You are on page 1of 1

QUEENIE B.

SOLOMON CTE FILIPINO MAJOR

Tulad ng mataas na puno sa katangkaran. Ipinanganak noong Mayo 23, 1994 . ipinanganak sa atcharang lugar sa Pinas ito ang Calaca, Batangas. Lumaki at nagkaisip sa Quezon City at kasalukuyang nakatira sa sapatusang lugar sa kalakhang Maynila, ang siyudad ng Marikina. Labing walong taong gulang. Nag aral ng elementarya at sekondarya sa Quirino high School. Kasalukuyang nag-aaral sa Pamantasan ng Lungsod ng Marikina. Kumukuha ng kursong Edukasyon na nagpapakadalubhasa sa wikang Filipino. Limang ulo ang nakatira sa tahanan. Pangalawa sa tatlong magkakapatid. Ang ina ay alipin ng mga mag aaral at ang ama ay tagapatay ng sunog. Asot puso kung mag away ang magkapatid. Abot langit ang mga boses kung magsagutan ang mga magulang, na tila walang hanggan. Madalas umulan ng luha. Ang tahanan ay laging nababalot ng problema. Naaayos kahit papaano at nakakangiti ang puso. Sa pagtakbo ng oras, ang pagsunog ng kilay ay nakakapagod. Tumatakbo sa isip ang mga bagay bagay na hindi lahat magagamit sa pang araw araw. Ngunit walang dahilan para magmaktol dahil ito ang susi sa kinabukasan. Ang pinto sa oportunidad na maaaring magbukas kapag itoy natapos. Ang siyang daan tungo sa kaunlaran. Sa karerang tinahak, hindi alam kung tama ba. Nakikita ang paghihirap ni ina sa paggawa ng banghayaralin at visual aids. Ang pagtulog ng nakaupo, ang pagmamadali na tila laging may humahabol. walang pera sa pagiging guro. Nang minsang makarating sa eskwelahan na kanyang pinagtuturuan, nakakataba ng puso ang pagtanggap ng mumunting regalo mula sa mga mag-aaral. Ang Makita silang nakangiti at nabusog sa kaalaman ay nakakapagpasaya sa damdamin. Kasing layo ng araw ang pangarap. Gustong makarating sa lugar tulad ng paraiso na kung saan sumisipol ang hangin at ang dagat ay kumakanta, ang makatapak sa buhangin ng Boracay at ang maka akyat sa tuktok ng tsokolateng bundok. Pangarap na pilit aabutin humarang man ang mga pagsubok na haharapin. Gustong magkaroon ng mala palasyong bahay na abot sa kalawakan. Ang magkaroon ng kotseng lumilipad sa sobrang bilis. Ang maigapang sa pag-aaral ang kapatid, ang mabigyan ng maranyang buhay ang pamilya. Ang makatulong sa kapwa na nakatira sa lungga ng daga at kumakalam ang sikmura. Ang mamatay ng payapa at ang makita ang mukha ng dakilang lumikha.

You might also like