You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
Cordillera Administrative Region
SCHOOLS DIVISION OF ABRA
ABAS NATIONAL HIGH SCHOOL
Sallapadan, Abra
___________________________________________________________________________

I. Mga Layunin:
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Malalaman ang kahulugan, halaga at kung kelan gagamitin ang Pang-abay na


Pamanahon
2. Matututunan ang importansya ng kilos, gawa at karakter sa paggawa ng Alamat
3. Matututunan ang paggawa ng sariling Alamat

II. Paksang Aralin


Paksa:

ALamat ni Prinsesa Manorah ng Thailand / Pang-abay na Pamanahon


(May Pananda, Walang Pananda, Nagsasaad ng dalas)

III. Pamamaraan
Gawain Ng Guro Gawain Ng Mag-Aaral
A.PANIMULANG GAWAIN
a) Panalangin

Magsitayo ang lahat para sa panalangin

(MAGTATAWAG ANG GURO NG ISANG MAG- Ama naming nasa langit, salamat po sa araw na ito na
AARAL UPANG PANGUNAHAN ANG muli na naman ninyong ibinigay sa amin. Salamat po sa
PANALANGIN) pagkakataon na ito na muli na naman kaming matuto ng
maraming bagay, salamat po sa ibinigay ninyo sa aming
lakas ng katawan upang makapasok sa eskwelahan, nawa
po ay gabayan mo po ang bawat isa sa amin na maisaisip at
maisapuso ang bawat leksyon na aming matutunan nawa
po na lahat po ng ituturo sa amin ng aming guro ay aming
maunawaan upang magamit naming sa pagtupad n gaming
mga pangarap.

b) Pagbati

Magandag araw mga bata Magandang araw Ginoong Cedric


c) Pagsusuri ng lumiban sa klase

Bago kayo umupo pakipulot ang mga kalat na nasa (MAGPUPULOT NG KALAT ANG MGA MAG-AARAL)
ilalim ng inyong mga upuan.

Maari na kayong umupo.

Mayroon bang lumiban sa klase ngayong araw? Wala po Ginoo


d) Pagsasanay (Pang-abay na Pamaraan)

Tukuyin ang mga ginamit na Pang-abay na


Pamaraan sa pangungusap.

(MAGTATAWAG ANG GURO NG LIMANG MAG- (INAASAHANG SAGOT)


AARAL)

1. Kinamayan niya ako ng mahigpit. KINAMAYAN


2. Si Zion ay tumakbo ng mabilis pauwi sa MABILIS
kanilang bahay.
Republic of the Philippines
Department of Education
Cordillera Administrative Region
SCHOOLS DIVISION OF ABRA
ABAS NATIONAL HIGH SCHOOL
Sallapadan, Abra
___________________________________________________________________________

3. Ang ate ko ay patagilid matulog PATAGILID

4. Bakit umalis si Sarah na umiiyak? UMIIYAK

5. Mahusay ang kaniyang pagtula. MAHUSAY


Mahusay!

e) Balik-aral (Pang-abay na Pamaraan)

(IPAPAKITA NG GURO ANG NAKAHANDANG


POWERPOIN SA MGA MAG-AARALT)

Anu ang Pang-abay na pamaraan?. Ang Pang-abay na Pamaraan ay naglalarawan kung paano
naganap, nagaganap o magaganap ang kilos na ipinahayag
(MAGTATAWAG ANG GURO NG ISANG MAG- ng pandiwa o ng isang kayariang hango sa pandiwa.
AARAL)

Magbigay ng mga halimbawa.

(MAGTATAWAG ANG GURO NG LIMANG MAG- (MAGBIBIGAY NG MGA HALIMBAWA ANG MGA MAG-
AARAL) AARAL)

Mahusay!

B. PANLINANG NA GAWAIN
a) PAG-GANYAK

Ngayon tatalakayin natin ang akda na nagmula sa


bansang Thailand.

Ang Kaharian ng Thailand ay isang bansa sa


Timog-Silangang Asya, napapaligiran ito ng Laos at
Cambodia sa Silangan, and Tangway ng Thailand
at Malaysia sa Timog ng Dagat Andaman at
Myanmar sa Kanluran.

Nakilala ang bansa bilang SIAM na nading opisyal


na pangaln hanggang Mayo 11, 1949. Ang SIAM ay
nangangahulugang “kalayaan” sa salitag Thai.

