You are on page 1of 7

KAHULUGAN AT KALIKASAN NG PAGSULAT

● Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o sa ano mang kasangkapang maaaring magamit na


mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa
layuning maipahayag ang kanyang/ kanilang kaisipan.
● Ito ay PISIKAL na aktibiti sapagkat ginagamit ditto ang kamay at mata
● Mental na aktibiti rin ito sapagkat hindi maaaring hindi gamitin ang utak sa pagsusulat.
● Xing at Jin (1989), ang pagsulat ay isang komprehensibong kakayahang naglalaman ng wastong
gamit, talasalitaan, pagbubuo ng kaisipan, retorika at iba pang mga elemento (sinipi ni Bernales,
et al., 2006)
● Sinabi ni Badayos (2000), ang kakayahan sa pagsulat nang mabisa ay isang bagay na totoong
mailap para sa nakararami sa atin maging ito'y pagsulat sa unang wika o pangalawang wika man.
● Ayon naman kay Keller (1985), ang pagsulat ay isang biyaya, isang pangangailangan at isang
kaligayahan ng nagsasagawa nito (sinipi ni Bernales, et al., 2006).
● Ayon naman kay Keller (1985), ang pagsulat ay isang biyaya, isang pangangailangan at isang
kaligayahan ng nagsasagawa nito (sinipi ni Bernales, et al., 2006).

MGA PANANAW SA PAGSULAT

1. Sosyo Kognitibong Pananaw


o SOSYO - mula sa salitang latin na "socius" na ang ibig sabihin ay 'companion'. isang
salitang tumutukoy sa lipunan.
o KOGNITIBO - mula sa salitang latin na "cognoscere" na ang ibig sabihin ay "to know" o
ano mang tumutukoy sa pag-iisip.
o Ang Sosyo-Kognitibong pananaw sa pagsulat ay isang paraan ng pagtingin sa proseso ng
pagsulat
✔ Mental na Aktibiti - ang pag-iisip at pagsasaayos ng isang tekstong pasulat.
✔ Sosyal na aktibiti - ang pagsasaalang-alang sa mga mababasa at sa kanilang
magiging reaksyon o tugon sa teksto
2. Intrapersonal at Interpersonal
o Isa itong proseso ng pakikipag-usap sa sarili sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong
tulad ng Ano ang aking isusulat? Paano ko iyon isusulat?
o Isa rin itong paraan ng pakikipag-usap sa mambabasa, isang tao man o higit pa
3. Biswal na Pakikipag-ugnayan
o Personal na Gawain – tumutulong sa pag-unawa ng sariling kaisipan, damdamin, at
karanasan
o Sosyal na Gawain – nakatutulong ito sa ating pagganap sa ating mga tungkuling
panlipunan at sa pakikisalamuha sa isa’t isa
4. Multi-Dimensyonal na Proses
o Oral na Dimensyon – kapag ang isang indibidwal ay nagbabasa ng isang tekstong iyong
isinulat, masasabing nakikinig na rin siya sa iyo.
o Biswal na Dimensyon – ito ay mahigpit na nauugnay sa mga salita o lenggwaheng
ginamit ng isang awtor sa kanyang teksto na inilalantad ng mga nakalimbag na simbolo.
AKADEMIKONG SULATIN

● Mula sa salitang Pranses na academie, sa Latin na academia, at sa Griyego na academeia.


● Ito ay mga sulating nakabatay sa isang tiyak na larangan o disiplina na maaaring interdiplinari o
multidisiplinari.
● Mga sulating nakabatay sa larangan o disiplina na sangkap ang pananaliksik upang maging
akademiko na nagiging karunungan para sa pagpapabuti ng kalagayan ng tao, lipunan,
komunidad at mundo.
● Akademiko
o Tumutukoy ito o may kaugnayan sa edukasyon, iskolarsyip, institusyon, o larangan ng
pag-aaral na nagbibigay-tuon sa pagbasa, pagsulat, at pag-aaral, kaiba sa praktikal o
teknikal na gawain.
o Layunin:
✔ Magbigay ng ideya at impormasyon.
o Paraan o Batayan ng Datos:
✔ Obserbasyon, pananaliksik, at pagbabasa.
o Audience:
✔ Iskolar, mag-aaral, guro (akademikong komunidad)
o Organisasyon ng Ideya:
✔ Planado ang Ideya;
✔ May pagkakasunod-sunod ang estruktura ng mga pahayag;
✔ Magkakaugnay ang mga ideya.
o Pananaw:
✔ Obhetibo
✔ Hindi direktang tumutukoy sa tao at damdamin kundi sa mga bagay, ideya at facts;
✔ Nasa pangatlong panauhan ang pagkakasulat; at
✔ Hindi direktang tumutukoy sa tao at damdamin at hindi gumagamit ng pangalawang
panauhan.
● Di-akademiko
o Layunin:
✔ Magbigay ng sariling opinion
o Paraan o Batayan ng Datos:
✔ Sariling karanasan, pamilya, at komunidad
o Audience:
✔ Iba’t ibang publiko
o Organisasyon ng Ideya:
✔ Hindi malinaw ang estruktrura.
✔ Hindi kailangang magkakaugnay ang mga ideya.
o Pananaw:
✔ Subhetibo;
✔ Sariling opinyon, pamilya, komunidad, ang pagtukoy;
✔ Tao at damdamin ang tinutukoy; at
✔ Nasa una at pangalawang panauhan ang pagkakasulat.
MGA LAYUNIN SA PAGSULAT

