Professional Documents
Culture Documents
Sa Piling NG Mga Bituin
Sa Piling NG Mga Bituin
A. Talambuhay
Ni Rogelio L. Ordoñez
Si Rogelio Lunasco Ordoñez (ipinanganak noong Setyembre 24, 1940 - Mayo 19,
2016) na kilala rin bilang Ka Roger, ay isang multi-award na Pilipinong manunulat ng
katha, makata, aktibista, mamamahayag at edukador. Siya ay isa sa mga may-akda
ng iconic na anthology ng panitikan ng Tagalog na Mga Agos sa Recommendederto
noong 1960s. Nag-ambag siya sa Liwayway Magazine, Pilipino Free Press, Asia-
Philippines Leader, Pilosopong Tasyo, Diario Uno at Pinoy Weekly.
Noong Mayo 19, 2016, namatay si Ordoñez sa cancer sa atay sa edad na 75. Ang
kanyang labi ay pinasunog sa Holy Trinity Chapel at Crematorium sa Sucat,
Parañaque City noong Mayo 24.
B. Buod ng kwento
“SA PILING NG MGA BITUIN”
ni Rogelio L. Ordoñez
Ang “Sa Piling ng mga bituin” ay isang sikolohikal na kuwentong pumapaksa sa mga
bagay na nagpapagulo sa isip ng pintor na si Ismael. Isang paghahanap ng mga
sagot sa mga katanungan may kaugnayan sa kaganapan ng buhay. Ang bawat isa
sa atin ay inirerepresenta ni Ismael, lahat tayo ay pintor ng sariling buhay ngunit ano
ang mga bagay na nais o nararapat nating ipinta? Para saan o para kanino tayo
nabubuhay? Ang mga kagamitan sa pagpipinta na nabanggit sa akda ay may
isinasagisag kung iuugnay ito sa buhay. Una, ang Pinsel na sumusunod sa galaw ng
mga kamay at agos ng pintura. Bawat paghagod ay nagbibigay-daan sa kalalabasan
ng larawan (thoughts; ang mga pumapasok sa ating isipan na kalauna’y bibigyan
natin ng buhay sa pamamagitan ng pintura at paleta). Ikalawa, ang Pintura na
nagbibigay-kulay o buhay sa imaheng inilalarawan. (choices; ang paghirang natin sa
mga ideyang ating nilikha). Ikatlo, ang Paleta na sumasalo sa kulay ng pintura.
(actions; pisikal na manipestasyon ng ating mga desisyon sa buhay) at ikaapat, ang
Lona na nagpapakita ng kinalabasan ng imahe. (manifestation/outcome; kinahitnan
ng bawat desisyon at kinilos natin sa buhay. Ang resulta ay nahahati lamang sa
dalawa: mabuti at hindi.)
Ang buhay ba ay katulad ng gabi na laging may umaga? Ng umaga na laging may
gabi? Ng gabi na laging may umaga? Na waring walang simula at wakas? Na waring
isang kawalang-hanggan?
Parang hinahaplit ng mga katanungang iyon ang kanyang utak; uminog ang kanyang
diwa, uminog nang uminog, sumuling-suling sa kalawakan, nag-apuhap sa kawalan,
bumulusok sa kalaliman, sumisid, sumisid nang sumisid hanggang sa maarok;
ngunit malalim ang kalaliman at hindi niya maarok.
Sosyedad at Literatura
Isinilang ba ang tao upang mabuhay, mamatay, at muling mabuhay? May kabilang-
buhay daw, sapagkat may impiyerno at paraiso. Ang impiyerno raw ay para sa mga
makasalanan, at ang paraiso raw ay para sa mga nakasusunod sa utos ng Diyos.
Ang impiyerno raw ay walang hanggang paghihirap sa kumukulong putik, sa
nagbabagang bato, sa nakasusukang amoy ng asupre, at ang paraiso raw ay
walang hanggang buhay, walang uhaw, walang gutom, pulos ng kaligayahan.
