nabuo ng mga estudyante.
5. Ipaliwanag ang mga mahahalagang konsepto tungkol sa binasang teksto tulad ng:
a. Ang kontemporaryong dagli ay isang maikling sanaysay na nangangaral, namumuna, nagpapasaring, at nanunuligsa. Ang mga
ito ay nagiging daluyan upang talakayin ang mga isyung panlipunan.
b. Mahalaga ang ambag ng mga awtor tulad nina Jose Corazon de Jesus, Lope K. Santos, Pedro Gatmaitan, Inigo Ed Regalado,
Florentino Collantes, at Juan Cruz Balmaceda sa pagtalakay ng mga isyung panlipunan sa pamamagitan ng pagsulat ng dagli.
c. Ang mga isyung panlipunan ay dapat malaman at suriin ng bawat mamamayan ng isang bansa.

Pagsasanay 
     Ipagawa sa mga estudyante ang mga pagsasanay sa Masusing Gampanan sa mga pahina 218 at 219 ng batayang aklat.

Paglalahat
     Matapos ang talakayan at mga gawain sa Pagsusuring Pampanitikan, tanungin ang mga estudyante kung anong
mahahalagang aral ang napulot nila mula rito.

Takdang-aralin
1. Sabihin sa mga estudyante na pag-aralan ang tungkol sa paggamit ng mga salitang banyaga sa impormal na
komunikasyon; ipabasa ang nakasaad sa pahina 220 ng batayang aklat.
2. Ipasagot ang tanong: Paano ginagamit ang mga salitang banyaga sa impormal na komunikasyon?

Integrasyon sa Gramatika
Pagbabalik-aral at Pagganyak
     Itsek ang takdang-aralin. Pumili ng tatlo hanggang limang estudyante upang talakayin ang kanilang kasagutan.

Pagsusuri at Pagtalakay
1. Ipabasa ang diyalogo sa Alamin Natin sa pahina 219 ng batayang aklat at ipasagot ang mga tanong na kasunod nito.
2. Talakayin ang tungkol sa paggamit ng mga salitang banyaga sa impormal na komunikasyon ayon sa nakasaad
sa Talakayin Natin sa pahina 220 ng batayang aklat. Ipaisa–isa ang kahalagahan ng paggamit ng mga salitang banyaga sa
impormal na komunikasyon.
3. Ipaliwanag ang mahahalagang konsepto tungkol sa talakayan tulad ng:
a. Ang mga salitang banyaga ay ginagamit natin sa mga impormal na pakikipag-ugnayan.
b. Kalimitang ginagamit ang mga salitang banyaga bilang pamalit sa mga salitang hindi alam ang katumbas sa wikang Filipino.
c. Maaaring humiram ng mga salita sa ibang wika kung ang salitang gagamitin ay walang katumbas sa wikang Filipino.
4. Tumawag ng mga estudyante upang magbigay ng sariling halimbawa ng mga pangungusap na ginagamitan ng mga
salitang banyaga.

Pagsasanay 
     Ipagawa ang mga pagsasanay sa Himayin Natin sa mga pahina 220 at 221 ng batayang aklat. Ipabahagi sa klase ang
kasagutan ng mga estudyante.

Pagbubuod
1. Ipagawa ang mga gawain sa Pagtibayin Natin at Lagumin Natin sa pahina 221 ng batayang aklat.
2. Ipabuod ang mga kasagutan ng mga estudyante ayon sa layunin ng buong aralin.

Takdang-aralin
1. Ipabasa ang "Komentaryong Panradyo Kaugnay ng Freedom of Information (FOI) Bill" sa mga pahina 223
hanggang 225 ng batayang aklat.
2. Ipasagot ang tanong: Paano nakatutulong ang mga komentaryong panradyo sa pagiging mulat ng mga Pilipino sa mga
kaganapan sa lipunan?
3. Sabihin sa mga estudyante na magdala ng isang komentaryong panradyo tungkol sa isyu o problemang panlipunan tulad
ng climate change. Humandang ibahagi ito sa klase.

Karagdagang Pagsasanay
Paano naiiba ang dagli sa ibang akdang pampanitikan? Isulat ang iyong sagot sa inilaang espasyo.

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 8 Yunit 3 (3rd Quarter) FSSaladino


Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Schools Division of Ilocos Norte

PASUQUIN HIGH SCHOOL OF ILOCOS NORTE INC.


