You are on page 1of 16

11

Filipino
Komunikasyon at Pananaliksik sa
Wika at Kulturang Pilipino
Modyul 1.2: Mga Konseptong Pangwika
(Register, Barayti, Homegenous at Heterogenous na Wika)
Filipino: Baitang 11/12
Komunikasyon – Modyul 1.2 : Mga Konseptong Pangwika

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Panrehiyong Direktor: Gilbert T. Sadsad


Kawaksing Panrehiyong Direktor: Jessie L. Amin

Mga Bumuo ng Modyul

Manunulat: Anita V. Ombao


Editor: Anna Liza F. Abuloc Sharon A. Vito
Zander J. Macandog
Tagasuri ng Nilalaman: Nora J. Laguda
Anna Liza F. Abuloc
Gumuhit ng Larawan: Jotham D. Balonzo
Nagdisenyo ng Pahina: Rey Antoni S. Malate; Jotham D. Balonzo; Albert H. Noga; Brian
Navarro
Paunang Salita

Bilang tugon sa makabagong tunguhin sa pagkatuto ay binuo ang serye ng


modyul na ito. Nilalaman nito ang mga lubhang mahahalagang kasanayang
pampagkatuto o Most Essential Learning Competencies (MELC) sa ilalim ng
kasalukuyang kalagayan ng edukasyon. Upang matugunan ang hamong kinakaharap
sa edukasyon, kalusugan at kaligtasan malaking tulong ang modyul na ito sa patuloy
na pag-aaral ng kabataan sa loob at labas ng paaralan sa pakikipagtulungan ng mga
magulang at tagagabay
Inaasahan na ang modyul na ito ay higit na makatutulong sa paglinang ng
kasanayan at kakayahan ng mga mag-aaral.

Para sa Tagagabay:
Upang lalong kagiliwan ng mag-aaral at maging kapaki-pakinabang
ang modyul na ito, tiyaking makapagbigay ng oryentasyon sa mga mag-
aaral, magulang, o sinomang miyembro ng pamilya kung paano gagamitin
at iingatan ang modyul na ito.
Ipabatid na kailangang magkaroon ng sariling sagutang papel ang
bawat mag-aaral para sa paunang pagsubok, mga gawain sa bawat bahagi
at panapos na pagsubok. Kung tapos nang sagutin ang modyul na ito,
ipaalala sa mag-aaral na kaagad itong ibalik sa guro para sa kaukulang
tunguhin.

Para sa mag-aaral:
Inihanda ang modyul na ito para sa iyo.
Kailangan mong sundin at saguting mag-isa ang mga
gawaing nasa loob nito. Huwag kang mag-alala,
kayang-kaya mo ito. Tiniyak kong matutuwa ka
habang natututo.
Ingatan mo ang modyul na ito. Huwag mong
susulatan at iwasang mapunit ang mga pahina.
Gumamit ka ng sagutang papel o ang iyong
kuwaderno. Sige, simulan na natin!

ii
Mga Konseptong Pangwika
(Register, Barayti, Homogenous,
Heterogenous)

Panimula:

Sa araw-araw na pakikisalamuha natin sa ating


kapwa, wika ang ating pinakaginagamit at syempre ito rin
ang instrumento upang maipaabot ang ating mga iniisip at
nadarama, hindi ba? Mayroon din tayong iba’t ibang karanasan sa paggamit
ng wika. Ikaw, ano ba ang naging karanasan mo sa paggamit ng wika, Filipino
man ito, Ingles o kaya Mother Tongue?

Sa gawaing ito, lubos mong makikilala ang register, barayti, homogenous


at heterogenous bilang mga konseptong pangwika. O, handa ka na ba?

Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang


nakapag-uugnay ng mga konseptong
pangwika sa iyong sariling kaalaman,
pananaw at mga karanasan.

Layunin

1
Ito ang mga bagong salita na
dapat mong kilalanin para sa araling ito.

Suriin ang mga salita, pumili ng tatlo at gamitin ito sa isang


pangungusap lamang. Isulat ito sa sagutang papel.

