You are on page 1of 3

PANGUNANG LUNAS

(First Aid)

Ang pangunang tulong-lunas o pangunang


lunas (first aid) ay ang pagbigay ng
pangunang tulong at pangangalaga sa
taong napinsala ng sakuna o karamdaman
habang nagiintay ang pagdating ng
ambulansya o doktor. Ito rin ay
nagpapabawas ng nararamdamang kirot.

Mga panuntunan ng pangunang lunas


1. Tiyakin na ligtas na lapatan ng pangunang lunas
ang biktima.

Alamin muna kung ano ang karamdaman ng biktima.


Kapag may karaniwang pinsala tulad ng sugat,
balinguyngoy(nosebleed), kagat ng insekto, kagat
ng hayop, o paso, kaagad ito lapatan ng pangunang
lunas. Subalit ang biktima ay may nabalian ng buto o
napilayan, hindi ito maaaring alisin sa kinalalagyan.
Hintayin ang mga bihasa sa paglapat ng pangunang
lunas. Kung walang stretcher, maaaring gamitin ang
kumot o board na ilalagay sa likuran ng biktima.

2. Unang isaalang-alang ang kaligtasan ng biktima ng


pinsala o karamdaman.

Alisin kaagad ang anumang bagay ang nakadagan sa


biktima. Sa mga tao naman na biktima ng kuryente
patayin kaagad ang pinagmumulan ng kuryente.
Mga panuntunan ng pangunang lunas
3. Magsagawa ng pangunang pagsusuri.

Kailangang suriin muna ang biktima bago lapatan


ng pangunang lunas. Unahin munang suriin ang may
kaugnayan sa daanan ng hangin ang bibig at ilong
ng biktima. Kung walang balakid sa daanan ng
hangin, dapat na isunod na suriin ang may
kaugnayan sa sirkulasyon o pagdaloy ng dugo sa
katawan. Dapat din alamin kung kailangan ng
biktima ng resusitasyong kardyopulmonaryo o
CRP(Cardiopulmonary Resuscitation)

4. Humingi ng tulong

Kapag wala sapat na kaalaman sa pangunang


lunas,kaagad na humingi ng tulong sa mga eksperto
upang makapagsalba ng isa o higit pang buhay
Pangkariniwang pinsala at kundisyon at mga
pangunang lunas

Sugat/Wound- Hugasan ang sugat gamit ang


sabon at tubig linisan ng mabuti upang mawala
ang dumi. Gumamit ng sterilize tweezers kapag
nililinisang ang ilalim na bahagi ng sugat nang
natatakpan ng nakalaylay na balat. Huwag
lagyan ng alkohol,patak ng iodine o mertiolate
ng direkta sa nakabukang sugat upang
mapabilis ang pag galing ng sugat. Linisan gamit
ang hydrogen peroxide, huwag lagyan ng
cream o oinment pag di pa nalilinisan ang sugat

Balinguyngoy/Nosebleed- Umupo nang tuwid at


iyuko nang bahagya paharap ang ulo at pisilin
ang malambot na bahagi ng ilong sa ibaba ng
bony bridge. Upang makahinga ang biktima,
kailangang nakabuka ang bibig. Kapag hindi
tumitigil ang dugo pagtapos ng 20 minuto
maglagay ng malamig na panyo o cold compress
sa noo at sa nose bridge
Kagat ng Insekto/insect bite- Hugasan ang
bahagi ng katawan na nakagat gamit ang sabon
at tubig.Maaari ring hugasan gamit ang alkohol,
suka, lemon o calamansi. Ang bawang maaaring
ikiskis sa bahagi ng nakagat.
Tangalin ang karayon na iniwan ng bubuyog o
iba pang insekto pamamagitan ng marahang
pagkayod sa balat ng kutsilyo, kuko o matalas
na bahagi ng bagay . Iwasang tanggalin sa
pamaagitan ng tiyani.

You might also like