(formerly: Pasuquin Academy)
Pasuquin, Ilocos Norte
“Ang karunungan ay kayamanang walang taong makapagnanakaw.”

Aralin 16
Tinig ng Lipunan

Pamantayang Pangnilalaman: 
Naipamamalas ang pag-unawa sa kaugnayan ng panitikang popular sa kulturang Pilipino
Pamantayan sa Pagganap: 
Nakabubuo ng kampanya tungo sa panlipunang kamalayan sa pamamagitan ng multimedia (social media
awareness campaign)

Paksang Aralin
     Panitikan: Komentaryong Panradyo Kaugnay ng Freedom of Information (FOI) Bill
     Gramatika: Paglalahad ng Pananaw
Layunin
Nailalahad nang maayos at wasto ang pansariling pananaw
Naisusulat nang wasto ang isang dokumentaryong panradyo
Nagagamit ang mga angkop na ekspresyon sa pagpapahayag ng konsepto ng pananaw (ayon, batay, sang-ayon, sa
akala, at iba pa)
Nabibigyang-kahulugan ang mga salitang ginagamit sa radio broadcasting
Kagamitan
batayang aklat na Bulwagan 8 Kamalayan sa Gramatika at Panitikan, mga pahina 223–229
mga komentaryong panradyo

Bilang ng Sesyon: 4 (isang oras sa bawat sesyon)

Mahahalagang Tanong
Paano nakatutulong ang mga komentaryong panradyo sa paggiging mulat ng mga Pilipino sa mga kaganapan sa
lipunan?
Bakit mahalagang magamit ang angkop na ekspresyon sa pagpapahayag ng sariling pananaw at ng pananaw ng iba?

Pamamaraan
Panimula at Pagganyak
     Itsek ang takdang-aralin. Tumawag ng dalawa o tatlong estudyante upang ibahagi ang kanilang kasagutan sa takdang-aralin.

Pagpapayaman ng Talasalitaan
     Ipagawa ang gawain sa Talasik sa pahina 225 ng batayang aklat. Tumawag ng dalawa o tatlong estudyante upang ibahagi ang
kanilang mga kasagutan.

Pagsusuri at Pagtalakay
1. Ipagawa ang panimulang gawain sa Pagsusuring Pampanitikan sa pahina 223 ng batayang aklat. Tumawag ng dalawa
o tatlong estudyante upang ibahagi ang kanilang kasagutan.
2. Ipasagot ang mga tanong na kasunod ng gawain at magkaroon ng talakayan tungkol sa kasagutan ng mga estudyante.
3. Ipabasa ang “Komentaryong Panradyo Kaugnay ng Freedom of Information Bill” sa mga pahina 223 hanggang 225.
Ipabasa rin ang nakasaad sa Tandaan sa pahina 224. Magbigay ng sapat na oras para sa pagbabasa nang tahimik. Maaari ding
tumawag ng dalawang estudyante upang basahin nang malakas ang komentaryo sa harap ng klase.
4. Magkaroon ng malayang talakayan tungkol sa binasang teksto. Gawing gabay sa talakayan ang mga katanungan
sa Muling Pag-isipan sa pahina 225. Idagdag ang sumusunod na mga katanungan:
a. Bakit mahalagang maipasa ang FOI bilang isang batas?
c. Ano ang komentaryong panradyo?
b. Paano nakatutulong ang mga komentaryong panradyo sa pagiging mulat ng mga Pilipino sa mga kaganapan sa lipunan?
5. Ipasulat sa pisara sa mga estudyante ang mahahalagang konsepto mula sa tekstong binasa. Hayaan silang ipaliwanag
ang kanilang sinulat na mga konsepto. Lagumin ang mga konseptong nabuo ng mga estudyante.
6. Ipaliwanag ang mga mahahalagang konsepto tungkol sa binasang teksto tulad ng:
a. Ang mga komentaryong panradyo ay ang pagpapaliwanag, pagtalakay, at paglalahad ng pananaw o opinyon tungkol sa isang
isyu gamit ang medium na radyo.
b. Mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga komentaryong panradyo sa pagiging mulat ng mga Pilipino sa mga kaganapang
panlipunan dahil ito ang nagiging daluyan ng malayang pagsusuri at pag-aanalisa sa mga kaganapang panlipunan. Nakatutulong
ito upang ang mga Pilipino ay maging bukas ang isipan upang gumawa ng aksiyon para sa pangkalahatang pagbabago.