Talasalitaan .
1 Konsepto – ideya, kaalaman, pananaw

2. Register – estilo sa pananalita, salita o termino na


may iba’t ibang kahulugan ayon sa larangang
pinaggamitan nito
3. Barayti – pagkakaiba-iba
4. Homogenous – isa lang ang gamit ng wika
5. Heterogenous – iba-iba ang gamit ng wika

Ano ba ang alam mo na sa ating aralin?


Subukin mo nga.

Panimulang Pagsubok

Suriin ang mga may salungguhit sa pahayag at tukuyin ang konseptong


pangwika na maiuugnay rito. Isulat sa sagutang papel ang Register, Barayti,
Homogenous o Heterogenous.
1. Maraming pasyente ang doktor dahil sa COVID19.
2. Ang paa sa Bikol-Naga ay bitis subalit ito ay tiil sa Sorsogon.
3. Kilala natin si Noli de Castro dahil sa binibitiwan niyang
pahayag na “Magandang Gabi Bayan!”
4. Kaaya-aya sa aking pandinig ang wikang Filipino.
5. Masyadong makapangyarihan ngayon ang social
media kaya dapat maging maingat tayo sa pagpo-
post ng anuman lalo na sa FB o Twitter man.

Binabati kita. Natapos mo ang unang pagsubok.


Alamin natin sa pahina 11 ang wastong sagot sa mga tanong.Saang antas ka nabibilang?
5 tamang sagot – NAPAKAHUSAY
3-4 tamang Sagot – MAGALING
1-2 tamang sagot – PAGBUBUTIHAN PA
0 tamang sagot – KAYA MO YAN

2
O, di ba kayang-kaya mong kilalanin ang mga salita at
pahayag na may konseptong pangwika .

Halika, may inihanda pa akong babasahin para sa iyo.

Mga Gawain sa Pagkatuto:

Basahin mo.
Dapat nating tandaan na ang wika ay isa sa mga natatanging bunga ng
katalinuhan ng tao. Nararapat lamang na ito’y gamitin sa matalino at masining na
paraan upang maunawaan ng iba. Ito’y atin upang gamitin sa pakikipagtalastasan.
Makatutulong ito sa ating paggawa, pakikipagkapwa at sa lahat ng gawain,
makapagdaragdag ng kaligayahan sa bawat minuto ng buhay. Naghahatid ito ng
kaisipan sa iba at kanila ring mga kaisipan sa atin. Anupat sa pamamagitan nito’y
madali tayong makakita ng kaibigan.

Ipagpatuloy mo ang
pagbasa at sagutin ang mga tanong.

Maging sa lahat ng propesyon, napakahalaga rin ang pakikipag-usap o


pakikipagtalastasan. Ginagamit ito ng mga doktor upang maipaalam sa atin ang
ating sakit at kung ano ang karampatang lunas dito. Ang pananalita ang ginagamit
ng guro kung siya ay nagpapaliwanag tungkol sa mga aralin. Ito ang ginagamit ng
ating mga magulang, mga pari at ministro kung sila’y nangangaral. Ito rin ang
ginagamit ng mga hinahangaan nating mga artista sa TV, sa radyo at sa pelikula
upang tayo’y maaliw. Ito ang ginagamit ng mga pulis kung itinuturo sa atin ang
tamang daan kung tayo’y naliligaw. Mga tindera, konduktor, tsuper, sapatero,
kaminero, mekaniko, piloto, abogado at sa lahat na ay kailangan ang
pakikipagtalastasan.

3
Tungkol saan ang iyong Tungkol ito sa kahalagahan ng wika
binasa? sa komunikasyon.

Ano ang kaugnayan ng iyong


binasa sa paksa at mga gawain sa
modyul na ito?

Ang binasa ay maiuugnay


sa konseptong pangwika
na dapat matutuhan.

Bakit dapat mong matutuhan at


maisagawa ang nakapaloob sa modyul
na ito?

Dada Dapat na matutuhan at maisagawa


ang nakapaloob sa modyul na ito
dahil kaalamang pangwika ito na
makadaragdag sa aking kaalaman.