1. Layuning Ekspresibo
o Personal na gawain ito kung ang pagsulat ay ginamit para sa layuning ekspresibo o sa
pagpapahayag ng iniisip o nadarama
2. Layuning Transaksyonal
o Sosyal na gawain ang pagsulat kung ito ay gingamit para sa layuning panlipunan o kung
ito ay nasasangkot sa pakikipag-ugnayan ng iba pang tao sa lipunan

LAYUNING NG PAGSULAT (BERNALES ET. AL)

1. Impormatibong Pagsulay
o Kilala rin sa tawag na expository writing. Naghahanangad na makapagbigay
impormasyon at mga paliwanag. Ang mismong pokus ay ng mismong paksang talakay
2. Mapanghikayat na pagsulat
o Kilala rin sa tawag na persuasive writing. Naglalayong makumbinsi ang mga mambabasa
tungkol sa isang katwiran, opinyon o paniniwala.
3. Malikhaing pagsulat
o Kadalasan, ang pangunahing layunin ng awtor dito ay pagpapahayag lamang ng kathang-
isip, imahinasyon, ideya, damdamin o kumbinasyon ng mga ito.

KATANGIAN NG PAGSULAT

A. Nakapagpapalawak ng bokabularyo ang pagsulat


B. Nakapagpapatalas ng isipan ang pagsulat
C. Nagiging instrumento ang pagsulat sa paglalahad ng kuro-kuro, pala-palagay o opinyon tungkol
sa mahahalagang bagay, isyu o paksa
D. Nakalilinang at nakapagpapalawak ng karanasan ang pagsulat

MAPANURING PAGBASA SA AKADEMIYA: PAGBUO NG TALA-BASA O READER-RESPONSE JOURNAL

● Ang Tala-basa O Reader's Response Jounal ay isang kuwaderno kung saan ang isang mag-aaral
ay nagsusulat tungkol sa isang libro na binabasa niya sa isang guro, kaibigan o magulang gamit
ang isang ispesipikong pormat. Sa journal isinusulat ng reader ang pagbubuod kasama ang mga
reaksyon at mga katanungan na maaaring mayroon sila tungkol sa aklat.

Estruktura ng Tekstong Akademiko

● Elemento:
A. Deskripsyon ng Paksa
✔ Depinisyon
✔ Paglilinaw
✔ Pagpapaliwanag
B. Problema at Solusyon - Dito tinutukoy sa pamamagitan ng paksang pangungusap ang:
✔ Pinakatema ng teksto at ang punto at layunin ng paksa;
✔ Layunin ng paksa;
✔ Ang gustong patunayan;
✔ Ipaggiitan;
✔ Isangguni;
✔ Ilahad; at
✔ Paano ito mauunawaan.
C. Pagkakasunod-sunod o Sekwensiya ng mga Ideya
✔ Kronolohiyak (panahon)
✔ Hierarkikal (Ideya)
D. Sanhi at Bunga
✔ Nagagamit ito para pagbatayan ang mga ebidensiya at katuwiran sa teksto.
E. Pagkokompara
✔ Kaugnay ito ng pagkakapareho at/o pagkakaiba ng mga datos upang patibayin
ang katuwiran.
F. Aplikasyon
✔ Iniuugnay nito ang paksa at mga ideya sa tunay na nagaganap sa buhay.

ESTRUKTURA NG TEKSTONG AKADEMIKO

1. Estrukturang Tesis - Iniuugnay nito ang paksa at mga ideya sa tunay na nagaganap sa buhay.
2. Estrukturang Problema-Solusyon - Tinatalakay nito ang mga problema o isyu at posibleng
solusyon.
3. Estrukturang Factual Report - Walang pinapanigang isyu o katuwiran ito. Isa lang itong ulat.