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 8 Yunit 3 (3rd Quarter) FSSaladino


Pagsasanay 
     Ipagawa sa mga estudyante ang mga pagsasanay sa Masusing Gampanan sa pahina 226 ng batayang aklat.

Paglalahat
     Matapos ang talakayan at mga gawain sa Pagsusuring Pampanitikan, tanungin ang mga estudyante kung anong
mahahalagang aral ang napulot nila mula rito.

Takdang-aralin
1. Sabihin sa mga estudyante na pag-aralan ang mga angkop na ekspresyon sa paglalahad ng sariling pananaw at ng
pananaw ng iba; ipabasa ang nakasaad sa pahina 227 ng batayang aklat.
2. Ipasagot ang tanong: Bakit mahalagang magamit ang angkop na ekspresyon sa pagpapaliwanag ng sariling pananaw at
ng pananaw ng iba?

Integrasyon sa Gramatika
Pagbabalik-aral at Pagganyak
     Itsek ang takdang-aralin. Pumili ng tatlo hanggang limang estudyante upang talakayin ang kanilang kasagutan.

Pagsusuri at Pagtalakay
1. Ipabasa ang pahayag sa Alamin Natin sa pahina 227 ng batayang aklat at ipasagot ang mga tanong na kasunod nito.
2. Talakayin ang tungkol sa paglalahad ng pananaw ayon sa nakasaad sa pahina 227 ng batayang aklat. Ipaisa–isa ang
kahalagahan ng mga angkop na ekpresyon sa paglalahad ng sariling pananaw at ng pananaw ng iba.
3. Ipaliwanag ang mahahalagang konsepto tungkol sa talakayan tulad ng:
a. May dalawang paraan ng pagbuo ng pananaw. Ang una ay obhektibo o naaayon sa lugar na kinalalagyan ng naglalarawan, at
ang ikalawa ay ang pansariling pagtingin ng naglalarawan sa pangyayari.
b. Maaaring gamitin ang mga ekspresyong sa akin, akala ko, o sa tingin ko kung sariling pananaw ang ilalahad.
c. Maaaring gamitin ang mga ekspresyong ayon sa/kay, batay sa/kay, sang-ayon sa/kay, at iba pa kung pananaw ng iba ang pag-
uusapan.
4. Magbigay ng mga sitwasyong nakikita sa paligid. Tumawag ng mga estudyante upang magbigay ng sariling pananaw
ukol sa mga ito gamit ang mga angkop na ekpresyon sa paglalahad ng pananaw.
Pagsasanay 
     Ipagawa ang mga pagsasanay sa Himayin Natin sa mga pahina 228 at 229 ng batayang aklat. Ipabahagi sa klase ang
kasagutan ng mga estudyante.

Pagbubuod
1. Ipagawa ang mga gawain sa Pagtibayin Natin at Lagumin Natin sa pahina 229 ng batayang aklat.
2. Ipabuod ang mga kasagutan ng mga estudyante ayon sa layunin ng buong aralin.

Takdang-aralin
1. Ipabasa ang "Isang Dokumentaryong Pampelikula" sa mga pahina 231 hanggang 233 ng batayang aklat.
2. Ipasagot ang tanong: Paano nakatutulong ang telebisyon sa pagpapalaganap ng kamalayang panlipunan?

Karagdagang Pagsasanay

Sagutin ang tanong na nasa loob ng bilog at ilagay ang iyong mga sagot sa mga kahon. 

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 8 Yunit 3 (3rd Quarter) FSSaladino


Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Schools Division of Ilocos Norte

PASUQUIN HIGH SCHOOL OF ILOCOS NORTE INC.


(formerly: Pasuquin Academy)
Pasuquin, Ilocos Norte
“Ang karunungan ay kayamanang walang taong makapagnanakaw.”

Aralin 17

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 8 Yunit 3 (3rd Quarter) FSSaladino


Pangarap sa Kinabukasan

Pamantayang Pangnilalaman: 
Naipamamalas ang pag-unawa sa kaugnayan ng panitikang popular sa kulturang Pilipino
Pamantayan sa Pagganap: 
Nakabubuo ng kampanya tungo sa panlipunang kamalayan sa pamamagitan ng multimedia (social media
awareness campaign)