Ngayon naman tignan natin ang mga larawan na ito


Opo Ginoo
at ating alamin kung matutukoy ninyo ang kahulugan
ng mga ito para sa ating talasalitaan upang higit na
maunawaan ang ating tatalakayin.
(SASAGOT ANG NAPILING MAG-AARAL)
(MAGTATAWAG ANG GURO TATLONG MAG-
AARAL UPANG SAGUTIN ANG PANGALAN NG
MGA LARAWAN AT KUNG HINDI MASAGOT
IPABASA ITO ANG KAHULUGAN NITO)

(unang larawan)

PANARASI ay ang kalakihan ng buwan


Republic of the Philippines
Department of Education
Cordillera Administrative Region
SCHOOLS DIVISION OF ABRA
ABAS NATIONAL HIGH SCHOOL
Sallapadan, Abra
___________________________________________________________________________

PANARASI ay ang kalakihan ng buwan

(pangalawang larawan)

SISNE ay tinatawag nating SWAN sa ingles

SISNE ay tinatawag nating SWAN sa ingles

(pangatlong larawan)

KINNAREE ay isang metolohikal na katauhan sa


kulturang Thai. Kalahating babae at kalahating sisne

KINNAREE ay isang metolohikal na katauhan sa


kulturang Thai. Kalahating babae at kalahating
sisne

Mahusay!

Ngayon, tiyak kong handing-handa na kayo para sa


ating alamat.

Tunghayan natin ang ALAMAT NI PRINSESA


MANORAH mula sa bansang Thailand.

(IPAPALABAS NG GURO ANG VIDEO NG


ALAMAT NI PRINSESA MANORAH GAMIT ANG
POWERPOINT)

Naunawaan ba ninyo an gating pinanoud na video?

b) PAGTATALAKAY

Upang lubos nating maunawaan ay sagutin natin ang Opo Ginoo


mga sumusunod na tanong:

1. TUNGKOL SAAN ANG ALAMAT NG


NAPANOOD NINYO? (INAASAHAN NA SAGOT)

(MAGTATAWAG ANG GURO NG ISANG MAG- Ang napanoud po natin ay tugkol sa buhay at
AARAL UPANG SUMAGOT) pinagdaanan ni Prinsesa Manorah at kung paano sila
nagka-ibigan ni Prinsepe Suton.

2. PAANO SINIMULAN NG MAY AKDA ANG


ALAMAT?
(INAASAHAN NA SAGOT)
(MAGTATAWAG ANG GURO NG ISANG MAG-
AARAL UPANG SUMAGOT) Sinimulan ng may akda ang pagpapakilala sa
pangunahing tauhan kasama ng mga pantulong na
tauhan at paglalarawan ng tagpuan. Nilarawan din niya
Republic of the Philippines
Department of Education
Cordillera Administrative Region
SCHOOLS DIVISION OF ABRA
ABAS NATIONAL HIGH SCHOOL
Sallapadan, Abra
___________________________________________________________________________

3. BAKIT GUSTONG HULIHIN NI PRAHNBUN kung anu ang ginagawa ng Kinneree sa araw-araw
SI PRINSESA MANORAH?
(INAASAHAN NA SAGOT)
(MAGTATAWAG ANG GURO NG ISANG MAG-
AARAL UPANG SUMAGOT) Upang mapaibig ang prinsepe at upang mabayaran siya
ng malaking halaga

4. Ano ang nagging reaksyon ni Prinsepe Suton


nang makita si Prinsesa Manorah?
(INAASAHAN NA SAGOT)
Mahusay!
Naakit sa kagandahang taglay ni Prinsesa Manorah si
Ngayon naman ating alamin kung anong uri ng Prinsepe Suton.
akdang pampanitikan ang ating tinalakay.

Anu nga ba ang ALAMAT?.

Ang alamat ay isang uri ng pampanitikan na


naglalaman ng tungkol sa pinagmulan ng mga bagay,
lugar, pangyayari, o katawagan sa daigdig.

Tumatalakay ito sa mga katutubong kultura,


kaugalian at kapaligiran.

Ito ay dalasang kathang isip na nagpasalin-salin


buhat sa ating mga ninuno.

Katulad ng ibang akdang pampanitikan ang alamat ay


kapupulutan din ng aral sa sumasalamin sa kultura ng
isang baying pinagmulan.