Wow! Tama, ang iyong kasagutan, subalit may alam ka na ba tungkol sa mga
Konseptong Pangwika na Register, Barayti, Homogenous at Heterogenous? Kung
wala pa, aalamin mo iyan sa modyul na ito. Kung mayroon na, subalit hindi pa sapat,
mas mauunawaan mo iyan ngayon. O, ano pang hinihintay mo? Ipagpatuloy mo na
ang pagbabasa para sa lubos mong kaalaman sa mga konseptong pangwika.

REGISTER - Estilo ito sa pananalita.


Halimbawa: Iba ang register ng guro kapag kausap niya ang punongguro, iba rin
ang gamit niyang register kapag kausap niya ang mga kasamahang guro at
lalong naiiba ang register niya kung kaharap ang kaniyang mga mag-aaral.
- Salita o termino na may iba’t ibang kahulugan ayon sa larangang
pinaggamitan nito.
Halimbawa: 1. Ang text sa cell phone ay tumutukoy sa mensaheng ipinadala
patungo sa iba pang cell phone. Samantalang sa literatura, ang text ay
tumutukoy sa anumang nakasulat na akda gaya ng tula, sanaysay, maikling
kuwento at iba pa.
2. Sa propesyon naman, iba ang register ng wika ng guro sa abogado. Iba rin ang
sa inhinyero, computer programmer, game designer, negosyante at iba pa.

4
BARAYTI – Tumutukoy sa pagkakaiba-iba ng paggamit ng wika batay sa estilo,
punto at iba pang salik pangwika na ginagamit ng lipunan.
Iba’t Ibang Barayti ng Wika:
A. Dayalek – Barayti ng wika na nalilikha ng dimensyong heograpiko. Ito ang
wikang ginagamit sa isang partikular na rehiyon, lalawigan o pook.
Halimbawa: Naga – Mahigoson ka talaga, Andres!
Sorsogon – Maparangahon ka nagad, Andres!
Naga – Magayonon ka, Marita!
Iriga – Naggayon na ka, Marita!
Iba pang halimbawa:
Legazpi – iyo (oo) Guinubatan – amo
Naga – sogok (itlog) Albay - bonay
B. Sosyolek – Barayti ng wika na nililikha at ginagamit ng isang pangkat o
uring panlipunan. Halimbawa nito ay wika ng mga estudyante, wika ng
matatanda, wika ng mga kababaihan, wika ng mga bakla at ng iba pang
pangkat.
Halimbawa:
1. Mag-malling muna kaya tayo gurl bago mag-edit ng video presentation.
2. Wow pare, ang tindi ng tingin mo sa chick!
3. Repapips, etneb na lang ang pera ko.
C. Idyolek – Ito ay natatangi at espisipikong paraan ng pagsasalita ng isang
tao. Personal na dayalek ito ng isang tao na nagiging marka o
pagkakakilanlan niya.
Halimbawa: Paraan ng pananalita nina Noli de Castro, Kris Aquino, at
Gus Abelgas

Homogenous - Tumutukoy ito sa pagkakaroon ng iisang anyo at katangian ng


wika. May kaugnayan din ito sa paggamit ng isang partikular na wika.
Halimbawa: Makikita ito sa mahigpit ng pagtuturo ng mga gramatikal na
estruktura at patakaran ng kung ano ang istandard na Filipino o Ingles sa loob
ng mga paaralan.
Heterogenous – Tumutukoy sa pagkakaiba-iba ng uri at katangian ng wika.
Iba-iba ang wika dahil sa lokasyong heograpiko, pandarayuhan, sosyo-
ekonomiko, politikal at edukasyonal na katangian ng isang partikular na lugar
o komunidad na gumagamit ng naturang wika.
Halimbawa: Dito sa ating bansa, ang pagiging multilingual ay nagsasabi na
nag-iiba ang wika.

5
Anong mahahalagang impormasyon ang iyong nalaman?

Makatutulong kaya ang mga ito sa iyong pag-aaral?

Markahan sa ibaba ang antas ng iyong pagkaunawa:

Lubos na naunawaan
Naunawaan
Naguluhan

Simulan mo na ang iba’t ibang gawain.