Paksang Aralin
     Panitikan: Isang Dokumentaryong Pampelikula (Halaw mula sa Minsan Lang Silang Bata) 
     Gramatika: Mga Ekspresyong Hudyat ng Ugnayang Lohikal
Layunin
Natutukoy ang mga tamang salita sa pagbuo ng isang puzzle na may kaugnayan sa paksa
Naipahahayag sa lohikal na paraan ang mga pananaw at katuwiran
Nagagamit ang mga ekspresyong nagpapakita ng kaugnayang lohikal sa pagsulat ng isang dokumentaryong
pantelebisyon 
Nagagamit nang wasto ang mga ekspresyong hudyat ng kaugnayang lohikal (dahil–bunga at iba pa)
Kagamitan
batayang aklat na Bulwagan 8 Kamalayan sa Gramatika at Panitikan, mga pahina 230–237

Bilang ng Sesyon: 4 (isang oras sa bawat sesyon)

Mahahalagang Tanong
Paano nakatutulong ang telebisyon sa pagpapalaganap ng kamalayang panlipunan?
Bakit mahalagang magamit nang wasto ang mga ekspresyong hudyat ng ugnayang lohikal tulad ng sanhi at bunga,
paraan at resulta, at paraan at layunin?

Pamamaraan
Panimula at Pagganyak
     Itsek ang takdang-aralin. Tumawag ng dalawa o tatlong estudyante upang ibahagi ang kanilang kasagutan sa takdang-aralin.

Pagpapayaman ng Talasalitaan
     Ipagawa ang gawain sa Talasik sa pahina 233 ng batayang aklat. Tumawag ng dalawa o tatlong estudyante upang ibahagi ang
kanilang mga kasagutan.

Pagsusuri at Pagtalakay
1. Ipagawa ang panimulang gawain sa Pagsusuring Pampanitikan sa pahina 231 ng batayang aklat. Ipasagot ang mga
tanong na kasunod nito. Magkaroon ng talakayan tungkol sa kasagutan ng mga estudyante.
2. Ipabasa ang “Isang Dokumentaryong Pampelikula” sa mga pahina 231 hanggang 233. Ipabasa rin ang nakasaad
sa Tandaan sa pahina 232. Magbigay ng sapat na oras para sa pagbabasa nang tahimik.
3. Magkaroon ng malayang talakayan tungkol sa binasang teksto. Gawing gabay sa talakayan ang mga katanungan
sa Muling Pag-isipan sa pahina 233. Idagdag ang sumusunod na mga katanungan:
a. Paano nakatutulong ang telebisyon sa pagpapalaganap ng kamalayang panlipunan?
b. Bakit mahalaga ang telebisyon bilang daluyan ng komunikasyon ng mga tao?
4. Ipasulat sa pisara sa mga estudyante ang mahahalagang konsepto mula sa tekstong binasa. Hayaan silang ipaliwanag
ang kanilang sinulat na mga konsepto. Lagumin ang mga konseptong nabuo ng mga estudyante. 
5. Ipaliwanag ang mahahalagang konsepto tungkol sa binasang teksto tulad ng:
a. Mahalaga ang telebisyon bilang daluyan ng pagpapalaganap ng kamalayang Pilipino dahil maraming napapanood dito na
naglalahad ng mga kaganapan sa pang-araw-araw na pangyayari na may kinalaman sa buhay ng mga tao at sa mga pagbabagong
kinakailangan.
b. Ang telebisyon ay isang makabagong medium ng teknolohiya na ginagamit upang maglahad ng mahahalagang impormasyon
at ng mga kaganapan sa lipunan. Ginagamit din ito upang magbigay-aliw sa mga manonood.

Pagsasanay
     Ipagawa sa mga estudyante ang mga pagsasanay sa Masusing Gampanan sa pahina 234 ng batayang aklat.

Paglalahat
     Matapos ang talakayan at mga gawain sa Pagsusuring Pampanitikan, tanungin ang mga estudyante kung anong
mahahalagang aral ang napulot nila mula rito.

Takdang-aralin
1. Sabihin sa mga estudyante na pag-aralan ang tungkol sa paggamit ng mga ekspresyong hudyat ng ugnayang lohikal;
ipabasa ang nakasaad sa pahina 235 ng batayang aklat.
2. Ipasagot ang tanong: Bakit mahalagang magamit nang wasto ang mga ekspresyong hudyat ng ugnayang lohikal tulad
ng sanhi at bunga, paraan at resulta, at paraan at layunin?

Integrasyon sa Gramatika
Pagbabalik-aral at Pagganyak
     Itsek ang takdang-aralin. Pumili ng tatlo hanggang limang estudyante upang talakayin ang kanilang kasagutan.