Naintindihan niyo na ang ibigsabihin ng ALAMAT?

Mahusay!

Ngayon naman upang lubos nating maunawaan ang Opo Ginoo


ating tinalakay na alamat alamin natin ang kahulugan
ng mga KILOS, GAWI at KARAKTER ng isang
tauhan sa kwento.

(MAGTATAWAG ANG GURO NG ISANG MAG-


AARAL UPANG BASAHIN ANG KAHULUGAN NG
NASA LARAWAN)

(BABASAHIN NG MAG-AARAL ANG KAHULUGAN


NITO SA POWERPOINT)

KILOS
Ito ay kasingkahulugan ng gawa o paggawa, aktwal
na kasanayan o pagsasabuhay. Ang mga adhikain,
iniisip at pagkatao ng isa ay nakikita batay sa
ikinikilos o isinasagawa niya. Nagiging resulta ang
kilos batay sa iniisip ng isang tao.

(MAGTATAWAG ANG GURO NG ISANG MAG-


AARAL UPANG BASAHIN ANG KAHULUGAN NG
NASA LARAWAN)
Republic of the Philippines
Department of Education
Cordillera Administrative Region
SCHOOLS DIVISION OF ABRA
ABAS NATIONAL HIGH SCHOOL
Sallapadan, Abra
___________________________________________________________________________

(BABASAHIN NG MAG-AARAL ANG KAHULUGAN


NITO SA POWERPOINT)

GAWI
Tumutukoy sa mga pang araw-araw na nakasanayan
ng isang tao o grupo ng tao. Nakaksam ito sakultura at
tradisyon kapag iisinasagawa ng mga tao sa matagal
na panahon at naipapasa susunod na henerasyon.

(MAGTATAWAG ANG GURO NG ISANG MAG-


AARAL UPANG BASAHIN ANG KAHULUGAN NG
NASA LARAWAN)
KARAKTER O PAG-UUGALI
ay paraan kung paano siya nag-iisip, kumikilos at
nagpapasya batay sa papel na ginagampanan o
binibigyang buhay

Mahusay! (BABASAHIN NG MAG-AARAL ANG KAHULUGAN


NITO SA POWERPOINT)
Tandaan natin na sa isang kwento o alamat,
maituturing na mahalagang sangkap ang kilos, gawi at
karakter ng isang tuhang gumaganap upang lubos na
maunawaan ng mambabasa ang pagkamakatotohanan
at di pag pagkamatotohanan ng mga pangyayaring
inilahad. Nakasalalay rin dito kung paano tatanggapin
ng mga mambabasa ang mensahe at mga aral na
ipinahahatid nito.

c) PAGLALAHAD

Ngayon naman ay dadako na tayo sa WIKA at


GRAMATIKA. Ang Pang-abay na Pamanahon

Basahin ang kahulugan ng Pang-Abay na Pamanahon.

(MAGTATAWAG NG ISANG MAG-AARAL ANG


GURO)

Ang PANG-ABAY na PAMANAHON ay nagsasaad


kung kalian naganap, ginaganap o gaganapin ang
pangyayari o kilos na taglay ng pandiwa sa loob ng
pangungusap.

Alamin natin ang tatlong Uri ng Pang-abay na


Pamanahon

Una ang WALANG PANANDA

Ipinakikita mismo kung kalian naganap o magaganap


ang kilos ng pandiwa.

Ito ang mga halimbawa ng WALANG PANADA


(BABASAHIN NG MAG-AARAL ANG KAHULUGAN
(MAGTATAWAG NG ISANG MAG-AARAL ANG NITO SA POWERPOINT)
GURO)

KAHAPON, KANINA, NGAYON, MAMAYA AT


BUKAS
Republic of the Philippines
Department of Education
Cordillera Administrative Region
SCHOOLS DIVISION OF ABRA
ABAS NATIONAL HIGH SCHOOL
Sallapadan, Abra
___________________________________________________________________________

Mapapansin natin sa mga halimbawa na ito ay


nagsasaad kung kalian nagangap ang kilos.

Halimbawa na pangungusap.