Basahing mabuti ang mga pahayag sa ibaba. Isulat sa


sagutang papel ang Tama kung wasto ang
pahayag at Mali kung di-wasto ang pahayag. Pagsasanay 1
___________________________________
1. Dapat gamitin ang wika sa matalino at
masining na paraan.
2. Ang register ay tumutukoy sa pagkakaiba-iba ng paggamit ng wika.
3. Ang dayalek ay isang barayti ng wika.
4. Kailangang gumamit ng heterogenous na wika ang estudyanteng nag-aaral
sa asignaturang Filipino.
5. Homogenous ang wikang ginagamit ng mga Pilipino.

Kumusta ang unang pagsasanay? MADALI o MAHIRAP?


Tingnan ang sagot sa pahina 11.
Nakuha mo bang lahat ng wastong sagot sa pagsasanay 1?
Kung nakuha mo nang lahat, ikaw ay MAHUSAY!
Maaari mo nang gawin ang Pagsasanay 2.
Kung mababa sa 3, balikan mong muli ang hindi mo nakuha at pag-aralang
muli at pagkatapos, magpatuloy na sa pagsasanay 2.

6
Pagsasanay 2

Dahil madali mo lang nasagutan ang unang pagsasanay, heto pa ang


isa pang gawaing magpapatibay ng iyong kaalaman.

Panuto: Balikan ang binasa mong babasahin sa pahina 6-7 at i-ugnay mo rito
ang araling natutuhan. Suriin ang mga salitang ginamit kung Register o Barayti
at Homogenous o Heterogenous at ibigay rin ang iyong sariling pananaw
tungkol dito. Gawin ito sa sagutang papel na nasusunod ang pormat na nasa
ibaba.

Register, Barayti,
Mga Salita Sariling Pananaw
Homogenous, Heterogenous
1
2
3
4
5

Ang galing-galing mo! Natapos mo ang Pagsasanay 2.

Saang pagsasanay ka nahirapan? Pagsasanay 1 Pagsasanay 2

Gayunpaman binabati kita sa iyong tagumpay.

7
Balikan ang mga natutuhan sa naunang mga
gawain upang masagutan ang sumusunod na
pagsasanay.
Panuto: Suriing mabuti ang mga salita o
Pagsasanay 3
pahayag na nasa loob ng kahon at
sagutin ang tanong tungkol dito. Isulat ito sa
sagutang papel.
Beat – Nangangahulugang natalo o pagkatalo ito sa larangan ng isports.
A. Ano naman ang kahulugan nito sa iba pang larangan sa ibaba bilang
Register na salita?
1. Medisina - _________________________ 3. Sayaw at awit -_______________________
2. Pagluluto - _________________________
Kilalang-kilala natin si Manny Pacquiao dahil sa boksing at nakikilala rin
natin siya dahil sa kanyang pananalita.

4. Sa anong konseptong pangwika maiuugnay ang binasa mong pahayag?


______________________________________________________________________

Parati nating naririnig magsalita si Pangulong Rodrigo Duterte lalong-lalo


na ngayong may lingguhang ulat siya sa bayan dahil sa COVID19.

5. Homogenous ba o heterogenous ang wikang ginagamit niya? Magbigay ka ng


patunay.
_______________________________________________________________________

Bilib na talaga ako sa iyo. Nasagutan mo lahat na


pagsasanay. Iwasto mo ang iyong mga kasagutan sa pahina 11.
Anong naramdaman mo matapos malaman ang
resulta ng iyong pagsisikap?

 ☺ 

8
Ang bahaging ito ng modyul ay susukat sa mga
natutuhan mo sa loob ng aralin. Huwag kang
matakot dahil alam kong kayang-kaya mo ito.
Huling pagsubok na lamang ito na kailangan mong
sagutin.