Pagsusuri at Pagtalakay

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 8 Yunit 3 (3rd Quarter) FSSaladino


1. Suriin ang larawan sa Alamin Natin sa pahina 234 ng batayang aklat at ipasagot ang mga tanong na kasunod nito.
2. Talakayin ang mga ekpresyong hudyat ng ugnayang lohikal ayon sa nakasaad sa Talakayin Natin sa pahina 235 ng
batayang aklat. 
3. Ipaisa-isa ang mga konseptong nagpapahayag ng relasyon o ugnayang lohikal (paraan at layunin, paraan at resulta, at
sanhi at bunga).
4. Ipaliwanag ang mahahalagang konsepto tungkol sa talakayan tulad ng:
a. Mahalaga ang ugnayan sa bawat pangungusap dahil ito ay nagbibigay ng kalinawan at kahulugan sa nais ipahayag ng may-
akda.
b. Ang mga ekspresyon o pang-ugnay tulad ng upang, nang, o, at para ay ginagamit sa paglalahad ng layunin at paraan.
c. Ang mga ekspresyon o pang-ugnay na kaya, kaya naman, dahil sa, at bunga nito ay ginagamit sa pagpapahayag ng ugnayang
sanhi at bunga.
5. Tumawag ng mga estudyante upang magbigay ng sariling halimbawa ng mga pangungusap na ginagamitan ng mga
ekspresyong hudyat ng ugnayang lohikal.

Pagsasanay 
     Ipagawa ang mga pagsasanay sa Himayin Natin sa pahina 236 ng batayang aklat. Ipabahagi sa klase ang ginawa ng mga
estudyante.

Pagbubuod
1. Ipagawa ang mga gawain sa Pagtibayin Natin at Lagumin Natin sa pahina 237 ng batayang aklat.
2. Ipabuod ang mga kasagutan ng mga estudyante ayon sa layunin ng buong aralin.
Takdang-aralin
1. Ipabasa ang dokumentaryong "Manoro (Ang Guro)" sa mga pahina 238 hanggang 245 ng batayang aklat.
2. Ipasagot ang tanong: Bakit mahalagang panoorin at pag-aralan ang mga dokumentaryong pampelikula?
3. Sabihin sa mga estudyante na magtanong sila sa kanilang magulang, kasambahay, o kapitbahay tungkol sa karanasan
sa eleksiyon. Humandang ibahagi ito sa klase.

Karagdagang Pagsasanay

     Sumulat ng isang maikling sanaysay na binubuo ng tatlong talata tungkol sa paksang "Paano malulutas ang mga problema ng
mga kabataan tulad ng mga batang manggagawa?"

Republic of the Philippines


DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Schools Division of Ilocos Norte

PASUQUIN HIGH SCHOOL OF ILOCOS NORTE INC.


(formerly: Pasuquin Academy)
Pasuquin, Ilocos Norte
“Ang karunungan ay kayamanang walang taong makapagnanakaw.”

Aralin 18
Pinilakang-Tabing ng Lipunan

Pamantayang Pangnilalaman: 
Naipamamalas ang pag-unawa sa kaugnayan ng panitikang popular sa kulturang Pilipino
Pamantayan sa Pagganap: 
Nakabubuo ng kampanya tungo sa panlipunang kamalayan sa pamamagitan ng multimedia (social media
awareness campaign)

Paksang Aralin
     Panitikan: Manoro (Ang Guro) (Sulyap sa Kabihasnan, Isang Realisasyon)
     Gramatika: Kahusayang Gramatikal (Kayarian ng Pangungusap)
Layunin
Nasusuri ang napanood na pelikula batay sa paksa o tema, layon, gamit ng salita o diyalogo, at tauhan
Nabibigyang-kahulugan ang mga salitang ginagamit sa mundo ng pelikula
Nagagamit ang kahusayang gramatikal (tamang bantas, wastong baybay, magkakaugnay na salita) sa pagsulat
Nakasusulat ng isang suring-pelikula batay sa itinakdang pamantayan
Naipahahayag ang sariling pananaw tungkol sa mahahalagang isyung mahihinuha sa napanood na pelikula
Kagamitan

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 8 Yunit 3 (3rd Quarter) FSSaladino


batayang aklat na Bulwagan 8 Kamalayan sa Gramatika at Panitikan, mga pahina 238–255
mga larawang may kaugnayan sa eleksiyon

Bilang ng Sesyon: 3 (isang oras sa bawat sesyon)

Mahahalagang Tanong
Bakit mahalagang panoorin at pag-aralan ang mga dokumentaryong pampelikula?
Bakit mahalagang magamit ang kahusayang gramatikal (tamang bantas, baybay, magkakaugnay na pangungusap/talata)
sa pagsulat ng isang suring-pelikula?