“BUKAS MAKIKIPAGKITA SI PRAHNBUN SA


ERMITANYO UPANG HUMINGI NG TULONG”

Ang ating pang-abay na pamanahon ay ang salitang


BUKAS

“INABUTAN KAHAPON NG MANGINGISDA


ANG TAGABANTAY NG TINDAHAN”
(BABASAHIN NG MAG-AARAL ANG KAHULUGAN
Ang ating pang-abay na pamanahon ay ang salitang NITO SA POWERPOINT)
KAHAPON

Ang pangalawa naman ay ang MAY PANANDA

Ito naman ay nakikita bago ang pang-abay na


pamanahon. Alalahanin ang mga pananda na ito:

NANG, SA, NOON, KUNG, KAPAG, TUWING


BUHAT, MULA, UMPISA, HANGGANG

Pansinin ang mga pangungusap na ibibigay makikita


ito bagi ang pang-abay na pamanahon na walang
pananda.

“KUNG BUKAS KA PUPUNTA ROON, BAKA


NAKAALIS NA SILA”

KUNG ang MAY ANANDA at BUKAS naman ang


WALANG PANADA

“PAGOD NA BUMABALIK SA TANGHALI ANG


MAG KINNAREE MATAPOS
MAKAPAGTAMPISAW SA LAWA”

SA ang MAY ANANDA at TANGHALI naman ang


WALANG PANADA

At ang huli ay ang NAGSASAAD NG DALAS

Ito naman ay karaniwang inuulit na salitang


nagpapakita ng panahon. Katulad ng ARAW-ARAW,
TAON-TAON, BUWAN-BUWAN at TUWING

Halimbawa:
“ANG MGA KINNAREE AY ARAW-ARAW
NAGPUPUNTA SA LAWA”

“TUWING UMAGA, MASAYANG NAG-


AALMUSAL ANG PAMILYA”
Ito ay nagsasaad ng dalas

C.PANGWAKAS NA GAWAIN
Ngayon naman para malaman kung natutunan ninyo
ang ating tinalakay na Pang-abay na Pamanahon ay
sagutin ang mga sumusunod na pangungusap.

 Piliin ang pang-abay na pamanahon sa loob ng


pangungusap at tukuyin kung ito ba MAY
PANANDA, WALANG PANANDA,
NAGSASAAD NG DALAS
Republic of the Philippines
Department of Education
Cordillera Administrative Region
SCHOOLS DIVISION OF ABRA
ABAS NATIONAL HIGH SCHOOL
Sallapadan, Abra
___________________________________________________________________________

1. Mula noon ay namuhay nang masaya at


matiwasay sina Prinsipe Suton at Prinsesa
Manorah.

2. Lumuluwas araw-araw sa kabayanan ang


mangingisda upang kaniyang ipagbili ang nahuli
nito.

3. Mamaya darating ang Tiyuhin ni Aling Gemma.

4. Tuwing martes lang siya pumupunta sa bayan


upang mamalengke.

5. Taon-taon nila pinagdiriwang ang kapistahan ni


Sr. Nazareno.

Mahusay!

Ngayon anong mensahe o aral ang nakuha mo mula sa


alamat?
 NOON - May Pananda
(MAGTATAWAG ANG GURO NG ISANG MAG-
AARAL)

Mahusay! At may napulot kayong aral mula sa alamat.  ARAW-ARAW - Nagsasaad ng Dalas

Saaking natutunan na aral naman: Na ang isang taong


umiibig ay marunong magpatawad dahil yun ang
maaaring ginawa ni Prinsesa Manorah na kahit na siya  MAMAYA – Walang Pananda
ay inilayo sa pamilya niya sa huli ay inibig pa rin siya
si Prinsipe Suton. Pero lagi nating tatandaan na kung
tayo ay may gusto o iniibig masmainam na yung tama  TUWING – Nagsasaad ng Dalas
yung gagawin naten para makuha ito.

D.TAKDANG ARALIN  TAON-TAON – Nagsasaad ng Dalas

Ito ang inyong takdang aralin:

Gumuhit ng isang bagay, hayop, lugar, bulaklak o


puno. Mula rito ay susulat ka ng sarili mong alamat.

Narito ang pamantayan para sa pagmamarka:


(SASAGOT ANG MAG-AARAL KUNG ANU ANG
Maayos na pagkakaguhit sa napili – 5 puntos NAKUHA NIYANG ARAL MULA SA ALAMAT)
Kalinawan sa pagsasalaysay ng paksa – 5 puntos
Paraan ng pagsasalaysay ng paksa – 5 puntos
Kabuuan ng alamat – 5 puntos

Kabuuang puntos – 20

You might also like