You are on page 1of 23

5

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 4:
Ang Pag-usbong ng
Nasyonalismong Pilipino
Araling Panlipunan – Ikalimang Baitang Alternative Delivery Mode Ikatlong
Markahan – Modyul 4: Ang Pag-usbong ng Nasyonalismong Pilipino Unang
Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring
iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o


ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V
Ronelo Al K. Firmo, PhD, CESO V
Librada M. Rubio, PhD
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Jamie D. Torno


Tagasuri: Angelica M. Burayag, PhD/ Ma. Leonora B. Cruz
Mary Jane P. Soriano/ Edelwiza L. Cadag Rodel
D. Lintag

Tagaguhit: Jane Racquel T. Aquino


Tagalapat: Jamie D. Torno
Tagapamahala:
Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V
Librada M. Rubio, PhD
Angelica M. Burayag, PhD
Ma. Editha R. Caparas, EdD
Nestor P. Nuesca, EdD
Marie Ann C. Ligsay, PhD
Rodel D. Lintag
Mary Jane P. Soriano
Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III
Office Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telefax: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
5
Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 4:
Ang Pag-usbong ng
Nasyonalismong Pilipino

Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para
sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t
ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at
malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na
naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga
magaaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman


ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi
kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro.
Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat
naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o
mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na
magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan
ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa


kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga
aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,


umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

ii
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyong kapakinabangan. Ito


ay naglalaman ng iba’t ibang gawain upang malaman mo ang iba’t ibang dahilan at
mga salik na nagpausbong sa damdaming nasyonalismo ng mga sinaunang
Pilipino.

Sa katapusan ng modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:

1. Naipaliliwanag ang konsepto ng nasyonalismo;


2. Nasusuri ang kaugnayan ng pakikipaglaban ng mga Pilipino sa pag-usbong
ng nasyonalismong Pilipino; at
3. Naipapamalas ang pagpapahalaga sa nasyonalismong Pilipino.

Subukin

A. Panuto: Pagsusuri ng Pahayag. Basahin at unawaing mabuti ang


ipinahahayag ng bawat pangungusap. Isulat ang salitang NASYONALISMO
kung ang pahayag ay lumilinang sa konsepto ng nasyonalismo at HINDI
NASYONALISMO kung hindi lumilinang sa konsepto ng nasyonalismo.
Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Ito ay ideolohiyang politikal na lumaganap sa England noong ika-18 siglo.


2. Paggamit ng kapangyarihan sa marahas na paraan.
3. Pagtutol at paglaban sa kalabisan na nararanasan laban sa mga
makapangyarihang bansa.
4. Ang pagkakakilanlan ng isang tao ay iniuugnay sa lugar na pinagmulan.
5. Pagpapatupad ng mga patakarang kokontrol sa mamamayan.
6. Pagsasamantala sa kahinaan ng maliliit na bansa.
7. Pagpapasailalim sa kagustuhan ng mas makapangyarihang bansa.
8. Pagpapamalas ng malalim na pagmamahal para sa bayang sinilangan.
9. Pagtatanggol ng karapatang mamuhay nang malaya upang mapaunlad ang
pagkakakilanlan.
10. Pagpapanumbalik ng hangaring pamunuan ang sariling bayan sa
pamamagitan ng mga pag-aalsa.

1
B. Panuto: Pag-aanalisa ng mga Pangyayari. Basahin at unawaing mabuti
ang ipinahahayag ng bawat pangungusap. Isulat ang mga titik na PNP
kung lumilinang sa pag-usbong ng nasyonalismong Pilipino at HPNP kung
hindi lumilinang sa pag-usbong ng nasyonalismong Pilipino. Isulat ang
sagot sa iyong sagutang papel.

1. Pagsuway sa mga patakarang ipinatutupad ng kolonyalismong Espanyol.


2. Pagbabayad sa mga ipinapataw na buwis ng mga Espanyol
3. Pagkilala sa taglay na kapangyarihan at pagsunod sa mga namumunong
Espanyol.
4. Hindi paglimot sa kinagisnang pagkakakilanlang pangkultura at panlipunan
5. Paglunsad ng iba’t ibang pag-aalsa upang makawala sa kapangyarihan ng
mga mananakop.

