You are on page 1of 6

SUGAT

Lunas sa nasugatan
 Kumuha ng isang piraso ng
malinis na damit at diinan ang sugat sa
loob ng 10 minuto. Kung patuloy ang
pagdurugo, dagdagan ang saping damit
at diinan pa nang kaunti. Bendahan.
 Pahigain ang pasyente at dalhin
ito sa pinakamalapit na hospital o
klinika kung ang sugat ay malaki at
kailangang tahiin. Pansinin kung may
pangingimay o pag-iba ng kulay ang
mga daliri ng paa at mga kamay. Kung
mayroon, ang benda ay mahigpit.
Luwagan, subalit huwag aalisin.
Bali

Ang bali ay pinsala sa buto. Ang simpleng bali ay yung


walang sugat ang balat. Ang malubhang uri nito ay yung
ang buto ay umusli sa balat.

LUNAS

 Huwag buhatin ang biktima. Hayaan siyang


nakahiga nang lapat sa kanyang kinalalagyan. Huwag
hilutin o tapalan man ang pinsala.
 Tignan kung may pagdurugo sa katawan, ngunit
huwag galawin ito. Kung mayroong malay, alamin kung
saan ang bahaging masakit.
 Kung natiyak na ang bahaging may pinsala,
huwag itong galawin. Kumuha ng dalawang putol na
kahoy o patpat at gawing splint sa bahaging may
kapinsalaan. Kung walang tali, gumamit ng panyo o
pumunit ng kapiraso sa suot na damit upang ipanali sa
splint.
 Ang splint ay dapat na mailagay nang maayos
upang mapigil ang paggalaw ng mga kasukasuan. Ang
may pinsalang braso ay maitatali sa katawan at ang may
pinsalang paa ay maitatali sa walang pinsalang paa, kung
walang magagamit na splint.
 Maingat na dalhin agad ang biktima sa pinakamalapit na pagamutan.
NAGDURUGONG ILONG

LUNAS:
Kung sakaling makaranas ng pagdurugo ng ilong, narito ang
ilang mga tips na makatutulong:
1. Pisilin ang ilong at huminga sa bibig.
Ang unang hakbang para mapigil ang pagdurugo ng ilong ay
ang pagpisil sa dito at paghinga sa bibig. Ginagawa ito upang
malagyang ng pressure ang sugat na pinagmumulan ng
pagdurugo. Kaiba sa paniniwala ng marami, walang
maitutulong ang pagtingala ng ulo kung dumurugo ang ilong at
maaaring magdulot lamang ito ng pag-ubo o pagpasok ng dugo
sa looban. Mas mainam kung ititindig lamang ang ulo nang
normal.
2. Lagyan ng yelo ang ilong.
Kung ang pagdurugo ay patuloy at walang humpay, mabuting
maglagay na ng yelo sa itaas na bahagi ng ilong o nose bridge
upang mas mapabilis ang pagtigil ng ilong. Tandaan lamang na
balutin muna ng tuwalya ang yelo upang hindi direktang
nakadikit ang yelo sa balat.
3. Panatilihing kalmado ang bata.
Madalas makaramdam ng panic ang mga bata na nakakaranas ng pagdurugo ng ilong, lalo na yung unang beses pa
lang nakaranas nito. At ang resulta, sila ay umiiyak at natatakot. Walang maitutulong ang pag-iyak at takot, bagkus
maaari lang nitong palalain ang kondisyon. Panatiling kalmado ang mga bata kung makakaranas nito.
4. Iwasang suminga o kalikutin ang ilong.
Hayaan lamang ang nagdurugong ilong at iwasang kalikutin o suminga upang mapalabas ang dugo. Mas lalo lamang
lala ang pagdurugo kung gagawin ang mga ito.
5. Lagyan ng petroleum jelly ang labas ng butas ng ilong
Ang pagdurugo ng ilong na nakuha dahil sa sobrang panunuyo ng hangin ay maaring matulungan kung maglalagay
ng petroleum jelly sa labas ng butas ng ilong. Makatutulong ito upang mapanatiling basa ang loob ng ilong. Maaari
ding langhapin ang usok o steam mula sa kumukulong tubig upang hindi manuyo ang balat sa loob ng ilong.
6. Huwag uminom ng aspirin
Iwasan ang pag-inom ng aspirin sapagkat ito ay isang gamot na kayang makapagpanipis ng dugo kung kaya’t imbes
na magsara ang sugat sa loob ng ilong, maaring lumala lamang ang pagdurugo na nararanasan.
KAGAT NG ASO

LUNAS:
Kabilang sa mga dapat gawin kapag
nakagat ng aso ang mga sumusunod.
Ang pangunahing gawain ay ang
mabuting paglilinis ng sugat sa
pamamagitan ng paghuhugas na
gumagamit ng tubig at sabon. Pagdaka,
dapat na bantayan at pagmatyagan ang
asong kumagat sa tao, at isinasagawa
ang pag-alam kung saan nagmula ang
asong ito, at pati na ang pag-alam kung
ang asong ito ay nagkaroon na dati ng
bakuna laban sa rabies. Bukod sa
paglilinis at paghuhugas ng sugat, ang
taong nakagat ng aso ay dapat na patingnan sa manggagamot upang masuri ang sugat
o kagat. Kapag ang asong nakakagat sa tao ay mayroong rabies, mayroon ito nang
ganitong mga katangian o sintomas: ang aso ay wala sa sarili o parang nababaliw, na
karaniwang napupuna sa loob ng 5 hanggang 10 mga araw.[1]
PASO

Ang paso ay kapinsalaan sa balat at


laman bunga ng init, radyasyon,
pagkikiskisan o elektrisidad.

LUNAS:
 Dagling ibabad ang napasong
bahagi sa malamig na tubig sa loob ng 10
minuto upang maibsan ang sakit.
 Kung mayroong mga Iintos, huwag
itong tusukin. Panatilihin itong tuyo at
malinis. Huwag bayaang maalikabukan o
kaya ay dapuan ng langaw. Takpan ang
may pinsalang bahagi ng malinis na damit.
 Kung malaking bahagi ng katawan
ang napaso, dalhin agad ang pasyente sa
pinakamalapit na pagamutan.
 Kung ang paso ay maliit lamang,
ibabad ito sa tubig na may asin sa loob ng
20 minuto pagkaraan ng 24 oras. Haluan
ng ½ tasang asin ang isang palanggana o kaya'y isang timba ng mainit-init na tubig. Ibabad
ang napasong bahagi minsan isang araw sa loob ng 3 araw hanggang matuyo ang paso.
MAPEH
(HEALTH)

IPINASA NI:

JAN CHRISTIAN B. GAGARIN


V-DIAMOND

IPINASA KAY:
MR.MARKHILL QUIMORA
TEACHER

You might also like