Panapos na Pagsubok

Panuto: Suriin ang mga salita/pariralang nakapahilis at tukuyin ang


konseptong pangwika na mai-uugnay rito. Isulat sa sagutang papel
ang Register, Barayti, Homogenous o Heterogenous.
1. Bes at gurl ang tawagan ng magkaibigang Lea at Dea.
2. Nagbigay ng panibagong alituntunin ang IATF na dapat sundin ng bawat
lugar sa Pilipinas.
3. Mga salitang Bikol ang ginagamit sa pagtuturo simula baitang isa
hanggang baitang tatlo sa rehiyong Bikol.
4. Ang hayskul ay marami nang asignatura at ang mga ito ay ginagamitan
ng wikang Ingles at Filipino na hinahaluan pa minsan ng mother tongue
sa pagpapaliwanag ng guro upang mas maunawaan ng mga estudyante
ang mga aralin.
5. Ang pananalitang ginagamit ni Leo sa pakikipag-usap ay nakadepende sa
kung sino ang kanyang kausap.

Yehey!
Malapit mo nang matapos ang araling ito. Iwasto ang
iyong mga sagot sa pahina 11.
Ilang bituin kaya ang iyong matatanggap? Suriin sa ibaba.

 nagawa lahat  1 hindi nagawa


 2 hindi nagawa  3 pataas hindi nagawa

9
Ang ganda ng aralin natin.

Ang dami kong natutuhan.

Na-enjoy ko rin ang mga gawain


at pagsasanay.

Hindi rin ako nahirapan sa mga


pagsasanay. Kaya parang gusto
ko pa ng karagdagang Gawain.

Tara magtulungan tayo!

Karagdagang Gawain
Panuto:
Manood ka ng ulat sa bayan mula sa https://ptvnews.ph/ o kaya sa
http://channel11.gmanews.tv na kinapapalooban ng mga pahayag ni
Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa mga aksiyong ginagawa ng gobyerno
sa pamumuno niya upang labanan ang COVID19. Pagkatapos, isulat ang
iyong kaalaman at pananaw kaugnay nito sa pamamagitan ng isang talata
lamang na naiuugnay ang natutuhang mga konseptong pangwika. Gawin ito
sa isang buong papel.

Isaalang-alang ang Rubrik na ito sa iyong panulat:


1. Mahusay ang pagkakalahad ng mga ideya – 10 puntos
2. Gumamit ng mga konseptong pangwika na natutuhan – 10 puntos
3. Wastong gramatika at retorika – 5 puntos

Sa wakas ay narating mo ang dulo ng


aralin. Ang saya-saya ko at
napagtagumpayan mo ang mga
pagsasanay at gawain.

Ang husay mo G./Bb!

10
11
Panimulang Pagsubok Pagsasanay 1
1. Register 1. Tama
2. Barayti 2. Mali
3. Barayti 3. Tama
4. Homogenous 4. Mali
5. Heterogenous 5. Mali
Pagsasanay 2
1. Doktor -maysakit – Register
2. Propesyon -Pakikipagtalastasan – Homogenous
Paalala: Dalawa lamang ang nakalistang sagot subalit pwedeng iba-
iba ang sagot, basta dalawa lamang na konseptong pangwika ang
mahahango sa babasahin at ito ay ang Register at Homogenous.
Pagsasanay 3
1. Medisina – Tibok ng puso
2. Pagluluto – Magbati o batihin
3. Sayaw at awit – Pagkumpas ng tempo
4. Idyolek – Barayti ng Wika
5. Heterogenous – Gumagamit siya ng Filipino, Ingles at Bisaya
Panapos na Pagsubok
1. Barayti
2. Heterogenous
3. Homogenous
4. Heterogenous
5. Register
Susi sa Pagwawasto
Mga Sanggunian:
Filipino IV Batayang Aklat, Serye ng SEDP,1992 p.35

Jocson, Magdalena O. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang


Pilipino (Batayang Aklat). Quezon City: Vibal Group, Inc., 2016.

Bernales, Rolando A. et.al. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang


Pilipino. Valenzuela City: Jo-Es Publishing House, Inc., 2016.

Taylan, Dolores R. et.al. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang


Pilipino. Quezon City: Rex Book Store, Inc., 2016.

12
Para sa iba pang tanong at puna, maaaring sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon V

Regional Center Site, Rawis, Legazpi City 4500

Mobile Phone: 0917 178 1288

Email Address: region5@deped.gov.ph

You might also like