Pamamaraan
Panimula at Pagganyak
     Itsek ang takdang-aralin. Tumawag ng dalawa o tatlong estudyante upang ibahagi ang kanilang kasagutan sa takdang-aralin.

Pagpapayaman ng Talasalitaan
     Ipagawa ang gawain sa Talasik sa pahina 246 ng batayang aklat. Tumawag ng dalawa o tatlong estudyante upang ibahagi ang
kanilang mga kasagutan.

Pagsusuri at Pagtalakay
1. Ipagawa ang panimulang gawain sa Pagsusuring Pampanitikan sa pahina 239 ng batayang aklat. Ipasagot ang mga
katanungan na kasunod ng gawain. Magkaroon ng talakayan tungkol sa kasagutan ng mga estudyante.
2. Ipabasa ang dokumentaryong “Manoro (Ang Guro) (Sulyap sa Kabihasnan, Isang Realisasyon)” sa mga pahina 239
hanggang 245. Ipabasa rin ang nakasaad sa Tandaan sa pahina 240. Magbigay ng sapat na oras para sa pagbabasa nang tahimik.
3. Magkaroon ng malayang talakayan tungkol sa binasang teksto. Gawing gabay sa talakayan ang mga katanungan
sa Muling Pag-isipan sa pahina 246. Idagdag ang sumusunod na mga katanungan:
a. Ano ang dokumentaryong pampelikula?
b. Bakit mahalagang panoorin at pag-aralan ang mga dokumentaryong pelikula?
4. Ipasulat sa pisara sa mga estudyante ang mahahalagang konsepto mula sa tekstong binasa. Hayaan silang ipaliwanag
ang kanilang sinulat na mga konsepto. Lagumin ang mga konseptong nabuo ng mga estudyante.
5. Ipaliwanag ang mahahalagang konsepto tungkol sa binasang teksto tulad ng:
a. Mahalagang panoorin at pag-aralan ang dokumentaryong pampelikula dahil ito ay nagiging daluyan ng pag-unlad ng
kamalayan ng mga Pilipino sa mga isyung panlipunan. Mahalaga rin ito dahil ito ay nagiging daan upang ang mga mamamayan
ay kumilos ayon sa mga kaganapan sa kanilang kapaligiran.
b. Ang dokumentaryong pelikula ay mga pelikula na ginawa na may malayang paraan at tema. Ito ay may layuning buksan ang
kamalayan ng mga manonod tungkol sa tunay na kaganapan sa isyung panlipunan.

Pagsasanay 
     Ipagawa sa mga estudyante ang mga pagsasanay sa Masusing Gampanan sa mga pahina 247 at 248 ng batayang aklat.

Paglalahat
     Matapos ang talakayan at mga gawain sa Pagsusuring Pampanitikan, tanungin ang mga estudyante kung anong
mahahalagang aral ang napulot nila mula rito.

Takdang-aralin
1. Sabihin sa mga estudyante na pag-aralan ang tungkol sa kahusayang gramatikal (kayarian ng pangungusap); ipabasa
ang nakasaad sa mga pahina 249 hanggang 253 ng batayang aklat.
2. Ipasagot ang tanong: Bakit mahalagang magamit ang kahusayang gramatikal (tamang baybay, bantas, at pagkakaugnay-
ugnay ng mga pangungusap/talata) sa pagsulat ng suring-pelikula?

Integrasyon sa Gramatika

Pagbabalik-aral at Pagganyak
     Itsek ang takdang-aralin. Pumili ng tatlo hanggang limang estudyante upang talakayin ang kanilang kasagutan.

