You are on page 1of 1

EMNAS, IVAN JORGE T.

COE 201

GAWAIN 2.1 – PAGBUBUOD ABRIL 8, 2021

Patalatang pagbubuod sa 3 bagong pananaliksik (artikulo, tesis, disertasyon na kalalathala


pa lamang o nalathala sa nakaraang 5 taon) mula sa aklatan ng kolehiyo/unibersidad.

Ang artikulo ay isang seksiyon na naglalaman ng impormasyon, maaaring may disenyo o wala.
At kalimitan ay makikita sa magasin, dyaryo, internet o kaya sa anumang uri ng publikasyon.
Ngunit ito din ay nagagamit sa makabagong pananaliksik. Ang artikulo sa pananaliksik ay isang
pang akademikong gawain na maaaring maging maikli o katatamtaman lamang ang haba. Ang
artikulo ay may layunin na magpakita ng resulta bilang gamit ito sa pananaliksik nagagamit ito
sa pagpapakita ng resulta sa mga pag-aaral patungkol sa agham pati narin sa sa mga
eksperimentong ginagawa sa siyensya.

Ang tesis o disertasyon ay isang dokumentong ipinasa bilang suporta sa kandidatura para sa
isang akademikong antas o propesiyonal na kwalipikasyon na nagpapakita ng nasaliksik at
natuklasan ng manunulat. Sa ibang mga konteksto, ang salitang “tesis” ay ginagamit na parte ng
kursong Batsilyer at Masterado, habang ang “disertasyon” ay karaniwang ginagamit sa titulong
doktor, habang sa ibang mga konteksto ang kabaligtaran ay totoo. Ang salitang graduate thesis
(o tesis ng nagtapos) ay minsang ginagamit na pantukoy sa parehong tesis na Masterado at
Pang-doktor na mga disertasyon. Ang mga disertasyon at mga tesis ay maaring maituring na
akademikong literatura na hindi pormal na nailimbag.

Ang kinakailangan na pagkakumplikado at/o kalidad ng isang pananaliksik ng isang tesis o


disertasiyon ay maaaring magkaiba depende sa bansa, unibersidad at/o programa, kung kaya
ang kinakailangan pinakmaikli na oras ng pag-aaral ay maari ding magbago ng malaki sa
katagalan.

Ang salitang disertasyon ay maaaring paminsan-minsang magamit para ilarawan ang isang
detalyadong pormal na sanaysay tungkol sa isang paksa nang walang reslasyon sa pagkuha ng
akademikong digri. Ang salitang tesis ay ginagamit rin sa pagtukoy sa pangakaraniwang pag-
angkin ng isang sanaysay o katulad na gawa.

You might also like