Aralin
Ang Pag-usbong ng
1 Nasyonalismong Pilipino

Ang mga Espanyol ay naging masigasig sa pagpapalaganap ng kolonyalismo sa


Pilipinas. Ginamit nila ang Kristiyanismo at iba’t-ibang mga patakaran tulad ng
reduccion, polo y servicio,
tributo, at ang sistemang
encomienda upang mapasunod
ang mga sinaunang
Pilipino at mapasailalim sa
kapangyarihan nito.

Dahil sa kahirapang
nararanasan sa mga patakarang
ipinatupad ng kolonyalismong
Espanyol ay maraming
mga
Pilipino ang nagnais makawala
sa kapangyarihan ng
Espanya.
Nagbigay daan ang
kolonyalismong Espanyol upang
matuklasan ng mga Pilipino ang

2
kaya nilang gawin. Hinamon nito ang kanilang katatagan
at nagbigay daan upang mapaunlad ang pagkakakilanlang
Pilipino.
Balikan
Iyong balikan ang mga isinagawang sinaunang pakikipaglaban at ang mga
dahilan ng pakikipaglaban ng mga Pilipino sa kolonyalismong Espanyol na
nagpakita ng kanilang pagmamahal sa bayan at simula ng pag-usbong ng
nasyonalismong Pilipino bilang paghahanda sa pag-aaral ng modyul na ito.
Tunghayan at suriing mabuti ang nilalaman ng bawat teksto at subuking sagutin
ang mga pamprosesong tanong sa iyong sagutang papel.

PAKIKIPAGLABAN NG MGA SINAUNANG PILIPINO

Dahilan ng Pakikipaglaban
Mga Pakikipaglabang Naganap
1. Pagtutol sa monopolyo ng
tabako A. Pag -aalsang Politikal
2. Pagtutol sa sapilitang 1. Pag -aalsa ni Lakandula
pagbibinyag at at mga Datu ng Tondo
Kristiyanismo B. Pag -aalsang Panrelihiyon
3. Pagtutol sa labis na 1. Pag -aalsa ng Igorot
pagbubuwis, polo y servicio 2. Pag -aalsa ni Tamblot
at paghihigpit sa 3. Pag -aalsa ng mga Itneg
produksiyon ng produkto C. Pag -aalsang Ekonomiko
4. Pagbawi ng kalayaang 1. Pag -aalsa ni Magalat
mamuno at karangalan 2. Pag -aalsa ni Sumuroy
5. Okupasyon ng British sa 3. Pagtutol ni Maniago
Maynila 4. Pag -aalsa ni Malong
5. Pag -aalsa ni Diego at
Gabriela Silang
6. Pag -aalsang Basi

Pamprosesong tanong:

1. Ano ang naging epekto ng monopolyo ng tabako sa pamumuhay ng mga


sinaunang Pilipino?

2. Bakit tinutulan ng mga ilang katutubo ang Kristiyanismo?

3. Paano nakaapekto ang mga patakarang ekonomiko na ipinatupad ng mga


Espanyol sa pamumuhay ng mga Pilipino?

3
4. Bakit mahalaga sa mga Pilipino na mabawi ang kanilang karangalan at
kalayaang muling mamuno?

5. Paano pinaalab ng Okupasyon ng British sa Maynila ang hangaring


makipaglaban ng mga Pilipino?

6. Sa iyong palagay, makatuwiran ba ang mga isinagawang pag-aalsa ng mga


sinaunang Pilipino? Bakit?

Mga Tala para sa Guro


Ang sumusunod na aralin ay may kinalaman sa mga
batayang impormasyon sa pag -usbong ng nasyonalismong
Pilipino. Mainam na g abayan ang mga mag -aaral sa pagtalakay
ng aralin sa modyul na ito.