Pagsusuri at Pagtalakay
1. Ipabasa ang balita sa Alamin Natin sa pahina 248 ng batayang aklat at ipasagot ang mga tanong na kasunod nito.
2. Talakayin ang tungkol sa kahusayang gramatikal (kayarian ng pangungusap) ayon sa nakasaad sa Talakayin Natin sa
mga pahina 249 hanggang 253 ng batayang aklat. 
3. Ipaisa-isa ang kahalagahan ng kahusayang gramatikal (tamang bantas, baybay, at pagkakaugnay-ugnay ng mga
pangungusap) at ipaliwanag ang wastong paggamit nito para sa mabisang pagsulat.
4. Ipaliwanag ang mahahalagang konsepto tungkol sa talakayan tulad ng:
a. Ang kahusayang gramatikal ay nakatutulong upang ang pagpapahayag ng mensaheng nais ipabatid ng awtor, lalong-lalo na sa
paraang pasulat, ay mas madaling maunawaan ng mga mambabasa.
b. Ang paggamit ng tamang bantas ay nakatutulong upang maipahayag nang malinaw at tama ang damdamin na nais ipahayag
ng awtor.
c. May mga layunin na dapat isaalang-alang sa paggamit ng mga bantas, tulad ng pagputol o paghahati ng mga pangungusap
upang maging malinaw ang pag-unawa sa mensaheng nais na ipaabot.
5. Tumawag ng mga estudyante upang magbigay ng sariling halimbawa ng mga pangungusap na ginagamitan ng tamang
gramatika.
Pagsasanay 
     Ipagawa ang mga pagsasanay sa Himayin Natin sa mga pahina 253 at 254 ng batayang aklat. Ipabahagi sa klase ang ginawa
ng mga estudyante.

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 8 Yunit 3 (3rd Quarter) FSSaladino


Pagbubuod
1. Ipagawa ang mga gawain sa Pagtibayin Natin at Lagumin Natin sa mga pahina 254 at 255 ng batayang aklat.
2. Ipabuod ang mga kasagutan ng mga estudyante ayon sa layunin ng buong aralin.

Takdang-aralin
1. Ipabasa ang nakasaad sa Pagtalakay at Proyekto sa mga pahina 256, 257, at 259 ng batayang aklat.
2. Ipasagot ang tanong: Bakit mahalagang suriin ang mga isyung panlipunan?
3. Sabihin sa mg estudyante na magtanong sa kanilang magulang, kasambahay, o kapitbahay tungkol sa mga isyung
panlipunan na nais nilang mabigyan ng solusyon. Humandang ibahagi ito sa klase.

Karagdagang Pagsasanay
Lagyan ng tamang bantas ang bawat pangungusap. (Nakalimbag nang mariin ang mga inaasahang sagot.)
1.   Sige na, pumayag ka na.
2.   Sa pagsusuri, kailangang suriing mabuti ang mga datos na ipinapahayag.
3.   Nakita ba ninyo ang aking ama?
4.   Inang, mag-ingat ka!
5.   Oo, pati ang pamilya ko, iboboto ka.

Republic of the Philippines


DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Schools Division of Ilocos Norte

PASUQUIN HIGH SCHOOL OF ILOCOS NORTE INC.


(formerly: Pasuquin Academy)
Pasuquin, Ilocos Norte
“Ang karunungan ay kayamanang walang taong makapagnanakaw.”

Panapos na Gawain para sa Yunit 3


Paksang Aralin

     Paggawa ng Isang Social Awareness Campaign

Layunin

Naipakikita ang mga pagpapahalagang Pilipino sa pamamagitan ng isang panlipunang kampanya


Nabibigyang-puna o -mungkahi ang nabuong kampanya na gagamitin sa pagtatanghal
Nakadarama ng pagmamalaki sa nagawang pagtatanghal ng grupo
Aktibong nakikilahok sa pangkatang gawain, ang pagtatanghal ng isang panlipunang kampanya
Kagamitan

batayang aklat na Bulwagan 8 Kamalayan sa Gramatika at Panitikan, mga pahina 256–260


mga props na gagamitin sa pagtatanghal
gabay na gagamitin sa pagsasagawa ng social awareness campaign

Bilang ng Sesyon: 4 (isang oras sa bawat sesyon)

Pamamaraan

Panimula at Pagganyak

1. Magkaroon ng pagbabalik-aral sa mga natutuhan sa yunit 3 sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga estudyante ng isa o
dalawang parirala o pangungusap na maglalagom ng kanilang pagkatuto.
2. Tumawag ng tatlo hanggang pitong estudyante upang ibahagi ito sa klase.

Pagpapayaman ng Talasalitaan

     Ipagawa ang gawain sa Talasik sa pahina 257 ng batayang aklat. Magkaroon ng malayang talakayan sa kasagutan ng mga
estudyante.