KALIKASAN AT KONSEPTO SA PAGBASA

● Katuturan ng Pagbasa
o Ang Pagbasa ay isang proseso ng pagkuha, pagkilala at pagkaunawa ng mga nakaimbak
nakasulat na impormasyon o datos.
o Ang Pagbasa ay representasyon ng wika bilang simbolo ng maeeksamen ng mata o
mahahawakan.
● Goodman (1973)
o Isang psycholinguistic guessing game ang pagbasa kung saan ang nagbabasa ay
nagbubuong muli ng isang mensahe o kaisipan na hinango sa tekstong binasa.
● Coady (1979)
o Upang lubusang maintindihan ang teksto, kailangang maiugnay ng tagabasa ang dating
alam sa kanyang kakayahang bumuo ng mga konsepto/kasanayan/kaispan mula sa mga
naiprosesong impormasyon sa binasa.
● G. James Lee Valentine (2000)
o Ang pagbasa ay ang pinakapagkain ng ating utak.
● Hank (1983)
o Ang pagbasa ay ang pag-unawa sa kahulugan ng nakalimbag o nakasulat at pagbibigay
ng interpretasyon dito.

MGA TEORYA SA PAGBASA

1. Teoryang Bottom-Up
o Kilala bilang Tradisyunal na Teorya sa Pagbasa
o Ito ay nakatuon sa mga nakalimbag na anyo ng teksto kung saan ang proseso ng pag-
unawa ay nagsisimula sa teksto patungo sa mambabasa.
2. Teoryang Top-Down
o Mas binibigyang tuon ang gampanin ng dati nang kaalaman bukod pa sa pagkilala ng
mga simbolong nakalimbag.
3. Teoryang Iskem
o Ito ay nakabatay sa isang nosyon na ang dating karanasan ay makatutulong upang
maging madali ang pagtanggap sa bagong karanasan; sa salita.
o Ang teoryang ito ay pag-uugnay ng dating kaalaman sa bagong kaalaman na matatamo

PROSESO SA PAGSULAT

● Bago Magbasa (Pre-reading)


o Yugto ng pagbasa na hindi pa sinisimulang basahin ang teksto.
o Layunin ng yugtong ito na ihanda ang mambabasa na isaalang-alang ang iba’t ibang mga
salik na makaaapekto sa kanyang pagbabasa.
● Habang Nagbabas (During Reading)
o Ang yugtong ito ay ang aktwal na pagbasa sa teksto. Dito na nangyayari ang pag-unawa
at pagsusuri sa teksto ng mambabasa.
o Kritikal ang bahaging ito sapagkat ito ang magdidikta ng tagumpay ng pagbabasa.
● Pagkatapos Magbasa
o Tumutukoy ang yugtong ito sa mga prosesong isinasagawa matapos ang aktwal na
pagbasa upang higit na maunawaan at maproseso ang teksto.
o Mahalaga ito sapagkat mawawalang-saysay ang pagbabasa kung hindi magkakaroon ng
tamang pagproseso sa mga kaalamang nakuha mula sa binasa.

MGA URI NG PAGBASA

● Scanning
o Isang mabilisang pagbasa na nakatuon sa paghahanap ng tiyak na impormasyon.
o Nangangailangan ito ng mabilisang paggalaw ng mga mata na hinahanap lamang ang
impormasyong kinakailangan.
o Ginagamit ito kung isang tiyak na impormasyon ang kailangang hanapin tulad ng:
pangalan, petsa, simbolo, formula, o parirala.
● Skimming
o Isang madaliang pagbasa upang makuha ang pangkalahatang kahulugan ng teksto,
malaman kung paano inorganisa ang teksto, at makakuha ng ideya kung ano ang layunin
ng manunulat.
o Ang skimming ay mas komplikadong gawain kumpara sa scanning sapagkat kailangang
maisaayos ng mambabasa ang mga impormasyong ibinigay ng manunulat.
● Intensibong Pagbasa
o Binigyang kahulugan ng ilang eksperto sa pagbasa ang intensiong pagbasa bilang isang
uri ng masidhing pagbabasam na masusing pinag-aaralan ng mambabasa ang mga
detalye sa tekstong kaniyang binabasa mula sa malilit hanggang sa mga mahahalga sa
gabay na rin ng guro
● Ekstensibong Pagbasa
o Ito ay nagaganap kapag ang mambabasa ay nagbabasa ng amrmaing babasahin sa labas
ng silid-aralan.
o Sa kabilang banda, sa ganitong uri ng pagbasa, binabasa nila ang pinakapangunahing
ideya ng teksto at nilalalagpasan o nilalaktawan ang mga salita o bahaging hindi naman
kailangang malaman.