4
Tuklasin

Tunghayan at suriin mo ang Pambansang Awit na nasa ibaba at subuking


sagutin ang mga pamprosesong tanong sa iyong sagutang papel.

Lupang Hinirang
ni Julia n Felipe

Bayang magiliw,
Perlas ng silanganan,
Alab ng puso, Sa dibdib mo’y buhay.

Lupang hinirang,
Duyan ka ng magiting,
Sa manlulupig, Di ka pasisiil.

Sa dagat at bundok,
Sa simoy at sa langit mong bughaw,
May dilag ang tula, At awit sa paglayang mina mahal.

Ang kislap ng watawat mo’y


Tagumpay na nagniningning;
Ang bituin at araw niya, Kailan pa ma’y di magdidilim.

Lupa ng araw, ng luwalhati’t pagsinta,


Buhay ay langit sa piling mo;
Aming ligaya na ‘pag may mang -aapi,
Ang mamatay nang dahil sa iyo.

Pamprosesong tanong:
1. Sino ang tinutukoy na Perlas ng Silanganan sa pambansang awit?
2. Ano ang nilalaman ng ikalawang saknong?
3. Ano ang ipinamamalas ng huling linya ng awit?

Suriin

5
PAG-USBONG NG NASYONALISMONG PILIPINO
Ang nasyonalismo ay isang ideolohiyang politikal na lumaganap sa bansang
England noong noong ika-18 siglo kung saan ang pagkakakilanlan ng isang tao ay
kaniyang ibinabatay o ibinabahagi sa bansang pinagmulan o sinilangan (Gabuat
etal. 2016). Ito ay ipinamalas ng mga sinaunang Pilipino sa panahon ng
pananakop ng kolonyalismong Espanyol na kung saan buong tapang nilang
nilabanan ang mga mananakop na Espanyol sa kabila ng kanilang kakulangan sa
armas at kasanayan.

Ang mga pagbabagong ipinatupad ng mga Espanyol sa Pilipinas ay nagtulak sa


mga Pilipino upang mag-alsa at magsagawa ng pakikipaglaban sa kolonyalismong
Espanyol.

Tinutulan ng mga Pilipino ang mga maling pamamalakad at pagmamalabis sa


kapangyarihan ng mga pinunong Espanyol.

Ang mga mapang-abusong patakaran at mga kaganapan sa loob ng bansa ay


nagpaigting sa kamalayan ng mga Pilipino na kumawala sa kapangyarihan ng
Espanya at magsagawa ng mga pag-aalsa at pakikipaglaban.

Ang ipinamalas na kagitingan sa pakikipaglaban ng mga Pilipino ay nagpamalas


ng matinding pagmamahal sa bayan. Ang pagnanais na muling maibalik ang
nawalang kalayaan laban sa mga mananakop na Espanyol at muling mamuhay ng
payapa at may dangal maging kapalit man ito ng kanilang sariling mga buhay ay
sadyang hindi matatawaran.

Subuking sagutin ang mga pamprosesong tanong sa iyong sagutang papel.

1. Ano ang nasyonalismo?

2. Ano ang naging bunga ng mga pang-aabuso ng mga Espanyol sa mga


sinaunang Pilipino?

3. Ano ang ipinamamalas ng mga sinaunang Pilipino nang kanilang kalabanin


ang mga mananakop na Espanyol?

Pagyamanin
A. Panuto: PAGSUSURI SA MGA PAHAYAG. Tukuyin kung alin sa mga
sumusunod na pahayag ang bubuo sa paksang napag-aralan. Itala ang
mga pangyayari na nagbigay daan sa pag-usbong ng nasyonalismong
Pilipino sa panahon ng kolonyalismong Espanyol. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.