Pagsusuri at Pagtalakay

1. Ipagawa ang Panimulang Gawain sa pahina 256 ng batayang aklat at ipasagot ang mga tanong na kasunod nito.
Magkaroon ng talakayan tungkol sa kasagutan ng mga estudyante.
2. Ipabasa ang nilalaman ng Pagtalakay sa mga pahina 256 at 257 tungkol sa pagsasagawa ng isang social awareness
campaign. Maglaan ng sapat na oras sa pagbasa nang tahimik sa teksto.

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 8 Yunit 3 (3rd Quarter) FSSaladino


3. Magkaroon ng malayang talakayan tungkol sa paksa. Gawing gabay sa talakayan ang mga katanungan sa Muling Pag-
isipan sa pahina 258 ng batayang aklat. Idagdag ang sumusunod na mga katanungan:
a. Bakit mahalagang malaman ang mga isyung panlipunan?
b. Paano ka makatutulong sa pagresolba ng  mga isyung panlipunan?
c. Paano nakatutulong ang mga social awareness campaign sa pagpapalaganap ng kamalayan ukol sa mga isyung panlipunan?
4. Ipasulat sa pisara ang mahahalagang konsepto na nakuha mula sa talakayan. Lagumin ang mga konseptong nabuo ng
mga estudyante.
5. Ipaliwanag ang mahahalagang konseptong nabuo tungkol sa pagsasagawa ng isang panlipunang kampanya o social
awareness campaign, tulad ng:
a. Mahalagang malaman ang mga isyung panlipunan dahil ito ay makatutulong sa bawat isa na makapagsuri at makibahagi sa
mga bagay na nagaganap sa kapaligiran.
b. Ang bawat isa ay makatutulong sa pagresolba ng mga isyung panlipunan sa pamamagitan ng pakikialam, pakikisangkot, at
pakikibahagi nang mga kaalaman at kasanayan tungo sa makabuluhang pag-aksiyon.
c. Nakatutulong ang social awareness campaign sa pagreresolba ng mga isyung panlipunan sa pamamagitan ng paghahatid ng
mga panlipunang isyu sa nakararaming tao at paglalahad ng mahahalagang impormasyon na maaari nilang suriin.

Pagsasanay 

     Ipagawa ang mga pagsasanay sa Masusing Gampanan sa mga pahina 258 at 259 ng batayang aklat.

Integrasyon sa Pagsasagawa ng Proyekto

Pagbabalik-aral at Pagganyak

     Tumawag ng isa hanggang tatlong estudyante para ipahayag ang kanilang natutuhan sa nakaraang aralin.

Pagsusuri at Pagtalakay

1. Ipabasa ang nakasaad sa Proyekto sa pahina 259 bilang paghahanda sa paggawa ng proyekto na
magsisilbing integrasyon ng mga natutuhan sa yunit 3. Bigyan ng sapat na oras ang mga estudyante para sa pagbasa.
2. Hatiin ang klase sa apat na pangkat. Tiyakin na ang bawat kasapi ng pangkat ay may kani-kaniyang gawain.
3. Linawin sa mga estudyante ang inaasahan sa kanila. Ipaliwanag ang rubrik sa pahina 260 na gagamiting pamantayan sa
pagtataya sa kanilang nabuong social awareness campaign, gayundin sa kanilang pagtatanghal.
4. Ipagawa ang proyekto. Bigyan ng sapat na panahon ang mga estudyante sa paghahanda para sa pagtatanghal ng
kanilang ginawa.
5. Ipatanghal ang nabuong social awareness campaign na naglalarawan ng isang isyung panlipunan.

Pagbubuod

1. Ipagawa sa mga estudyante ang gawain A sa Pagtatapos ng Yunit sa pahina 260 kung saang sasagutin nila ang
mga mahahalagang tanong sa buong yunit. Tumawag ng ilang estudyante upang magbahagi ng sagot.
2. Magkaroon ng pangwakas na pagsusulit para sa yunit. Idikta sa mga estudyante ang mga katanungan sa Panimulang
Pagtataya para sa Yunit sa mga pahina 194 hanggang 197. Maaari ding bumuo ng panibagong pangwakas na pagsusulit.
Ipaalala sa mga estudyante na ang iskor na makukuha nila sa pagsusulit na ito ay itatala na at isasama sa pagmamarka.
3. Ipagawa rin ang gawain C sa pahina 262 ng batayang aklat. Lagumin ang buong yunit batay sa sagot ng mga
estudyante sa 3-2-1 tsart.

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 8 Yunit 3 (3rd Quarter) FSSaladino

You might also like