MAPANURING PAGSULAT SA AKADEMIYA: PAGBUO NG MAPANURING SANAYSAY

● Sanaysay
o Nagmula sa salitang Pranses na essayer, na nangangahulugang “sumubok, tangkain”.
o Binigyang-kahulugan naman ng UP Diksiyonaryong Filipino ang sanaysay bilang
“maikling komposisyon na may tiyak na paksa o tema, karaniwang nasa prosa, analitiko,
at nagpapahayag ng interpretasyon o opinion.”
● Pangkalahatang Uri ng Sanaysay
A. Pormal na Sanaysay – Ito ay kadalasang ginagamit sa mga akademikong sulatin gaya ng
mga papel komperensiya at ng pananaliksik.
B. Impormal na Sanaysay - Mas malaya nang hindi hamak ang impormal na sanaysay. Hindi
ito nililimitahan sa pagpili sa mga salitang gagamitin at mas gumaganda pa nga kung
binabasag ang tradisyunal na pagsulat.
● Tiyak na Uri ng Sanaysay
A. Replektibong Sanaysay - Nangangailangan ng sariling perspektibo, opinyon, at
pananaliksik sa paksa. Isa itong masining na pagsulat na may kaugnayan sa pansariling
pananaw at damdamin sa isang partikular na pangyayari.
B. Pictorial Essay - Ito ay pinagsamang potograpiya at sanaysay.
C. Lakbay Sanaysay - o Travel Essay sa wikang Ingles ay sanaysay na ang pinanggagalingan
ng mga ideya nito ay mula sa pinuntahang lugar, hindi lamang ang lugar ang tinatampok
dito pati na rin ang mga kultura, tradisyon, pamumuhay, uri ng mga tao, damdamin ng
isang taong nakaranas pumunta sa partikular na lugar at lahat ng aspektong natuklasan
ng isang manlalakbay.
● Mapanuring Pagsulat
o Napapaloob sa mapanuring pag-iisip angpagiging:
a) Analitikal – napaghihiwahiwalay at napaggugrupo angmga ideya sa loob ng
teksto upang maunawaan at gawan ng ebalwasyon.
b) Kritikal - naiuugnay ang mga ideya sa iba’t ibang reyalidad sa labas ng teksto at
nagagawan ngpagsusuri ang nabubuong mga relasyon kaugnay rito.
o Katangian ng Mapanuring Pagsulat
a) Layunin - Karaniwang pagpapaunlad o paghamon ito sa mga konsepto o
katuwiran
b) Tono - Impersonal ito, hindi parang nakikipag-usap ang. Hindi rin ito emosyonal.
c) Batayan sa Datos - Pananaliksik at kaalamang masusing sinuri upang patunayan
ang batayan ng katuwiran dito.
d) Balangkas ng Kaisipan (Framework) o Perspektiba - Ito ang piniling ideya o
kaisipan na gustong patunayan ng sumulat. Binibigyna gpagkakataon dito ng
sumulat na ipokus ang atensiyon ng mambabasa sa ispesipikong direksiyon o
anggulo hanggang sa umabot sa kongklusyon.
e) Perspektiba – Nagbibigay ng bagong perskpektiba o solusyon sa umiiral na
problema.
f) Target na mababasa – Kritikal, mapanuri, at may kaalaman din sa paksa kaya
naman mga akademiko o propesyonal ang target dito. Tinatawag silang mga
kadiskursong komunidad.
● Estruktura at Proses ng Mapanuring Pagsulat
A. Introduksyon - Ito ang pinakatesis o pokus ng pag-aaral o paksa. May gustong patunayan
ang paksa at makatutulong kung sa bahaging ito ay nalilinaw na ang nais patunayan sa
pamamagitan ng paksang pangungusap o tesis na pangungusap.
B. Katawan - Sa bahaging ito pinauunlad at nagsusulat ng mga talata. Mahalaga rito ang
tuloy-tuloy, organisado, maayos at makinis na dayo ng ideya.
C. Konklusyon - Ito ang huling bahagi ng teksto na sinasagawa sa pamamagitan ng
pagbubuod, jpagrebyu ng mga tinalakay, paghahawig (paraphrase) o kaya’y paghamon,
pagmungkahi, o resolusyon.
● Mga Bahagi ng Snaysay
o Pamagat
o Panahunan
a) Unang Panauhan – ang nagkukuwento o nagsasalaysay ang siya ring panauhan.
b) Ikalawang Panauhan – nagiging iisa ang mambabasa at ang pangunahing
tauhan.
c) Ikatlong Panauhan – Ito ang panauhang madalas gamitin sa pormal na mga
sulatin.
d) Ma-Diyos na Panauhan – o “Omniscient Point of View” ay panauhang may
pinakamalawak na saklaw. Maaari nitong pagsama-samahin ang una, ikalawa at
ikatlong panauhan
o Panimula
o Katawan
o Wakas

You might also like