6
Mga
pagbabagong
ipinatupad ng
mga Espanyol

Pagbibigay ng
Maling
labis na gawaing
pamamalakad ng
pampamahalaan
mga pinunong
sa mga Pilipino
Espanyol

D AHILAN NG
PAG -USBONG NG
NASYONALISMONG
PILIPINO

Pagnanais ng
Pagmamalabis sa mga Pilipino na
kapangyarihan ng muling maibalik
mga Espanyol an g kalayaan ng
bansa

Mapang -abusong
patakaran na
pinairal sa Pilipino

B. Panuto: PAG-AANALISA NG MGA PANGYAYARI. Ipaliwanag mo kung


paano naipamalas ng mga sinaunang bayaning Pilipino ang kanilang
pagmamahal sa bayan. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Diego at Gabriela Silang (1762-1763)


Pag-aalsa ni Diego Silang nang dahil sa mabibigat na pagpapataw ng buwis,
pagsikil sa kalayaan at pag-aabuso ng alcalde-mayor. Nag-alsa si Diego
Silang kasama ang kanyang pangkat sa pamahalaang Espanyol noong 1762
ipinagpatuloy ng kanyang asawa na si Gabriela ang pag-aalsa ng siya ay
masawi.

7
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Francisco Maniago (1660-1661)


Pinangunahan ni Francisco Maniago mula Mexico, Pampanga ang pag-aalsa
sa Lingayen at Pampanga. Sumiklab ang pag-aalsang ito dahil sa mga
pagpapahirap ng mga Espanyol sa mga Pilipino, tulad ng pagpapatupad ng
polo y servicio, bandala at sapilitang paggawa.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
3. Juan Sumuroy (1649-1650)
Taong 1649 nang ipag-utos ng mga Espanyol na magpadala ng mga polista
na taga-Samar sa Cavite upang gumawa ng mga barko ngunit ito ay
tinutulan ng mga taga-Samar. Sa pamumuno ni Juan Ponce Sumuroy,
lumaban sila sa mga Espanyol. Sinunog nila ang mga simbahan at
namundok bilang mga rebelde.

__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

C. PAGBIBIGAY NG SALOOBIN. Sa iyong palagay, sa paanong paraan maaring


ipamalas ng mga sumusunod na Pilipino ang kanilang pagmamahal sa
bayan. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
1. Overseas Filipino Worker
2. Guro
3. Sundalo at Pulis
4. Politiko
5. Health Worker

Isaisip

Panuto: Punan ng angkop na salita ang mga patlang na lilinang sa paksang


nakalahad. Piliin ang angkop na salita sa loob ng kahon. Isulat ang sagot sa
iyong sagutang papel.

A. Ang nasyonalismo ay isang ideolohiyang ____________ na lumaganap sa


bansang England noong noong ika-18 siglo kung saan ang____________ng
isang tao ay kaniyang ibinabatay o ibinabahagi sa bansang pinagmulan o
____________ .Ito ay ipinamalas ng mga sinaunang Pilipino sa panahon ng
pananakop ng kolonyalismong Espanyol na kung saan buong tapang
nilang ______________ang mga mananakop na Espanyol sa kabila ng
kanilang kakulangan sa armas at _____________.

8
pagkakakilanlan politikal kasanayan sinilangan nilabanan

B. Naipamalas ng mga sinaunang Pilipino ang pagmamahal sa bayan sa


pamamagitan ng pagsasagawa ng mga ________________ sa mga Espanyol
upang _________________ sa malupit na pamamahala ng mga ito. Handa
nilang ______________ ang kanilang mga buhay maibalik lamang ang
pamumuhay na ______________ at ___________ ng bansa.

makawala pakikipaglaban kalayaan ibuwis mapayapa

Isagawa

Gawain 1

Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap. Gumuhit ng araw kung


ito ay nagpapahayag ng pag-usbong ng nasyonalismong Pilipino at bituin
kung hindi. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Pagbubuwis ng sariling buhay sa mga pakikipaglaban upang maibalik ang


nawalang kalayaan ng bansa.

2. Pagsunod sa mga patakarang ipinatutupad ng kolonyalismong Espanyol sa


bansa.
3. Pakikipaglaban sa mga Espanyol upang muling makamit ang mapayapang
pamumuhay.

4. Pag-aalsa sa kolonyalismong Espanyol upang makamkam ang taglay nilang


kayamanan.

