You are on page 1of 2

PAANO KUMAKALAT ANG DENGUE?

PALATANDAAN O SINTOMAS NG SAKIT NA DENGUE

Ang Dengue ay kumakalat sa pamamagitan ng pagkagat ng lamok na Aedis 1. Mataas at tuloy-tuloy na lagnat (39 pataas) na tumatagal ng 2-7
Aegypti na kadalasan ay sa araw. Ito ay nangingitlog sa malinis na tubig araw.
gaya ng nasa mga water container, flower vase, mga lata, lumang gulong, 2. Pamumula ng balat sanhi ng mataas na lagnat.
mga kanal at iba pang lugar. Ang adult na lamok ay kadalasang naninirahan 3. Pananakit ng ulo, kalamnan, kasu-kasuan at likod ng mata.
sa mga madidilim na lugar ng bahay at bakuran. Kapag ito ay inyong 4. Panghihina at kawalan ng ganang kumain.
naramdaman, ipagbigay alam kaagad sa inyong doctor. 5. Pananakit ng tiyan.
6. Pagsusuka at pagtatae.
7. Pananamlay kahit wala ng lagnat.
8. Pagdurugo ng ilong at gilagid, pagsuka at pagtae ng may dugo.
9. Rashes.

***KAPAG NAKARAMDAM NG MGA SINTOMAS NA


NABANGGIT MAGPAKONSULTA AGAD SA PINAKAMALAPIT
NA HEALTH CENTER/DOKTOR***

MGA GAGAWIN KAPAG MAY ANTI-DENGUE TREATMENT

1. Huwag salubungin ang manipis na usok o mist na nagmumula sa


power blow misting machine. Ito ay kemikal na maaring maging
sanhi ng ibang karamdaman.
2. Gisingin at alisin ang mga sanggol at bata sa bahay. Sandaling ilayo
sila sa lugar na di maaabot ng usok o mist.
3. Takpan at itago lahat ng pagkain upang hindi ito malagyan ng gamot
galing sa misting machine.
4. Kumonsulta agad sa doktor o pinaka malapit na Health Center kung
inaakalang nahihilo dahil sa nalanghap na gamot mula sa misting
machine.
5. Takpan ang mga lagayan ng inuming tubig upang hindi malagyan o
mabombahan ng pamatay sa kiti-kiti.

You might also like