You are on page 1of 4

Pangalan: Jam Jerec G.

Coyoca Kurso/Iskedyul: BEED 1 2nd Sched


Unang Bahagi
Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang bilang ng mga pares ng salita na maituturing na mga pares minimal.

/ 1. Tekas-tikas /16. Bos-bus


/ 2. Kape-kafe _17. Bala-bala
/ 3. Belo-bilo _18. Tubo-tubo
_4. Diles-riles / 19. Pala-bala
_ 5. Marumi-madumi / 20. Benta-binta
/ 6. Bubo-bobo _ 21. Maramdamin-madamdamin
/ 7. Butas-botas / 22. Karumata-karomata
/ 8. Tela-tila / 23. Benta-binta
/ 9. Mesa-misa / 24. Diretso-deretso
_10. Bata-bata / 25. Tinis-tenis
/ 11. Oso-uso / 26. Pera-pira
_ 12. Paso-paso / 27. Mag-alis-magalis
/ 13. Lalaki-lalake / 28. Kura-Cora
/ 14. Iwan-ewan / 29. Pipi-pepe
_ 15. Baga-baga / 30. Silya-Selya
IKALAWANG BAHAGI

MGA HAKBANG O PROSESO SA PAGSUSURI NG PONEMA

“Ang artiulasyon sa pagsasalita ng isang bata ng kanyang natutuhan at ginagawian sa kanyang


unang wika ay nagkakaroon ng kaugnayan sa kanyang pag aaral ng alinmang wika.”

“Kailangang suriin niya ang wikang pook. Kailangang alamin niya muna kung ano-anong
ponema ng wika ng pook, kung paanong ang set ng mga ponema ng wikang ito ay bumubuo ng
morpema nito ay pinagsama-sama upang bumuo ng iba’t- ibang pangungusap.”

MGA HAKBANG:

1. Pagkuha ng impormante.
2. Pag-iimbentaryo sa iba’t-ibang tunog/ pagkaklasipika ng mga tunog.
3. Pagsuri sa distribusyon ng mga pinagsusupetsahang pares o grupo ng mga tunog.
4. Paggawa ng tabulasyon na nagpapakita ng distribusyon ng bawat tunog sanhi ng nagiging
impluwensya ng ipinalalagay na salik.
5. Muling pakikipagkita sa impormante para sa karagdagang data.

Paraan ng Gleason (1965)

1. Pag-uuri-uri ng mga naitalang tunog ayon sap unto artikulasyon. Magkakasamang


bibilugan nag pinagsususpetsahang mga tunog.
2. Pagbibigay haka sa mga pinagsususpetsahang pares.
3. Paggawa ng tabulasyon ng suri.
4. Pagbuo ng konklusyon sa mga tuno na sinuri.

Paraan ng Pike (1964)

1. Pag-uuri ng ponetikong chart batay sa corpus.


2. Pagsamahin sa bilog ang pinaggsusupetsahang mga tunog.
3. Itala ang mga hindi pinagsusupetsahang tunog.
4. Ibigay ang haka o hypothesis.
5. Patunayan na ang mga pinagsususpetsahang tunog ay may kanya kanyang kaligiran.
6. Magbigay ng kongklusyon batay sa resultang pagsusuri.
7. Gumawa ng ponemikong tsart.
PAG- ALAM NG MORPEMA

Ang morpema ay ang pinakamaliit na yunit ng isang salita na nagtataglay ng


kahulugan. Bawat salita sa isang wika ay binubuo ng mga pantig na piagsama-sama.
Subalit hindi lahat ng pinagsama-samang mga pantig ay makakabuo ng isang salita. May
talong uri ng morpema: ang morpemang di-malaya (kilala rin bilang panlapi), ang
morpemang malaya (kilala bilang salitang ugat), at ang morpemang di malaya na may
kasamang salitang ugat.

MGA ANYO NG MORPEMA


1. Morpemang binubuo ng isang ponema
(makabuluhang tunog)
 Nakikilala ang pagkakaibang ito sa pamamagitan ng [-a]
Hal. Propesora
2. Morpemang salitang-ugat (salitang payak) mga salitang walang panlapi
 Ang salitang ugat ay tinatawag ding malayang morpema dahil nakaktayo sila
ng mag-isa kahit wala silang mga panlapi.
Hal. Bahay, bayani, kain
3. Morpemang panlapi
Mga PANLAPI:
a. –an o –han
 Lalagyan ng marami sa bagay na isinasaad ng salitang-ugat.
Hal. Luto-= lutuan, tahi= tahian
b. –in o – hin
 Nagsasaad ng aksyon o galaw

Hal. Kamot= kamutin, ihaw= ihawin

c. Ka –
 Kasama sa pangkat
Hal. Lahi = kalahi, baro = kabaro
d. Ka- an, han
 Nagsasad ng pinakagitna ng salitang ugat
Hal. Sama= kasamahan, sulat= kasulatan

You might also like