5. Pakikipaglaban sa mga Espanyol upang makawala sa malupit na


pamamalakad ang mga kapwa Filipino.

Gawain 2

Panuto: Lagyan ng ang bilang kung ang sitwasyon o gawain ay


nagpapamalas ng nasyonalismo o pagmamahal sa bansa at kung hind
nagpapamalas ng nasyonalismo. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Pagtatanggol ng mga sundalo sa kalayaan ng bansa sa panahon ng


digmaan.

9
2. Pagbibigay serbisyo ng mga frontliner sa kabila ng panganib na dulot ng
COVID-19.

3. Pakikipaglaban ng mga pulis sa pagsugpo ng droga na sumisira sa


kinabukasan ng maraming kabataan.

4. Pag-aaral nang mabuti upang makakuha ng mataas na grado at


makapagtrabaho sa ibang bansa.

5. Pagsunod sa mga batas at ordinansang ipinatutupad upang mapanatili ang


kapayapaan sa loob ng bansa.

Gawain 3

Panuto: Bilang mamamayan na iyong bansang kinabibilangan, paano mo


maipapamalas ang nasyonalismo o pagmamahal sa iyong bansa? Kumpletuhin
mo ang pahayag na nasa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Bilang mamamayang Pilipino ay maipakikita ko ang nasyonalismo o


pagmamahal sa bansang Pilipinas sa pamamagitan ng
________________________
_____________________________________________________________________________
_
______________________________________________________________________________

Tayahin

Pagsusuri sa mga Kaisipan


Panuto: Suriing mabuti ang mga pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
iyong sagutang papel.

1. Alin sa sumusunod na pangungusap ang nagpapaliwanag sa konsepto ng


nasyonalismo?
A. Ang pagkakakilanlan ng isang tao ay ibinabatay o ibinabahagi sa
bansang pinagmulan o sinilangan.

10
B. Ang pagsunod sa mga maling patakaran upang mapanatili ang
kapayapaan ng bansa
C. Ang paggawa ng maraming batas na kailangang sundin ng mga
mamamayan.
D. Ang pagbubuwis ng sariling buhay upang makamit ang katanyagang
hinahangad.

2. Paano ipinamalas ng mga sinaunang Pilipino ang nasyonalismo o


pagmamahal sa bansa?
A. Pagsasagawa ng mga pag-aalsa o pakikipaglaban sa mga Espanyol
B. Pagsunod sa mga patakaran ng mga Espanyol.
C. Pagbabayad ng buwis sa mga Espanyol.
D. Paggalang sa mga pinunong Espanyol.

3. Ang mga sumusunod ay naghudyat sa mga Pilipino na magsagawa ng mga


pakikipaglaban sa mga Espanyol, maliban sa isa, alin ito?
A. malupit na pamamalakad ng mga pinunong Espanyol
B. di-makataong patakaran ng kolonyalismong Espanyol
C. hangad na muling maging malaya at mamuhay nang mapayapa D.
makilala bilang mamamayan ng Pilipinas at bigyan ng posisyon sa
pamahalaan.

4. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang HINDI nagpapamalas ng kaisipang


nasyonalismo.
A. Pagtatanggol sa kalayaan ng bansa sa laban sa mga mananakop.
B. Pangangalaga sa taglay na likas na yaman ng bansa.
C. Pagsunod sa mga batas na umiiral sa bansa.
D. Pagtangkilk ng mga produktong imported.

5. Kung ikaw ay nabuhay na sa panahon ng kolonyalismong Espanyol, sasali


ka ba sa mga pag-aalsang naganap upang maipamalas ang iyong
nasyonalismo o pagmamahal sa bayan?

A. Oo, dahil marami ang makakalaya kung magtatagumpay ang


pakikipaglaban.
B. Oo, dahil ang mamamatay para sa bayan ay tanda ng pagiging
bayani.
C. Hindi, dahil magdudulot ito ng matinding kalungkutan sa pamilya. D.
Hindi, dahil maipamamalas ang nasyonalismo sa pamamagitan ng
pagsunod sa mga Espanyol upang maiwasan ang kaguluhan.

