You are on page 1of 1

Panuto: 

Sumulat ng isang lathalain batay sa napanuod na video kanina.  Huwag kalimutang


maglagay ng pamagat.  Muli, dapat ito ay pamagat na mapapa-wow ang babasa.  Bigyan
din ang akda ng isa pang WOW na intro.  At ang mga susunod na bahagi ay lapatan din ng
tamang datos at istilong natutunan sa ibinahagi ko.  Salamat po.  Isulat din ang buong
pangalan, paaralan at distrito sa ibaba.

Baliktanaw sa Anao
Umabot na sa paglubog ng araw ng kaniyang kapanuhan si Mam Carmen,
ngunit ang kadakilaan na naiukit niya sa kaniyang mga mag-aaral ay bakas na
bakas pa rin na animoy namumukadkad na rosas sa Mababang Paaralang
Elemntarya ng Anao kung saan nagturo si Carmelita Pantalion o mas kilala bilang si
Mam Carmen.
Sa muling pag-apak ng mga paa ni Mam Carmen sa paaralang kaniyang
pinaglingkuran ng ilang dekada, muli niyang sinariwa ang mga masasayang araw ng
kaniyang pagtuturo. Maaaninag pa rin sa mukha ng dakilang guro ang kaniyang
pagmamahal sa pagtuturo. Sa kabila ng kulubot na mukha at mga kamay,
mababanaag pa rin sa kaniyang mukha ang pagmamahal sa kaniyang propesyon
bilang isang guro.
“Ang mabuting itinanim kailanman ay hindi magbubunga ng masama. Maging
mabuti ka sa iyong kapwa para maging mabuti din sila saiyo. “
“Ang natutunan kong pinakaepektibong paraan ng pagtuturo, maging isang
magandang halimbawa.” Ani Mam Carmelita Pantalion.
Ang markang inukit ni mam Carmen ay hindi lamang bumakat sa mga papel
ng kaniyang mga mag-aaral bagkus ito ay mas tumagos sa puso at isipan nila.
Naging isang inspirasyon siya sa mga ito upang maging isang mabuting guro din ng
kani-kanilang paaralan.
Si Carmelita Pantalion o mam Carmen ay isang buhay na patunay na lumipas
man ang panahon at mawala man ang kinang ng iyong kagandhan, ngunit ang
markang iyong iniwan ay mananatiling liliwanag at magbibigay tanglaw sa lahat ng
taong iyong nakasama at pinaglingkuran ng buong puso.

JALENE L. MASAGCA
TALIPUSNGO ELEMENTARY SCHOOL
MARAGONDON DISTRICT
MARAGONDON CAVITE

You might also like