Ang mga eksistensiyal na katanungang ito ang gagambala kay Ismael, ngunit sa
dakong katapusan ng kanyang paghahanap ng mga sagot ay itatanong niya kung
bakit kailangang maghirap nang walang hanggan ang sangkatauhan. At ang huling
tanong na ito ang magpapabalikwas kay Ismael upang simulang buuin ang isang
kahindik-hindik na larawan ng buhay ng tao.
Ang buhay ay isang mahabang paglalakbay na hindi tiyak ang patutunguhan. Hindi
ipinangako ang bukas at lalong hindi rin tiyak kung ano ang kayang ibigay ng bukas.
Kung bakit tayo nabubuhay hindi ko rin alam ang sagot pero tiyak ako sa isang
bagay- walang sino man ang nabubuhay para sa sarili lamang at tayong lahat ay
may pananagutan sa isa’t isa. Ang anumang gawin o sabihin natin ay may malaking
epekto sa buhay ng iba. Ang mga pagsubok sa buhay marahil ang nagsisilbing
paalala na kakailanganin mo ang iba at kakailanganin ka ng iba, nagsisilbi itong
bigkis na nagtatali ng ugnayan natin sa isa’t isa.
C. Mga Elemento
1. Paksa: Sa Piling ng mga Bituin ni Rogelio L. Ordoñez
2. Tagpuan/Panahon:
Hindi nabanggit
3. Tauhan:
Ismael – isang pintor na nag hahanap ng kasagutan sa mga katanungan na
gumugulo sa kaniyang isipan.
4. Banghay:
i. Panimula – Paglalahad sa kwento.
Sosyedad at Literatura
ii. Saglit na Kakintalan – nilalarawan ni Ismael ang bawat isa sa atin
bilang isang pintor. Pintor ng ating sariling buhay ngunit ano ang nais o
nararapat na ipinta.
iii. Papataas na Aksyon – mapapaisip at kukwestyonin ang mga bagay at
konsepto at pagmamahal ng Diyos sa bawat isa sa atin.
iv. Kasukdulan – Malalim at patuloy na paghahanap ng kasagutan sa mga
katanungan ni Ismael tungkol sa kahirapan ng buhay.
v. Pababang Aksyon – Sa pababang aksyon ay unit unti na nawawala
ang mga tanong sa kaniyang isipan.
vi. Wakas – ang huling tanong ay nagpapabalikwas kay Ismael upang
simulang buuin ang isang kahindik-hindik na larawan ng buhay ng tao.
“Hindi ba ang Diyos daw ay pag-ibig? Mapagpatawad, mapagmahal?
Bakit matitiis Nitong papaghirapin nang walang hanggan ang kanyang
mga nilalang?”
vii. Tunggalian – Tao laban sa tao. Kalaban ni Julian ang kanyang sarili sa
kwento sapagkat kaniyang tinatanong at sarili at patuloy na hinahanap
ang kasagutan sa kaniyang mga katanungan. Ang akda ay higit na
nakatuon sa personal na aspekto.
viii. Paningin – Ang Paningin sa kwento ay first person.
E. Reaksyon
Sa pagbabasa ng akda labis akong nalungkot sa kalagayan ni Ismael sapagkat
marami siyang tanong sa kung ano nga ba ang kahulugan ng buhay. At dahil di niya
ito mabatid nagdulot ito sa kanya ng labis na pagkagalit at pagkainis na
nakakaapekto din sa relasyon nila ni Elena. Kiniwestiyon niya din kung bakit
Sosyedad at Literatura
kailangang mabuhay para lamang mamatay. Oo, may mga oras na na naiisip din
natin ang ganoong mga bagay pero kung iisipin natin, tayo ang magbibigay ng
kahulugan sa buhay natin at di ito makikita sa ibang tao. Ang mga pagsubok o mga
nangyayari sa ating buhay ay nagdudulot lamang ng malay sa atin na tayo ang
magbibigay saysay sa ating buhay. Nakasalalay ito sa kung paano natin ito
haharapin at gagawan ng desisyon. Nasa sa atin din kung paano natin
ipagapaptuloy ang ating buhay kung tutungo ba tayo sa positibo na magbibigay
kasiyahan at saysay o sa negatibo na pamamaraan.