6. Sino ang may katungkulang magpamalas ng nasyonalismo o pagmamahal


sa bansa?
A. pinuno at empleyado ng pamahalaan

11
B. manggagawa sa komunidad
C. ordinaryong mamamayan
D. lahat ng nabanggit

7. Ipinamalas ng mga sinaunang Pilipino ang nasyonalismo sa pamamagitan


ng pakikipaglaban sa kolonyalismong Espanyol. Maliban sa pakikipaglaban,
sa paanong paraan pa maaaring maipamalas ang nasyonalismo?
A. pagbibigay ng lahat ng yaman sa mga mahihirap
B. pagtalima sa mga aral ng simbahan
C. pagsunod sa ipinatutupad na batas
D. pananatili sa sariling bansa

8. Sino sa mga sumusunod ang nagpapamalas ng nasyonalismo sa bansa? A.


Si Maria na pinili ang karapat-dapat na pinuno ng bayan.
B. Si Pedro na ginawa ang lahat nang magpapasaya sa kanya.
C. Si Jose na binalewala ang mga batas na ipinatutupad ng barangay.
D. Si Juan na sumasali sa mga rally na bumabatikos sa pamahalaan.

9. Bilang isang mamamayan ng bansa, paano mo maipapamalas ang iyong


pagmamahal sa bansa sa panahon ngayon na ang bansa ay nakararanas ng
matinding pagsubok sa pakikipaglaban sa COVID-19?
A. sa pamamagitan ng pagsunod sa mga panuntunang ipinatutupad ng
pamahalaan.
B. sa pamamagitan ng pagpost sa social media ng mga tulong na
ibinibigay ng pamahalaan.
C. sa pamamagitan ng pagbili ng maraming facemask at alcohol upang
maging ligtas.
D. sa pamamagitan ng pananatili sa loob ng bahay at paglalaro buong
maghapon gamit ang celphone.

10.Bilang isang mag-aaral, paano mo maipamamalas ang nasyonalismo sa


loob ng paaralan?
A. Pagbili sa canteen ng masustansiyang pagkain.
B. Paglalagay ng mga vandalism o guhit sa mga pader ng paaralan.
C. Paglalagay ng mga nakakatawang guhit sa mga larawan na nasa aklat
D. Pangangalaga sa mga silid-aralan at kagamitan na
handog ng pamahalaan.

Karagdagang Gawain

Gumuhit ng masayang mukha kung ang pahayag ay nagpapamalas ng


nasyonalismo at malungkot na mukha kung hindi. Iguhit ang iyong sagot sa
sagutang papel.

12
1. Pagsunod sa mga tuntuning ipinatutupad sa pamayanan.

2. Pagpost sa facebook ng kagandahang taglay ng Pilipinas.

3. Pagkutya sa mga Pilipinong manlalaro na natalo sa pandaigdigang


paligsahan.

4. Pagtangkilik ng mga mga produktong Pilipino.

5. Pagpapanatiling malinis ng kapaligiran.

13
14
Tuklasin
Suriin
1. Ang pagkakakilanlan ay 1. bansang Pilipinas
ibinabatay sa bansang 2. ang Pilipinas ay bayan ng
mga bayani na hindi
sinilangan.
Pagpapamalas ng malalim na magpapatalo kaninoman
pagmamahal sa bansa. 3. ang mamamatay par a sa
Pilipinas ay isang malaking
2. Ito ay nagtulak sa mga Pilipino
karangalan
na lumaban at hangaring
muling maging malaya.
3. Pagmamahal sa bayan, sa
kalayaan ng bansa
Balikan
Subukin
1. lalo silang naghirap
2. salungat ito sa kinagisnang Pagsusuri ng Pahayag
paniniwala 1. Nasyonalismo
3. lalong naghirap ang 2. Hindi Nasyonalismo
pamumuhay ng mga Pilipino 3. Nasyooonalismo
4. ang Pilipinas ay para sa mga 4. Nasyonalismo
Pilipino at ang tanging may 5. Hindi Nasyonalismo
karapatang mamuno dito ay 6. Hindi Nasyonalismo
mga Pilipino at upang 7. Hindi Nasyonalismo
maibalik ang kapayapaan at 8. Nasyonalismo
karapatang nawala 9. Nasyonalismo
5. nabatid ng mga Pilipino na 10. Nasyonalismo
maaaring talunin ang mga
Espanyol
6. Oo, dahil ito lamang paraan
upang mabawi ang kalayaan Pag -aanalisa ng Pangyaya ri
ng bansa sa panahon na iyon.
1. PNP
2. HPNP
3. HPNP
4. PNP
5. PNP
Pagwawasto
Susi sa
15
Pagyamanin C
Isaisip
A
1. OFW-hindi paglimot sa
1. politikal bayang sinilangan at
2. pagkakakilanlan patuloy na pagtulong sa
3. sinilangan kapwa Pilipino.
4. nilabanan 2. Guro-pagtuturo at
5. kasanayan pagsasabuhay ng mga
gawain at aral tungkol sa
nasyonalismo.
B 3. Sundalo at pulis-
pagtatanggol sa kalayaan at
1. pakikipaglaban
kapayapaan ng bansa.
2. makawala
4. Politiko-pagganap sa
3. ibuwis
tungkulin nang buong
4. mapayapa
katapatan.
5. kalayaan
5. Health Worker- pagbibigay
ng tulong medikal sa
sinumang nangangailangan.
Pagyamanin A
Pagyamanin B
1. Mga pagbabagong
1. pagnanais na makawala sa ipinatupad ng mga
mga pang-aabuso at Espanyol.
makamit ang kalayaan. 2. Maling pamamalakad ng
2. pagnanais na makawala sa mga pinunong Espanyol.
mga pagpapahirap na 3. Pagnanais ng mga Filipino
nararanasan tulad ng polo y naaa muling maibalik ang
servicio at ganap na maging kalayaan ng bansa.
malaya 4. Mapang-abusong
3. pagtutol sa kautusan ng patakaran na pinairal sa
mga Es panyol na gumawa Filipino
ng barko at magsimula ng 5. Pagmamalabis sa
pagrerebelde upang maging kapangyarihan ng mga
malaya. Espanyol
16
Book Store.
Sanayang Aklat sa Araling Panlipunan 5.p.220-226 Manila, Philippines. REX
Antonio, E.D., Banlaygas, E.L. and Dallo, E.M. (2015). Kayamanan. Batayan at
Sanggunian
Karagdagang Gawain
1. masayang mukha
2. masayang mukha
3. malungkot na
mukha
4. masayang mukha
5. masayang mukha
Isaisip
Tayahin
A
1. A
2. A 1. politikal
3. D 2. pagkakakilanlan
4. D 3. sinilangan
5. A 4. nilabanan
6. D 5. kasanayan
7. C B
8. A
1. pakikipaglaban
9. A
2. makawala
10. D
3. ibuwis
4. mapayapa
5. kalayaan
Gawain 3 Gawain 2 Gawain 1
1. check 1. araw
sa pamamagitan ng 2.
pagsunod sa mga check 2. bituin
3. check 3. araw
ipinapatupad na batas at 4.
pangangalaga sa mga likas cross 4. bituin
5. check 5. araw
na yaman.
Caulian, A. & De Mesa, JM (1997). Landas Heograpiya, Kasaysayan,at Sibika 5.
p. 84-87, Quezon City: HopePublishing House.

Gabuat, MA P (2016). Araling Panlipunan 5 Pilipinas Bilang Isang Bansa. p. 227-


236; 244-247. Quezon City:Vibal Group Inc.

Julian-Baisa, A.G. & Lontoc, N.S.(2009). Lakbay ng Lahing Pilipino 5. p. 141-143.


Quezon City: Phoenix Publishing House.

Palu-Ay,A.P.(2010). Makabayan Kasaysayang Pilipino 5. p. 59-60. Quezon City.


LG&M Corpoaration.

17
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

18

You might also like